Rebolusyong Siyentipiko
( Scientific Revolution )
Panahon ng malawakang pagbabago sa
pag-iisip at paniniwala na nagsimula sa
kalagitnaan ng Ika -16 hanggang ika -17
siglo.
Age of Enlightenment
Panahon ng kalinawagan sa Europe noong
Ika -18 siglo kung saan nakuha ang ilang mga
Iskolar ng mga teorya sa Pilosopiya , konsepto ng
pamahalaan , Demokrasya at Edukasyon sa
modernong panahon ; tiningnan
Agham
Ito ay hindi naimbento sa panahon ng rebolusyong
Siyentipiko.
Malaon na itong ginamit ng mga Greek bilang
scientia na nangangahulugang “kaalaman”.
Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang
disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang
Siyentista.
Ang medieval na pagtinggin sa kalawakan ay
maiuugat sa mga pananaw ng dalawang Greek ,
sina Ptolemy at Aristotle.
Geocentric View
Teorya ni Ptolemy na nagtataguyod na ang
daigdig ang sentro ng kalawakan at ang
ilang mga Heavenly Body ay umiikot dito.
Heavenly Body
Likas na bagay na makikita sa kalawakan
Ambag niAristotle sa teorya ni Ptolemy
komposisyon ng mga bagay sa kalawaan
at daigdig.
Ayon kay Aristotle, malaki ang pagkakaiba
ng komposisyon ng mga bagay na
matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig.
ang
Samantalang ang huli ay binubuo ng apat
na elemento Lupa , Tubig , Apoy at
Hangin. Hindi gaya ng ng ether na, ang
apat na elemento ay nagbabago.
Nicolaus Copernicus
Astronomer mula sa
poland .
Ayon sa kanya ,
hindi daigdig ang
sentro ng kalawakan
; kundi ang araw at
ang daigdig ay
umiikot sa paligid
nito.
Ang ideyang ito ay sinulat niya sa
kanyang akdang DE REVOLUTION ORBIUM
CEOLESTIUM ( on the Revolution of the
Heavenly Sphere ).
Ang kanyang teorya ay nakilala bilang
Heliocentric View sa kalawakan.
Heliocentric View
Ito ay pananaw ni Copernicus tungkol sa
kalawakan ; ayon sa kanya hindi daigdig
ang sentro ng solar system kung hindi ang
araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid
nito.
Ilan sa mga nakuhang resulta ng kanyang
pag-aaral ay ang realisasyong na hindi
patag ang ibabaw ng buwan. Ang pag-
oobserba sa planetang Jupiter at Venus at
marami pang iba.
Bilang konklusyon sinabi niyang ang lahat
ng bagay sa kalawakan ay napasailalim sa
parehong likas na mga batas.
Ang mga obserbasyong ito ay inilathala
niya sa kanyang aklat na dialogue
concerning the two chief World System
noong 1632.
Pinatunayan ng akdang ito sa unang
pagkakataon na ang daigdig (Earth) ay
umiikot sa paligid ng araw.
Inilagay ang aklat na ito sa index o listahan
ng mga aklat na ipinagbabawal ng
simbahan dahil dito sumasailalim si Galileo
sa Roman Inquisition at inilagay sa house
arrest hanggang pagkamatay .
Tycho Brahe Sumusuporta at lalong
nagpatibay ng teorya
ni copernicus.
Mula sa Denmark.
Pinatunayan niyang
ang kometa ay hindi
lamang phenomenong
atmosperiko o gas na
nagliliyab sa atmospera
tulad ng pahayag ni
Aristotle.
Masusi rin niyang inobserbahan ang pagkilos ng
buwan at mga planeta.Maging ang kabuuan
ng orbit nito ay pinag-aralan din niya.dahil
dito,nakita niya ang irregularidad sa orbit ng
mga ito.
Nakatulong ang kanyang mga obserbasyon sa
pagkakatuklas ni Kepler na eliptikal ang orbit ng
mga planeta.
Nakadiskubre din siya ng bagong bituin sa
cassiopeia.
Johannes Kepler
Nagmula sa Germany at
naging katuwang ni
brahe ay syang
naglathala ng akda ni
brahe pagkamatay nito.
Iminungkahi ni kepler na
hindi pabilog o sirkular
ang orbit ng mga
planeta sa araw kundi
eliptikal.
Natukalasan niyang ang paggalaw ng isang
planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit
ito sa araw.
Naipaliwanag din ni Kepler kung bakit hindi
akma ang kalkulasyon ng mga siyenttista
batay sa naniniwala sa sirkular na orbit ng
mga planeta.
Natuklasan niya ang Law of Gravity bilang
paliwanag sa paggalaw ng mga planeta
Ayon dito , kung mas malaki ang mass , Mass
malakas ang Gravitational Pull mula sa Mass ng
araw , ang mga planeta ay maglalakbay sa isang
tuwid na linya. Gaya ng ipinamahala ng Teoryang
Law of Inertia.
Law of Inertia
Paniniwala na ang anumang bagay ay
mapanatiling hindi gumagalaw hanggang walang
puwersang mag-papagalaw nito. Anumang bagay
naman gumagalaw naman ang magpapatuloy
sa paggalaw hanggang walang puwersang
magpapahinto rito.
Bilang konlusiyon , sinabi ni Newton na ang
parehong puwersang nagpapagalaw sa mga
planeta sa paligid ng araw ay siya ring puwersang
nagiging dahilan sa pagbagsak ng mansanas sa
lupa.
Ang kanyang ideya ay makikita sa akdang
MATHEMATICAL PRINCIPLE of NATURAL
PHILOSOPHY na nailathala noong 1687
Natural Science
Ang tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na daigdig
at ang mga pangyayari rito.
Andreas Vesalius
Ang nanguna sa
Pag-aaral ng
Anatomiya ng tao sa
pamamagitan ng
pag-aaral ng mga
bangkay at
kalansay;na isang
pagsasanay na
ipinagbawal sa
kanyang panahon.
William Harvey
Isang Dektor na
Ingles.
Sya ang nakatuklas
at nakapag-
paliwanag sa
sirkulasyon ng dugo
at mga bagay na
may kinalaman sa
puso sa
pamamagitan ng
pagaaral ng puso ng
hayop.
Antoine Van Leeuwenhoek
Isang Dutch.
Nakatuklas sa
daigdig ng mga
Singled-Celled na
organismo sa
pamamagitan ng
Microscope.
Carolus Linnaeus
Isang Botanistang Swedish.
Nanguna sa pagaaral ng
halaman at hayop.
Ang akdang inilathala niya
noong 1753 ay
nakapagpaunlad ng
sistema ng pagppangalan
at pagkaklasipika ng mga
halaman at hayop.
Nakatulong din sa pagsulong ng
rebolusyong siyentipiko ang suporta
ng mga pilosopo tulad nina Sir
Francis Bacon at Rene DesCartes.
Sir Francis Bacon
Isang ingles na nagsimula
bilang abogado subalit
mas nakilala bilang
pilosopo at bilang
tagapagtanggol ng
Rebolusyong Siyentipiko.
Ambag niya sa agham ang
pamamaraang Baconian
kung saan tuon ay sa
Inductive Method sa
siyentipikong pag-aaral .
Inductive Method
Nagsisimula sa mga obserbasyon sa
kalikasan at pag-sasagawa ng
ekspirimentasyon na ang layunin ay
makabuo ng mga pangkalahatang
Paliwanag o makatotohanang
pangungusap.
Deductive Method
Ito ay mula sa isang pangalahatang paliwanag ,
makatotohanang pangungusap patutunayan
ang isang hypothesis.
René Descartes
Isang pilosopo at
mathematician na
french.
Ipinaliwanag niya
ang mga suliranin na
agham at piloposiya
gamit ang
pamamaraang
matematikal.
Isinantabi niya sistema ng Scholasism at
napagtantong isang bagay
lamang ang hindi dapat pagdudahan
Ang pilosopiyang ito ay masasalamin na
kanyang teoryang tanyag na linyang
“Cogito,Ergo Sum” (“I think , therefore I am”)
Naniniwala si Decartes na ang katwiran
(Reason) ang susi sa pagkamit ng
kaalaman.
Maari ring sabihing ito ay isang kilusang
intelektwal.
Binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga europeo mula sa
mahabang panahon na kawalan ng
katwiran at namayani ang pamahiin at
bulag na paniniwala noong middle ages
Philosophe
Grupo ng intelekwal na humihiayat sa
paggamit ng katwiran,kaalaman at
edukasyon sa pagsugpo ng pamahiin at
kamang-mangan.
Maari ring sabihing ito ay isang kilusang
intelektwal.
Binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga europeo mula sa
mahabang panahon na kawalan ng
katwiran at namayani ang pamahiin at
bulag na paniniwala noong middle ages
Thomas Hobbes
Isang pilosopong
Ingles.
Ang kanyang ideyang
politikal ay makikita sa
kanyang akdang
Leviathan ( 1651 ).
Tinalakay niya dito
ang kalikasan ng tao
at ng estado.
Sinabi niyang ang taong makasarili kung kaya
palagi niyang katunggali ang kapwa tao. Ang
takot sa marahas na kamatayan ang pagbunsod
sa tao upang lumikha ng estado kung saan niya
ibinigay ang kanyang likas na katapatan at
napasailim sa kapangyarihan ng hari.
Para ay Hobbes,monarkiya ang pinakamabisang
paraan ng pamumuno.
Siya ang unang tumalakay sa ideya ng
kasunduang panlipunan o Social Contract sa
pagitan ng mamamayan at pinuno.
John Locke
Isang pilosopong Ingles
na sumulat ng Two
Treatises of
Government ( 1689 ).
Binigyang diin niya ang
ang paniniwalang
mahalaga ang gitnang
uri at ang kanilang sa
pamamay-ari ,
pananampalataya sa
agham at pagtitiwala
sa kabutihan ng
sangkatauhan.
Kaiba kay Hobbes,naniniwala si locke
na ang tao ay likas na
mabuti,magakapantay at masaya.
Naniniwala siya na ang tao ay natuto
mula sa karanasan at may
kakayahang paunlarin ang sarili.wala
ni isa man ang may karapatang
magdulot ng banta sa
buhay,kalusugan,kalayaan o pagaari
ng iba.
Jean Jacques Rousseau
Isang Swiss-French na
pilosopo.
Siya nag sumulat ng The
Social Contract.
Ipinaliwanag niya na ang
social contract ay
kasunduan ng mga
malayang mamamayanna
lumikha ng isang lipunanat
pamahalaan.
Nagtatag sila ng isang mabuting
pamahalaan na pinapatnubayanng
panmgkalahatang kagustuhan (
General Will ) sa lipunan.
François Marie Arouet
Mas kilala bilang
Voltaire
Isang pilosopong
French na nagtaguyod
ng paniniwalang ang
demokrasya ay lalong
lamang
nagtataguyod ng
pagiging mang-mang
sa masa
Para sa kanya naliwanagang hari lamang
na ;pinapayuhan ng mga intelekwal na
tulad niya ang hari makapagdulot ng
pagbabago dahil ang interes ng hari ay
ang paunlarin ang kapangyarihan at
kayamanan ng france sa daigdig
Sa madaling salita monarkiya ang sagot sa
pag-unlad at pagbabago
Ilan sa mga maituturing na kaliwanagang
hari at reyna ay sina :
*Catherine the *Joseph II *frederick II
Great ng Russia ng Austria ng Prussia
tinawag nilang mga enlightened dapat
o naliwanagang mga hari na labis at
walang takda ang kapangyarihan
Naniniwala sila na ang ideya ng mga
pilosphe ay nakatutulong sa lalong
nagtatag ng estado at makadagdag sa
kaniloang kapangyarihan
Baron De Montesquieu
Sa kanyang On The Spirit
of Laws nagsagawa ng
paghahambing sa
tatlong uri ng
pamahalaan
(Republika,Monarkiya at
Depotismo)
Sa nasabing akda ,
itinaguyod niya ang
Meteorological Climate
Theory
Ayon sa kanya, Maaring maimpluwensiyahan
ng klima ang kalikasan ng tao at ng kanyang
lipunan.
Sakanyang teorya , sinabi niya na ang ibang
klima ay mas superyor kaysa sa iba
Hal.
Mainitin ang ulo ng mga taong naninirahan
sa maiinit na bansa samantala, matigas naman
ang ulo ( Stiff o Stubborn ) ng mga tao sa
malalamig na bansa.
Para sa kanya ang pinakamahusay na klima ay
ang France.
Isinulong din niya ang kanyang akdang
Checks and Balances sa pamahalaan at
kung paano maisasakatuparan ito sa
pamamagitan ng Seperation of Powers.
Seperation of Powers
Pagkakaroon ng tatlong sangay ng
pamahalaan na may hiwa-hiwalay
na kapangyarihan.
Ehektibo
Lehislatibo
Hudisyal
Tumutukoy ang checks and balances sa
sistema kung saan ang tatlong sangay ng
pamahalaan ay may pantay-pantay na
kapangyarihan at maaring hadlangan
ang pagmamalabis sa kapanyarihan ng
alin man sa tatlo.
Encyclopedie
Koleksiyon ng mga
impormasyon tungkol
sa iba’t ibang tema ,
partikular sa agham
at teknolohiya.
Naging daan ito
upang maipahayag
ng mga batikang
pilosopo ang
kanilang puna at
hinaing sa lipunan.
Denis Diderot
Naging patnugot
ng Encyclopedie.
Tumipon ng halos
lahat ng
mahahalagang
manunjulat sa
french sa panahon
ng enlightement
upang mag-ambag
sa nasabing akda.
Cesare Bonesana Beccaria
Isang Italian
Criminologist.
Tumuligsa sa
parusang
kamatayan sa
kanyang akdang Of
Crimes and
punishment.
Of Crime and Punishment ( 1764 )
Isa sa pinakaunang argumento laban sa
parusang kamatayan at hindi
makataong pagtrato sa mga kriminal.
John Howard
Isang Ingles na Prison
Repormist.
May impluwensy sa
pagpapabuti ng
kondisyong
pangkalinisan at
makataong pagtrato sa
mga bilanggo sa mga
kulungansa europe.
Nahikayat niya ang
House of Common
House of Common
Lehislatura ng England na nagpapatupad ng
mga batas ukol sa reporma sa kulungan.
An Essay Concerning Human
Understanding ( 1690 )
Akda ni John Locke
Tinalakay niya ang konsepto
ng Tabula Rasa.
Ayon dito, Ang utak ng tao ay
parang blangkong papel na
magkakaroon lamang ng
laman sa pamamagitan ng
paggamit ng limang
pandama.
Kung ang tao ay likas na mabuti ,
maari siyang maging masama kung
hindi maayos ang pagpapalaki sa
kanya,Mali ang edukasyon na
nakukuha niya at hindi maayos ang
pamumuno sa pamamahalaan.
Emile ( 1762 )
Akda ni Jean Jacques
Rousseau.
Tinuligsa niya ang
tradisyonal na ideya na
ang edukasyon ay
pagtuturo ng
katotohanan ,ito ay
pagpapalabas o
pagpapalitaw ng ung
anuman ang naroon
na.
Mary Wollstonecraft
Tumalakay sa karapatan
ng kababaihan sa
kanyang akdang A
Vindication of the Rights
of Women ( 1792 ).
Sinabi dito na na dapat
magkaroon ng
kababaihan ng
karapatang bumoto at
magkaroon ng posisyon
sa pamahalaan.
Itinaguyod din niya ang ang paniniwalang
dapat maging edukado ang kababaihan.
Inilahad din ni wollstonecraft sa kanyang
akda ang mga dahilan kung bakit ang pag-
iisip ng kalalakihanat pag-iisip ng
kababaihan ay magkapantay .
Ayon sa kanya , maling mapasailalim sa
kagustuhan ng kalalakihan ang
kababaihan.
Sa panahon ng Enligtenment , ang
naging lugar para sa pagpapahayg
ng artistiko ay hindi ang simbahan
kundi ang mga museo at
pampublikong bulwagang
pangkorsiyerto.
Sa panahon pagkatapos ng 1750 ay
itinuturing na panahong klasikal sa
larangan ng musika.
Franz Joseph Haydn
Isa sa mga
pangunahing
kompositor sa
klasikal na panahon.
Itinuring na “Ama ng
Symphony” at “Ama
ng string Quartet”
Wolfgang Amadeus Mozart
Bihasa sa halos lahat
ng uri at anyo ng
musika ,maging ito
ay
religious,Hymns,Cha
mber music,solo
piano,symphony o
opera.
Ludwig Van Beethoven
Kompositor ng
musikang klasikal.
Itinuturing na isa siya
sa mga
pinakamagaling na
mompositor at
nagsilbing inspirasyon
ng mga sumunod na
musikero at
kompositor.
Ang Panahon ng Enlightenment ang humubog
sa mga modernong ideya hinggil sa
pamahalaan,demokrasya,edukasyon at maging
sa sining at panitikan.
Ang Robinson Crusoe (1719) ni Daniel Defoe at
The Adventures of Nicolas Experience (1776) ni
Ignacy Krasicki ang mga panitikang naisulat sa
panahong ito.
Higit sa lahat, ang panahon ng ito ang nagluwal
sa “naliwanagang pamumuno” at sa dalawang
dakilang republika ( France at U.S )