SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
Mga Paniniwala at Kultura
ng Ilocos Norte
BY : CRYSTEL MAY C. JUBAY
Layunin :
Ang pagtatalakay ay naglalayong suriin ang kagandahan ng
kanilang mga Paniniwala at Kultura at naghahangad na
makamit ang mga sumusunod na layunin:
 1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang Kultura at
Paniniwala na hindi naisagawa ngayon.
 2. Makita ang totoong ganda ng kanilang kultura
 3. Makilala ang kanilang mga Paniniwala at Kultura
Suliranin :
 Ang pananaliksik ay nag-nanais na maisalba ang mga sumusunod na
suliranin tungkol sa Paniniwala at Kultura ng mga taga Ilocos Norte.
 1. Ang ibang dayuhan ay binabaliwala ang mga paniniwala ng mga taga
Ilocos Norte.
 2. Hindi na masyadong napahalagahan o naipakita ng maayos ang
Kultura ng Ilocos Norte.
 3. Iwinaksi ng ibang Ilokano ang kanilang mga Kultura at Paniniwala.
Pagbubuo ng Balangkas
 Ang Ilocos Norte(Filipino:Hilagang Ilocos, Ilokano:Amianan nga Ilocos) ay
isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa
Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang
lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzon sa kanluran at sa Kipot ng
Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanulurang bahagi ng pulo
ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng
Cagayan at Apayao at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos
Sur. Kilala ag lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulo
Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigang
panturismo sa hilaga kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang
magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.
 Ayon sa pananaliksik, sa mga Ilokano mayroon silang mga paniniwala at
kultura na umiiral at sinusunod sa kanilang lugar. Bukod sa ugali ng mga
Ilokano na masipag, masinop at mabait. Isa sa mga paniniwala ng mga
Ilokano tungkol sa kasal ay dapat nagbibigay ng dote ang lalaki sa
magulang ng babae. Ito ang kanilang magiging puhunan o pa umpisa sa
buhay mag-asawa. Ang babae ay may talukbong na puting tela sakay ng
“kanga o paragos” na hila ng kalabaw. Ang paniniwala din ng mga Ilokano
tungkol sa patay ay ang kamag-anak ng namatayan ay nagtatahi ng puting
tela sa noo. Ito ay pagbibigay galang sa namatay at upang mapunta ang
kaluluwa nito sa langit. Ang patay ay nililibing sa ilalim ng kusina, sa lugar
kung saan napagtapunan ng tubig. Sa mga buntis naman ang kanilang
paniniwala ay pagdadala ng asin sa labas upang maitaboy ang
masasamang espiritu. Sa hilot o midwife ang karaniwang tumutulong sa
panganganak ng babae. Karamihan ng mga Ilokano ay Romano Katoliko at
gaya ng mga regular na Pilipino, ay naniniwala sa mga Santo. Inihalo ang
paniniwala ng kristiyanismo at mga “supernatural” kababalaghang mga
espiritu’t tradisyon, sinunod din ng mga Pilipino.
 Mayroon din silang mga kulturang sinusunod tulad ng mga piyesta na
ipinagdiriwang sa lahat ng mga bayan at barangay. Isa sa mga piyesta ng
mga Ilokano ay ang Pamulinawen Festival sa Laoag City, na idinaraos kada
taon tuwing pebrero. Ito ay kapistahan ni Saint William the Hermit. Ang
highlight ng Pamulinawen Festival ay isang parade at isang kompetisyon
sa kayle-sayaw. Mayroon din silang isa pang kultura na sinunod ito ay ang
Ani Festival ipinagdiriwang ito upang magbayad ng tributo sa Dingras
bilang rice granary ng lalawigan ng Ilocos Norte. Ang ibig sabihin ng
“Mannalon” ay magssasaka sa Ilocos Norte. Ipinagdiriwang din ang
Mannalon Festival upang magbayad ng tributo sa mga magsasaka ng
Marcos,Ilocos Norte.
 Ang "Tan-ok ni Ilocano: The festival of festivals" ay ang pinakamalaking pagtitipon
sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan bawat lungsod at lalawigan nito ay
magtatanghal ng isang sayaw na maglalarawan ng kanilang kultura at
industriya. Karaniwang ipapalabas dito ay ang interpretasyon ng kani-kanilang
pistang ipinagdiriwang taun-taon bilang larawan ng kanilang sariling
pagkakakilanlan tulad ng kanilang kultura, kabuhayan, produkto, relihiyon, at
kasaysayan. Gaganapin sa ika-17 ng Nobyembre sa Ferdinand E. Marcos Stadium,
ang Tan-ok ay nagsimulang ipagdiwang noong nakaraang taon at ayon sa
probinsya, ay magiging taunang pagdiriwang na ito tulad ng mga naglalakihang
pagdiriwang ng pista sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Tinawag itong "Festival of all
festivals" dahil sa mga pinagsama-samang kapistahan bilang pagpapamalas kultura
at industriyang Ilocano na maipagmamalaki sa buong mundo. Maliban sa
pagpapalabas ng mga sayaw, makikita din dito ang magagarbong kasuotan na
maglalarawan din ng kanilang pagmalikhain at kagalingan sa sining na sila mismo
ang nagdisenyo. Ilan sa mga pistang ipinagdiriwang sa Ilocos Norte na siyang
basehan ng itatanghal nilang mga sayaw ay ang kilalang Empanada Festival ng
lalawigan ng Batac, Panag-buos sa bayan ng Banna, Tadek festival ng Nueva Era,
Guling-Guling ng Paoay, Dinaklisan ng Currimao, Amian Festial ng Bangui,
Pamulinawen festival ng Lungsod ng Laoag.
 Ang mga kinatawan ng bayan/lungsod na lalahok sa pagdiriwang ay
umaabot sa 200 na miyembro kabilang na ang mga props men at support
staff ng grupo. Sila ang magmimistulang tauhan sa pagsasadula ng
kanilang kultura at industriya. Ang Tan-ok ay isang paraan ng
pamahalaang-probinsyal sa paghahatid ng mga programang
napapanahon at hindi-kumbensyunal. Maliban sa pagpapamalas ng
kulturang Ilocano, isa din itong paraan ng pagbibigay dahilan sa mga
turista upang bumisita sa lalawigan.
Magkakaroon din ng "Trade Fair" sa mismong araw ng pagdiriwang
tampok ang kilalang empada na sariling produkto ng Ilocano at iba pang
GI (genuine Ilocano products) at magtatanghal din ang international
acclaimed "Samiweng Group of Singers" na mula sa isang pampublikong
paaralan sa Ilocos Norte.
 Marami ang ipinagdiriwang kada taon ng mga Ilokano upang pahalagahan
nila ang kanilang mga kultura at paniniwala upang hindi nila ito
malilimutan.
 Layon ng pag-aaral na ito ay upang malaman pa ng ibang Pilipino ang
mga paniniwala ng mga Ilokano at para may mga kaalaman tayo. Hindi
tayo magiging ignorante sa kanilang mga paniniwala. Layon din ng pag-
aaral nito ay para maipakita ulit ang kanilang paniniwala at kultura na
iwinaksi na ng ibang Ilokano dahil na impluwensiyahan na sila ng ibang
kultura at paniniwala na mas pinaniwalaan nila kaysa sa sarili nilang kultura
at paniniwala.
 Layon din ng pag-aaral na ito ay para maipakita ang tootong ganda at ang
kahalagahan nito. May iba’t-iba tayong mga paniniwala at kultura sa buhay
na ating sinunod na sa atin na iyan kung iwawaksi natin pero mas
maganda na tangkilikin natin ang sariling atin. Layon ng pag-aaral na ito
ay para ipakita sa ibang tao na kung gaano ang kaganda ang ang sariling
atin at para hindi na ito baliwalain pang muli lalo na sa mga dayuhan.

More Related Content

What's hot

Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaRL Miranda
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianHannah Dionela
 
panahon ng katutubo
panahon ng katutubopanahon ng katutubo
panahon ng katutuboSCPS
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaReymeloLeonor
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Alexis Trinidad
 
Verbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyonVerbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyonKatherine Bautista
 
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)Angel Dixcee Aguilan
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaRichelle Serano
 

What's hot (20)

Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Wika(teorya)
Wika(teorya)Wika(teorya)
Wika(teorya)
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZONRehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZON
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
 
wikang pambansa
wikang pambansawikang pambansa
wikang pambansa
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
 
panahon ng katutubo
panahon ng katutubopanahon ng katutubo
panahon ng katutubo
 
Rehiyon I
Rehiyon IRehiyon I
Rehiyon I
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Verbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyonVerbal at di verbal na komunikasyon
Verbal at di verbal na komunikasyon
 
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 

Similar to Mga paniniwala at kultura

Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxWika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxSalimahAAmpuan
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...dianarasemana1
 
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxFIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxSalimahAAmpuan
 
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptx
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptxLIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptx
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptxJohnrexMeruar
 
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptxAralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptxCrisAnnChattoII
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasLorelynSantonia
 
Aralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAlemar Neri
 
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptx
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptxMahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptx
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptxRitchenCabaleMadura
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Desiree Mangundayao
 
Mga umuunlad na Bansa
Mga umuunlad na BansaMga umuunlad na Bansa
Mga umuunlad na BansaErwin Maneje
 
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docx
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docxBago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docx
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docxmarkangelobalitostos1
 
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptx
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptxMGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptx
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptxmariannevalenzuela11
 
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang PilipinoPagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang PilipinoMAILYNVIODOR1
 
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang PilipinoPagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang PilipinoRitchenCabaleMadura
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Forrest Cunningham
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxmelliahnicolebeboso2
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Taophiapadilla
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxjennellemendez
 

Similar to Mga paniniwala at kultura (20)

Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxWika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
 
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptxFIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
 
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptx
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptxLIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptx
LIPUNANG-PILIPINO-SA-REHIYON-12 (1).pptx
 
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptxAralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
Aralin-3-Ang-bansaNasyon-bilang-Hinirang-Bayan.pptx
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
 
Aralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong sining
 
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptx
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptxMahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptx
Mahahalagang-Pook-na-Pangkultura-sa-mga-Lalawigan.pptx
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
 
PANGKAT ETNIKO.pptx
PANGKAT ETNIKO.pptxPANGKAT ETNIKO.pptx
PANGKAT ETNIKO.pptx
 
Mga umuunlad na Bansa
Mga umuunlad na BansaMga umuunlad na Bansa
Mga umuunlad na Bansa
 
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docx
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docxBago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docx
Bago pa man dumating at sakupin tayo ng bansang Epanya.docx
 
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptx
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptxMGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptx
MGA KULTURA PILIPINAS NA SUMASALAMIN SA BAWAT REHIYON.pptx
 
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang PilipinoPagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino
 
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang PilipinoPagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang Pilipino
Pagpapahalaga at Pagmamalaki ng Kulturang Pilipino
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
 
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptxPanitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docx
 

Mga paniniwala at kultura

  • 1. Mga Paniniwala at Kultura ng Ilocos Norte BY : CRYSTEL MAY C. JUBAY
  • 2. Layunin : Ang pagtatalakay ay naglalayong suriin ang kagandahan ng kanilang mga Paniniwala at Kultura at naghahangad na makamit ang mga sumusunod na layunin:  1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang Kultura at Paniniwala na hindi naisagawa ngayon.  2. Makita ang totoong ganda ng kanilang kultura  3. Makilala ang kanilang mga Paniniwala at Kultura
  • 3. Suliranin :  Ang pananaliksik ay nag-nanais na maisalba ang mga sumusunod na suliranin tungkol sa Paniniwala at Kultura ng mga taga Ilocos Norte.  1. Ang ibang dayuhan ay binabaliwala ang mga paniniwala ng mga taga Ilocos Norte.  2. Hindi na masyadong napahalagahan o naipakita ng maayos ang Kultura ng Ilocos Norte.  3. Iwinaksi ng ibang Ilokano ang kanilang mga Kultura at Paniniwala.
  • 4. Pagbubuo ng Balangkas  Ang Ilocos Norte(Filipino:Hilagang Ilocos, Ilokano:Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzon sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanulurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur. Kilala ag lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigang panturismo sa hilaga kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.
  • 5.  Ayon sa pananaliksik, sa mga Ilokano mayroon silang mga paniniwala at kultura na umiiral at sinusunod sa kanilang lugar. Bukod sa ugali ng mga Ilokano na masipag, masinop at mabait. Isa sa mga paniniwala ng mga Ilokano tungkol sa kasal ay dapat nagbibigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae. Ito ang kanilang magiging puhunan o pa umpisa sa buhay mag-asawa. Ang babae ay may talukbong na puting tela sakay ng “kanga o paragos” na hila ng kalabaw. Ang paniniwala din ng mga Ilokano tungkol sa patay ay ang kamag-anak ng namatayan ay nagtatahi ng puting tela sa noo. Ito ay pagbibigay galang sa namatay at upang mapunta ang kaluluwa nito sa langit. Ang patay ay nililibing sa ilalim ng kusina, sa lugar kung saan napagtapunan ng tubig. Sa mga buntis naman ang kanilang paniniwala ay pagdadala ng asin sa labas upang maitaboy ang masasamang espiritu. Sa hilot o midwife ang karaniwang tumutulong sa panganganak ng babae. Karamihan ng mga Ilokano ay Romano Katoliko at gaya ng mga regular na Pilipino, ay naniniwala sa mga Santo. Inihalo ang paniniwala ng kristiyanismo at mga “supernatural” kababalaghang mga espiritu’t tradisyon, sinunod din ng mga Pilipino.
  • 6.  Mayroon din silang mga kulturang sinusunod tulad ng mga piyesta na ipinagdiriwang sa lahat ng mga bayan at barangay. Isa sa mga piyesta ng mga Ilokano ay ang Pamulinawen Festival sa Laoag City, na idinaraos kada taon tuwing pebrero. Ito ay kapistahan ni Saint William the Hermit. Ang highlight ng Pamulinawen Festival ay isang parade at isang kompetisyon sa kayle-sayaw. Mayroon din silang isa pang kultura na sinunod ito ay ang Ani Festival ipinagdiriwang ito upang magbayad ng tributo sa Dingras bilang rice granary ng lalawigan ng Ilocos Norte. Ang ibig sabihin ng “Mannalon” ay magssasaka sa Ilocos Norte. Ipinagdiriwang din ang Mannalon Festival upang magbayad ng tributo sa mga magsasaka ng Marcos,Ilocos Norte.
  • 7.  Ang "Tan-ok ni Ilocano: The festival of festivals" ay ang pinakamalaking pagtitipon sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan bawat lungsod at lalawigan nito ay magtatanghal ng isang sayaw na maglalarawan ng kanilang kultura at industriya. Karaniwang ipapalabas dito ay ang interpretasyon ng kani-kanilang pistang ipinagdiriwang taun-taon bilang larawan ng kanilang sariling pagkakakilanlan tulad ng kanilang kultura, kabuhayan, produkto, relihiyon, at kasaysayan. Gaganapin sa ika-17 ng Nobyembre sa Ferdinand E. Marcos Stadium, ang Tan-ok ay nagsimulang ipagdiwang noong nakaraang taon at ayon sa probinsya, ay magiging taunang pagdiriwang na ito tulad ng mga naglalakihang pagdiriwang ng pista sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Tinawag itong "Festival of all festivals" dahil sa mga pinagsama-samang kapistahan bilang pagpapamalas kultura at industriyang Ilocano na maipagmamalaki sa buong mundo. Maliban sa pagpapalabas ng mga sayaw, makikita din dito ang magagarbong kasuotan na maglalarawan din ng kanilang pagmalikhain at kagalingan sa sining na sila mismo ang nagdisenyo. Ilan sa mga pistang ipinagdiriwang sa Ilocos Norte na siyang basehan ng itatanghal nilang mga sayaw ay ang kilalang Empanada Festival ng lalawigan ng Batac, Panag-buos sa bayan ng Banna, Tadek festival ng Nueva Era, Guling-Guling ng Paoay, Dinaklisan ng Currimao, Amian Festial ng Bangui, Pamulinawen festival ng Lungsod ng Laoag.
  • 8.  Ang mga kinatawan ng bayan/lungsod na lalahok sa pagdiriwang ay umaabot sa 200 na miyembro kabilang na ang mga props men at support staff ng grupo. Sila ang magmimistulang tauhan sa pagsasadula ng kanilang kultura at industriya. Ang Tan-ok ay isang paraan ng pamahalaang-probinsyal sa paghahatid ng mga programang napapanahon at hindi-kumbensyunal. Maliban sa pagpapamalas ng kulturang Ilocano, isa din itong paraan ng pagbibigay dahilan sa mga turista upang bumisita sa lalawigan. Magkakaroon din ng "Trade Fair" sa mismong araw ng pagdiriwang tampok ang kilalang empada na sariling produkto ng Ilocano at iba pang GI (genuine Ilocano products) at magtatanghal din ang international acclaimed "Samiweng Group of Singers" na mula sa isang pampublikong paaralan sa Ilocos Norte.
  • 9.  Marami ang ipinagdiriwang kada taon ng mga Ilokano upang pahalagahan nila ang kanilang mga kultura at paniniwala upang hindi nila ito malilimutan.  Layon ng pag-aaral na ito ay upang malaman pa ng ibang Pilipino ang mga paniniwala ng mga Ilokano at para may mga kaalaman tayo. Hindi tayo magiging ignorante sa kanilang mga paniniwala. Layon din ng pag- aaral nito ay para maipakita ulit ang kanilang paniniwala at kultura na iwinaksi na ng ibang Ilokano dahil na impluwensiyahan na sila ng ibang kultura at paniniwala na mas pinaniwalaan nila kaysa sa sarili nilang kultura at paniniwala.
  • 10.  Layon din ng pag-aaral na ito ay para maipakita ang tootong ganda at ang kahalagahan nito. May iba’t-iba tayong mga paniniwala at kultura sa buhay na ating sinunod na sa atin na iyan kung iwawaksi natin pero mas maganda na tangkilikin natin ang sariling atin. Layon ng pag-aaral na ito ay para ipakita sa ibang tao na kung gaano ang kaganda ang ang sariling atin at para hindi na ito baliwalain pang muli lalo na sa mga dayuhan.