Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
51
Module 5
6666
Filipino
Mga Salitang Magkatulad ang Baybay
Ngunit Magkaiba ang Kahulugan
A DepEd-BEAM Distance Learning ...
52
Isa na namang bagong aralin para sa iyo! Handa ka na ba?
Sa wikang Filipino may mga salitang magkatulad ang baybay
suba...
53
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto. Kung 4 o 5 pares ng salita ang nakuha mo at nabigyan
mo n...
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 15 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang

  1. 1. 51 Module 5 6666 Filipino Mga Salitang Magkatulad ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Kahulugan A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 52 Isa na namang bagong aralin para sa iyo! Handa ka na ba? Sa wikang Filipino may mga salitang magkatulad ang baybay subalit magkaiba ang kahulugan. Sa araling ito, matutuhan mo ang pagkikilala sa mga salitang ito at pagbibigay ng kahulugan ng mga ito. Isulat ang pares ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at kahulugan. Ibigay ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang damá ng lahat ay nais maglibang ng mga dàma sa palasyo. 2. Matamis ang tubó kung kaya’t iwasang matamaan ng tubo. 3. Alagaan mong mabuti ang baka, baká magkasakit. 4. Punô ng bunga iyang punò. 5. Madaling mababawi ng kalaban, kung pito lamang ang lamáng. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
  3. 3. 53 Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Kung 4 o 5 pares ng salita ang nakuha mo at nabigyan mo ng tamang kahulugan, magaling ka! Magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Kung 3 o mas mababa pa ang nakuha mo, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na ito. Magpatuloy ka. Nasubukan mo na bang mangako? Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay nangangako? May himala ba sa pangako? Basahin mo ngayon ang kuwento tungkol sa isang taong nangako. Alamin mo kung ano ang himala sa kanyang pangako. Bago mo basahin ang kuwento, alamin mo muna ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Salita Kahulugan 1. mabisa malakas; epektibo 2. napipikon nagagalit; nagdaramdam 3. mag-aaya mag-aanyaya 4. ganid sakim; gahaman 5. himala milagro; hiwaga HIMALA NG PANGAKO Naghain si Nana Itang ng hapunan nang maalaala niya ang anak na si Ando. “Kung naririto sana si Ando tiyak na ayos na ang aming taniman,” nasambit niya sa sarili. Ilang sandali pa at masaya nang naghahapunan ang mag-anak. Ang bunso nilang si Ines ang nagtanong. Pag-aralan Natin
  4. 4. 54 “Itay, ano kaya ang kinakain ni Kuya Ando sa oras na ito? Kasinsarap kaya ng sinigang na manok ni Inang?” Tumingin muna si Tata Sendo sa asawa at pagkatapos ay sa matabil na si Ines, bago nagsalita. “Naku, siguradong ubod nang sarap. Isipin mong bakang malalaki raw ang pinapatay roon at iniluluto para sa mga manggagawa. Ibig ko na rin yatang sumunod sa Kuya Ando mo, a.” “Sige, nang hindi na tayo makapagbukid,” nakalabing sagot ni Nana Itang. “Itong si Itang. Aanhin pa ang bukid ay dolyar na ang tinatanggap mo sa bangko buwan-buwan.” “Dolyar? Wari ko’y katulad ka na ng iba riyan na sinasanto ang dolyar,” wika ni Nana Itang sabay tindig para sumandok ng kanin. “Napipikon ang inyong ina kapag napag-uusapan ang pagtungo sa ibang bansa,” bulong ni Tata Sendo sa dalawang anak. “Mangyari po, Itay,” simula ni Ino, “mahirap po ang hiwa- hiwalay.” “Tama ka, Ino.” Sabad ni Nana Itang na dala ang pinggan ng kanin. “Biro mo kung naririto ang Kuya Ando ninyo tiyak na nakahanda na ang ating taniman ng kamatis.” “Itang, ako’y pupunta na sa Ibayo. Mag-aaya ako ng mga tao para sa palusong bukas,” sabi ni Tata Sendo habang kinukuha ang sambalilo sa sabitan. Kinabukasan, nagising ang magkapatid na Ino at Ines sa pag- uusap ng mga lalaki sa loob ng kanilang bakuran.
  5. 5. 55 “Tila malapad ang tatamnan mo ng kamatis, ha, Pareng Sendo,” puna ng isang magsasaka. “Ang lagay ay dodoblehin ko ang lapad kaysa sa tinamnan ko noong isang taon,” sagot ni Tata Sendo. “Naiinggit po marahil kayo sa mga nagkakwarta sa kamatis noon,” sabad naman ng isang binata. “Aba, e, hindi ako naiinggit. Ibig ko lamang makatulong para pakinabangan ang pabrika sa pagsasalata ng katas ng kamatis,” sabi ni Tata Sendo habang naghahasa ng itak. “Alam ninyo, malaki ang naging puhunan ng pamahalaan para itayo ang pabrika. Kailangang umani tayo ng maraming kamatis. Sa gayo’y makatutulong tayo sa ginagawang pag-ahon ng ating bansa sa ating kalagayang pangkabuhayan sa ngayon,” dugtong pa niya. “Balita ko’y dalawa na raw ang ganitong uri ng pabrika. Aba’y kailangang umani tayo ng maraming kamatis dito sa Luzon,” sabad ng isang matanda. Naputol ang pag-uusap ng mga magsasaka nang tumawag si Nana Itang. “Halina muna kayo’t nang makapagkape.” “Aba, baka hindi hindi na kami makapagtabas, a. Ang sarap namang almusal nito.” “Ano ba naman iyan. Daing at saging,” may himig paghingi ng paumanhing wika ni Tata Sendo. “Ang lalaki niyan, a! Buti ka pa Pareng Sendo, nakatitiba pa ng ganitong latundan,” wika ng isang matanda. “Tata, magaling po ang sagingan ni Pareng Sendo. Nasa tabi kasi ng ilog. Di gaanong dinaramdam ng mga ito ang mahabang tag- araw.” “Ako nga’y nagtataka sa ating panahon ngayon. Ubod nang damot ng ulan.” “Nagtataka pa po ba kayo? Kalbo na po ang ating mga bundok,” sagot ni Tata Sendo. “Dangan na nga lamang po at wala na akong magagamit na kamatisan. Kung hindi’y pinamalagi ko na sana ang mga kahoy sa aking kainginan.” “Alam mo ba, Ka Sendo, tinatamnan ko ang mga gilid ng pilapil ng ipil-ipil. May nakukuha na akong pagkain para sa baka ay may panggatong pa ako.” “Biro ba ninyong ang tawag nila sa akin diyan sa pook ngayon ay Tandang Juliang maramot, ganid, swapang, at kung anu-ano pa”. “Mangyari raw nama’y ayaw kayong magpalagari ng kahoy doon sa lupa ninyo sa Hulo. Kahit daw alukin kayo ng bayad ay ayaw ninyong pumayag.”
  6. 6. 56 “Pare, kapag nagbigay ako, tiyak na darating ang panahon na magkakaroon tayo ng napakahabang tag-araw. Kapag nagkagayo’y paano tayo? Parami tayo nang parami. Pati na ang mga ibon ay mawawalan ng hapunan.” Tumahimik ang mga magsasaka. Waring natauhan sila sa sinabi ni Tandang Julian. Lumipas ang mga araw at linggo. Ang hinihintay na ulan ng mga taga-Talahib ay di dumating. Halos malalaki na ang punlang kamatis ng mga taganayon. Nagtatag na ng lutrina ang mga kabataan. Gabi-gabi’y nagpuprusisyon sila sa paligid ng nayon sa pag-asang diringgin ng Maykapal ang kanilang panalanging na umulan. May nabalitaan sila tungkol sa isang matandang taga-Lubang. Sa pamamagitan daw ng panalangin ng matandang ito, nagkakaroon ng ulan sa lugar niya. Binalak nilang puntahan ang matanda upang itanong kung ano ang panalangin ginagamit niya. “Hamak pa ba ang ginagawa ninyong pagdarasal,” wika ni Nana Itang. “Kung talagang uulan, uulan.” “Sa palagay ko’y kailangang mangako tayong di na natin sisirain ang kagubatan. Ang ibig kong sabihin ay dapat na iwasan natin hangga’t maaari ang pagkakaingin,” payo ni Tata Sendo. “Totoo po bang may diwata na nag-aalaga ng kagubatan sa ating lugar?” usisa ni Ines. “Maaaring mayroon. Ngunit higit na magiging mabisa ang aking agimat,” pagmamalaki ni Tata Sendo. “Ano po ang agimat ninyo, Tatay?” tanong ni Ines. “Ang agimat ko’y ang pangakong di na magkakaingin pa,” sagot ni Tata Sendo at ginulu-gulo ang buhok ng kanyang bunso. “Itay! Itay!: humahangos na sigaw ni Ino. “ Nagdidilim na po ang kalangitan. Tila po babagsak ang ulan.” Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bakit ayaw ni Nana Itang na pag-usapan ang tungkol sa pangingibang bansa? 2. Sa anong paraan nagtutulungan ang mga magkakanayon? 3. Mahalaga bang magtulungan ang mga tao? Bakit?
  7. 7. 57 4. Paano ipinakita ni Tata Julian ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang mga kanayon? 5. Ano ang himala sa pangako ni Tata Sendo? 6. Ano ang mensaheng hatid ng kuwento? Narito ang ilang pangungusap na hango sa kuwentong iyong binasa. Basahin mo. Pansining mabuti ang mga salitang may salungguhit. A. Naghahain si Nana Itang ng hapunan nang maalaala niya ang anak na si Ando. Pati ang mga ibon ay mawawalan na ng hapunán. B. Ang lalakí niyan, a! Buti ka pa, Pareng Sendo nakatitiba pa ng ganitong latundan. Nagising ang magkapatid na Ino at Ines sa pag-uusap ng mga lalaki sa loob ng kanilang bakuran. • Anu-anong mga salita ang sinalungguhitan sa mga pangungusap sa A at B? o hapunan at hapunán; lalakí at lalaki • Ano ang napansin ninyo sa mga salita? o magkatulad ang kanilang baybay • Batay sa gamit ng mga salita sa pangungusap, magkatulad kaya ang kanilang kahulugan? o Hindi. Magkaiba ang kanilang kahulugan. o hapunan – ay nangangahulugang panghapong pagkain o hapunán – ay nangangahulugang punong ginagawang pahingahan ng mga ibon pagdating ng hapon o lalakí – ay nangangahulugang tutubo at magiging malaki o lalaki – ay nangangahulugang anyo • Bigkasin mo ang mga salita. Magkatulad ba ang kanilang bigkas? o Hindi rin magkatulad ang kanilang bigkas. Kung nalilito ka sa kanilang bigkas, maaari kang magpatulong sa iyong guro.
  8. 8. 58 ⇒ Maraming salita sa wikang Filipino ang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba naman ang diin at kahulugan. Ang diin ay ang bigat sa isang pantig ng salita kapag binibigkas ito. Ito ay nagpapabago sa bigkas ng salita. Kapag nabago ang bigkas nagbabago rin ang kahulugan nito. Ang mga salitang binanggit sa itaas ay halimbawa nito. Basahin ang mga pangungusap. Bigkasin nang wasto ang pares ng mga salitang nakalimbag nang pahilig at ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang kanyang balát ay marumi dahil may marami itong galos at balat. 2. Umupo muna siya sa bangkò habang naghihintay dahil may maraming tao sa bangko. 3. Makulay ang bata na suot ng batà. 4. Kayá siya nakapagtapos dahil kaya ng kanyang mga magulang na itaguyod ang kanyang pag-aaral. 5. Alagaan mo ang baka; bakâ mangangayayat. Gawin Natin - hayop na kinakatay at inilalaga - magagawa - nilalagakan ng pera - paslit - isang mantsa o marka sa balat ng katawan - upuan - ekspresyong ginagamit sa pagpahayag ng pag-aalinlangan - damit na ginagamit sa pagkatapos maligo - salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dahilan at bunga - bagay na tumatakip sa buong katawan
  9. 9. 59 Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Kung 8-10 ang nakuha mo, magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain. Kung hindi naman subukan mo munang sagutin ang Gawain I-A. Gawain I – A Basahin ang bawat pares ng pangungusap sa ibaba. Piliin ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas. Ibigay ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap. Hanapin ang mga kahulugan mula sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang punò ng akasya ay itinumba ng bagyo. Isara mo na ang mga gripo kapag punô na ang balde. 2. Muling sumikat ang mga tala sa langit pagkatapos ng bagyo. Ayon sa mga nakuhang tala, masasabing mas marami ang naghihirap ngayon. 3. Iilan na lamang sa kabataang babae ang nananatiling konserbatibo. Lamang na ang sampu ang iskor ng Ginebra laban sa Phone Pals. 4. Unang ipinagdiwang ang Dinagyang sa Iloilo noong 1967 bilang isang bersyon ng Ati-Atihan. Bilang ng guro ang kanyang mga mag-aaral na nanonood ng palabas. - pagkatapos - pagbubukid, taniman - alam ang dami, tapos nang bilangin - parang, tulad ng - tangi - kahigitan - ulat, listahan - makinang at malaking bituin - apaw, sagad - katawan ng kahoy
  10. 10. 60 5. Malawak ang saka ni Mang Ambo sa probinsiya. Nagtrabaho siya ng dalawang taon sa Pilipinas at saka siya nangibang bayan. Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ano ang iskor mo? Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain. Basahin ang bawat pares ng pangungusap. Isulat ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas sa sagutang papel. Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Piliin ang sagot sa talaan sa ibaba. 1. a. Tinubos ni Kristo ang sala ng mga tao. b. Nagkatuwaan ang mga bata sa sala. 2. a. Tingnan ko nga kung kaya mo ito. b. Nawala ang pitaka niya kaya siya umiyak. 3. a. Tayo na ngang umuwi at gabi na. b. Hindi ka pa ba aalis? Tayo ka na agad! Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ano ang iskor mo? Mga Dagdag na Gawain tayo – ako, ikaw, siya kaya – magagawa sala – kasalanan tayo – tindig kaya – ekspresyong nag-uugnay ng dahilan at bunga sala – bahagi ng bahay na tinatanggapan ng panauhin o pinag-uumpukan ng mag-anak kung nagkakatuwaan
  11. 11. 61 May mga salitang iisa o pareho ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at magkaiba rin ang kahulugan. Makukuha ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit. Matapos mong sagutin ang mga gawain, sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Paano mo naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan? Magpatuloy ka… Basahin ang bawat pares ng pangungusap sa ibaba. Isulat ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas. Ibigay ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap. Hanapin ang tamang kahulugan mula sa kahon. Gawin ito sagutang papel. Sariling Pagsusulit Tandaan Natin buhay – nabuhay buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao puno – katawan ng kahoy puno – sagad, apaw malaman – mabatid malaman – maraming laman saya – tuwa, galak saya – palda, pang-ibabang damit paso – lalagyan ng halaman paso – lapnos
  12. 12. 62 1. Buhay na lahat ang mga itinanim niyang punong kahoy. Mahirap din ang buhay ng mga magsasaka. 2. Ibig mo bang malaman ang sekreto niya? Malaman ang inani niyang palay. 3. Ubod ng saya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Punung-puno ng palamuti ang saya ng sagala. 4. Malaki ang pagawaan ng paso ng mga Monteverde. Napaiyak sa hapdi ang bata sa pasong natamo nito. 5. Matatayog at malalabay ang sanga ng punong balete. Puno ng pasahero ang mga pampublikong sasakyan. Tingnan ang tamang sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang nakuha mo? Kung 8-10 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Kung hindi naman, sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin. Piliin sa mga salitang nasa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig. Isulat ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. a. Ang mga Pilipino ay likas na matulungin. b. Lilikas ang mga tao sa mataas-taas na lugar dahil sa baha. (a. sadya b. lilipat ng lugar c. titigil d. iiwan) 2. a. Dahil sa nagdaang bagyo, naging mahal ang mga bilihin ngayon. b. Mahal ni rosa ang kanyang mga magulang kaya sila ay kanyang iginagalang. (a. madaling mabili b. iniibig c. mataas ang halaga d. kakaunti) Pagyamanin Natin
  13. 13. 63 3. a. Buhay na ang itinanim kong mga gulay. b. Naging buhay ang pagtitipon dahil sa kanyang pagdating. (a. namatay b. natuyo c. nabuhay d. masigla) 4. a. Lahat ng kanyang mga kaibigan ay naawa sa aba niyang kalagayan. b. Aba! Dumating na pala si Kuya. (a. nagulat b. nabigla c. kaawa-awa d. nagsaya) 5. a. Hindi nakapasok sa paaralan si Joan dahil siya ay may sakit. b. Ang sakit na kanyang nadarama ay kanyang tiniiis. (a. may karamdaman b. may pinuntahan c. nagpahinga d. paghihirap) Tapos ka na ba? Tingnan ang wastong kasagutan sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang nakuha mo? Ngayon, handa ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Binabati kita.
  14. 14. 64 Subukin Natin 1. damá – nadarama, damdam dama – babaing abay 2. tubó – halamang pinagkukunan ng asukal tubo – bakal na daanan ng tubig 3. baka – alagang hayop na pangsakahan bakâ – salitang binibigkas upang ipadama ang pag-aalinlangan 4. punô – apaw, sagad punò – katawan ng kahoy mula sa ugat 5. lamang – wala nang iba pa lamáng – kahigitan Gawin Natin Gawain I 1. balát – bagay na tumatakip sa buong katawan balat – isang mantsa o marka sa balat ng katawan 2. bangkò – upuan bangko – nilalagakan ng pera 3. bata – damit na ginagamit sa pagligo batà – paslit 4. kayá – salitang ginagamit sa pag-uugnay sa dahilan at bunga kaya – magagawa 5. baka – hayop na kinakatay at inilaga bakâ – ekspresyong ginagamit sa pagpahayag ng pag-alinlangan Gawain I-A 1. puno – katawan ng kahoy punô – apaw, sagad 2. tala – makinang at malaking bituin tala – ulat, listahan 3. lamang – tangi lamang – kahigitan Gabay sa Pagwawasto
  15. 15. 65 4. bilang – parang, tulad ng bilang – alam ang dami, tapos nang bilangin 5. saka – pagbubukid, taniman saka – pagkatapos Mga Dagdag na Gawain 1. sala – kasalanan sala – bahagi ng bahay na tinatanggapan ng mga panauhin 2. kaya – magagawa kaya – ekspresyong ginagamit sa pag-uugnay ng sanhi at bunga 3. tayo – ako, ikaw, siya tayo – tindig Sariling Pagsusulit 1. buhay – nabuhay buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao 2. malaman – mabatid malaman – maraming laman 3. saya – tuwa, galak saya – palda, pang-ibabang damit 4. paso – lalagyan ng halaman paso – lapnos 5. puno – katawan ng kahoy puno – sagad, apaw Pagyamanin Natin 1. a. a b. b 2. a. c b. b 3. a. c b. d 4. a. c b. a 5. a. a b. d

×