Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Ap yunit iii aralin 1

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige

Hier ansehen

1 von 48 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Ap yunit iii aralin 1 (20)

Anzeige

Weitere von EDITHA HONRADEZ (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Ap yunit iii aralin 1

  1. 1. Pagkatapos ng araling ito, dapat na natatalakay mo na ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan.
  2. 2. Ano ang pamahalaan? Ano ang kahalagahan nito sa mga tao?
  3. 3. Pambansang Pamahalaan Kahulugan ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay mula sa salitang pamae na may kahulugang "pananagutan o responsibilidad" at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot.
  4. 4. Nagmula rin ito sa salitang Latin na gubernaculums na ang literal na kahulugan ay "timon." Sa pangkalahatan, ito ay nangangahulugang "kapangyarihang mamahala”.
  5. 5. Paghahambing: Ang timon ay may kapangyarihang gumabay sa bangka o barko tungo sa tamang direksiyon. Ang gobyerno o pamahalaan ay may kapangyarihang mamahala sa estado o bansa patungo sa direksiyong naisin.
  6. 6. Kahulugan ng Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas Ang pambansang pamahalaan ay ang sariling pamahalaan ng isang malayang bansa o estado. Ito ay sentralisado o iisa ang pinanggagalingan ng kapangyarihang politikal.
  7. 7. Ito ay may tatlong sangay–ehekutibo, lehislatibo, at hudisyalna may pantay-pantay na kapangyarihan subalit malaya o hindi naka- depende sa bawat isa.
  8. 8. Kahalagahan ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay: 1.nananagot o may responsibilidad sa bansa o estado, 2.namamahala sa estado, 3.nagbubuklod sa mga tao, 4.nagpapatupad ng mga batas,
  9. 9. Kahalagahan ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay: 5.pagpapatibay ng mga batas, 6.humahatol nang makatuwiran sa mga kaso o usapin, 7.nagtataguyod ng kabutihan, 8.nangangalaga at nagpapaunlad ng kamanahan, at 9.naglilingkod at nangangalaga sa bansa.
  10. 10. Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kakayahan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.
  11. 11. Isulat ang tamang sagot: 1. Anong salita ang nagmula sa salitang pamae at may kahulugang "pananagutan" o "responsibilidad"? 2. Sino ang kasalukuyang namumuno sa bansang Pilipinas? 3. Ano ang may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo?
  12. 12. 4.Ano ang pagkakatulad ng mga salitang timon at pamahalaan? Ano ang pagka- katulad ng mga salitang timon at pamahalaan? a.Karapatan b.malaki c.Direksiyon d.lakas
  13. 13. 5.Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa? a. dahil ito ang pinakamahalagang elemento ng estado b.dahil ito lamang ang kumikilos upang maging maayos ang lipunan c.dahil ito ang nagpapatupad ng mga programa para sa mamamayan d.dahil ito ang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan
  14. 14. 6.Paano nagkakaroon ng silbi o halaga ang pamahalaan sa mga mamamayan? a.kung nangangalaga ito sa mga likas na yaman b.kung inihahalal ng mga tao ang mga lider c.kung ito ay naglilingkod at nangangalaga sa bansa d.kung ito ay nakipag-uugnayan sa ibang bansa
  15. 15. 7.Bakit mahalaga na sentralisado ang pambansang pamahalaan? a.may tungkulin b.may karapatan c.may pagkakaisa d.may kakayahan
  16. 16. 8.Paano nasasabing demokratiko ang isang bansa? a.kung ang mga mamamayan ay malayang pumili ng lider b.kung ito ay nasa impluwensiya ng mga Amerikano c.kung ang pamumuhay rito ay masagana at maayos d.kung malaya itong nakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa.
  17. 17. 9.Bakit dapat ay malaya o hindi depende sa isa't isa ang tatlong sangay ng pamahalaan? a.upang walang pakialaman b.upang walang lamangan c.upang may kapangyarihan d.upang may pagkakaisa
  18. 18. 10.Bakit dapat ay malaya o hindi Paano nasasabing demokratiko ang isang bansa? a.kung ang pamumuhay rito ay masagana at maayos b.kung ang mga mamamayan ay malayang pumili ng lider c.kung ito ay nasa impluwensiya ng mga Amerikano d.kung malaya itong nakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa.
  19. 19. Ano ang ipinapakita sa larawan? Ano kaya ang sinisimbolo ng nito?
  20. 20. Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
  21. 21. Isang uri o sistemang presidensiyal at demokratiko Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na siyang puno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
  22. 22. Tagapagbatas o Lehislatibo Tagapagpaganap o Ehukatibo Tagapaghukom o Hudikatura Pamahalaan
  23. 23. May kani-kaniyang kapangyarihan ang bawat sangay na nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Tagapagbatas/ Lehislatibo Ang kapangyarihan ay nasa KONGRESO Mataas na Kapulungan o Senado Mababang Kapulungan Tagapagpaganap / Ehukatibo Pangulo Tagapaghukom/ Hudikatura Kataas- taasang Hukuman Mababang Hukuman
  24. 24. Ang Sangay na Tagapagbatas o ang Kongreso ang gumagawa ng mga batas ng bansa. Sila rin ang nagsasagawa ng mga imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa kanilang mga gagawing batas.
  25. 25. Ito rin ang nagsasaysay na ang bansa ay nasa estado ng pakikipagdigmaan. Ang pambansang badyet ay dumadaan din sa pagsusuri ng sangay na tagapagbatas.
  26. 26. Tagapagbatas/Lehislatibo Ang kapangyarihan ay nasa KONGRESO Mataas na Kapulungan o Senado Mababang Kapulungan
  27. 27. Senado Kapulungan ng Kinatawan Sangay ng Tagapagbatas
  28. 28. Sangay ng Tagapagbatas Ang mga kapulungan ng sangay na tagapagbatas ay may mga espesyal kapangyarihan. Halimbawa, na ang pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang kapangyarihan ng Senado at ang pagsasampa naman ng kasong impeachment o pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay kapangyarihan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
  29. 29. Sangay ng Tagapagbatas
  30. 30. Sangay ng Tagapagpaganap Ang Sangay na Tagapagpaganap ang tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito. Kaagapay niya sa pagpapatupad ng mga batas ang Gabinete na binubuo ng mga Kalihim ng iba’t ibang ahensiya.
  31. 31. Tagapagpaganap/ Ehukatibo Pangulo Gabinete
  32. 32. Batay sa Konstitusyon, ang Pangulo, ang may kapangyarihang humirang ng mga puno ng mga kagawaran, embahador, konsul, may ranggong kolonel sa sandatahang lakas, at iba pang mga opisyal ayon sa isinasaad sa Konstitusyon.
  33. 33. Bilang punong komander ng sandatahang lakas ng bansa, maaaring iatas ng Pangulo ang pagsupil sa anumang karahasan, pananalakay, o paghihimagsik; at isailalim ang bansa sa batas militar.
  34. 34. Taglay rin ng Pangulo ang veto power o ang kapang- yarihang tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumipili ng punong mahistrado ng Korte Suprema, gayundin sa mabababang hukuman, mula sa talaan ng Judicial Bar Council.
  35. 35. Ang Sangay na Tagapaghukom ang sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng batas. Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at mabababang hukuman. Sa Korte Suprema dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mabababang hukuman, maging ang dalawang sangay ng pamahalaan kung may tanong tungkol sa legalidad ng batas. Kataas-taasang Hukuman Mababang Hukuman Tagapaghukom/ Hudikatura
  36. 36. Mahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang pamahalaan dahil ito ang nangunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa. Ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito. Bumubuo ang pamahalaan ng mga programa sa iba-ibang larangan na karaniwang nababatay sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
  37. 37. Ang pambansang pamahalaan din ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa. Kung kaya, ang pamahalaan din ang nangangasiwa sa pambansang badyet. Tinitiyak din ng pambansang pamahalaan na ang karapatan ng mga mamamayan ay napangangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangka- lusugan, pangkultura, pansibil, at pampolitika. Kahit nasa labas ng bansa ang isang mamamayang Pilipino, may mga kaparaanan ang pamahalaan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala
  38. 38. Kahalagahan ng pamahalaan Tingnan ang dayagram. Isulat sa loob ng maliliit na bilog ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan. Gawain A Gawin Mo
  39. 39. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1.Ano ang mga sangay ng pamahalaan? 2.Ano ang mga kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan? Gawain C
  40. 40. Gawain C Tingnan ang tsart. Itala sa labas ng kahon ang kapangyarihang taglay ng bawat sangay. Kasunod nito, isulat kung sino ang kasalukuyang pinuno ng bawat sangay ng pamahalaan. Pamahalaan Tagapagbatas Tagapagpaganap Tagapaghukom
  41. 41. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang pamahalaan, ay isang uri o sistemang presidensiyal at demokratiko. Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang Pangulo na siyang puno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
  42. 42. Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa para sa nasasakupan. Ang pambansang pamahalaan ay binubuo ng sangay na tagapagpaganap, sangay na tagapagbatas, at sangay na tagapaghukom. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay ang tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom.
  43. 43. Ang sangay na tagapagpaganap ang nagpapatupad ng mga batas. Ang sangay na tagapagbatas ay ang kongreso ng ating bansa na siyang gumagawa ng mga batas. Ito ay may dalawang kapulungan: ang Senado na mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng mababang kapulungan. Ang sangay na tagapaghukom ang nagbibigay- kahulugan sa mga batas ng bansa.
  44. 44. Sagutin ng tama o mali. Kung mali, isulat ang salita o mga salitang nagpamali rito at itama ito. Isulat ang mga sagot sa notbuk. 1.Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa. 2.May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Natutuhan Ko
  45. 45. 3.Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado. 4.Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na tagapagpaganap. 5.Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan 6.Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga mambabatas.
  46. 46. 7.Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas. 8.Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan. 9.Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito maging yaong mga nasa ibang bansa man. 10.Ang Sangay ng Tagapagpaganap ay may pinakamataas na kapangyarihan sa ating bansa.

×