Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Malikhaing Pagsulat: Tula

21.488 Aufrufe

Veröffentlicht am

K-12 Senior High School Curriculum
Creative Writing

Veröffentlicht in: Bildung
  • Als Erste(r) kommentieren

Malikhaing Pagsulat: Tula

  1. 1. Malikhaing Pagsulat: Tula Humanities and Social Sciences
  2. 2. Ang Tula Pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa damdamin
  3. 3. Makata May mayamang imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na kaisipan
  4. 4. Ang mahusay na tula… • May larawang diwa • Gumigising ng damdamin at kamalayan • Pinapagalaw ang guniguni ng mambabasa
  5. 5. Mga Elemento o Sangkap
  6. 6. Saknong Taludtod Sesura
  7. 7. 1. Tugma Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari, Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati
  8. 8. Tugmaang Patinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig Tugmaang Katinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y
  9. 9. 2. Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang lahat ng ito / maawaing langit, Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis? Wala ka ng buong / katwiran at bait, Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.
  10. 10. 3. Paksa/Kaisipan Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating Halimbawa: “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak.
  11. 11. 4. Talinghaga Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula
  12. 12. 5. Imahen o Larawang-diwa Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan
  13. 13. 6. Aliw-iw Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula
  14. 14. 7. Tono Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, at iba pa
  15. 15. 8. Persona Tauhang nagsasalita sa tula
  16. 16. Ang tula ay isang awit Nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o ritmo
  17. 17. Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula 1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula. 2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit ang tula. 3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng mambabasa. 4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
  18. 18. Mga Anyo ng Tula
  19. 19. 1. Tradisyonal Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Nagtataglay ito ng apat na sangkap - sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan. Halimbawa: Sa langit na iyon, agham ang may haka, Walang katapusan, diya’y naglipana. Ang napakaraming bitui’t bantala. O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga? -”Ang Diyos at ang Agham” ni Conrado C. Fajardo
  20. 20. Haiku Tanaga Diona Soneto 4 na taludtod Sukat: 7 pantig bawat taludtod 3 taludtod Sukat: 5-7-5 3 taludtod Sukat: 7 pantig bawat taludtod May tugma 14 na taludtod May striktong tugmaang sinusunod: abba abba cde cde
  21. 21. 2. Malayang Taludturan Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman ng talinghaga at kaisipan. Halimbawa: Sa bawat araw na nagdaraan May mithiin tayong gagampanan. Marangal na hangarin Taos sa damdamin Tumulong sa kapwa, ating adhikain. -”Kapit-Kamay” ni Fernando Nocum
  22. 22. Enjambment Pagpapatuloy ng ideya mula sa isang taludtod tungo sa kasunod na taludtod. Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus pagpapatuloy sa susunod at titigil lamang kung may tuldok o kuwit Halimbawa: April is the cruellest month, breeding Lilacs out of the dead land, mixing Memory and desire, stirring Dull roots with spring rain. Winter kept us warm, covering Earth in forgetful snow, feeding A little life with dried tubers. -”The Waste Land” ni T.S. Elliot
  23. 23. 3 Blangkong Berso Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma
  24. 24. Uri ng Tula
  25. 25. 1. Tulang Liriko Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang damdamin. Dalit Parangal sa Maykapal Soneto Aral sa buhay Elehiya Parangal sa alaala ng namatay Oda Parangal o papuri sa isang dakilang gawain Awit Pagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, at iba pa
  26. 26. 2 Tulang Pasalaysay Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan, at banghay. Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na hindi kapani-paniwala sapagkat may halong kababalaghan Awit at Korido Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod. Ang korido ay may 8 pantig sa bawat taludtod.
  27. 27. 3. Tulang Patnigan May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay- linaw tungkol sa isang paksa. Balagtasan Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan Karagatan Paligsahan sa pagtula na mula sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat Duplo Paligsahan ng mga bilyako’t bilyaka sa pagbigkas at pangangatwiran na madalas ginaganap kung lamay
  28. 28. 4 Tulang Pantanghalan Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
  29. 29. Eksperimental na Teksto Pagtuklas ng mga bagong porma, anyo, o uri ng malikhaing akda
  30. 30. Typography
  31. 31. Alak Ni Lilia F. Antonio PINA sim sim mo ako, aking mahal, ng matamis na alak nalanghap ko ang nakalalango nitong samyo (waring ikaw sa kaloob-looban ko) sa pagdaiti ng labi sa gilid ng kopita (nadama ko ang alab ng iyong pagtatangi) habang nilalaru-laro ng aking dila ang dumadaloy na likido (nagsasanib ang ating puso at isip) sa pagkatitig sa iyong mga mata nadama ko ang langit.
  32. 32. Tulang Diyamante Kaibigan Ni Neriza C. Pesigan Kaibigan Sa hirap at ginhawa Sa lungkot man o ligaya Wala kang kapara Nag-iisa Malayang pagkakaayos ng mga taludtod na nasa anyo ng iba’t-ibang hugis, tulad ng diyamante, na nakadaragdag linaw at kahulugan sa paksa.
  33. 33. Tulang Paralel Rosas Ni Nikki Lalaine M. Avila Magandang bulaklak Iba’t ibang kulay May pula at dilaw Kay inam pagmasdan Mayroon pang puti Busilak na tunay Sagisag ng kalinisan Kakaibang katangian Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o pababa ay makabubuo ng mensahe
  34. 34. Haibun Binubuo ng prosa at tula na pangkaraniwang kinakikitaan ng mga elementong nakaaaliw at seryoso. Karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.
  35. 35. Mga Batayan • Ang Tula. (2016). In Malikhaing Pagsulat (pp. 28-47). SIBS Publishing House, Inc. • Cabrera, M. (2010, June). Retrieved from Filipino Tula: http://Filipino- tula.blogspot.com/2010/06/mga-uri-ng-tula.html • Go, K. (2011, August). Retrieved from Slideshar.net: https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182 © Andrea Tiangco, 2018

×