3. Bakit bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas?
1. Gamutin ang katarata ng kanyang ina
2. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
3. Makita ang epekto ng Noli Me Tangere
4. Itanong kung bakit hindi na sumusulat sa
kanya si Leonor Rivera
4. Ang paglakbay patungong Maynila
• Mula Roma, tumungo siyang Marseilles.
• Hulyo 3, 1887 – sumakay si Rizal sa barkong
Djemnah
• Dumaraan ang barko sa Suez Canal
• Hulyo 30, 1887 – nakarating sa Saigon at
sumakay ng Haipong
• Agosto 2, 1887 – umalis patungong Maynila
• Agosto 5, 1887 – nakarating sa Maynila
5. Ang mga ginawa sa Djemnah
• 50 ang pasahero
• 4 na Ingles, 2 Aleman, 3 Tsino, maraming
Pranses, 1 Pilipino
• Si Rizal ang naging tagapagsalin ng mga wika
ng mga pasahero dahil isa siyang lingguwista
• Nakipaglaro ng ahedres
• Nakipagkwentuhan sa mga pasahero
• Nagbasa ng ilang libro
6. Pagdating sa Maynila
• Bumisita sa ilang mga kaibigan
• Napansin na walang pinagbago ang Maynila
• Nariyan pa rin ang mga lumang
gusali, simbahan, kalsada, bangka sa pasig, at
ang pader na pumapalibot sa lungsod
7. Maligayang pag-uwi sa Calamba
• Agosto 8, 1887 – nagbalik si Rizal sa Calamba
kung saan sinalubong siya ng mga kapamilya na
napaiyak pa sa tuwa
• Nag-aalala si Paciano para sa kaligtasan ni Rizal
kaya hindi siya iniiwanang mag-isa
• Nagbukas siya ng klinika sa Calamba
• Ngunit di pa raw maooperahan ang katarata ng
ina dahil hindi pa ito ―hinog.‖
• ―Dr. Uliman‖ ang tawag sa kanya ng mga
pasyente dahil galing siyang Alemania (Aleman
= German)
8. Maligayang pag-uwi sa Calamba
• Nagbukas din siya ng himnasio para sa mga
kabataan, kung saan itnuro niya ang
gymnastics, pag-eskrima, at pamamaril
• Hindi na siya nakipagkita kay Leonor Rivera
muli dahil ayaw ng ina niya na maging
manugang si Rizal
9. Ang kaguluhang dulot ng Noli Me
Tangere
• Inimbitahan siya ni Gobernador Heneral Emilio
Terrero sa Palasyo ng Malacañang.
• Ito‘y dahil may subersibong ideya raw ang Noli.
• Ngunit paliwanag ni Rizal na ipinapahayag lamang
niya ang katotohanan.
• Nakakuha si Rizal ng isang kopya mula sa isang
kaibigan upang ipakita sa Gobernador Heneral.
• Binigyan niya ng tagapagbantay si Jose Rizal dahil
alam niyang nanganganib ang buhay niya.
• Don Jose Taviel de Andrade – tagapagbantay ni Rizal
10. Ang kaguluhang dulot ng Noli
• Ang isang lupon ng mga guro sa Santo
Tomas ay nagsabing ―eretikal, walang
galang, nakasisirang-puri sa simbahan, di-
makabayan, subersibo, at mapaminsala sa
pamahalaan ng Espanya
• Nagpahayag ng ulat si Padre Salvador Font
na nagrerekomenda ng pagbawal sa
―importasyon, paggawa ng kopya, at
pagpalaganap‖ ng aklat sa Pilipinas
11. Ang kaguluhang dulot ng Noli
• Si Padre Jose Rodriguez ay naglathala ng
walong polyetong pinamagatang Cuestiones
de Sumo Interes para tuligsain ang Noli at
iba pang mga sulating kontra-Espanyol. Ito
ay ang mga sumusunod:
12. Walong polyeto
1. Bakit di ko dapat basahin ang mga iyon?
2. Mag-ingat sa mga ito. Bakit?
3. At ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa
salot?
4. Bakit nagtatagumpay ang mga walang galang?
5. Sa palagay mo ba‘y walang purgatoryo?
6. Mayroon ba o walang impiyerno?
7. Ano ang iyong palagay sa mga libelong ito?
8. Kumpisal o walang hanggang kapahamakan?
13. Ang kaguluhang dulot ng Noli
• Kahit sa espanya, abot ang alingawngaw ng
Noli Me Tangere.
• Tinutuligsa ito ng mga senador na sina Hen.
Jose de Salamanca, Hen. Luis de Pardo, at Sr.
Fernando Vida.
• Siniraan ni Vicente Barrantes ang Noli sa
pahayagang La España Moderna.
14. Tagapagtanggol ng Noli
• Mga repormistang Pilipino
• Padre Sanchez – paboritong guro ni Rizal;
nagtanggol at pumuri ng nobela sa publiko
• Don Segismundo Moret – dating Ministro ng
Korona
• Dr. Miguel Morayta – mananalaysay at estadista
• Professor Blumentritt – propesor at edukador
• Rev. Vicente Garcia – ang matalinong
nagpatanggol sa Noli sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga argumento ni Padre Rodriguez
15. Ang Argumento ni Rev. Vicente
Garcia
1. Hindi isang ―ignoranteng tao‖ si Rizal dahil
nagtapos siya sa mga unibersidad ng Espanya at
nakatanggap ng karangalang iskolastiko.
2. Hindi tinutuligsa ni Rizal ang Simbahan at
Espanya dahil ang pinupuna niya sa Noli ang
mga masasamang opisyal at tiwaling prayle
lamang.
3. Kung sinasabi ni Padre Rodriguez na
kasalanang mortal ang pagbasa ng Noli, ibig
sabihin ay siya rin ang gumawa ng mortal na
kasalanan dahil binasa niya ang Noli.
16. Sina Rizal at Taviel de Andrade
• Si Taviel ay isang Tenyente na naging abogado ni Rizal.
• Dito ikinwento ni Rizal ang mga nangyari sa kanya sa
Santo Tomas; ang diskriminasyon sa mga Pilipinong
estudyante, ang pag-away sa kanila ng mga estudyanteng
Espanyol, at ang pagkasugat niya rito at ang paggamot sa
kanya ng tatay ni Leonor Rivera.
• Ayon kay Taviel, ang kinakalaban ng nobela ni Rizal ang
gobyerno, relihiyon, at ang mga kastilang kawani ng
karangalan ng Espanya.
• Katwiran naman ni Rizal na bilang
manunulat, kinakalaban niya ang lahat, pati sarili niya
dahil ang mga sinusulat niya ay nakaugat sa katotohanan.
17. Sina Rizal at Taviel de Andrade
• At nais iparating ni Rizal sa Espanya na ang hinihiling nila
ay ang pagkakapantay-pantay—isang mapayapang
pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon.
• Nagtaka rin si Taviel kung bakit iniwan ni Rizal si Leonor
at pumuntang Europa at kung sino ang nagtustos sa
kanya.
• Sabi ni Rizal na pinagpunta siya ni Paciano upang mag-
aral ng medisina at gawin ang nararapat sa bayan.
Doon, mas natuto siya at mas malaya siyang naglabas ng
baho ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. At nang
itinanong ni Rizal kay paciano kung paano si Leonor, ang
sabi sa kanya, ―Ang sarili mo lang ba ang iisipin mo?‖
18. Problemang Agraryo ng Calamba
(ayon kay Rizal)
1. Ang asyenda ng mga Dominikano ay binubuo ng buong
bayan ng Calamba.
2. Di-makatwirang pagtaas ng upa sa lupa ang ipinapataw sa
mga kasama.
3. Ang may-ari ay di nagbibigay ng pera para sa mga
pistang bayan, edukasyon, at pagpapaunlad ng
agrikultura.
4. Nawawalan ng lupa ang mga kasamang naghihirap sa
bukid dahil sa kung-anu-anong dahilan.
5. Pag nahuli sa pagbayad ng renta ang mga
kasama, mataas na interes ang ipapataw sa kanila. At pag
di nila ito maibayad, kukunin ang kanilang mga ari-
arian.
19. Pagpaalam sa Calamba
• Kailangan nang lumisan si Rizal mula sa Pilipinas dahil
ang mga magulang niya ay nakatatanggap ng mga
pagbabanta sa buhay ni Rizal.
• Sila at ang mga kaibigan at kaanak ni Rizal ay
nagpayo sa kanyang mangibang-bayan. Pati na rin
ang Gobernador-general na ang naguutos sa kanyang
lumisan.
• Umalis lang siya dahil 1.)manganganib ang buhay ng
kanyang pamilya at kaibigan kung mananatili pa siya
sa Pilipinas at 2.)mas makakalaban siya sa mga kaaway
kung sa ibang bansa siya magsusulat.
21. Bakit ba siya bumalik ulit?
• Mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang
Propaganda sa Europa (nag-aaway sila doon
kung si Rizal ba o si del Pilar ang dapat
pangulo kaya umalis si Rizal)
• Kausapin si Despujol para alamin kung
magbabago ba ang pasya nito
• Itatag ang La Liga Filipina
• Tingnan muli kung maooperahan na ang
katarata ng kanyang ina
22. Ang pangalawang pagbabalik
• Hunyo 26, 1892 – dumating si Rizal sa
Manila kasama ni Lucia
• Ika-4 ng hapon – Pumunta sa Malacañang
upang makipagusap kay Despujol. Sinabihan
syang bumalik sa ika-7 ng gabi.
• Bumalik siya sa Malacañang. Pumayag si
Despujol na patawarin ang tatay niya ngunit
hindi ang iba pang miyembro ng pamilya at
bumalik sa Miyerkules.
23. Ang pangalawang pagbabalik
• Bumisita siya sa kanyang mga kaibigan sa
Gitnang Luzon noong ika-6 ng gabi ng Hunyo
27, 1892.
• Bumalik siya sa Manila noong ika-5 ng hapon sa
Hunyo 28.
• Pinapanood siya ng mga espiya ng gobyerno sa
bawat galaw niya.
• Ang mga nabisita niyang mga bahay ay
nilusuban ng Guardia Civil na kumuha ng mga
kopya ng Noli at Fili at ng ilang mga
―subersibong‖ papel.
24. Iba pang mga pakikiusap kay Despujol
• Hunyo 29 (Miyerkules) – hindi nagwagi si
Rizal sa pagkumbinsi kay Despujol na
ipawalang-bisa ang parusang
pagtatapon, ngunit may pag-asa pa para sa
kanyang mga kapatid na babae
• Hulyo 3 (Linggo) – tinanggal na ni Despujol
ang pagtatapon sa mga kapatid na babae
25. Pagtatag ng la Liga Filipina
• Hulyo 3, 1892 – pumunta si Rizal ang isang
pagtitipon sa bahay ni Doroteo Ongunco sa
Ylaya Street, Tondo, Manila.
• Ang layunin nito ay bumuo ng bagong
grupong nagnanais na direktang isama ang
mga tao sa reporma
26. Layunin ng La liga Filipina
• Ipagkaisa ang Pilipinas sa isang katawang
buo, malakas, at magkakauri
• Proteksyon ng bawat isa sa pangangailangan ng
bawat isa
• Pagtanggol laban sa mga karahasan at kawalang-
katarungan
• Pag-unlad ng edukasyon, agrikultura, at
pangangalakal
• Ang pagpapaaral at pagpapairal ng mga
pagbabago
27. Ang mga dumalo sa pagtitipon
• Pedro Serrano Laktaw (guro) • Mosies Salvador (contractor)
• Domingo Franco (tobacco) • Luis Villareal (sastre)
• Jose Ramos (pintor) • Mariano Crisostomo
• Ambrosio Salvador (landlord)
(gobernadorcillo ng Quiapo) • Numeriano Adriano
• Bonifacio Arevalo (dentista) • Estanislao Legaspi
• Deodato Arellano (bayaw ni • Teodoro Plata
Marcelo H. del Pilar) • Andres Bonifacio
• Ambrosio Flores (retired • Apolinario Mabini
lieutenant) • Juan Zulueta
• Agustin dela Rosa
(bookkeeper)
28. Mga Opisyal ng la Liga Filipina
• Pangulo: Ambrosio Salvador
• Kalihim: Deodato Arellano
• Ingat-yaman: Bonifacio Arellano
• Fiscal: Agustin dela Rosa
29. Ang Pagdakip at pagkulong sa Fuerza
Santiago
• Hulyo 6, 1892 – Bumalik si Rizal sa Malacanang upang
ituloy ang mga pakikinayam nito kay Despujol; ngunit
pinakita sa kanya ang mga subersibong babasahin na
natagpuan daw sa punda ng unan ni Lucia
• Pobres Frailes – pamagat ng mga papel na nakita raw sa
punda ng unan ni Lucia na isinulat ni Padre Jacinto
• Itinatanggi ni Rizal na ang mga papel na iyon ay nasa
kanya o sa bagahe Lucia na tiningnan sa Hong Kong.
• Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago at ginawang
inkomunikado.
• Ito ay nagdulot ng galit ng maraming Pilipino nang
ipalabas sa Gaceta de Manila nang sumunod na araw
(Hulyo 7).
30. Ang Pagtapon sa Dapitan
• Noong Hulyo 7 din, ipinahayag ni Despujol sa
Gaceta ang pagpapatapon ni Rizal sa Dapitan.
• Hulyo 15 – dinala si Rizal sa barkong Cebu na
patungong Dapitan pagkatapos ng hatinggabi
(12:30 ng Hulyo 15 talaga).
• Hulyo 15 – ala-una ng umaga umalis ang barko.
• Hulyo 17 – dumating siya sa Dapitan nang ika-7
ng gabi
31. Simula ng Destiyero sa Dapitan
• Sabi ni Padre Pastells kay Padre Obach na
maaaring tumira si Rizal sa kumbento kung
• 1. ipapahayag niya ang kanyang pagkakamali
at maging maka-Espanya at kontra-
rebolusyon
• 2. mangumpisal at makibahagi sa mga
seremonya ng simbahan
• 3. kikilos siya bilang huwarang sakop ng
espanya at isang lalaki ng relihiyon
32. Sa Dapitan
• Hindi pumayag si Rizal sa mga kundisyong ito
kaya nanirahan siya sa bahay ni Kapitan
Carcinero
• Humanga si Carcinero sa magandang katangian
ni Jose Rizal at nalaman niyang di lang basta
preso si Rizal at hindi rin filibustero
• Pinayagan niya si Rizal na pumunta kahit saan sa
Dapitan gamit ng kabayo basta‘t mag-uulat siya
kay carcinero bawat linggo.
33. Sa Dapitan
• Setyembre 21, 1892 – dumating ang barkong
Butuan na may dalang mabuting balita. Ang
nanalong tiket sa loterya ng maynila ay
pagmamayari nina Carcinero, Rizal, at Francisco
Equilor.
• Ang ₱ 20000 ay kanilang pinaghati-hati; ang ₱
6200 napapunta kay Rizal. Ibinigay niya ang
₱2000 sa ama, ₱200 kay Basa sa Hong Kong,
at ang natira ay pinambili ng sakahan sa Talisay.
• Ang loterya lamang ang naging bisyo ni Rizal,
kahit sa Europa.
34. Sa Dapitan
• Mula Agosto 1983 – binibisita siya ng kanyang
mga kapamilya
• Sa parisukat na bahay – tinitirhan ni Rizal
• Sa hexagonal na bahay – mga manok ni Rizal
• Sa octagonal na bahay – mga mag-aaral ni Rizal
• Dito na niya inoperahan ang kanyang ina.
Ngunit naimpeksiyon ang mata nito dahil
tinanggal niya ang benda. Mabuti na lang at
naigamot na rin ni Jose.
35. Mga Pinagawa Para sa Dapitan
• Sistemang patubig
• Inalis ang mga latiang pinaninirahan ng mga
lamok
• Sistemang pang-ilaw
• Nagtatag ng paaralan
36. Mga Kontribusyon sa Agham
• Kumolekta ng iba‘t-ibang uri ng
insekto, ibon, ahas, butiki, palaka, kabibe, at
halaman
• Isang panibagong paraan ng pag-preserba ng
mga specimen gamit ang dahon ng bayabas
at avocado
• Nakatuklas ng kakaibang species sa Dapitan
na pinangalan sa kanya
37. Si Josephine Bracken
• Si Josephine ay isang Irish na naulila sa ina at
pinaapon na lang.
• Walang makakapagpagamot kay George Taufer, ang
ama-amahan ni Josephine, kaya hinanap nila si Rizal.
• Sa unang tingin pa lang, magkaibigan na sina Rizal at
Bracken. Nagpakasundo silang magpakasal pagkaraan
ng ilang buwang panliligaw, ngunit sabi ni Padre
Obach na kailangan nila ang permiso ng Obispo ng
Cebu.
• Nagalit si Taufer nang malaman niya ito dahil ayaw
niyang mawalay kay Josephine, kaya nagtangkang
magpakamatay siya. Pero pinigilan siya ni Rizal.
38. Si Josephine Bracken
• Sinamahan muna ni Josephine si Taufer sa
Maynila, tapos bumalik na sa Hong Kong si Taufer. Si
Josephine naman ay nanirahan sa pamilyang Rizal
bago bumalik sa Dapitan.
• Dahil ayaw silang ipakasal ni Padre Obach, sina Rizal
at Bracken ay naghawak kamay at nagpahayag ng
pagiging kasal sa harap ng Diyos. Dahil dito, pinag-
tsi-tsismisan sila sa Dapitan.
• Nabuntis si Josephine noong unang bahagi ng 1896.
Nanganak siyang isang buwang masyadong maaga, at
sa kasamaang palad, namatay ang anak nila ni Rizal 3
oras pagkatapos ng pagpapanganak.
39. Si Rizal at ang katipunan
• Balak ng Katipunan na maglunsad ng isang
rebolusyon para sa kalayaan.
• Ipinagkasundo noong Mayo 2, 1896 na si Pio
Valenzuela ay ang ipapadala sa Dapitan upang ipaalam
kay Rizal ang kanilang layunin.
• Hunyo 21, 1896 dumating si Valenzuela sa Dapitan.
Malugod siyang tinanggap ni Rizal sa bahay ngunit
para sa kanya, di pa handa ang kilusan dahil 1.)di pa
handa ang taumbayan at 2.)kailangan pa ng sapat na
armas at pondo para makapagsimula ng rebolusyon
• Di rin siya sang-ayon sa planong iligtas siya dahil
nangako na siya sa mga awtoridad
40. Paalis ng Dapitan
• Noong Disyembre 17, 1895, sinulatan ni Rizal si
Ramon Blanco na iaalay niya ang kanyang
serbisyo bilang manggagamot sa Cuba.
• Hulyo 1, 1896 – itinanggap ng pamahalaan ang
kanyang alok
• Hulyo 30, 1896 – dumating ang liham na
nagsasaad na isang Komandante Politiko Militar
ang magbibigay sa kanya ng permiso para
makabalik sa Maynila at kunin ang pasaporte.
41. Paalis ng Dapitan
• Hulyo 31 – nagtapos na ang 4 na taong
pagkakatapon sa Dapitan ni Rizal
• Espanya – pangalan ng barkong nagdala sa
kanya papuntang Maynila
• Funeral march ni Chopin – tinugtog ng
banda sa laot ng Dapitan
42. Muntik nang makapuntang Cuba
• Agosto 6 – dumating ang Espanya sa
maynila
• Isla de Luzon – ang barkong sasakyan sana ni
Rizal papuntang Espanya ngunit di na niya
naabutan dahil nakapalaot na ito agad
• Agosto 6 – inilipat si Rizal sa barkong Castilla
kung saan siya tumuloy habang hinihintay
ang barkong pa-Espanya
43. Muntik nang makapuntang Cuba
• Setyembre 2 – inilipat siya sa barkong Isla de Panay
papuntang Barcelona
• Setyembre 7 – dumaong ang barko sa Singapore;
bumaba ang ilang pasahero at namasyal; pinayuhan si
Rizal na manatili sa Singapore para sa kanyang
kaligtasan ngunit di siya nakinig
• Oktubre 3 – dumating sa Barcelona ngunit
nakakulong sa kanyang kwarto sa barko
• Oktubre 6 – inilipat siya sa bilangguang Monjuich at
nung hapon ay isinakay sa barkong Colon patungong
Maynila
44. Ang Huling Pagbabalik sa Pilipinas
• Oktubre 8 – sinisi si Rizal sa madugong
rebolusyon sa Pilipinas
• Oktubre 11 – kinumpiska ang talaarawan niya
at pinag-aralan ang mga nakasulat dito
ngunit wala silang makitang ebidensiyang
magagamit sa kanya
• Nobyembre 2 – binalik sa kanya ang
talaarawan
45. Ang Nabigong Pagligtas sa Singapore
• Sinubukan ni Hugh Fort na ihiling sa
Hukuman ng Singapore na ipalabas ng barko
si Jose Rizal.
• Hindi ito malagdaan ni Lionel Cox dahil may
hukbong militar ang Espanya sa barko.
46. Pagdating sa Maynila
• Nobyembre 3 – dumaong ang Colon sa
Maynila
• Inilipat siya sa Fuerza Santiago
• Patuloy pa rin sa pagkokolekta ng ebidensiya
ang mga awtoridad
47. Pagpili ni Rizal sa kanyang
Tagapagtanggol
• Ang karapatan lamang na binigay kay Rizal n mga
Espanyol ay ang piliin ang abogadong magtatanggol sa
kanya.
• Noong Disyembre 8, Pista ng Immaculada
Concepcion, isang listahan ng 100 na una at ikalawang
tenyente ng Sandatahang Espanyol ang pinakita kay Rizal.
Pinili niya si ‗Don Luis Taviel de Andrade, Unang
Tenyente ng Sandatahang Lakas.
• Sa katunayan, si Ten. Luis Taviel de Andrade ay ang
kapatid pala ni Ten. Jose Taviel de Andrade, ang ―bantay‖
ni Rizal noong nasa Calamba siya noong 1887. Tinanggap
naman ni Luis Taviel de Andrade ang kanyang pagkakapili
bilang manananggol ni Rizal.
48. Paghanda para sa paglilitis
• Disyembre 11 – binasa ni Rizal ang
impormasyon ukol sa kanyang kaso
• Inakusahan siya ng :pangunahing tagapagtatag
at buhay na kaluluwa ng insureksyong
Pilipino, at ang tagapagtatag ng mga
samahan, pahayagan, at librong nagpapaapoy at
nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa
rebolusyon.‖
• Ipinagtanggol man niya ang sarili na wala siyang
sala sa kasong rebelyon, inamin din niya ang
pagsulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina
49. Paghanda para sa paglilitis
• Ipinadala ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa
Malacanang noong Disyembre 13, ang araw
na naging Gobernador Heneral si Camilo de
Polavieja.
• Disyembre 15 – nagpalabas ng manipesto si
Rizal sa mga taumbayan na nagsasabing di
kailangan ang pakikipaglaban para sa
kalayaan.
50. Ang kanyang pinakamalungkot na
Pasko
• Nag-iisa lang si Rizal sa selda itong
Disyembre 25, 1896.
• Sanay siyang magdiriwang ng Pasko kasama
ng pamilya at kaibigan kaya ito ang kanyang
pinakamalungkot sa lahat, lalo na‘t ito na
ang kanyang huli.
51. Paglilitis
• Disyembre 26, 1896 – naganap ang paglilitis ni
Jose Rizal
• Hukumang militar ang lumilitis sa kanya.
• Dahil may pinapanigan na ang hukumang
militar, bingi sila sa depensang inihahayag ni
Ten. Taviel de Andrade.
• Disyembre 28 – Nilagdaan ni Polavieja ang
desisyon ng hukumang-militar at ipinabaril si
Rizal sa Disyembre 30 sa Bagumbayan.
• Disyembre 29 – Ginawa ni Rizal ang Mi Ultimo
Adios
52. Pagkamatay
• Disyembre 30, 1896 – pagsapit ng 7:03 ng
umaga, si Rizal ay ibinaril ng firing squad.
• Sumigaw ang mga Espanyol, ―Mabuhay ang
Espanya!‖‖Kamatayan para sa traidor!‖
• Ngunit di nila alam noon ang susunod…
53. Ang mga epekto ng pagkamatay ni
Jose Rizal
• Tiningnan siya ng mga Pilipino bilang martir.
• Dahil dito, sumiklab sa puso ng mga
Pilipino, lalo na ang mga nasa
Katipunan, ang paghihimagsik.
• Dahil dito, natapos na rin ang matagal na
pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.
54. Itong presentasyon ay hatid sa inyo
ng ikalimang pangkat sa Filipino
• Diego
• MJ
• Ralph
• Paul
• Jedd
• Archie
• Darlene
• Glomarie