1. Dawa National High School
Dawa, Josefina, Zamboanga del Sur
DEMONSTRATION LESSON PLAN
Name of Demonstrator: CASHMIRB. MOÑEZA Grade & Year Level: GRADE 10
Subject Taught: AralingPanlipunan Date & Time: Dec. 12, 2019
I. OBJECTIVES
A. Content
Standard/
Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa :
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan
B. Performance
Standard/
Pamantayan sa
Pagganap
Ang mga mag- aaral ay :
nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t
ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay – pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan
C. Learning
Competencies/
Pamantayan sa
Pagkatuto
2. Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
AP10IKL-IIIe- f-7
D. Learning
Objectives/
Layunin
1. Natutukoyangmga karahasansa mgakababaihansa atingBansa
2. Nakikilalaangiba’tibangkarahasansa Chinaat Africa
3. Naipagtanggol angkarapatanng mga kababaihanlabansakarahasan
II. CONTENT/
Nilalaman
KARAHASAN SA MGA KABABAIHAN
III. LEARNING RESOURCES/Kagamitan sa Pagtuturo
A. References/
Batayang Aklat
TG Pahina 277-281
LM Pahina 294-302
B. Other Learning
Resources/ Iba
pang Kagamitan
Materials/Resources Needed:
TV, Laptop, PowerPoint presentation, CG, marker, bondpaper, manila paper
IV. PROCEDURES/
PAMAMARAN
ACTIVITIES/ MGA GAWAIN NOTES
A. Reviewing
previous lesson
or presenting the
new lesson/
BALIK-ARAL
MOTIBASYON..
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pinag-aaralan sa nakalipas na
talakayan at ang kasarian sa iba’t ibang lipunan kasama ang diskriminasyon
Magpapalabas ng video tungkol sa karahasang nararanasan ng kababaihan sa
lipunang kanyang ginagalawan..
Sasagot ang mga
mag-aaral ayon sa
kanilang
nauunawan at
nalalaman.
B. Establishing a
purpose for the
lesson/
PAGLALAHAD
NG
ALITUNTUNIN
Ipapagawa sa mga mag-aaral ang Larawan – Suri.
Paglalahad sa kahalagahan sa pagtalakay ng bagong paksa.
Napakahalagang Pag-usapan ang mga karahasang nararanasan ng mga
kababaihan para mas maunawaan natin ang karapatan ng mga kababaihan.
Group Activity
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat, bibigyan sila ng iba’t ibang
larawan at itatapat nila ito sa Oo O Hindi kung ito ba ay nagpapakita ng
karahasan sa kababaihan.
Ang mga mag-aaral
ay inaasahang
makilahok sa
pangkatang
Gawain.
2. C. Presenting
examples/
instances of the
new lesson/
PAGPAPAKILAlA
NG BAGONG
PAKSA
Magsagawa ng talakayan sa paksang “Karahasan sa Kababaihan sa Pilipinas at
ibang panig ng Mundo”
LM, pp. 364-367
Dito Magkakaroon ng Pagbibigay kahulugan sa mga salita
1. Foot binding - ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang
mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
2. Lotus feet o Lily feet – ang tawag sa paa ng kababaihan sa China na
sumasailalim sa foot binding.
3. Cameroon – isang lugar sa Kontinente ng Africa kung saan isinasagawa
ang breast ironing na kaugalian.
4. Breast ironing o breast flattening - Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy.
5. Sex trafficking –
6. Incest –
Ang mga mag-aaral
ay inaasahang
makilahok sa
malayang
talakayan at
sasagot sa mga
tanong ng guro.
D. Discussing new
concepts and
practicing new
skills /
PAGLINANG NG
GAWAIN
ANG MALAYANG TALAKAYAN AY DITO MAGAGANAP.
Sa pamamagitan ng Pangkatang Gawain
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga
paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa
nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang tawag
sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong
umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon
sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may
edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang:
maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at
(3) pagkagahasa.
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1)
pambubugbog/pananakit, (2) panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na
pang-aabuso, (4) sexual harassment, (5)sexual discrimination at exploitation,
(6) limitadong access sa reproductive health, (7) sex trafficking at prostitusyon.
Ang mga mag-aaral
ay inaasahang
makilahok sa
malayang
talakayan at
sasagot sa mga
tanong ng guro.
E. Discussing new
concepts and
practicing new
skills
F. Developing
mastery (Leads
to Formative
Assessment
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing: PAGTAPAT-TAPATIN
Gagawin ito sa pamamagitan ng pangkatang Gawain
Panuto: Itapat ang mga cartolina strips sa iba’t ibang uri ng karahasang
nararanasan ng ating mga kababaihan.
3. G. Finding practical
applications of
concepts and
skills in daily
living/
INTEGRASYON
HEALTH – Kahihinatnan ng mga kababaihan sa mga karahasang kanilang
natatamasa pisikal o psychological man.
The flattening is carried out by female family members, either at home or with the
assistance of a healer. The process begins as soon as the girls hit puberty—for
some, that means as early as eight years old. The consequences of this can be
disastrous for the victims' health—cysts, breast cancer, and breastfeeding issues
are all common, not to mention the abundance of psychological consequences
linked to the practice. According to a 2011 GIZ report, one out of every ten
Cameroonian girls has been subjected to breast ironing.
H. Making
generalizations
and abstractions
about the lesson.
Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang guro
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang
tao, iniinsulto ka;
pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;
nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
pinagbabantaan ka na sasaktan;
sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga
alagang hayop;
pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa
iyo ang ginagawa niya sa iyo.
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong
pangyayari:
pinagbabantaan ka ng karahasan.
sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng
suhol.
Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi
sa paglipas ng panahon.
4. I. Evaluating
learning/
PANGWAKAS NA
GAWAIN/
EBALWASYON.
PARA SA POST TEST:
Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Alin sa sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa Seven Deadly Sins Against
Women ayon sa GABRIELA?
A. Pambubugbog B. Incest C. Panggagahasa D. Stalking
2. Bilang isang kapamilya, kaibigan, kapitbahay o kakilala, maaari kang
makatulong. Kung kayo ay may kilalang biktima ng mga nabanggit na pang-
aabuso o anumang insidente ng karahasan sa kababaihan,saan ito maaaring
ipagbigay alam agad?
A. Kapwa kakilala B. VAWC C. Barangay D. GABRIELA
3. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
A. Foot binding B.Lotus feet C. Lily Feet D. Cameroon
4. Sa taong ito tinanggal ang sistema ng foot binding sa China
A. 1916 B.1912 C. 1911 D. 1916
5. Sa anong kontinente naging kaugalian ang breast ironing o breast flattening?
A. Asya B. Europe C. Africa D. North America
6. Kaninong panunungkulan tinanggal ang foot binding sa China dahil sa hindi
mabuting dulot ng tradisyong ito?
A. Hirohito B. Sun Yat Sen C.Confucius D. Lau Chou
7. Ano ang ibig sabihin ng acronym na VAWC
A. Violence Against Wrong and Criminals
B. Violence Against Women and Children
C. Vote for Aggressive Wrong Concepts
D. Vote for Affection With Clarification
8. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
A. Foot binding B. Breast ironing C. Lotus feet D. Breast change
9. Saang bansa sa Africa talamak ang tradisyon na breast ironing?
A. China B. Japan C. Cameroon D. Malaysia
10. Saang bansa sa Asya talamak ang tradisyon ng foot binding?
A. Philippines B. Korea C. Vietnam D. China
SASAGOT ANG
MGA MAG-AARAL
BATAY SA
TANONG.
J. Additional
activities for
application or
remediation/
TAKDANG
ARALIN
TAKDANG ARALIN: ½ CW
DIREKSYON: SAGUTIN ANG MGA SUMSUSUNOD SA ½ CROSSWISE AT IPASA SA
SUSUNOD NA TAGPO NATIN.
SANG-AYON KA BA NITO “LGBT RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS“BAKIT?
Prepared by:
CASHMIR B. MOÑEZA Checked by:
Subject Teacher JESSIEBEL M. CAÑA
School Head