Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 14 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan

  1. 1. 83 Module 8 6666 Filipino Pagbibigay ng Maaaring Kalabasan A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 84 Masaya ka ba sa araw na ito? Marami ka pa bang gagawing mga aralin? May bago ka na namang gawain ngayon. Sa kwento ang paglalarawan ng tauhan ay batay sa pananalita at kilos. Napag-iiba at naitatangi ito sa pamamagitan ng pananalitang ginagamit. Layunin ng araling ito ang makapagbibigay ng palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa kwento, batay sa mga ikinikilos ng mga tauhan. Basahin ang maikling sanaysay at ibigay ang palagay sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan Malungkot na malungkot si Juan. Wala siyang kinita. Makakagalitan na naman siya ng kanyang ina. Namahinga sandali si Juan sa ilalim ng malaking puno. Walang anu-ano ay may tumawag sa kanya. “Juan, kawawa ka naman. Tutulungan ka namin sa iyong problema,” sabi ng duwende sa harapan niya. Hindi nakapagsalita agad si Juan.
  3. 3. 85 1. Si Juan ay __________________. a. nagalit b. nagulat c. napahiya 2. Ang nasa isip ni Juan ay __________. a. pagtataka b. pagkatuwa c. pagkabigla 3. Siya ay __________. a. namangha sa nakita b. nagkaroon ng panlalabo ng paningin c. natakot “Huwag kang matakot, Juan. Tutulungan ka namin,” patuloy ng duwende. “Paano?” tanong ni Juan. “Heto ang mahiwagang bato. Anumang hihilingin mo rito ay ibibigay sa iyo,” sabi ng duwende. At nawala ang duwende. Ikiniskis ni Juan sa palad ang bato gaya ng bilin ng duwende at saka humiling si Juan ng masasarap na pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Juan. Kinain ni Juan ang masasarap na pagkain. Nang mabusog na siya ay nagdudumali siyang umuwi ng bahay. Malayo pa ay natanaw na si Juan ng kanyang ina. Nanlisik ang mga mata ng ina.
  4. 4. 86 4. Ang ina ni Juan ay __________. a. tuwang-tuwa b. lungkot na lungkot c. galit na galit 5. Ang ina ni Juan ay __________. a. paniwalang-paniwala sa kanya b. nais makipagsapalaran sa bato c. walang tiwala sa kanya Minsan ba ay nagkunwari kayong nasaktan ngunit nagbibiro lang pala kayo? Ano ang ginawa ng mga taong kaharap niyo? Basahin ang kuwento sa ibaba. Pag-aralan Natin “Huwag po kayong magalit, maydala po akong mahiwagang bato na kapag kiniskis sa palad at humiling tayo, ito ay ipagkakaloob,” sabi ni Juan, “Heto po ang bato.” “Ako Juan, ay huwag mong ululin. Panay ka kaululan. Ipukpok mo sa matigas mong ulo ang dala mong bato,” sabi ng ina ni Juan.
  5. 5. 87 A. Ano kaya ang maaaring nakakagat kay Luisito? B. Bakit tila ayaw nang paniwalaan si Luisito? C. Sa inyong palagay, bakit kaya umiiling ang doktor? Ganito ang ba inyong mga sagot? A. ahas B. Madalas siyang Nagsisinungaling. C. Malubha na ang lagay ni Luisito. Ang mga sagot sa mga tanong sa A B at C ay pagbibigay ng palagay sa kinahinatnan ayon sa ikinikilos ng mga tauhan sa kuwento. AYAW NANG PANIWALAAN Nakagawian na ni Luisito ang laging magkunwari upang mabahala ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Natutuwa siya kung nagkakagulo na sa bahay kapag nagkunwari siyang masakit ang tiyan o may nakaaway na kamag-aral. Alam niyang mahal siya ng kanyang ama at ina sapagkat siya lamang ang lalaki sa magkakapatid. Isang araw, sa paghabol niya sa isang tutubi, may biglang kumagat sa kanyang binti. Natakot siya sapagkat maaaring ahas ang kumagat sa kanya. Nagpalahaw siya ng iyak pauwi sa bahay. “Naku! Ang sabi ng isa niyang kapatid. “Tila ba hindi ninyo kilala iyang si Luisito.” Maraming ginagawa sa bahay noon kaya hindi na rin siya gaanong pinansin ng kanyang ina at mga kapatid. Sanay na sila sa kalokohan ni Luisito. Ngunit kinagabihan, inaapoy na ito ng lagnat kaya tumawag agad sila sa doktor. Iiling- iling ang doktor habang tinitingnan ang parang mga sundot ng karayom sa nangingitim na binti ni Luisito.
  6. 6. 88 Basahin ang bawat kuwento at piliin ang angkop na palagay na batay sa ikinikilos ng tauhan. 1. Sa kanilang paggigitgitan ay _______________. a. tinulungan sila ng ibang hayop b. tumalon ang kambing c. nahulog ang dalawa sa ilog 2. Ano kaya ang naging huling pasya ni Nestor tungkol sa napulot niyang pera? Gawin Natin Tandaan: - Ang pagbibigay ng palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento, ay nababatay sa mga ikinikilos ng mga tauhan. Isang araw, nagkasalubong sina Kambing at Aso sa gitna ng isang makitid na tulay. Hindi sila maaaring dumaan nang magkasabay. Walang isa man sa kanila ang nagpaubaya. Biglang sinungay ni Kambing si Aso. Ilang araw pang nag-iipon ng pera si Nestor para makabili ng isang bisikleta. Sa daanan ng paaralan sa looban nakapulot siya ng isangdaang piso. Kinabukasan, nakiramdam si Nestor kung may maghahanap ng pera. Hapon na ay wala pa ring naghahanap. Biglang sumagi sa kanyang isip ang mga Batas Iskawt. Nanlambot si Nestor. Nabuo na niya sa kanyang isip ang gagawin kinabukasan.
  7. 7. 89 a. Ibigay ito sa kanyang Tatay. b. Idagdag sa pambili ng bisikleta. c. Ibigay sa guro upang hanapin ang may-ari. 3. Anong kapakinabang ang maaaring makuha ni Mang Ramon sa kanyang paglilibang kung araw ng Linggo? a. Napagod lamang siya. b. Nakapagpahinga ang kanyang isip at katawan. c. Hindi na naman siya nakapasok kinabukasan. 4. Ano kaya ang ginawa ng pulis matapos sumilip sa butas? a. Isinara niya ang bintana at saka umalis. b. Umalis siya papalayo sa tindahan ng groserya. c. Dahan-dahan siyang pumasok upang magsiyasat. 5. Ano kaya ang maaaring nangyari sa loob ng tindahan? a. Nagkamayan ang pulis at ang nasa loob ng groserya. b. Naging magkaibigan ang pulis at ang mga magnanakaw. c. Natuklasan ng pulis kung ano ang gumalaw sa loob ng groserya. Pinakahihintay ni Mang Ramon ang araw ng Linggo sapagkat ito ang araw na sama-samang nagsisimba silang mag-anak. Pagkatapos ay nagpunta sila sa dagat. Kinahapunan ay pagod silang lahat ngunit masasaya naman. Laging may ilaw na nakasindi kung gabi sa panukulan ng daang katapat ng isang malaking groserya. Nang dumaan ang pulis na bantay sa lugar na kanyang sakop ay patay ang ilaw. Siniyasat niya at nakita niyang tuklap ang bintana ng isang bahagi ng groserya. Nang sumilip siya sa butas may nakita siyang gumalaw sa loob ng groserya.
  8. 8. 90 Isulat ang marka mo. Marka Basahin ang kuwento at ibigay ang palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng pangyayari sa kuwento batay sa ikinikilos ng mga tauhan. Mga Dagdag na Gawain PINAKAMABUTING REKOMENDASYON Ipinapastol ni Andres ang kanilang mga kalabaw. Maingat siya sapagkat maaaring may maligaw na kalabaw sa tumanang may mga bagong tubong mais. Kabilin-bilinan ng kanyang Tatay na bantayan niyang mabuti ang mga kalabaw hanggang sa maisuga ang mga ito. Biglang huminto ang isang magarang kotse sa tabi ng daang pinagpapastulan ng kalabaw ni Andres. Bumusina ang tsuper. Lumapit naman si Andres ngunit hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa mga kalabaw. “Hoy, binata, maaari bang samahan mo kami sa bahay ng Alkalde?” ang sabi ng lalaking sakay ng kotse. “Nagmamadali kami at bibigyan ka namin ng kaukulang upa.” “Hindi po maaari,” ang magalang na sagot ni Andres. “Hindi ko po maiiwan ang aking kalabaw.” “Kahit bigyan ka namin ng isandaang piso?” ang tanong ng lalaking nakasakay sa kotse. “Kahit na po magkano,” ang sagot ni Andres. “Ipinangako ko po sa aking Tatay na hindi ko iiwan sa tabi ng tumana ang mga kalabaw.” “Tamang-tama para sa aking tubuhan,” ang sabi ng lalaking nakasakay sa kotse. Noon ay naghahanap siya ng bagong kasama para mapagkatiwalaan sa kanyang tubuhan. Sinabi ng lalaki sa kanyang tsuper na palakarin na ang kanilang kotseng sinasakyan.
  9. 9. 91 1. Ano kaya ang sumasaisip ng lalaking nakasakay sa kotse pagkatapos makausap si Andres? a. Walang pinag-aralan si Andres. b. Maaaring pagkatiwalaan si Andres. c. Hindi marunong makipagkapwa-tao si Andres. 2. Paano ipinakilala ni Andres ang kanyang katapatan sa kanyang tungkulin? a. Pinaghintay niya ang nakasakay sa kotse. b. Pumayag siyang samahan ang nakasakay sa kotse. c. Sinasabi niyang kahit na magkanong halaga ay hindi niya iiwan ang mga alaga niyang kalabaw. 3. Gaano katapat si Andres sa kanyang gawain? a. Itinali niya sa gitna ng tubuhan ang kalabaw. b. Pinutol niya ang pisi upang makakaing mabuti ang kalabaw. c. Maingat na ipinastol ni Andres ang kalabaw sa tumanang may bagong tubong mais. 4. Kapag may ginagawa kang trabaho at may biglang dumating na tao na nangangailangan din ng tulong, ang gagawin mo kaya ay _____________________________. a. Pabayaan ang ginagawa at asikasuhin ang bagong dumating. b. Siguraduhing nasa maayos ang ginagawa bago harapin ang nangangailangan. c. Harapin kaagad ang nangangailangan. 5. Ano kaya ang naging katapusan ng kuwento? a. Ipinabilanggo si Andres. b. Isinumbong si Andres sa Alkalde ng taong nakasakay sa kotse. c. Napiling katiwala si Andres sa tubuhang pag-aari ng taong nakasakay ng kotse.
  10. 10. 92 Ang pagbibigay ng palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento ay maaaring nababatay sa mga ikinikilos ng mga tauhan. Maaaring sa pagbibigay ng palagay sa kinalabasan ng pangyayari ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kaisipan ng nagsasalita at ikinikilos ng tauhan. Basahin ang kuwento, at piliin ang tamang sagot. Sariling Pagsusulit Tandaan Natin Ang Lobo at ang Ubas Isang araw, nadako ang isang lobo sa isang halamanan. Gutom na gutom na siya. At lalong tumindi ang pagkulo ng tiyan nang makakita siya ng isang puno ng ubas na hitik na hitik sa bunga. “Suwerte pa rin ako,” wika ng lobo sa sarili. “Pag nakuha ko ang mga ubas na ito, tiyak na mabubusog ako!” Sinubok niyang lundagin ang kumpol ng mga ubas na nakabitin sa isang balag. Ngunit hindi niya ito maabot. Sinubok niya uli. Ngunit talagang hindi niya maabot ang kumpol ng ubas…lalong tumindi ang kanyang gutom. Naisipan niya ang umatras, ibinuwelo ang sarili, at pagkatapos ay lumundag. Ngunit mintis pa rin. Sadyang mataas ang balag na kinalalagyan ng ubas. Gayon nang gayon ang ginawa ng lobo. Ngunit kahit anong pagpipilit niya ay hindi niya maabot ang mga bunga ng ubas. Hanggang sa siya ay mapagod at lumawit ang dila.
  11. 11. 93 1. Kumukulo ang tiyan ng lobo __________________. a. dahil pagod siya. b. dahil nainitan siya. c. dahil gutom siya. 2. Lalong tumindi ang pagkulo ng kanyang tiyan dahil ________________. a. napadako siya sa isang halamanan. b. nakakuha siya ng ubas. c. nakakita siya ng puno ng ubas na hitik na hitik sa bunga. 3. Hindi makakuha ang lobo ng kumpol ng ubas dahil __________________. a. sadyang mataas ang balag na kinalalagyan ng ubas. b. maasim ang ubas. c. pagod siya. 4. Ang dila ng lobo ay lumawit dahil sa ___________________. a. lumundag siya. b. maasim ang ubas. c. pagod siya. 5. Tinalikuran ng lobo ang puno ng ubas dahil ____________________. a. hindi na siya gutom. b. nainis siya. c. wala siyang nakuha. Dahil sa inis, tinalikuran ng lobo ang puno ng ubas. Taas-noo, sinabi niya: “Kung sa bagay hindi naman ako talagang gutom, e. At saka tiyak kong maasim ang mga ubas na iyan! Sadyang nilalait at iniismiran ng tao ang mga bagay na di niya kayang kamtan!
  12. 12. 94 Nasagot mo bang lahat? Ano’ng iskor mo? Kung 4 pataas ang tamang sagot mo magpatuloy ka sa susunod na modyul, kung 3 o pababa, sagutin mo pa ang susunod na pagsasanay. Basahin at intindihing mabuti ang kuwento upang maibigay ang tamang palagay sa kalalabasan ng kuwento na naaayon sa ikinikilos ng mga tauhan sa kuwento. Pagyamanin Natin ANG TAGAPAGLIGTAS Isang gabi ay hindi umuwi sa kampo ng mga Black Bear, isang tribu ng mga Indian, ang kaisa-isa nilang anak na lalaking si Love Star. Natitiyak nila na ninakaw ito ng kanilang kagalit na tribu, ang mga Crow. May isang binatang ang pangalan ay New Robe. Nagprisinta siyang hahanapin si Love Star. Isang gabi ay narating niya ang kampo ng mga Crow. Natagpuan niya si Love Star na nakatali sa isang posteng kahoy. Isasakripisyo siya sa araw ng mga Crow. Inalisan niya ito ng tali saka pinasan. Ngunit nang malapit na silang makalabas ng kampo ay nakita sila ng isang babaing Indian. Nagsisigaw ito hanggang sa mahuli sina New Robe at Love Star. May pagsubok na gagawin kay New Robe ayon sa puno ng mga Indian. Makababalik lamang sila sa kanilang kampo at bibigyan pa sila ng kabayo kung malalampasan niya ang pagsubok. Patatapakan sa kanya ang pitong bungo ng kalabaw na kaaalis lamang ng mga laman. Dapat ay hindi sasayad sa lupa ang kanyang mga paa habang pasan-pasan si Love Star. Nag-isip si New Robe. Natitiyak niyang madulas ang mga bungo. Inayos niya si Love Star sa kanyang likod. Tapos, dumura siya dumura sa lupa, tinapakan niya ito at saka ikinuskos sa lupa ang kanyang mga mokasin. Kailangang mabilis siya sa paghakbang sa mga bungo upang madali niyang malampasan ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ng mga nanonood na Indian at halos hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.
  13. 13. 95 1. Nanlaki ang mga mata ng mga nanonood na mga Indian dahil ___________________. a. natumba si new Robe habang dala niya si Love Star. b. nadurog ang mga bungo ng kalabaw pagtuntong sa mga ito ni New Robe. c. nalampasan ni New Robe ang pitong bungo ng kalabaw nang hindi natumba. 2. Sa ipinakita ni New Robe, ano ang masasabi ninyo sa kanya? a. duwag b. matalino c. madaya 3. Ano sa palagay n’yo ang nararamdaman ng tribu sa pagkawala ni Love Star? a. Nabalisa at ipinahanap ang kaisa-isang anak na si Love Star. b. Masayang nagdiriwang sila sa pagkawala nito. c. Galit na pinalayas ang mga tao sa tribu. 4. Ano ang dahilan kung bakit nahuli sina New Robe sa kanilang pagtakas? a. Nakita sila ng isang babaing Indian at ito ay sumigaw. b. Masyadong mabigat kargahin si Love Star. c. Natakot ang babae sa bungo. 5. Paano kaya tinanggap si New Robe nang bumalik siya sa kampo ng Black Bear na kasama si Love Star? a. bilang isang bayani b. bilang isang kaaway c. bilang pangkaraniwang Indian
  14. 14. 96 Subukin Natin 1. b 2. c 3. a 4. c 5. c Gawin Natin 1. c 2. c 3. b 4. c 5. c Mga Dagdag na Gawain 1. b 2. c 3. c 4. b 5. c Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin 1. c 1. c 2. c 2. b 3. a 3. a 4. c 4. a 5. b 5. a Gabay sa Pagwawasto

×