2. • Hindi basta ginagaya ng mga bata ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at
inaakma nila ang kayarian ng mga bahagi ng pananalita na makahulugan sa
kanila.
• Ang mga bata ay active learners at hindi passive learners.
• Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at pinipili nila ang
bahaging may kahulugan sa kanila.
• Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula
rito ay pinipili nila ang salita at mga hulwaran ng mga makahulugang tunog
gaya ng: mama, dada, dede.
• Sa simula ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan,
pandiwa, at pang-uri.
• Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natutunan.
3. • Ang modelong ilalahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng
pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman,
1976, Brown at Bellugi, 1961). Sa modelong ito ang pagkatuto sa wika ay
hinati-hati sa iba’t ibang yugto.
• Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga bata na
pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang
mas mababang yugto ng pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may
kinalaman sa kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat
yugto ay may kalkulasyon lamang.
4. Unang Yugto: PASAMULA (RANDOM)
• Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na
kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga darating na araw.
• Vocalizing, cooing, gurgling at babbling.
• Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito’y
tinatanaw ng mga matatanda bilang ponema.
• Babbling—binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig
gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da
• Echoic Speech – Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita.
5. Ikalawang Yugto: Unitary
• Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na limitado sa
isang pantig.
• Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag-unlad
na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita
sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay
magkasabay na nagaganap.
• Holophrastic Speech- Ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang
magpahayag ng mga ideya.
• Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang
payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, atbp. at mapaghuhulo na maari
na silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konspigurasyon ng
mga salita at mga parirala.
6. Ikalawang Yugto: Unitary
• Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo at balarila
ay matagal at mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay
maoobserbahang mabilis.
• Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay masasabing katulad
ng mga salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero
ang katunayan, ito’y pagpapatibay na maging sa panahong
ito, taglay na ng mga bata ang kanilang sariling phonemic
system kahit na di pa maayos.
7. Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon
• Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang pagsasalita
hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda. (18-20
buwan, dalawahang salita)
• Dalawang klasing salitang ginamit:
– Pivot Class: kalimita’y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at
maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong
kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa
pang salita at tinatawag itong open class. Hal: “Kain Mommy,” “Kain
baby,” Kain ato”
– Pivot Word: Hal: “Dede ko,” “Dede tata,” “Dede Mama,”
– “Tuya alit,” “Mommy alit,” “Daddy alit, alit”
– “Mommy raro”
8. Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon
• Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong
kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa mga bagay,
pangyayari at mga tiyak na pangalan ng mga ito.
• Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga tanong na
“Ano to?” “Ano yan?” at maraming “Bakit.”
• Upang hindi “malunod” ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita,
iwasan ang pagbibigay na maraming impormasyon at unawaing mabuti ang
mensahe ng batang nagsasalita.
• Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa
mga bata.
9. Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural
• Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang
papaunlad at paparaming mga abstraktong ideya at mga
damdamin, kailangang makarating sila sa yugtong kamalayang
instruktural.
• Ito’y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at
matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa pagsasalita.
• Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang
pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubuo sila
ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang
mga eksepsyon. Hal: “nikain” vs, “kinain”
10. Ikalimang Yugto: Otomatik
• Sa yugtong ito, ang bata’y nakapagsasabi ng mga
pangungusap na may wastong pagbabalarila kayat magagawa
na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya
ng mga matatandang tagapagsalita ng wika.
• Ang mga batang nasa yugtong ito’y may kahandaan na sa
pagpasok sa kindergarten.
11. Ikaanim na Yugto: Malikhain
• Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang
wika. Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon
sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang
mga kaibigan at mga tao sa paligid.
• Sa mga natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa
pamamagitan ng:
– 1. Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita)
– 2. Pagpapatibay (Anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang
tugon)
– 3. Panggagaya (Paggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda)
– 4. Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap)