1. 0
Module 1
6666
Filipino
Pagsunod sa mga Panuto
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
2. 1
Kumusta ka na? Maligayang pagbabalik sa paaralan! Sana’y lalo
ka pang magpupursige ngayong nasa ikaanim na baitang ka na.
Sana’y pagbutihin mo ang pagkatuto lalo na sa araling ito.
Sa araw-araw na pamumuhay, lagi mong naririnig ang mga
panuto maging sa bahay, sa paaralan o saanman. Ang mahalaga
masusunod nang wasto ang mga panuto upang maiwasan ang
pagkakamali. Sa araling ito, matutuhan mo ang pagsunod sa mga
panuto na isinaalang-alang ang gamit ng mga salita.
Sundin ang panuto. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Gumawa ka ng bilog. Isulat mo ang iyong pangalan sa loob ng
bilog.
2. Gumuhit ka ng limang parisukat sa ibaba. Pagdugtung-
dugtungin mo sila sa pamamagitan ng mga guhit na pahiga.
3. Isulat mo ang pangalan ng iyong paaralan. Bilugan mo ang mga
patinig. Kahunan mo ang mga katinig.
4. Hanapin mo sa pangungusap sa ibaba ang mga salitang may
bigkas na malumay. Lagyan mo ito ng ekis.
Tumawa ang dalaga.
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
3. 2
5. Palitan mo ang titik E ng K, ang M ng A, ang I ng L, ang B ng I, at
ang O ng N. Isulat ang buong salita sa patlang.
EMIBOISAN ____________________
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto.
Nasunod mo ba ang mga panuto? Kung oo ang sagot mo,
magaling ka. Kung hindi naman, huwag mag-alala, matutuhan mo ang
araling ito sa modyul na ito. Magpatuloy ka.
Ano ang pamana natin mula sa ating mga ninuno?
Basahin mo ang kuwento nang iyong malaman kung ano ang
mga pamana natin mula sa ating mga ninuno.
Pag-aralan Natin
4. 3
Bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino ang mga
katutubo nating tradisyon. Inilalahad ng mga ito ang ating mga
katangian at pag-uugali bilang isang lahi. Samakatuwid maituturing
natin ang tradisyong Pilipino bilang isang…
Dakilang Pamana
(sanaysay)
Isa sa mga pinagmamalaki ng sambayanang Pilipino ay ang
pagkakaroon ng natatanging mga tradisyon. Ito ang mga tradisyong
nagpapakilala sa atin bilang mga Pilipino. Saan man tayo naroroon ito
ang nagiging tatak ng ating pagkalahi.
Marami sa ating mga tradisyon ang patuloy na nananatili. Subalit
marami rin ang unti-unti nang nawawala. Bunga ito ng mga
pagbabagong pangkabuhayan. Iba ang ekonomiya noon kaysa sa
ngayon. Noon ay agrikultura lamang halos ang ating ikinabubuhay
ngunit ngayon ay nagkaroon na ng iba’t-ibang industriya.
May mga katutubong tradisyon tayong mga Pilipino. Sa mula’t
mula pa ay naging kaugalian na natin ang mga ito. Hindi ito galing sa
kultura ng mga dayuhang sumakop sa atin. Minana pa natin ang mga
kaugaliang ito sa ating mga ninuno.
Bahagi ng ating katutubong kaugalian ang malapit at mahigpit
na pag-uugnay ng mga kasapi ng isang pamilya. Noon pa man ang
isang pamilyang Pilipino ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Subalit
ang isang angkan ay sumasaklaw sa lahat ng mga kamag-anak,
kasama ng mga lolo at lola, mga tiyo at tiya, mga pamangkin at
pinsan hanggang sa ikatlong antas. Inaasahang bawat kasapi ng
angkan o pamilya ay magiging matapat sa isa’t isa. Ito ang dahilan
kung bakit hindi pinahihintulutan ng ating kaugalian ang
paghihiwalay ng mag-asawa. Nasasaad ito sa ating mga batas at sa
mga alituntunin ng Kristiyanismo.
Ang paggalang sa bawat kasapi ng pamilya ay isa ring
katutubong kaugalian ng mga Pilipino. Makikita ito sa ating paggamit
ng po at opo sa pakikipag-usap sa matatanda o sinumang
nakatatanda. Gayon din sa ating pagmamano o paghalik ng kamay sa
kanila. May mga katawagan din tayo sa mga kapatid na nakatatanda
tulad ng kuya at ate, diko at ditse, sangko at sanse.
5. 4
Kasama rin sa ating mga tradisyon ang pagsasalu-salo ng mga
kasapi ng pamilya lalo na kung may okasyon gaya ng Pasko, Bagong
Taon at kaarawan. Sa ganitong mga pagkakaton, naghahanda tayo ng
ating mga katutubong pagkaing Pilipino tulad ng bibingka, suman,
puto-bumbong, kutsinta at iba pa. Marami tayong uri ng putong
inihahanda – puto alsa, puto sulot, puto singaw o putong sapin-sapin.
Sa suman ay gayon din – may suman sa ibos, suman sa lihiya,
sumang kamoteng-kahoy, tupig (Ilokano), patupat at iba pang
karaniwan sa bawat rehiyon. Mayroon din tayong iba’t ibang uri ng
kalamay na malagkit kalamay na galo (kulay itim), kalamay na puti at
kalamay na ubi. Hindi kumpleto ang handaang Pilipino kung wala ang
mga ito.
May ilan tayong tradisyong unti-unti nang naglalaho. Ang ibig
sabihin hindi na ito gaanong ginagawa ng mga Pilipino. Tulad
halimbawa ng pagsasalu-salo sa pagkain, na karaniwan nang hindi
magampanan ng lahat ng mga kasapi ng mag-anak ngayon. Lubha
nang abala ang bawat isa at kung minsan ay nagmamadali pa. Dahil
dito hindi sila tuloy magkasabay sa pagkain.
Nagbabago na rin ang hilig sa pagkain ng mga Pilipino. Bunga
ng dumaraming kainang dayuhan tulad ng MacDonald’s, Wendy’s at
Dunkin Donut, ang nakahihiligang kainin ng mga kabataan ngayon ay
hamburger, French fries, hotdog at doughnut. Bihira na nilang kainin
ang pritong manok sa bahay. Karaniwang nagaganap ang ganitong
pangyayari sa kalunsuran at mga pook na urban.
Sa kasalukuyan, hindi lahat ng mga bata ay nagmamano sa
matatanda, bagamat mayroon pa ring ilang gumagawa nito. Bilang
pagbati humahalik na lamang sila sa pisngi o dili kaya’y
nagyayakapan.
Unti-unti na ring nagbabago ang ating mga kaugalian sa
panliligaw, pagpakasal, sa paglalamay sa patay at paglilibing. Halos
wala na ngayong mga binatang naghaharana sa mga dalaga. Ang mga
dating kaugalian sa pamanhikan at pagpakasal ay unti-unti na ring
naglalaho. Napalitan na ito ng makabagong paraan ng pag-uusap ng
mga kaanak ng ikakasal. Gayon pa man, may ilan pa ring mga
katutubong kaugalian ang isinasagawa sa mga lalawigan tulad ng
sabitan ng pera habang nagsasayaw ang mga bagong kasal. Iba na
rin ang paraan ng paglalamay sa patay ngayon. Noong araw ang mga
magsisipaglamay ay naglalaro ng dulo, karagatan o hwego de prenda
matapos magdasal. Ngayon, bihira na ang gumagawa ng mga ito.
6. 5
Sadyang nagbabago ang panahon at kasabay nito, nagbabago
rin ang tradisyon at kaugalian ng mamamayang Pilipino.
Pag-usapan Natin:
1. Alin sa mga ating kabutihang kaugalian ang dapat nating
panatilihin? Bakit?
2. Sang-ayon ka ba sa nakaugalian nating pagmamano sa mga
matatanda? Pangatwiran ang sagot?
3. Kung ikaw ang papipiliin, alin ang gusto mo: pagkaing Pilipino o
pagkaing dayuhan? Ipaliwanag.
4. Magtala ng iba pa nating kaugalian na maaaring ipagmalaki.
5. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ating
katutubong mga kaugalian?
Gawin ang isinasaad ng mga panutong ito:
Ang pagmamano ba ay isang mabuting kaugalian? Kung ang
iyong sagot ay Oo, gumuhit ng bituin. Kung Hindi, gumuhit ng isang
tatsulok. Kulungin sa kahon ang larawang iginuhit.
Ganito ba ang sagot mo?
O, ganito ang sagot mo?
Alin man sa dalawa ang sagot mo, tama ka. Paano mo nagawa
nang tama ang panuto?
Makasusunod nang wasto sa mga panuto kung nauunawaang
mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit dito.
Bakit mahalagang sundin ang panuto?
Upang maiwasan ang pagkakamali at pagkalito.
7. 6
Gawain 1
Narito ang ilan pang panutong ibinatay sa iyong binasang
sanaysay. Gawin ang isinasaad ng bawat isa sa iyong sagutang papel.
1. Basahing muli ang sanaysay. Isulat sa buong pangungusap ang
isang tradisyong patuloy na nananatili at isang tradisyong unti-
unting nawawala.
2. Balikan ang sanaysay na iyong binasa. Bilangin kung ilang
talataan mayroon ito. Isulat ang sagot at bilugan ito.
3. Sinu-sino ang bumubuo ng isang karaniwang pamilyang Pilipino?
Isulat ito nang sunud-sunod sa isang linya lamang. Bawat isa ay
kulungin sa isang parihaba.
4. Iguhit ang kaugaliang inilalarawan sa ikalimang talataan.
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa iginuhit mong
larawan.
5. Magtala ng kahit tatlong mga pagkaing nabanggit sa ikawalong
talataan. Iguhit sa tapat ng bawat pagkain ang larawan nito.
Pumili ng pagkaing paborito mo sa lahat. Lagyan ito ng kwadro.
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Kung 5 o 4 ang nakuha mo, magaling
ka! magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain. Kung 3 o pababa
ang nakuha mo, huwag mag-aalala. Magpatuloy ka upang matutuhan
ang araling ito.
Gawin Natin
8. 7
Gawain I – A
Sundin ang mga ipinagagawa upang mabuo ang isang
pangungusap.
1. Ano sa Ingles ang hari? __________ Sa unahan nito, isulat ang
titik a kung ikaw ay nasa ika-anim na baitang.
2. Saan dapat ideposito ang pera? __________ Lagyan ng ekis ang
unang pantig ng iyong sagot.
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang nangangahulugan ng
bigo?
saya, lungkot, sawi, lagi Isulat ito sa patlang __________
Kung ikaw ay nag-aaral ng asignaturang Filipino ngayon, alisin
mo ang unang pantig. Pagkatapos ay isulat mo ang katagang ka sa
hulihan.
4. Ano ang tunog ng putok ng baril? __________ Burahin ang unang
titik.
5. Ano ang salitang ugat ng salitang pagmamahal? __________
6. Ngayon isulat mong lahat ang mga salitang nabuo mo sa bawat
bilang.
__________ __________ __________ __________ ________
1 2 3 4 5
Ayusin mo ang mga salita upang makabuo ng isang
pangungusap na dapat masabi ng isang tunay na Pilipino!
__________ __________ __________ __________ ________
5 4 3 2 1
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto.
Ilan ang nakuha mo?
Ngayon, magpatuloy ka sa Mga Dagdag na Gawain.
9. 8
Basahin at unawaing mabuti ang tulang “Pasko na, Aking Igan”,
at gawin ang mga pagsasanay na kasunod tungkol sa binasa.
Pasko na, Aking Igan
I
Abala ang lahat pati kapitbahay
Gawin mo ang parol, sa balkon ang lagay
Kabitan ng ilaw tanglaw sa daraan
Sa pagtungo nila sa ating simbahan.
II
Walong gabing sunod, dumalo sa nobena
At pansiyam naman ay ang Noche Buena;
Sa oras ng pagsilang ng anak ng Diyos
Tayo ay lumuhod, manalanging lubos.
III
Lamig sa madaling-araw, ito’y bale-wala
Isuot mo’y makapal, ginaw nang mawala
Pagsimbang-gabi’y iyong isagawa
Hanggang sa dumating Araw na dakila.
Mga Dagdag na Gawain
10. 9
IV
Matapos ang misa agad mong tunguhin,
Tindahan ng puto at ibang kakanin;
Mayro’ng puto-bumbong saka itong
suman
Sundan ito ng tsa, pampainit ng t’yan.
V
Sa araw ng Pasko, maging masaya ka.
Tulad ng Ibang bata, binata’t dalaga;
Ang palit-regalo’y h’wag kalilimutan
Na ang dulot nito’y libong kasiyahan.
VI
Pasko na, aking Igan, ako ay patawarin,
Sa ginawang mali sa ugaling hubad.
Sige, mangako ka, di ka na uulit.
Magandang ugali siya mong ipalit.
11. 10
Basahing mabuti ang ipinagagawa ng panuto tungkol sa
binasang tula. Gawin ang mga panuto sa sagutang papel.
1. Anu-ano ang mga dapat gawing sinasabi sa ikalawang saknong?
Isulat ito.
2. Isulat ang uri ng damit na isusuot. Bilugan ito pagkatapos.
3. Sa ikaapat na taludtod, alin-alin ang pagkaing mabibili? Huwag
mong sagutin ito. Isulat lamang ang salitang tsa at
salungguhitan ito.
4. Sa huling taludtod, ano ang katangian ng aking Igan? Hindi
sasagutin ito. Sa halip, isulat ang pangungusap: Ang Pasko ay
pagpapatawad. Salungguhitan ang mga salitang Pasko at
pagpapatawad.
5. Iguhit mo ang larawan na ipinagagawa sa iyo sa unang taludtod.
Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan
ang iskor mo?
Matapos mong sagutin ang mga gawain, sagutin mo ngayon ang
tanong sa ibaba.
Paano mo nasunod ang mga panuto?
Bakit mahalagang masunod ang mga panuto?
__________________________________________________
12. 11
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Upang
lubusang makasunod sa mga panuto, kailangang unawaing
mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit dito. Ang
maayos na pagsunod dito ay isang pagpapatunay lamang na
ang bumabasa, nakikinig at sumusunod ay mga taong madaling
makaintindi.
Ang hindi pagsunod dito ay pagpapatunay lamang ng
kamangmangan o pagwawalang-bahala. Maraming
pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang bunga ng hindi
pagsunod sa mga panuto.
Basahin at unawain ang sanaysay.
Kulturang Tasaday
Ang mga Tasaday ay kabilang sa mga minoryang Pilipinong
matatagpuan sa kagubatan ng Timog Cotabato. Hanggang ngayon
ang tribong ito ay gumagamit ng mga kasangkapang bato. Walang
nakababatid kung saan sila nagmula.
Ang sentro ng kanilang mga gawaing pantahan ay ang kweba.
Sa labas ng kweba ay nagtatayo sila ng mga kubong yari sa rattan at
pinatuyong mga dahon ng saging. Dito sila namamahinga. Sa sapa sa
paanan ng kweba sila kumukuha ng tubig.
Sariling Pagsusulit
Tandaan Natin
13. 12
Hindi sila nag-iimbak ng pagkain sa kweba. Nasa kagubatan
ang kanilang ikinabubuhay. Maraming pagkain sa gubat kayat hindi
sila gaanong nagpapalipat-lipat ng tirahan.
Matibay ang pagkakabuklod ng tribo sapagkat magkakamag-
anak ang turing nila sa isa’t isa. Tapat sila sa pag-aasawa na
nananatili hanggang kamatayan.
Likas na tahimik ang mga Tasaday. Kahit naninirahan sila sa
isang kweba, hindi sila nag-aaway.
Walang hangganan ang teritoryo nila sa ibang tribo. May
kalayaan ang pook na kinaroroonan ng susunod na tribo.
Nagkaroon lamang ng kaunting pagbabago ang kanilang
pamumuhay nang matuto silang gumamit ng busog, pana, sibat at
gulok. Natuto silang manggupit ng buhok at mag-ahit ng balbas.
Bagamat marami silang natutuhan sa mga taga-labas, hindi lahat ay
kanilang tinatanggap.
Gawin ang isinasaad ng mga sumusunod na panuto kaugnay
ng iyong binasa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ilarawan ang paraan ng pamumuhay ng mga Tasaday.
14. 13
2. Kopyahin ang bahagi sa seleksiyon na magpapatunay na ang
mga Tasaday ay tahimik at may pagkakaisa.
3. Kung ang mga Tasaday ay Pilipino rin isulat ang unang titik ng
pangalan ng kanilang tribo at bilugan ito, kung hindi ay isulat
ang H sa loob ng kahon.
4. Iguhit sa loob ng kahon katulad ng nasa ibaba, ang mga
kagamitan ng mga Tasaday nang magkaroon ng pagbabago ang
kanilang pamumuhay.
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang
nakuha mo? Kung 3 o 4 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka
na sa susunod na modyul. Kung 2 o pababa ang nakuha mo sagutin
mo muna ang Pagyamanin Natin.
Sundin ang mga panuto.
1. Kapag ang temperatura ng katawan ng isang tao ay tumataas o
umiinit kumpara sa normal na temperatura, sinasabi natin na
siya ay may __________. Isulat ang salita sa may patlang sa itaas.
Kung si Jose Rizal ay taga-Maynila, kaltasin mo ang titik L sa
Pagyamanin Natin
15. 14
isinulat mong salita, kung si Rizal ay hindi taga-Maynila burahin
mo ang na. Ang Filipino ba ay wikang pambansa? Kung oo ang
sagot mo, isulat mo ang unang titik ng alpabeto sa unahan ng
salitang nabuo sa unang gawain. Kung hindi, bumalik ka sa
tuntunin tungkol kay Rizal.
2. Kung ang salitang sapatos ay isang pandiwa bilugan mo ang
nabuo mong salita. Kung ito naman ay pangngalan idagdag ang
huling letra ng salitang sapatos sa hulihan ng salita sa itaas.
3. May anim na titik na ba ang iyong nabuong salita? Kung anim
na ay singitan mo ng letra a sa pagitan ng t at s.
4. Mahal mo ba ang iyong bayan? Kung oo ang sagot mo, isulat
ang pangalawang letra ng alpabeto sa unahan ng salita.
5. Ngayon, kung nakasunod ka nang wasto sa mga panuto,
nasulat mo ang pangalan ng isang dakilang Pilipino. Sino siya?
Isulat sa patlang.
Muling ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan
ang iskor mo?
Natapos mo na ang araling ito. Binabati kita! Maaari ka nang
magpatuloy sa susunod na modyul.
16. 15
Subukin Natin
1.
2.
3. Maaari mong isangguni sa iyong guro ang sagot mo sa bilang na
ito.
4.
5. KALINISAN
Gawin Natin
Gawain I
1. Ang isang tradisyong patuloy na nananatili ay ang malapit at
mahigpit na pag-uugnayan ng mga kasapi ng pamilya habang
ang tradisyong unti-unting nawawala ay ang pagsalu-salo sa
pagkain ng lahat ng kasapi ng pamilya.
2.
3.
Gabay sa Pagwawasto
Pangalan ng
Sumasagot
_________
Tumawa ang dalaga.
11
ama ina mga anak
17. 16
4.
Magalang ang mga Pilipino. (Maaaring sumangguni sa iyong guro
kung may iba kang sagot sa pangungusap.)
5.
Hamburger frencch fries doughnut hotdog
(Kahit alin sa mga pagkaing itinala at batay sa talataan iginuhit ay
tama.)
Gawain I A
1. aking
3. wika
4. ang
5. mahal
6. aking ko wika ang mahal
1 2 3 4 5
7. Mahal ko ang aking wika
5 2 4 1 3
2. bangko
18. 17
Mga Dagdag na Gawain
1. Dumalo sa nobena at lumuhod at manalanging lubos.
2.
3. tsa
4. Ang Pasko ay pagpapatawad.
5.
Sariling Pagsusulit
1. Ang pamumuhay ng Tasaday ay matahimik, may pagkakaisa at
simple.
2. Likas na tahimik ang mga Tasaday. Kahit naninirahan sila sa
isang kweba, hindi sila nag-aaway.
3. T
4.
Makapal na damit
T