Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Rehiyon IX

33.578 Aufrufe

Veröffentlicht am

Zamboanga Peninsula

Veröffentlicht in: Bildung
  • My personal experience with research paper writing services was highly positive. I sent a request to ⇒ www.HelpWriting.net ⇐ and found a writer within a few minutes. Because I had to move house and I literally didn’t have any time to sit on a computer for many hours every evening. Thankfully, the writer I chose followed my instructions to the letter. I know we can all write essays ourselves. For those in the same situation I was in, I recommend ⇒ www.HelpWriting.net ⇐.
       Antworten 
    Sind Sie sicher, dass Sie …  Ja  Nein
    Ihre Nachricht erscheint hier

Rehiyon IX

  1. 1. REGION IX ZAMBOANGA PENINSULA
  2. 2.  Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyong IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa Silangan ay ang lalagiwan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte.  Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay ang bumubuo ng rehiyong ito. May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog, Pagadian at Zamboanga. Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit-kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.
  3. 3. Ang rehiyong ito ay mabundok. Sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na Bundok Dabiah.
  4. 4.  Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyong ito lalo na ang bahaging Hilaga ng Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ang Zamboanga del Norte ay may mahalumigmig na klima.
  5. 5.  mataas ang kinikita sa pagsasaka sa kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang establisimyento. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka, paghahayupan at kaunting pangingisda. Hanapbuhay rin dito paghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.
  6. 6. paghahayupanpagsasaka
  7. 7. pangingisda panghuhuli ng pawikan
  8. 8. pangongolekta ng itlog ng pawikan
  9. 9. Sa mga nakalipas na panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatang produkto, nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy. Sa kasalukuyan, ang mga torso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti-unti nang nawawala.
  10. 10.  ang lungsod na Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.  kung sining ang pag-uusapan, ang Rehiyon IX ay may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa pag-iisang dibdib; ang Singkil na sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito ng Tinikling. Ang Koprangkamanis naman ay sayaw panghukuman
  11. 11. Sua-Sua Dance Singkil Dance
  12. 12. ZAMBOANGA Ang Zamboang na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Zamboanga Peninsula. Ang lupain ay may sukat na humigit-kumulang sa 1,414.7 kilometrong parisukat at noong 1990 ay may populasyong 2,221,382 katao at itinanghal na primera klaseng lungsod.
  13. 13. Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang lupain ng mga Bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya – Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Ang Zamboanga del Norte ay nasa Hilagang Kanluran ng Zamboanga Peninsula. Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu sa Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog at Misamis Occidental sa Silangan
  14. 14. ZAMBOANGA DEL NORTE Ang Zamboanga del Norte ay may dalasiyudad, dalawampu’t apat na munisipalidad na hinati sa limang daan at walumpu’t pitong barangay (587). Dipolog ang kabisera ng probinsya. Ito ay may kabuuang sukat na humigit-kumulang sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat. (Almanac 430)
  15. 15. MGA MUNISIPALIDAD: Leon B. Postigo Piňan (New Piňan) Baliguian Pres. Manuel A. Roxas Godod Mutia Gutalac Polanco Rizal Dalman Kalawit Manukan Katipunan Silayan La Libertad Sibuco Labanos Salug Sibutad Liloy TampilisanSirawai Sergio Osmeňa Sr. Saindangan
  16. 16.  Nagsisimula ang tag-ulan sa lugar na ito sa buwan ng Mayo hanggang Disyembre. May katamtamang temperature na 27.7 celcius at ang walumpu’t tatlong bahagdan nito ay mahalumigmig.  Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasang non- metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa.
  17. 17. Durog na Bato Buhangin
  18. 18.  Apatnapung porsiyento ng kabuuang lupain ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong porsiyento ay taniman ng isa lamang uri ng panananim at limang porsiyento ang pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at ginagamit sa pastulan.  Ang industriya ng pagtitinda ang pinakamalaking dami ng establisimyento sa buong probinsya. Sumunod dito ay ang transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.
  19. 19.  May magandang tanawin ang Zamboanga del Norte – ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay. May mga mahihiwagang kwebang matatagpuan sa Manuban, Katipunan, Roxas at Labason.  Isa sa mga mahahalaga at makasaysayang lugar sa probinsya ng Zamboanga del Norte ay ang Dapitan Shrine kung saan si Dr. Jose Rizal ay napatapon bago siya pinatay.
  20. 20. Rizal Shrine Dapitan
  21. 21. Mayroon ding dalawampu’t anim na hotel ang Zamboanga del Norte na maaring panuluyan ng mga nais na bumisita at magbakasyon dito.
  22. 22. ZAMBOANGA DEL SUR  Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ibig sabihin ay paso o lagayan ng bulaklak. Naitatag ito sa bias ng RA Blg. 711 noong Setyembre 17,1952.
  23. 23.  Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran ng Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga del Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa Silangan, Dagat Mindanao sa Timog at Sulu sa Kanluran. Ang Hilagang parte ng probinsyang ito at matarik na may kaunting patag habang ang mga baybayin nito ay may bundok na nakapalibot sa buong isla.
  24. 24. Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga barangay.
  25. 25. Mga Munisipalidad: Aurora Midsalip Bayog Molave Dimataling Pitogo Dinas Ramon Magsaysay Dumalinao San Miguel Dumingag San Pablo Guipos Sominot Josefina Tabina Kumalarang Tambulig Labnagan Tigbao Labuyan Tukuran Mahayag Vincenzo A. Sagun Margosatubig
  26. 26.  Ang tag-ulan sa probinsyang ito ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Mula sa Disyembre hanggang Mayo nakararanas ang Zamboanga del Sur na kaunting pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.  Umaabot ang temperatura sa 27 celcius at dalawmpu’t dalawang porsiyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
  27. 27.  Sa kabuuang laki ng lupain ng Zamboanga del Sur, ang tatlumpu’t limang porsiyento nito ay kagubatan na pinagkukunan ng mga troso at ang iba o tatlumpu’t dalawang porsiyento naman ay ginagawang palaisdaan. Tatlumpu’t tatlong porsiyento ang pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at anim na porsiyento ang pastulan.
  28. 28. Pagtotroso Palaisdaan
  29. 29.  Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito. Karamihan ay metallic tulad ng aluminum, ginto, tanso, nickel, chromite, pyrite, hematite at zinc. Ang mga non-metallic naman ay uling, asin, lupa, buhanging graba, asbestos, marmol, silica at iba pa.
  30. 30. Metallic Ginto Tanso
  31. 31. Non-metallic Marmol Grava
  32. 32.  Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain ng mga bulaklak ay may pinakamaraming uri ng bulaklak. May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park, ang tatlong daang Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.
  33. 33. Pasonanca Park
  34. 34. Fort Pilar
  35. 35. Barter Trade Market
  36. 36. ZAMBOANGA SIBUGAY  Ito’y isang lalawigang matatagpuan sa Zamboanga Peninsula na may kabiserang Ipil. Ito’y naitatag noong 2001. Dating nasasakupan ng Zamboanga del Sur. Ayon sa kasaysayan, ito’y nagtangkang magsarili noon pang 1960’s. Maraming panukalang batas ang ginamit upang maihiwalay at dito nga isinilang ang Republic Act No. 8973 noong Pebrero 22, 2001.
  37. 37.  Ang Zamboanga Sibugay ay may kabuuang 3,087 kilometrong parisukat. Ito ay nasa hangganan ng Hilaga-Kanlurang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur sa may Hilaga, Sibugay ay sa gawing Silangan at Timog Kanluran ang Zamboanga City. Maraming wika ang ginagamit isa na ang Tagalog at gayundin ang wikang Ingles.
  38. 38.  Maraming mapagkakakitaan ang mga tao sa Zamboanga Sibugay, tulad ng Bakery, Rice and Corn Milling, Food Processing, Rattan and Wood Furniture Production at marami pang iba.
  39. 39. Bakery
  40. 40. Rice and Corn Milling
  41. 41. Rattan and Wood Furniture
  42. 42. Literatura ng Rehiyon IX
  43. 43. Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalagang metapora, at ito ay resulta ng pangunahing proseso mental na pagsasama- sama,at ito ay pagkakahawig at persepsyong pagkakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalamn at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon. BUGTONG
  44. 44.  Para naman kay Allan Dandes at Robert George, ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na naglalaman ng isa o higit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaring hulaan
  45. 45.  Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang nagpasimula ng bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.
  46. 46.  Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa gabi ng Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng kamatayan o kahit na kalian basta may pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o ng mga kabataan. Ginagawa rin ito kung tinuturuan ng mga matatanda ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng kaisipan.
  47. 47.  Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong ay “Tigumtigum” o “Tukodtukod” (mula sa salitang TUKOD na ang ibig sabihin ay hulaan). May dalawang uri ng bugtong ang mga Tausug: ang isa ay tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay ang inaawit sa isang okasyon.
  48. 48.  Subalit, sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan. Subalit ang mang-aawit na siyang umawit ng bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.
  49. 49.  Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa o higit pang tao. Ang mgha kalahok ay nagtatanong ng bugtong isa-isa sa isang grupo na siya niyang kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay mahahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino mang bugtong ang hindi masagot ang siyang tatanghaling panalo
  50. 50.  Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay binibigyang ng maraming pagkakataon na mahulaan ito. At kung lahat ng kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung siya ay suko na at kung siya ay suko na, ibibigay na ng nagpahula ang kasagutan ng b ugtong. Ang nagpapahula ay kadalasang nagtatanong ng : “Magapu’ na ang buwaya? ” o “sirit na?” at ang kalaban ay sasagot ng: “unu kunu’?” o “ano iyon?” at ibibigay na ng nagbubugtong ang kasagutan.
  51. 51. Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga taga-Rehiyon IX “tigumtigum” o “tukodtukod” Mga Halimbawa: Salin: Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliit Kahuy batang baubid Na halaman na mayroong maliit na sanga Di’ magtubu ha bid hindi tumutubo sa burol Subay ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat Sagot: Sagot: Karbahal itim na koral
  52. 52. Salin: Tubig na liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang dahon ang Di’kapakpakan dahun pwedeng mahulog dito Sagot:Butung Sagot:Niyog Jambangan hi sinyura Ang halaman ng sentora Duringding palda Ang dingding nito ay palda Nagdahun ng nagkampilanAng dahon nito ay katulad ng kampilan Nagbunga iyukkian Namumunga ng kurbang prutas Sagot:Lara Sagot:Paminta Sumping ha taas kahuy Bulaklak sa tuktok ng puno Nahulog magtuy mabilis na nahulog Sagot:Duyan Sagot:Durian
  53. 53. Salin Kahoy dangawdangan Maliit na puno isang dipa Kukuhan iban bukuhan na mayroon maraming buhol Sumulog lahi hagpu’dangaw Tutubo hanggang sampung dipa Iban jambulan in tuku At sa sanga nito ay puno ng guhit Sagot:Tubu Sagot:Tubo DORI-DORI SINGKIL Dori-dori Singkil Mang Manuel dagil Mang Iskong Koliroy At Mang Juan Bambo AWITING BAYAN
  54. 54. INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga) Inaku duringding Umaga na yata Nagtitilaukan na Ang manok sa lupa Kaya’t ang sabi ko Sa matanda’t bata Matulog na ngayon Bukas ay gawa.
  55. 55. In waku kamaasan pa, in manga tau ha dunya naginuinui bang manhi naguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘wa sa makabayta’. Sarta’ hambik adlaw, nakabut in suysuy pa Tuhan. Laung sin tuah, “Jarabial, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya’ na hagkan magulan sabab namangyu’ in maga biraddali”. Ni miyuda na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin Pagbubugs sin pagbayta’ minuwi’ na ni Jabarail pa surga’. MGA ALAMAT
  56. 56. ANGHEL SA KALANGITAN Noong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag- iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makpagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala, “Gabriyel, msgtungo ka sa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo.” Dahil dito, pumunta si Gabriyel sa mundo at sinabi sa mga tao na umuulan dahil sa naliligo ang mga anghel. At si Gabriyel ay bumalik na sa langit.
  57. 57. IN DUWA BUD In waktu in kasamaan, awn duwa bagu matiyaun, Mabaya’ sila timabaw pa maas nila sa Sambuangan. Namaid na sila sa ina’ iban sin babai’ in tumulak sila pa sa Sambuangan tumibaw aipa pa ina’ iban ama’ sin usug. In tuyugatan na sila, namus na sila sakayan sin aman’ sin babai’. Piyadayaw si sakayan niya. Salta’ siyulayan niya na in layag, sarang tuud iban malindug. Pagga na Ti’mus na siya nagadjal sin kalampakan sin sakayan, liyuwanan niya subay sila tumulak sin adlaw jumaat. Si adlaw jumaat subusubu, timulak na sila. Sin ha laud na sila, awa na hangin ampa sila naglalataran tudju pa laud sin lupa’sug, sampay sila nakaabut pa daig sin pu’ lampinigan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dumating na sila pa Sambuangan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ sin niya. La nakasakal na sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa nagbalik in usug pa sakayan, kiyawa’ niya in lutu nila, diya na niya pa bay. Landu’ makug in ina’ iba ama’ sin usug in nakaasawa nila usug pa marayaw dagbus iban marayaw addat.
  58. 58. Pagg tahun in makalabay, namaid da isad in babai’ ha manga uganugan nila, ampa sila tumulak da ha jumaat timulak na sila pa lupa’ sua landu’ malanu’ in dagt Sali’ lana iban uway tuud kaalunalan. Tinatagad sila ng hangin. Bukun maluguy timumbuk na in hangin utara’ sa’ sadja’ nagpatuud tudju pa liyu sin pu’Basilan. Sin malum dum na, napinda na in hangin. Tumigidlum na in hula’. ampa na naghunus. Yaun sila ha gi’tung tawid; di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa taykud sin pu Basilan. Bukun maluguy dumatung in hangin makusug inpagbabasahun naghuhunus na. Di’ nila na kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin d kula’alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na malunod ampa sila mamatay.
  59. 59. “Oh, Tuban ku’, laung sin usug,’ duli tuud akti bang maabot na matay bang mayan mahinang duwa bud. Pagga sila simanga na pa tuhan iban nabi; pagubus nila sadja’ namissara ampa sila nakalaruk sila naggulgul. Sukun malugay dinatung sa kanila in duwa alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay sila nakaguwa’ Bukun malugot gimuwa nain duwa bud sa laud ha gi’ting sin tawid. Ampa di masagda sin manga tau sa lauding kanilang bang kita tudju pa Sambuangan atawa p Luwa’sug. Tila silaun kita. Amu ini in katakataka sin duwa atawa siway bullud.
  60. 60. SALIN: ANG DALAWANG BUNDOK Noong unang panahon, may mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang magulang nila sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at ang layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki ang vinta at ang layag. Sinubukan nila ang layag at ito ay maayos naman. Pagkatapos nila sa pag-aayos ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lang ng araw ng Biyernes ay nagsimula na silang maglayag. Habang sila ay naglalayag naitulak nang malakas na hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatan ng Sulu hanggang narating nila ang Lampingan sa Basilan.
  61. 61. Pagkatapos ng isang linggo ay narating din nila ang magulang ng lalaki. Masaya ang magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapag-asawa ng mabait at magandang babae. Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam na ang babae sa kanyang biyenan. Araw rin ng Biyernes nang sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula ngang umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago, at ang kapaligiran ay dumilim biglang nahkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila ay nasa gitna na ng karagatan.. Hindi nila mapigil ang vinta dahil sa lakas ng hangin. Habnag hinahampas ang kanilang Bangka ng alon, sila ay nagdasal na lamang sa Diyos.
  62. 62. “O Diyos ko, pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay san po ang kawayan namin ay maging dalawang kabundukan,”sabi ng lalaki . Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng ilang sandali sila ay tinamaan ng malaks na alon sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dala ang kabundukan na nakatayo sa karagatan. Sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.
  63. 63. KWENTONG BAYAN MANIK BUANGSI (Kwentong bayan muloa sa Zamboanga) Noon ay may isang sultan na may pitong dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita niya ang laalki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi pangkaraniwang tao, siya ay nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dainadalaw sa Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah pumayag naman si Allah na bumaba si Manik Buangsi sa lupa.
  64. 64. Si Manik ay nag-anyong isang ginintuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babaeng pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ang babae ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya.” Itanim mo ito sa iyong hardin.” ang bilin ng pulubi ka Tuan Putli. “ Ang bungang ito ay siya mong kapalaran”. Itinamin ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ay dinala niya sa loob ng kanyang silid. Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas sa Manik Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang magandang dayang-dayang . Saka lamang bumalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga “ Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.
  65. 65. Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya at narito ako upang pakasalan ka.” Naganap ang kasalan nina Tuan Putli at Manik Buangsi sa piging na iyon at bumaba ang mga bathla mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli dsa lupa. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa. “Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaaring isa lamang siyang masamang espiritu!” “Maganda siyang lalaki.” Wika naman ng isa pa. “Sigurado mo bang ikaw lang ang babaengcminamahal niya?” “Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “ Paluluhain ka niya balang araw.
  66. 66. Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang kaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahon napuno na si Manik Buangsi. Nagpasiya siyang bumalik na siya sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang mabikas na maputing kabayo at isang krus ang lumitaw. Nagsisi si Tuan Putli ay nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman siya. Sa kanyang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang krus. Ngunit buong araw na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at isang makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdurusa.
  67. 67. Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “Pipikit ako!” Nagsimula silang tumawid sa makipot na tukay. Sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito, “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang boses na iyon ay tulad ng boses ng kanyang yumaong ina. Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli. Tumingin siya sa ibaba at bigla rin siyang hinigop ng hangin pababa. Walang nagawa si Manik BUangsi. At alam na niyang nawala na sa kanya ng tuluyan ang kanyang asawa. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit sapagkat kadalasan ay hindi tayo marunong making sa paalala. At marami ang katulad ni Tuan Putli, marami ang katulad niya na ayaw tukungan ang sarili.
  68. 68. MGA MANUNULAT SA REHIYON IX Descallar, Antonio Nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamin Occidental Institute at sa College of Law sa AU, nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula na ginanap noong 1949. Kauna-unahan niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.
  69. 69. Enrique, Antonio Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsya, bayan at mga baryong tinirhan at binisita ang tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na karanasan at pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng mga salita, ang kanyang istilong madaling maintindihan ang mga katangiang kinagiliwan ng kanyang nga mambabasa.Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpong maikling kwento at isang akdang isinalin niya sa ibang wika at lumabas sa Korean Magazine Playmate.
  70. 70. Enriquez, Ignacio Alvarez Ipinanganak sa Zamboanga City kung saaa din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa Au, kung saan niya tinapos ang AV Degree (1951) at matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar ay narating niya anf University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya ng Zobel de Ayala. Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelangh “The House Juan” na hindi naipalimbag.
  71. 71. Noong 1956, sinimulan niyang sultalin ang nobelang “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Sarragota, Springs, New York at ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writer’s Workshop sa State University of IOWA. At natapos ito sa six month Fellowship sa Huntinghon Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story Contest. “ Death of a House” ikalawang gantimpala, 1951 at “Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20, 1971 ay ipinalabas sa UE Auditorium ang dulang “As Between two Mirrors” na kanyang sinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang iba pang aklat niya ay na nailimbag ay ang “Three Philippine Epuc, Play at House of Images” (1935) at ang “The White House of Alia at Other Stories” (1985)
  72. 72. Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973, panalimbag ng Writers association of Dumaguete City ang kanyang aklat, “Spots on their Wings”. Acas, Olivia Baguhan pa lamang sa larangan ng pagsulat ng tula ngunit ang kanyang mga nasulat ay naipalimbag sa pambansang palimbagan. Jubaira, Ibrahim A. Siya ang kauna-unahang Fictionist sa Zamboanga na ginantimpalaan ng Certificate of Presidential Merit in Literature for Itching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon
  73. 73. Villa, Gonzalo Isang manunulat ng maikling kwento, mananaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang maykaya sa b uhay. Una niynag kwentong ang “When Death Struck”. Nagwagi siya sa pambansang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito ay pinamagatan na “The Role of American in the Rehabilitation of the Philippines”. Kabilang sa mga isinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang “Footnote of America” na pinalitan niya ng “Death of iIlusion, Bari Miracle at Vioce in Roma”. Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasya

×