Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Filipino 6 dlp 20 pagsusuri ng pangungusap

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 12 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Filipino 6 dlp 20 pagsusuri ng pangungusap (20)

Anzeige

Weitere von Alice Failano (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Filipino 6 dlp 20 pagsusuri ng pangungusap

  1. 1. 21 Module 20 6666 Filipino Pagsusuri ng Pangungusap A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  2. 2. 22 Kumusta? Mabuti ba ang pakiramdam mo? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at handang-handa ka na naman sa isang bagong aralin. Mag-aral kang mabuti! Ang mga pangungusap ay may mga bahagi. Sa araling ito, matutuhan mo ang pagsusuri sa mga pangungusap ayon sa mga bahaging bumubuo nito. Suriin ang bawat pangungusap. Sundin ang nasa ibaba nito. 1. Nakipaglaban sa mga Español si Diego Silang. 2. Nabigyan ng magandang edukasyon si Gabriela Silang. 3. Nakipaglaban sa mga Español si Gabriela. 4. Nakatulong sa mga Katipunero si Tandang Sora. 5. Pinakamagaling na heneral si Antonio Luna. 6. Binaril si Jose Rizal ng mga Español. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
  3. 3. 23 Isulat nang ganito. Paksa Panaguri Layon ng Pangungusap Tuwiran/Di-Tuwiran 1. Diego Silang 2. 3. Nakipaglaban sa mga Español Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang nakuha mo? Kung 4 o 5 ang nakuha mo magaling ka! Alam mo na ang araling ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Kung 3 o pababa, ang nakuha mo, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na ito. Magpatuloy ka. Sino ang kinikilalang Ina ng Katipunan? Basahin ang usapan nang iyong malaman. Pag-aralan Natin
  4. 4. 24 Basahin: Lola na pala si Tandang Sora noong panahon ng himagsikan. Ngunit malaki pa rin ang naitulong niya sa mga Katipunero. Ipinagluto niya ng pagkain ang mga Katipunero. Nagbigay siya ng gamot at tirahan sa mga karamdaman. Tagatago rin pala siya ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan. Matapang at tapat siya sa kanyang mga kababayan. Karapat-dapat lamang parangalan siya bilang bayani ng sementeryo. Ina ng Katipunan si Tandang Sora. Utang natin sa kanya ang ating kalayaan.
  5. 5. 25 Pag-usapan Natin 1. Sino si Tandang Sora? 2. Bakit siya itinuring na Ina ng Katipunan? 3. Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa bayan? 4. Sino pang babaing bayani ang pinagkakautangan natin ng kalayaan? Basahin ang mga pangungusap. 1. Nagluto ng mga pagkain si tandang Sora. 2. Nagbigay siya ng gamot at tirahan sa mga may karamdaman. Ano ang paksa, panaguri at layon ng mga pangungusap? - Ang paksa, panaguri at layon ng mga pangungusap ay ang sumusunod. Paksa Panaguri Layon Tuwiran Di Tuwiran 1. Tandang Sora 2. siya Nagluto Nagbibigay pagkain gamot at tirahan mga may karamdaman Tandang Sora at siya - ay paksa o simuno dahil ang mga ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Nagluto at Nagbigay – ay panaguri dahil ang mga ito ang kilos na ginagawa ng paksa o simuno sa pangungusap. Pagkain, gamot, at tirahan – ay tuwirang layon dahil ito ang tumatanggap ng kilos na ginawa ng paksa o simuno. mga may karamdaman – ay di-tuwirang layon dahil ito ang pinaglalaanan ng kilos na ginawa ng paksa o simuno.
  6. 6. 26 Pag-aralan ang mga pangungusap. Sabihin kung may layon o wala ang mga ito. 1. Utak ng rebolusyon si Apolinario Mabini. 2. Nanungkit ng bayabas si Noel. Ganito ba ang sagot mo? 1.) wala; 2.) may layon Kung ganito ang sagot mo, tama ka! Hindi lahat ng pangungusap ay may layon dahil mga pangungusap lang na may pangunahing pandiwang panaguri ang may layon. Gawain 1 Suriin mo kung may layon o wala ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng √ kung may layon at x kung wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. Lola na si Tandang Sora noong panahon ng Himagsikan. _____ 2. Tagatago siya ng mga lihim na kasulatan ng Katipunan. _____ 3. Binigyan niya ng pagkain ang mga sundalong Pilipino. _____ 4. Nagluluto siya ng pagkain para sa mga Katipunero. _____ 5. Matapang na babae si Tandang Sora. Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang nakuha mo? Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain. Kung 3 o pabaab ang nakuha mo, sagutin mo muna ang Gawain 1-A. Gawin Natin
  7. 7. 27 Gawain I-A Isulat sa sagutang papel kung tuwirang layon o di-tuwirang layon ang may salungguhit na salita sa pangungusap. 1. Gumamit ng gulok si Gabriela Silang sa pakikipaglaban sa mga Español. 2. Humingi ng tulong sa mga tao si Gabriela. 3. Nagbuwis ng buhay si Gabriela para sa bayan. 4. Nagtanim ng bulaklak si Ana. 5. Namitas ng mangga si Mang Pedro. Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Magpatuloy ka. Basahin ang mga pangungusap. Suriin ang mga bahagi nito. Isulat sa tsart ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Nagtirik sila ng kandila. 2. Ang mga kabataan ay naglilinis ng bakuran. 3. Naghanda sila ng pagkain para sa mga bisita. 4. Umiigib ng tubig si Manuel. 5. Maaliwalas ang panahon ngayon. Paksa Panaguri Layon Tuwiran Di Tuwiran 1. 2. 3. 4. 5. Mga Dagdag na Gawain
  8. 8. 28 Ang pangungusap ay may panaguri, paksa at layon. Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa paksa. Ang layon ay maaaring tuwiran o di-tuwiran. Ang tuwirang layon ay ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Ang di- tuwirang layon ay ang pinaglalaanan. May pangunahing pandiwa lang ang may layon. Hindi lahat ng pandiwang panaguri ay may layon. Tapos ka na? Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Magpatuloy ka. Sagutin mo: Ano ang paksa? Panaguri? Tuwirang layon? Di-tuwirang layon? Tandaan Natin
  9. 9. 29 Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung paksa, panaguri, tuwirang layon o di-tuwirang layon ang mga may salungguhit na salita sa pangungusap. 1. Nag-aaral ako ng aking mga aralin. 2. Ang mga magulang ko ay mapagmahal. 3. Si Lola ay bumili ng mga panregalo sa kanyang mga apo. 4. Masaya ang klase namin. 5. Nagdarasal kami tuwing orasyon. Ihambing ang sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Kung 4 o 5 ang nakuha mo, natutuhan mo na ang araling ito. Kung hindi naman. Sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin upang lubos mong matutuhan ang araling ito. Isulat ang PK kung paksa, PN kung panaguri, TL kung tuwirang layon o DTL kung di-tuwirang layon, ang mga may salungguhit na salita sa pangungusap. 1. Ang samahang Gawad Kalinga ay nagtayo ng mga bahay para sa mga kapus-palad. Pagyamanin Natin Sariling Pagsusulit
  10. 10. 30 2. Nakatutuwa si Ana dahil siya ay matulungin. 3. Kinilala siya bilang “Huwarang Mag-aaral”. 4. Nagluto siya ng adobo para sa iyo. 5. Masaya ang kanilang mag-anak. Muling ihambing ang iyong sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang nakuha mo? Maaari ka na ngayong magpatuloy sa susunod na modyul. Binabati kita!
  11. 11. 31 Subukin Natin Paksa Panaguri Layon ng Pangungusap Tuwiran/Di-Tuwiran 2. Gabriela Silang 3. Gabriela 4. Tandang Sora 5. Antonio Luna 6. Jose Rizal nabigyan nakipaglaban nakatulong pinakamagaling binaril ng magandang edukasyon sa mga Español sa mga Katipunero Gawain 1 1. x 2. √ 3. √ 4. √ 5. x Gawain 1 A 1. tuwirang layon 2. tuwirang layon 3. di-tuwirang layon 4. tuwirang layon 5. tuwirang layon Mga Dagdag na Gawain Paksa Panaguri Layon Tuwiran Di Tuwiran 1. sila 2. kabataan 3. sila 4. Manuel 5. panahon nagtirik naglilinis naghanda umiigib maaliwalas kandila bakuran pagkain tubig para sa mga bisita Gabay sa Pagwawasto
  12. 12. 32 Sariling Pagsusulit 1. tuwirang layon 2. panaguri 3. di-tuwirang layon 4. paksa 5. panaguri Pagyamanin Natin 1. di-tuwirang layon 2. paksa 3. panaguri 4. tuwirang layon 5. panaguri

×