Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Ugnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bunga
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 14 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan

  1. 1. 32 Module 21 6666 Filipino Mga Katangian ng Tauhan A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 33 Isang magandang araw sa iyo! May bago na naman tayong pag- aralan sa modyul na ito. Upang lubos mo itong maunawaan, buksan mo ang iyong isipan at sabay nating gawin ang iba’t ibang pagsasanay rito. Ngayon ay pag-aralan mo kung paano inilalarawan ang katangian ng tauhan batay sa pananalita/pagkilos na isinasaad sa kwento. Basahin ang talata. Ibigay ang tamang paglalarawan ng katangian ng tauhan sa talatang binasa. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
  3. 3. 34 1. “Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli sa atin ng ale,” sabi ni Maricar. Si Maricar ay _________________. a. magaling b. masinop c. matapat 2. Ilarawan ang katangian ni Aling Aida? __________________ a. mabait b. matapang c. masungit 3. “Tanggapin mo ito, Ine. Ito’y para sa iyo.” Ang tindera ay isang _________________ a. matulungin b. mapagbigay c. masungit Sabado noon. Isinama ng nanay sa palengke si Maricar. “Inay, marami palang tao rito sa palengke,” nasabi ni Maricar. “Talagang maraming tao rito. Bukod sa maraming tindera, napakarami ang bumibili,” paliwanag ni Aling Aida. Naalala bigla ni Maricar na ipinagbilin ng kanyang Itay na bibili ng saging kaya sinabihan niya ang kanyang nanay. Inuna nila ang pagbili ng isang piling na lakatan na nagkakahalaga ng P24.00. Isang dalawampung pisong papel at isang sampung pisong papel ang nakita ni Maricar na ibinayad ng nanay niya. Nagbigay ng sukli ang tindera. Sa halip na P6.00 lang ay sobra-sobra ito. “Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli sa atin ng Ale. Ang ibinayad po natin ay tatlumpung piso,” sabi ni Maricar. “Naku! Aling tindera, sobra nga naman ho ng siyam na piso ang sukli n’yo sa amin,” natatawang sabi ni Aling Aida. “Salamat ho,” nakangiting wika ng tindera. “Hoy, Ine, halika,” nakangiting tawag ng tindera kay Maricar. “Dahil sa iyong katapatan, heto naman ang alaala ko sa iyo…isang matamis na atis.” “Salamat po,” nasabi ni Maricar habang tinatanggap ang atis na kaloob ng tindera.
  4. 4. 35 4. Sinabihan ni Maricar si Aling Aida tungkol sa ipinagbilin ng tatay. Si Maricar ay ___________________. a. matapat b. masunurin c. maalalahanin 5. “Salamat po”, nasabi ni Maricar habang tinatanggap ang atis. a. maunawain b. masayahin c. mapasalamatin Tingnan natin kung tama ang iyong ginawa. Tingnan ang sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Kung ang kuha mo ay 4 o 5, binabati kita talagang hindi mo sinayang ang natutuhan mo sa ikalimang baiting. Kug ang kuha mo naman ay 3 o pababa, ang modyul na ito ay sadyang para sa iyo. Naranasan mo na bang magpasalamat? Paano mo ipinakita ang iyong pasasalamat? Basahin ang talataan at kilalanin ang mga tauhan. SALAMAT Pag-aralan Natin
  5. 5. 36 Sa daigdig na ito ay marami tayong dapat pasalamatan. Sa klase ni Bb. Luna ay iginuhit ng mga mag-aaral ang nais silang pasalamatan. May gumuhit ng dyip, kotse, aso, bahay, telebisyon, bentilador at larawan ng mga magulang at kapatid. Samantala, kaiba nga ang iginuhit ng batang si JV. Iyon ang Kamay. Nang tanungin ng mga kaeskwela, kung bakit niya pinasalamatan ang kamay, ay hindi agad nakakibo si JV. Kaya nag-isip ang kanyang mga kamag-aral. Nang magrises, naglabasan ang mga bata mula sa kwarto upang magsipagmeryenda sa kantina. Naiwang nag-iisa ang batang si JV. Nilapitan iyon ng titser at kinausap. “JV, bakit ka nagdrowing ng kamay? Kanino ba iyon?” “Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.” Biglang-bigla, tumulo ang luha ng titser na si Bb. Luna. Kasi ang batang si JV ay lumpo pati kanang kamay ay may diperensya. Lahat halos ng galaw nito ay inaaalayan ni Bb. Luna. Pati ang pagsulat ng kanang kamay ni JV na may diperensya, inaalalayan iyon ni Bb. Luna, hanggang sa ang bata ay natutong sumulat. “Ma’am, salamat po sa inyong kamay! Nakangiting sabi ng batang si JV. Pag-usapan Natin: 1. Anu-anong mga damdamin ang ipinakita ni JV sa kwentong ito? 2. Sa kwento bang ito ay ipinakita na mahalaga ang kapwa tao? Ipaliwanag. Sa iyong binasang kwento, anong kaugalian o katangian ang ipinakita ng mga tauhan. Halimbawa: 1. “Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.” Sa sinabi ni JV, anong katangian ang kanyang ipinakita? Siya ay isang batang marunong magpasalamat sa kanyang guro.
  6. 6. 37 2. Lahat halos ng galaw ni JV ay inaalalayan ni Bb. Luna. Sa ginawa ni Bb. Luna, anong katangian ang kanyang ipinakita? Si Bb. Luna ay mabait na guro, matiisin at maalalahanin. • Isang mabisang batayan ng paglalarawan ng tauhan ang ipinapakita nitong kilos at pananalita. Sa kwento ng mga tauhan na ating binasa ay nailalarawan natin ang katangian batay sa kanilang kilos at pananalita na siyang ipinakikita sa kuwento. Umpisahan ang mga pagsasanay upang lubos mo pa itong maunawaan. Gawain 1 Anong katangian ng mga tauhan ang inilalarawan sa bawat bilang? Pumili ng sagot sa kahon. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. ______ 1. Pinipili ni Mon ang palabas sa telebisyon na maganda para sa kabataan. ______ 2. Araw-gabi ay nag-aaral ng leksyon si Cristina. ______ 3. Pinipilit ni Adela na makakuha ng matataas na marka kahit mahirap ang aralin. ______ 4. Inaaruga ni Ka Inta ang kanyang ina. Gawin Natin a. masipag d. masikap b. maingat e. mapagmahal c. pagiging madaldal
  7. 7. 38 ______ 5. Dapat iwasan ang ugaling ito upang hindi mapahamak. Isipin ang dapat ipahayag. Kung ang kuha mo ay 4 o 5 sagutin mo ang Mga dagdag na Gawain ngunit kung ang kuha mo ay 3 o pababa sagutin mo muna ang Gawain 1.A at Mga Dagdag na Gawain. Gawain 1.A Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba. Ilarawan ang katangian ng mga tauhan ditto. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad iyong pinulot ni Dan at iniabot sa may-ari. Si Dan ay isang batang __________. a. masipag b. matulungin c. matapat 2. May bagong pantalon si Sito. Nalaman niyang kailangan ni Fred ng isusuot sa kanilang programa. Ipinahiram niya iyon sa mahirap na kamag-anak. a. masipag b. matulungin c. matapat 3. May uwing pagkain ang nanay. Sinabi ng nanay na hatian ni Dina ang kanyang kapatid na si Nena. Hinati ni Dina nang magkasinlaki at ibinigay niya kay Nena ang parte nito. a. marunong b. mapagbigay c. masinop 4. Si Ruffa ay di-gaanong maganda na gaya ni Lina. Pinagtatawanan ni Lina si Ruffa sa harap ng ibang tao sabay sabi na pangit si Ruffa at siya ang pinakamaganda. a. mayabang b. sinungaling c. kulang sa pansin
  8. 8. 39 5. Gustung-gusto ni Dave na makipaglaro kay Mario. Tinawag niya ito upang sumama sa bukid. Hindi pumayag si Mario dahil bilin ng kanyang tatay na bantayan ang kanilang mga alagang hayop. Si Mario ay ___________. a. magalang b. matalino c. masunurin Basahin ang kwento sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang. Si Betty ay isang batang ulila. Nasawi ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Dahil dito, siya’y inampon ng kanyang Tita Myrna. Naging malungkot ang buhay ni Betty. Lahat ng gawaing pagluluto, paglalaba at paglilinis ng bahay ay sa kanya ipinagagawa. Gaya ng isang katulong ang turing sa kanya. Bukod sa utos dito, utos doon palagi pa siyang sinisigawan at pinapalo ni Tiya Myrna kapag siya’y nagkakamali. Uupo siya sa ilalim ng puno na lagi niyang pinagtataguan tuwing siya’y umiiyak. Isang matandang kapitbahay ang nakasaksi nito kaya kinumbinse niya si Betty na doon na lamang tumira. Inalagaan niya si Betty na parang kanyang tunay na anak. Masaya si Betty sa kanyang pagtira habang ginampanan niya nang mabuti ang pagtulong sa matanda. 1. Nasawi ang mga magulang ni Betty sa isang aksidente. Ilarawan ang buhay ni Betty. ______________________________________________________________. 2. Lahat ng gawain ay kanyang ginagawa. Si Betty ay isang _______________________________________________________na bata. Mga Dagdag na Gawain
  9. 9. 40 Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng kanyang naging reaksyon sa mga sitwasyon sa kwento. 3. Madalas pinapalo at sinisigawan si Betty ng kanyang Tita Myrna. Si Tita Myrna ay isang ______________________________________________________________. 4. Isang matandang kapitbahay ang naawa sa kanya at kinumbinse siyang doon na lamang tumira. Ang matandang kapitbahay ay isang _____________________________________________________tao. 5. Masaya si Betty sa kanyang pagtira sa matanda kaya nagtrabaho siya nang mabuti bilang pasasalamat niya sa kanila. Si Betty ay isang ________________________________________________________. Nakayanan mo ba ang iyong ginawa? Paano mo ngayon inilalarawan ang bawat tauhan sa kwento? Ilarawan ang tauhan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Sariling Pagsusulit Tandaan Natin
  10. 10. 41 1. Wala ang nanay ni Vincent. Siya lamang ang naiwan sa bunso niyang kapatid. Maya- maya niyaya siya ng kaibigan niyang maglaro sa kanilang bahay. Ito ang kanyang sagot. Si Vincent ay isang ___________________ bata. Pasensya na kayo, walang maiiwan sa bunso kong kapatid. 2. May batang nadapa. Umiiyak siya dahil nagkabutas ang kanyang pantalon at nasugatan pa ang kanyang tuhod. Ang sabi ni Leo ay ___________. Si Leo ay isang _____________ bata. Halika, bata. Tutulungan kitang makatayo. Sa susunod mag- iingat ka na. 3. Nagtatanim sa bakuran ang nanay ni Rudy. Kailangan niya ang tagahawak ng paso. Tinawag niya ang anak. Ngunit ito ang sagot ni Rudy. Si Rudy ay isang _______________ na anak. Nakakainis naman oh. Naglalaro pa ako.
  11. 11. 42 Kung ang kuha mo ay 4 o 5 maaari ka ng sumagot ng ibang modyul. Kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa, sagutin mo muna ang Pagyamani Natin. mapagbigay masunurin mapagmahal tamad matulungin 4. Naglaro isang araw ang magkaibigan Jack at Jill. Dahil si Jill ay isang mahirap lamang sabik na sabik siyang malaro ang laruan ni Jack. Ang sabi ni Jack. Si Jack ay isang __________________ na kaibigan. Jill sa iyo na ang laruang ito. Pahiramin mo ang kapatid mo na si Leonardo. 5. Marami ang labada ni Aling Maria. Nilabhan niya ito nang maagang- maaga. Ang sabi niya Si Aling Maria ay isang _______________ na ina. Tatapusin ko ito nang maaga upang makaluto ako ng masarap na pagkain para sa aking pamilya.
  12. 12. 43 Basahin ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwentong ito. Isulat ang sagot sa patlang. Ilarawan si Celia sa pamamagitan kanyang 1. damit ____________________________________ 2. ugali ____________________________________ Ilarawan naman si Ferdinand sa pamamagitan ng kanyang 3. damit ____________________________________ 4. ugali ____________________________________ 5. pagsasalita ____________________________________ Pagyamanin Natin Sa simula’y naging palaisipan si Celia sa kanyang guro. Mahiyain siya, palaging kupas ang damit, walang baon, walang kaibigan at palaging tahimik. Isang araw, pinagbintangan ito ni Ferdinand na kumuha ng kanyang limampisong baon. Isinumbong ito ni Ferdinand sa kanyang guro. Malapit na sanang paniwalaan ng guro si Ferdinand dahil si Ferdinand ay isang malinis na bata, palaging puti ang suot, bibung-bibong bata at palaging mabango. Inisip ng guro na talagang may pera si Ferdinand at si Celia ay wala. Maya-maya’y dumating ang bata na nasa ika-limang baitang na siyang nakapulot sa pera ni Ferdinand. Buti na lang ay hindi napagalitan ng guro si Celia.
  13. 13. 44 Dahil natapos mo na ang iba’t-ibang gawain sa modyul na ito, ay binabati kita. Nawa’y pagbutihin mo pa ang mga gagawin mo sa susunod na modyul. Hanggang sa susunod.
  14. 14. 45 Subukin Natin 1. c 2. a 3. b 4. b 5. c Gawain 1 1. b 2. a 3. d 4. e 5. c Gawain 1.A 1. c 2. b 3. b 4. a 5. c Mga Dagdag na Gawain 1. malungkot 2. masipag o mabait 3. di mabuting tiyahin 4. maawain o matulungin 5. taong marunong tumanaw ng utang na loob Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin 1. masunuring 1. kupas 2. matulungin 2. tahimik 3. tamad 3. malinis at palaging 4. mapagbigay puti ang suot 5. mapagmahal 4. bibung-bibo 5. mapagbintang sa kapwa Gabay sa Pagwawasto

×