Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
VAWC November 8, 2019
VAWC November 8, 2019
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 18 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Anzeige

vawc.pptx

  1. 1. "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004" RA 9262
  2. 2. Ano ang VAWC ayon sa batas? Ang Anti-Violence Against Women and Their Children ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso noong Pebrero, 2004. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend. Sa maraming pagkakataon, nadadamay din ang mga anak ng babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang tinutugunan ng batas.
  3. 3. Ano ang VAWC ayon sa batas? Ito ay tumutukoy sa mga “kilos o serye ng mga pagkilos nanagagawa ng KAHIT SINONG TAO laban sa BABAE o laban sa KANYANG ANAK na nagreresulta sa PISIKAL, SEKSWAL, SIKOLOHIKAL na pananakit o pagdurusa, or EKONOMIKONG pang-aabuso kabilang ang pananakot, pambubugbog, pag-atake, pagpilit o hindi makatwirang pagkait ng kalayaan.
  4. 4. ASAWA AMA NG KANILANG ANAK KASINTAHAN KINAKASAMA KAHIT SINO (Lalaki or Babae) Mga Maaring Magkasala O DATING ASAWA O DATING KINAKASAMA KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN O DATING KASINTAHAN
  5. 5. Sino ang Maaring Maging Biktima? Sa ilalim ng batas, babae lamang at ang kanyang mga anak, (babae man o lalaki) ang maaring maging biktima ng VAWC. Kinikilala ng Anti-VAWC Act ang hindi pantay na sitwasyon ng babae at lalaki sa usaping pang-aabuso sa loob ng isang relasyon, kung saan ang babae ay higit na dehado. Sa kabilang banda, maaaring lalaki o babae na dati o kasalukuyang karelasyon ng babaeng biktima ang mga maaaring sampahan ng kaso sa ilalim ng batas na ito.
  6. 6. KABABAIHAN ANAK Mga Maaring Biktima LEGIMIMATE O HINDI ASAWA INA NG KANILANG ANAK KASINTAHAN KINAKASAMA O DATING ASAWA O DATING KINAKASAMA KARELASYONG SEKSWAL O KATIPAN O DATING KASINTAHAN
  7. 7. Ang VAWC bilang Krimen Ang VAWC ay isang pampublikong krimen kung kaya’t bukod sa babaeng nakakaranas ng pang-aabuso, ang kasong VAWC ay maaari ding isampa ng kanyang kapamilya, barangay, social worker o concerned citizens. Dahil din sa ang VAWC ay pampublikong krimen, hindi dapat ito nireresolba sa pag-aareglo o pamimilit na makipagkasundo na lamang ang babae sa kanyang mapang-abusong karelasyon.
  8. 8. Mga Aktong VAWC • Pisikal: panggugulpi, paninipa, panunutok ng baril o kahit anumang bagay na nakakasakit • Sekswal: panggagahasa, pamimilit na manood ng x rated na pelikula, pambubugaw ng asawa o anak • Sikolohikal: pamamahiya, paninira ng gamit, pagkakait sa mga anak • Ekonomik o pinansiyal: hindi pagbibigay ng sUstento, pagbabawal sa pagtatrabaho ng babae , pagkuha o pakontrol sa kita ng babae, paninira ng gamit sa bahay
  9. 9. Parusa sa VAWC Ang mga aktong VAWC ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng maysala (depende sa bigat ng krimeng ginawa ang tagal), at pagbabayad ng danyos ng hindi bababa ng PhP100,000 ngunit hindi tataas ng PhP300,000. Kailangan ding sumailalim sa psychological counseling o psychiatric treatment ang maysala.
  10. 10. Protection Order Sa ilalim ng Anti-VAWC Act, maaaring bigyan ng protection order ang babae bilang pansamantala o permanenteng proteksyon laban sa maaring patuloy na pang-aabuso ng kanyang karelasyon. Kabilang sa saklaw ng protection order ay ang sumusunod:
  11. 11. Protection Order • Pagbabawal sa respondent (karelasyong nang_x0002_aabuso) na gumawa ng kahit anong aktong VAWC sa babae • Pagbabawal sa respondent na gambalain uli ang babae (hal: panghaharass sa telepono) • Pagpapaalis sa respondent sa bahay nila ng babae • Pagbabawal lumapit sa babae at sa mga tinukoy nitong kapamilya o kamag-anak sa kanilang bahay, opisina, eskwelahan at iba pang lugar na madalas puntahan ng mga ito
  12. 12. Protection Order • Pagkukumpiska ng korte sa baril at iba pang deadly weapon ng respondent • Pagbabayad ng respondent sa pinsalang ginawa nito (hal: gastos sa ospital) • Pagbibigay suporta ng respondent sa babae at kanilang anak • Pagbibigay ng temporary o permanenteng custody sa babae ng kanyang mga anak
  13. 13. Protection Order Mayroon ding tatlong klase ng protection order sa ilalim ng Anti- VAWC Act: • Barangay protection order (BPO) : binibigay ng barangay, may bisa ng 15 araw • Temporary protection order (TPO) : binibigay ng korte, may bisa ng 30 araw • Permanent protection order (PPO) : binibigay ng korte, may bisa hangga’t hindi nagpe_x0002_petisyon ang babae sa korte na ipawalang bisa ito
  14. 14. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. Lalong pinagtibay ng bagong batas ang mahalagang papel na ginagampanan ng barangay sa pagtugon sa mga kasong VAWC. Bukod sa pagbibigay ng BPO, ang sumusunod ay tungkulin ng mga opisyal ng barangay: • Rumesponde agad sa mga reklamo ng VAWC • Magkumpiska ng baril at iba pang deadly weapon ng nang- aabuso
  15. 15. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. • Samahan ang babae sa ospital o sa isang ligtas na lugar • Tulungan ang babae mabawi ang kanyang personal na ari-arian sa bahay • Siguraduhin ang pagpapatupad ng protection order • Arestuhin ang nang-aabuso kahit walang warrant kung (1) nahuli nila ito sa akto ng pang-aabuso, (2) sila ay may personal na kaalaman na may naganap na aktong VAWC, o (3) mayroong panganib sa buhay ng babae
  16. 16. Barangay bilang Kaagapay laban sa VAWC. • I-report ang insidente sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa mga accredited NGO’s Ang hindi pagre-report ay may karampatang multa na PhP10,000, at maaari din silang masampahan ng kasong kriminal, sibil o administratibo.
  17. 17. Proteksyon laban sa Demanda Ang barangay, pulis, concerned citizen na rumesponde sa kasong VAWC ay hindi maaaring idemanda para sa kanilang ginawang aksyon, kahit ito pa man ay naging marahas. Ngunit dapat patunayan din na ang pwersa na kanilang ginamit ay hindi sumobra sa kung ano ang kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan ng biktima.
  18. 18. THANK YOU & GOD BLESS

×