18
Module 2
6666
Filipino
Ano nga ba ang Paksa o Ideya?
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
19
Kumusta ka na? Ngayon ay nasa ika-anim na baitang ka na. Ang
lahat na iyong natutuhan sa nakaraang taon ay lalo pang
mapapayaman dahil sa baitang na ito ay matutunghayan mo ang
iba’t-ibang kasanayan sa Filipino. Tayo na at umpisahan na natin.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, matutuhan mo
kung paano matutukoy ang mga paksa o ideya sa tulong ng pamagat.
Basahin ang mga talata na nasa ibaba. Ibigay ang paksa o ideya
ng talatang ito sa tulong ng kanilang pamagat. Isulat ang sagot sa
patlang.
1. “Sariling Atin”
Lagi nating bilhin
Sariling kalakal natin
Nang mabuhay na sagana
Ang mahal nating bansa.
Paksa o ideya: __________________________________________
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
20
2.
Paksa o ideya: __________________________________________
3. Aguinaldo
Ito ang gusto ko
Pagdating ng Pasko
Nagbibigay nito’y
Ninang at Ninong ko
Paghalik sa kamay
Ibibigay ito.
Ang lahat ng tuwa’y
Sumasapuso ko.
Paksa o ideya: _______________________________________________
4. Ang Tubig
Sa pang-araw-araw na mga gawain
Tubig itong ating inaasahan mandin
Anong laking hirap suliranin natin
Kung tubig ay wala kahit na katiting.
Paksa o ideya: _______________________________________________
Ang Munting Tindera
Maliit pa lamang si Rita ay kasama-sama na ni
Aling Petra sa pagtitinda sa palengke. Tumutulong siya
sa pagtitinda. Humahanga sa kanya ang mga kapit-
bahay nila. Maagang gumigising, nagbabantay ng
tindahan habang namimili ng gulay na ititinda si Aling
Petra. Masipag siya at matulunging bata. Kaya naman,
munting tindera ang tawag sa kanya.
21
5.
Paksa o ideya: _______________________________________________
Sinu-sino ang mga taong mayaman? Ang kalusugan ba’y anyo
ng kayamanan? Bakit?
Ngunit bago natin tunghayan ang tula alamin muna natin ang
mga salitang ginagamit sa tula.
a. mahina ang katawan – ibig sabihin ay sakitin
b. sapat – ibig sabihin ay husto
c. huwaran – ibig sabihin ay modelo
Tayo na at basahin na natin ang tula.
Pag-aralan Natin
Operasyon Linis
Kalulunsad pa lamang ng isang proyektong
pangkalinisan sa aming paaralan. Ito ay ang Operasyon
Linis na ang pangunahing layunin ay ang mailagay sa
kaayusan at kalinisan ang paaralan at ang buong
paligid nito. Sinikap naming maging kaaya-aya sa
paningin ng lahat ang mga silid-aralang aming
ginagamit sa pamamagitan ng puspusang paglilinis.
Bawat pangkat ay nagdala ng mga panlinis na
kagamitan. Sa matiyagang pamamahala ng aming guro,
nilinis namin ang buong palibot ng paaralan.
22
Kalusugan: Isang Kayamanan
Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit sinasabing ang kalusugan ay isang kayamanan?
_______________________________________________________________
2. Ano nga ba ang katangian ng isang taong malusog?
_______________________________________________________________
3. Paano natin mapananatiling malusog ang ating katawan?
_______________________________________________________________
I
Ang kalusugan daw ay isang yaman
Kaya mahalin ang ating katawan
Pag tao’y sakitin katawa’y mahina,
Sa buong maghapo’y walang magagawa.
II
Kung ikaw’y malusog, ikaw ay masigla
Pati ang isip mo’y may diwang maganda
Kaya upang tayo’y gumanda’t lumusog,
Damihan ang kain, agahan ang tulog.
III
Palaging linisin ang ating katawan
Ang sapat na laro’y huwag kalimutan
Lahat ng gawain ay magagampanan,
Kung laging malusog ang iyong isipan.
IV
Ang pag-iingat ay laging isaisip
Upang sa disgrasya ay hindi manganib;
Ang taong malusog ay magandang tingnan
Kalusugan niya’y magiging huwaran.
23
Pag-aralan mo:
Ang bawat talata, kuwento, tula, awit at iba pa ay may pamagat.
Ang pamagat ay siyang nagsasabi tungkol sa kabuuan ng seleksyong
binasa. Ano nga ba ang pamagat sa ating tula? Kalusugan: Isang
Kayamanan, di ba? Dahil ito’y nagsasabi na ang kalusugan ay isang
kayamanan suriin natin ang bawat saknong.
Unang saknong: Dahil ang kalusugan ay isang kayamanan dapat
mahalin ang katawan upang tao’y hindi maging sakitin.
Ikalawang saknong: Dahil ang kalusugan ay isang kayamanan dapat
damihan ang kain at agahan ang tulog upang tao’y maging malusog
at masigla.
Ikatlong saknong: Dahil ang kalusugan ay isang kayamanan, dapat
linisin ang katawan upang lahat ng gawain ay magampanan.
Ikaapat na saknong: Dahil ang kalusugan ay isang kayamanan, pag-
iingat ay kailangan upang kalusugan ay magiging huwaran.
Samakatuwid, ang pamagat ay tumutulong upang malaman ang
paksa o ideya o kung ano ang ibig ipahiwatig sa seleksyong binasa.
Kabuuang Paksa: Ingatan ang kalusugan dahil ito ay isang
kayamanan.
Narito pa ang karagdagang halimbawa:
Magandang Ugali
(1) Kung nais mong lumigaya
(2) At maging laging masaya
(3) Magandang ugali’y panatilihin
(4) Mabait, magalang at masunurin
II
(1) Ang magandang ugali ay parang susi
(2) Na dapat gamitin sa bawat sandali
(3) Sapagkat ito ay siyang nagbubukas
(4) Ng pagmamahal na tapat at wagas.
24
Unang Saknong:
1. Ano ang nais mo sa unang taludtod?
2. At ano pa ang sa ikalawang taludtod?
3. Ano ang dapat panatilihin?
4. Anu-ano ang magagandang ugaling ito?
Ikalawang Saknong:
1. Ano ang katulad ng magandang ugali?
2. Ano ang dapat gawin sa bawat sandali?
3. Ano ang magagawa ng magandang ugali?
4. Ano ang mabubuksan nito?
Ngayon, ang paksa o ideya ng tula ay ang magandang ugali
katulad ng pagiging mabait, masipag at masunurin na magdadala ng
ligaya at pagmamahal na tapat at wagas.
O, kaya mo na? Gawin mo ang mga sumusunod na pagsasanay
upang ito ay lubos mo pang maintindihan.
Basahing mabuti ang tula. Alamin at ibigay ang kaisipan o
ideyang isinasaad nito. Gawin sa sagutang papel. Bawat sagot ay may
2.5 puntos.
Gawin Natin
Sa Sariling Bayan
Kaysarap mabuhay sa sariling bayan
Na laging kapiling ang mahal sa buhay
Dito ang lahat ng ating kaibigan
Sa tuwa at sa lungkot ay nagtutulungan.
II
At saan mang dako’y sagana ang lahat
Ang mga lupa’y mataba at malawak
Maisda ang ilog, ang sapa at dagat
Makahoy, mahayop ang mayamang gubat.
25
Iwasto ang iyong ginawa. Tingnan sa Gabay sa Pagwawasto at
alamin ang iskor mo. Kung ang kuha mo ay 4 o 5 magaling, puwede
mo nang sagutin ang Mga Dagdag na Gawain. Kung ang kuha mo
nama’y 3 o pababa, sagutin mo muna ang Gawain 1.A.
Gawain 1.A
Basahin ang talata na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel gamit ang pormat na nasa ibaba.
Unang Saknong
Ikalawang Saknong
Kaisipan o Ideya
______________________________
______________________________
Ang Bayan ng Polilio
1
Ang Polilio ay isang isla. Napapalibutan ito ng
malawak na karagatan. Ang pulo ng Polilio ay nasa
lalawigan ng Quezon.
2
Matatagpuan dito ang mga ginto, petrolyo,
tingga, at trepang (mga hayop dagat) na
kinakalakal sa Tsina.
3
Maaaring pagmamahal sa dagat ang nagtulak
sa mga taong dito manirahan gaya ng mga
Tagalog, Ilokano, Bisaya at Bikolano.
4
Mahirap ang pamumuhay sa bayan ng Polilio.
Ang pangingisda at pagsasaka ang pangunahing
hanapbuhay ng mga tao.
5
Karamihan sa mga pagkain ay galing sa
pagpapatulo ng pawis. Kapansin-pansin ang
kanilang kasipagan at higit sa lahat, ang
pagmamalasakit nila sa mga biyaya ng kalikasan.
26
Ano ang iskor mo? _______________
Kung kuha mo ay 4 o 5 sagutin mo na ang Mga Dagdag na
Gawain.
Ibigay ang paksa o ideya ng sumusunod na mga talata. Isulat
ang sagot sa patlang.
Mga Dagdag na Gawain
3.
Paksa
o
Ideya
1.
2.
4.
5.
27
Ang mga pangungusap sa mga talata ay nagpapahayag ng
isang paksa at ang susunod na talata ay magpapahayag naman
ng isa pang bago bagama’t maaaring kaugnay na paksa.
Kung ang talata ay may pamagat, nakatutulong din ito sa
pagbigay ng ideya o paksa dahil ang pamagat ay ang kabuuang
paksa o ideya ng talata.
1.
2.
Sa mga pagsasanay na ating ginawa, ano ang natutuhan mo?
Paano mo maibibigay ang kaisipan o ideya ng mga talata o tula na
iyong binasa. Paano nakakatulong ang mga pamagat nito?
O kaya mo na? Ihanda ang sarili at sagutin ang “Sariling
Pagsusulit”.
Tandaan Natin
Ang Manggagawa
Utang na loob natin sa mga manggagawa ang mga
bagay-bagay na makikita natin sa ating kapaligiran. Bawat isa
sa kanila ay nagsisikap upang makapaglingkod sa kapwa.
Paksa o Ideya: _____________________________________________
Biyaya ng Kagubatan
Kayamanang maituturing ng ating kagubatan ang mga
puno ng goma. Karamihan gamit sa mga laruan ang goma.
Sa tahanan ay karaniwan din itong gamitin upang higit na
pakinabangan ang mga kasangkapan. Hindi tatakbo ang
sasakyan kung wala ang goma. Talagang malaking biyaya ng
kagubatan ang puno ng goma.
Paksa o Ideya: _____________________________________________
28
Basahin ang seleksyong nasa ibaba. Ibigay ang paksa o ideya
nito.
Sariling Pagsusulit
Ang Bagong San Isidro
1
Nagulat si Cita sa kanyang nakita. Ang mga looban
ay nababakuran ngayon. Natatamnan ng magagandang
bulaklak ang gilid ng kalsada. Walang bakuran na hindi
natatamnan ng gulay. Ang mga baboy ay nakakulong na
maging mga kambing ay pawang nakatali. Anupa’t ang
San Isidro ay larawan ng isang maayos at malinis na
pamayanan.
2
Ang paaralan nila’y hindi rin nagpahuhuli sa
ganitong mga pagbabago. Bagong pinta na ang pangalan
ng paaralan sa harapan ng pangunahing gusali. Malinaw
na mababasa ng bawat nagdaraan: MABABANG PAARALAN
NG SAN ISIDRO. Hitik sa mga punong namumunga ang
bakuran ng paaralan. May mangga, kaymito, duhat, buko
at kung anu-ano pa. A, kaylaki ng ipinagbago ng baryo!
1. Paksa o Ideya:
2. Paksa o Ideya:
29
Ano kaya ang sikor mo?
Tingnan sa Gabay sa Pagwawasto. Kung ang kuha mo ay 3 o 4
ibig sabihin ay handa ka na sa susunod na modyul. Kung ang kuha
mo naman ay 2 o pababa sagutin mo muna ang “Pagyamanin Natin”.
Ang tulang nasa ibaba ay hango sa sulat ni Andres Bonifacio.
Ibigay ang paksa o ideya ng bawat saknong. Piliin ang sagot mula sa
loob ng kahon at isulat ito sa patlang.
Pagyamanin Natin
1.
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya,
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala;
Paksa o Ideya:
________________________________________________
________________________________________________
2.
Kung ang bayang ito’y nasasapanganib,
At siya ay dapat na ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Paksa o Ideya:
________________________________________________
________________________________________________
30
Tingnan kung tama ang iyong mga sagot. Binabati kita dahil
tapos ka na sa modyul na ito. Hanggang sa susunod…
- Dapat handang ibigay ang buhay para sa bayan.
- Tatalikdan lahat para sa bayan.
- Wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa.
31
Subukin Natin
1. Pagtangkilik ng sariling atin
2. Si Rita ay isang masipag at matulunging tindera.
3. Dulot ng aginaldo/regalo sa tao
4. Kahalagahan ng tubig
5. Operasyon Linis sa paaralan
Gawin Natin
Kaisipan/Ideya
Unang Saknong: Masarap mamuhay sa sariling bayan
Ikalawang Saknong: Sagana ang buhay sa sariling bayan
Gawain 1.A
1. Ang islang Polilio
2. Mga yamang dagat na matatagpuan sa Polilio
3. Dahilan kung bakit maraming tao ang gusting manirahan dito
4. Pangunahing hanapbuhay sa Polilio
5. Kasipagan at pagmamalasakit
Mga Dagdag na Gawain
1. Kahalagahan ng manggagawa
2. Mga bagay na naidudulot ng goma
Sariling Pagsusulit
1. Ang mga pagbabago sa lugar ng San Isidro
2. Ang mga pagbabago sa paaralan ng San Isidro
Pagyamanin Natin
1. Wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa
2. Tatalikdan lahat para sa bayan.
Gabay sa Pagwawasto