Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 9 detalye ng mga balita

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 12 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 9 detalye ng mga balita (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 9 detalye ng mga balita

  1. 1. 96 Module 9 6666 Filipino Detalye ng mga Balita A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 97 Ngayong araw na ito ay may bago ka na namang matutuhan. Pag-aralan mo ito nang maigi upang madali mo lang sagutin ang mga gawain. Halika na! Pagkatapos ng modyul na ito matutukoy mo ang mga tiyak na detalye ng mga balita. Basahin ang balita na nasa kahon. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang. 1. Sino ang nahuli ng pulis? ______________________________________ 2. Bakit hinuli ng mga pulis ang magnanakaw? ___________________ 3. Saan nakatira ang nasabing magnanakaw? _____________________ Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan Magnanakaw Nahuli ng Pulis Isang magnanakaw ang nahuli ng pulis matapos na saktan at pagnakawan ang isang magbabalot. Ang magnanakaw na nagngangalang Diego Ruiz, 26 taong gulang, ay nakatira sa 24 Kalye Bakal, Malita, Davao del Sur. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa presinto 4 ng Kagawarang ng Pulisya ng Malita.
  3. 3. 98 4. Saan ito kasalukuyang nakakulong? ____________________________ 5. Anong pangyayari ang inilahad sa balita? ______________________ Ano ang iskor mo? Kung ang kuha mo ay 4 o 5 magaling, talagang handa ka na sa modyul na ito. Kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa. Huwag kang mag-alala ang modyul na ito ay tutulong sa iyo. Naranasan mo na bang magbasa ng pahayagan o makinig sa radyo? Anu-anong mga balita ang iyong napakinggan o nabasa? Basahin natin ang diyalogo na nasa ibaba. Magkakasabay ang magkaklaseng Ana, Anita, Cora at Malou patungo sa paaralan. Tumigil sila sandali at nag-usap. Pag-aralan Natin
  4. 4. 99 Ana: Sumakay na tayo sa bus. Anita: Maglakad na lamang tayo nang makatipid. Cora: Oo nga. Mabilis ang pagtaas ng pasahe. Malou: Nakakagulat talaga ang mga pangyayari ngayon. Tingnan ninyo ang headline sa pahayagan. Anita: Naku, ang daming nasalanta sa Bagyo Huring sa Visayas! Cora: Maraming taniman, bahay at mga ari-arian ang mga napinsala. Malou: Tayo na, ipapabasa ko ito kay Itay. Sagutin: 1. Ano ang pinag-usapan ng magkaibigan? ____________________________________________________________ 2. Anong balita ang kanilang nabasa? ____________________________________________________________ Ang mga balita ay naglalagom ng mga pangyayari. Dapat maging maikli ito ngunit nagbibigay ng mabuting kabatiran at may mga detalye kung ano ang talaga ang nagyayari. Ang mga balita ay sumasagot sa tanong na: Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit. Narito pa ang karagdagang halimbawa: May bagyong dadating sa Rehiyon XI lalo na sa lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte at Davao Oriental. Ayon sa PAG-ASA Weather Station na ang namataang bagyo ay darating bukas sa alas 6:00 ng umaga Nobyebre 24, 2008 at ito’y may lakas na Signal No. 1.Pinaalalahanan ang mga mamamayang nakatira sa nasabing mga lalawigan na dapat mag-ingat at laging handa sa posibleng mangyari dahil sa bagyo.
  5. 5. 100 1. Ano ang inilalahad sa balita? Na may bagyong dadating sa Rehiyon XI. 2. Anong oras posibleng darating ang bagyo? Alas 6:00 ng umaga, Nobyembre 24, 2008. 3. Anu-anong mga lalawigan ang apektado? Davao del Sur, Davao del Norte, at Davao Oriental. 4. Mahalaga ba ang balita? Talagang mahalaga. Tayo na at subukin nating sagutin ang iba’t-ibang pagsasanay. Pag-aralan ang balita na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng Spider Web. Gawin Natin 1. Ano ang inilalahad sa balita? Proyekto ng Agrikultura sisimulan na. 2. Ano ang isinasaad ng proyekto? 5. Anong kagawaran ang responsible rito? 3. Kailan ito sisimulan? 4. Sinu-sino ang makatatang- gap nito?
  6. 6. 101 Kung ang kuha mo ay 4 o 5, sagutin mo ang Gawain 2. Kung ang kuha mo ay 3 o pababa sagutin mo muna ang Gawain 1.A. Gawain 1.A Basahin ang mga sumusunod na balita. Punan nang wastong sagot ang bawat hanay. Balita Anong pangyayari Saan ito magaganap? Kailan ito mangyari? A. Limampung pamilya sa Sta. Maria, Davao del Sur at pitumpo naman sa Malalag, Davao del Sur ang mabibigyan ng murang bahay na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa sa ilalim ng proyektong BLISS at gawa sa katutubong kasangkapan. Ito ay sisimulan ngayong Enero sa susunod na taon. Sino ang gagawa sa malawakang programa? Anong gawain ang sinimulan? Bakit dapat magkakabit ng mga main pipes sa malapit sa kabahayan. Makatanggap ang may 20,000 magsasaka at ang kanilang pamilya ng tulong sa pagpapalawak ng produksiyon ng mga pananim at pangkahayupan sa ilalim ng Extension Delivery System na proyekto ng Kagawaran ng Agrikultura. Ang nasabing proyekto ay sisimulan ngayong Disyembre 5, 2008 at ito’y pangungunahan ng Pangulong Gloria M. Arroyo.
  7. 7. 102 B. Sinimulan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) and malawakang pagkukumpuni ng mga sirang tubo. Nagpalabas ng mga bagong tagubilin si Governor Dodo Cagas upang lalong mapabilis ang gawain ng MWSS. Kasabay ng pagkukumpuni ng mga sirang tubo, magkakabit ang MWSS ng mga main pipes sa malapit sa kabahayan upang maiwasan ang paggasta hanggang P7,000 pataas ng isang tao upang magkatubig mula sa MWSS. Isasagawa ang pagkakabit ng mga main pipes sa apat na lalawigan sa Davao del Sur. Basahin ang balita. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. P10M napinsala sa sunog sa Cebu Sampung milyong piso ang napinsalang ari-arian sa lugar ng Cebu nang nagkaroon ng sunog noong alas 10:00 ng gabi, Sabado, Nobyembre 15, 2008. Nagsimula ang sunog sa tindahan nina G. at Gng. Capitan. Napag-alamang pumutok ang isang electric fan na buong araw na ginamit. Mabilis kumalat ang apoy at kinain ang katabing mga tindahan at mga ari-arian. Wala namang natalang nasaktan sa insidente. Mga Dagdag na Gawain
  8. 8. 103 Ang mga balita ay naglalagom ng mga pangyayari. Ito’y nagtataglay ng mga katibayan o nagpapatunay ng katotohanan. Tumutugon sa mga katanungang sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano ang mabuting balita. Hanay A Hanay B _____ 1. Anong pangyayari ang inilalahad sa balita? a. Pumutok ang isang electric fan _____ 2. Kailan naganap ang pangyayari? b. Isang sunog ang naganap sa Cebu _____ 3. Saan ito nangyari? c. P10 M napinsala sa sunog sa Cebu _____ 4. Paano nagsimula ang insidente? d. Alas 10:00 ng gabi, Sabado, Nobyembre 15, 2008 _____ 5. Anong pamagat ang nasa balita? e. Cebu Naintindihan mo ba ang iyong ginawa? Sa mga pagsasanay na iyong ginawa, ano ang natutuhan mo? Tandaan Natin
  9. 9. 104 Basahin ang balitang nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Batang babae, II taon gulang, pinakabatang piloto Isang batang babaeng labing-isang taong gulang ang naging pinakabatang piloto nang ang kanyang maliit na eroplano ay lumapag sa San Fernando. Si Vicky Morales ay nakangiting bumaba sa Cessna 172, eroplanong isahan ang makina at pinapurihan siya ng mga taga San Fernando, Pampanga na humanga sa kanyang lakas ng loob at tapang. Ang batang ito, na nasa ika-anim na baitang ng Mababang Paaralan ng Sta. Cruz ay binigyan ng iba’t-ibang handog, kabilang dito ang replika ng “Spirit of St. Louis”, ang eroplano ni Chardes Lindbergh na sa San Diego ginawa. 1. Ano ang paksa ng balita? _______________________ 2. Sino si Vicky Morales? __________________________ 3. Bakit siya hinangaan ng taga San Fernando? ______________________ 4. Anong handog ang natanggap ni Vicky Morales? __________________ 5. Ano ang epekto sa mga kabataan ng kahanga-hangang nagawa ni Vicky Morales? _________________________ Kung ang kuha mo ay 4 o 5, maaari ka ng kumuha ng susunod na modyul. Subalit kung ang kuha mo ay 3 o pababa, sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin. Sariling Pagsusulit
  10. 10. 105 Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot. Isang ulila sa magulang ang nahirang na Cum Laude sa Philippine Military Academy sa naganap na pagtatapos noong March 31, 2008. Ito ay si Vincent D. Gallo, 22 galong na isang batang iniwan sa pintuan ng simbahan noon sa lalawigan ng Sta. Cruz, Davao del Sur. Ipinamigay siya ng paring nakakita sa kanya sa mag-asawang G. at Gng. Bert Gallo na pawang guro sa Sta. Cruz Central Elem. School. Ang nasabing mag-asawa na walang anak ay siyang kinilala niyang mga magulang at naging inspirasyon niya sa kanyang buhay. A B _____ 1. Tungkol saan ang balita? a. March 31, 2009 _____ 2. Sino ang batang ulila? b. Iniwan sa pinto ng simbahan at ibinigay ng pari sa mag-asawang Gallo. _____ 3. Anong karangalan ang kanyang natanggap? c. Isang ulila na naging Cum Laude sa PMA. _____ 4. Kailan niya ito natanggap? d. Vincent D. Gallo _____ 5. Paano siya napunta sa mag-asawa? e. Cum Laude Pagyamanin Natin
  11. 11. 106 Subukin Natin 1. magnanakaw na si Diego Ruiz 2. nanakit at nagnakaw sa magbabalot 3. 24 Kalye Bakal, Malita, Davao del Sur 4. Presinto 4 ng Kagawaran ng Pulisya ng Malita 5. Magnanakaw, Nahuli ng Pulis Gawin Natin Gawain 1 Gabay sa Pagwawasto 1. Magsasaka at kanilang pamilya nakatanggap ng tulong sa pagpapalawak ng pananim at pangkabuhayan. Proyekto ng Agrikultura sisimulan na. 2. Pagpapalawak ng produksiyon ng mga pananim at panghayupan. 5. Kagawaran ng Agrikultura. 3. Disyembre 5, 2008 4. Magsasaka at kanilang mga pamilya.
  12. 12. 107 Gawain 1.A Anong Pangyayari? Saan ito magaganap? Kailan ito mangyayari? Mga pamilya sa Sta. maria at Malalag mabibigyan ng murang bahay. Sta. Maria at Malalag, Davao del Sur. Enero sa susunod na taon. Sino ang gagawa sa malawakang programa? Anong gawain ang sinimulan? Bakit dapat magkakabit ang MWSS ng mga main pipes sa malapit sa kabuhayan? Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Malawakang pagkukumpuni ng mga sirang tubo. Upang maiwasan ang paggasta ng isang tao ng hanggang P7000 pataas upang magkatubig. Mga Dagdag na Gawain 1. b 2. d 3. e 4. a 5. c Sariling Pagsusulit 1. Batang babae, II taon gulang, pinakabatang piloto 2. Isang batang babaeng piloto na nakapagpalipad ng eroplano 3. dahil humanga sila sa kanyang tapang at lakas ng loob 4. replika ng Spirit of St. Louis 5. Maraming kabataan ang naghangad na matulad kay Vicky Morales Pagyamanin Natin 1. c 3. e 5. b 2. d 4. a

×