1. Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal nang makita ng lahat ang mukha ng pag- ibig ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan sa mga malabo ang paningin
2. mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya
3. mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan ipamalas ang katotohanang nasaksihan nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim
4. at sa lahat ng naiwang nakatayo mangyari lamang ay hagkan ang isa't isa at yakapin ang mga sugatan mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan
5. manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal “ Mangyari Po Lamang” -ni Rico Abelardo Mga litrato kuha ni Alfredo Antone -isang mapalad na iskolar ng Ateneans USA