2. Ang uri ng buhay na
hinahangad tanging sarili
lamang ang makalulutas.
3. Alam mo ba na ang tamang pananaw tungkol sa seksuwalidad o ang iyong
pagkakaunawa sa seksuwalidad ay makatutulong sa iyong pakikitungo sa iba o
pakikipagkapwa? Sa paglipas ng mga araw, sari-sari ang nararanasan ng isang tao
lalo na ng kabataang tulad mo. Sa araling iyong matutunghayan, susubukang
talakayin at ipaunawa ang mga inaasahang kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga
at nagbibinata.
4. Alamin ang kahalagahan ng seksuwalidad sa pagganap ng mga tungkulin
sa buhay. Bago basahin ang "Suriin", pag-aralan ang sumusunod na mga tanong
bilang gabay upang magkaroon ng higit na pagkaunawa sa nilalaman ng aralin.
a. Paano ang tamang pakikipag-ugnayan sa iba ng mga kabataang tulad mo at lalo
na sa mga kasinggulang mo?
b. Ano-ano ang mga tungkulin o responsibilidad sa pamayanan o lipunan na maaari
mong magawa batay sa iyong seksuwalidad?
c. Paano mo mapaghahandaan ang sarili sa pagsasagawa ng higit na mataas na
tungkulin sa buhay tulad ng pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya?
5. SURIIN
Sina Anne at Luis ay magpinsan. Sa isang compound lang sila nakatira. Magkasing edad
ang dalawa,matanda lang ng apat na buwan si Luis. Sa isang paaralan sila nag aaral ngunit hindi sila
magkamag-aral. Kapag hindi nauunawaan ni Anne ang aralin sa Matematika, lalapit siya kay Luis
upang magpaturo. Kapag tungkol naman sa kasaysayan ang asignatura, lalapitan ni Luis si Anne
upang magpaturo. Laging kinakausap ni Mang Joey sina Anne at Luis "Huwag kayong makikigrupo
sa mga batang mararahas at hindi seryoso sa pag-aaral. Ikaw, Anne ay nagdadalaga na lingatan mo
ang iyong sarili. Ikaw naman Luis ay nagbibinata na. Mahalin ninyo ang sarili gayon din ang kapwa.
Bokasyon ninyo ang magmahal. Kaakibat niyan ang pagsasabuhay sa mga birtud at pagpapahalaga
rito. Ang tamang pagkilos ay inaasahan sa inyo saan man kayo mapunta, payo ni Mang Joey sa
magpinsan. "Darating ang panahong kayo naman ang tatayong nakatatanda sa inyong magiging
anak at anuman ang sinasabi ko sa inyo ay tiyak na siya ring mga salitang gagamitin ninyo sa inyong
mga anak.
6. SURIIN
Tumango ang magpinsan sa mga pangaral ng matanda. Pinasalamatan nila ito at natuwa sa
kanyang pananalita. Banayad magsalita si Mang Joey. Tagos sa puso ang pananalita niya. Pagkatapos nilang
makausap ang kanilang lolo ay ang magpinsan naman ang nag-usap "Alam mo, Luis, tama si Lolo Kung hindi
nga naman natin matututuhang mahalin at igalang ang ating sarili at kapwa siguro bata pa lamang tayo ay
maraming hindi magandang nangyari sa buhay natin," wika ni Anne.
"Oo, Anne, kung siguro walang magpapaalala sa atin baka matagal na tayong napariwara. Katulad
ko siyempre bilang lalaki hindi maiwasang magkagusto ako at manligaw o'di kaya ako ang ligawan, hehe,"
pagbibiro ni Luis. "Ako rin, Luis, minsan takot ako bilang babae kasi hindi naman eksperimento ang
pakikipagrelasyon na kapag nagkamali ka parang test lang, pag bumagsak, puwede ka pang bumawi o burahin
ang maling sagot at palitan ng tama," wika ni Anne. "Sana pagdating ng panahon maging maayos ang buhay
natin gaya ng mga magulang natin at mga lolo at lola natin Kita naman ang pagmamahalan at paggalang nila sa
isa't isa, di ba?" dagdag pa ni Anne. "Oo, Anne, tiyak naman iyon kasi ipinakita nila sa atin ang tamang
paggalang sa sarili at kapwa at kung paano magmahal nang tama," sabi ni Luis
7. SAGUTIN
1. Ano ang kaugnayan nina Anne at Luis sa isa't isa?
2. Paano nila pinangangalagaan ang isa't isa?
3. Sino ang taong gumagabay sa kanila?
4. Bakit sinabi ni Mang Joey ang katagang "Bokasyon ninyo ang magmahal"? Ano ang ibig niyang
sabihin?
5. Tungkol saan ang pangaral ni Mang Joey sa dalawang kabataan? Bakit ganoon ang kanyang
pangaral sa dalawa?
8. Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga kabataang tulad mo ang
nahaharap sa maraming hamon. Isa na riyan ang pagiging anak, mag-aaral,
kaklase, kaibigan, at mamamayan. Sa bawat yugto ng buhay ng kabataang tulad mo
ay may mga bagay na hindi maiiwasang maranasan. Nariyan ang pagsubok sa mga
bagay na walang lubos na kaalaman, ang pagsama sa maling barkada o maling tao,
at pagkalulong sa mga bagay na ipinagbabawal. Ang pagkaunawa sa kahulugan ng
seksuwalidad ay nakatutulong upang maunawaan ang tamang kilos, damdamin, at
isip ayon sa hinihingi ng sitwasyon at maiwasan ang mga bagay na makasasama sa
sarili at sa mga taong minamahal.
TANDAAN!
9. May mga bagay na maaaring makatulong sa isang tao upang mapangalagaan niya ang
kanyang sarili at kapwa.
1. Patatagin ang sarili sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa tamang asal at kilos na
natutuhan sa mga magulang at paaralan.
2. Gamitin ang talino at kilos-loob, pagyamanin ang kaalaman at pananaw sa tunay na kahulugan
ng seksuwalidad sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood ng mga angkop na palabas na may
kinalaman dito, at pakikinig sa payo ng mga taong may higit na karanasan sa ganitong paksa. Sa
ganitong paraan ay magagabayan ang sinuman na makapagpasiya nang tama.
3. Maging halimbawa sa iba sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagiging tapat sa kilos at
intensiyon. Sa pamamagitan nito ay makatutulong ka hindi lamang sa sarili kundi magsisilbing
ehemplo pa at gabay sa iba.
TANDAAN!
10. Gawain
Pagbibigay kahulugan sa mga larawan. Tukuyin kung alin sa sumusunod na mga
larawan ang angkop na kilos para sa isang babae o lalaki. Isulat sa nakalaang guhit ang
aral na dulot nito sa kabataang tulad mo at ang mensaheng ipinapahayag ng bawat
larawan.
11. Gawain
Pagbibigay kahulugan sa mga larawan. Tukuyin kung alin sa sumusunod na mga
larawan ang angkop na kilos para sa isang babae o lalaki. Isulat sa nakalaang guhit ang
aral na dulot nito sa kabataang tulad mo at ang mensaheng ipinapahayag ng bawat
larawan.