SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
TEORYA PINAGMULAN NG WIKA
Teoryang pinagmulan ng wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-
daming teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan,
paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika
na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya
tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga
o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng
mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang
napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't
ibang eksperto.Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan
namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya
ng wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-
ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos
na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano
ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang
mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan
kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng
nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang
tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.Ngunit kung totoo ito,
bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang
tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-
bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan
sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao
na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin
nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng
naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003)na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksertng
pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon
sa posisyonng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga
proponentng teoryang ito sa pinagmulan ng wika
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga
namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang
salitang ta-ta.

More Related Content

What's hot

Mga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMj Aspa
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousThomson Leopoldo
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipinoRita Mae Odrada
 
Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaLove Bordamonte
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaReymeloLeonor
 
Unang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaUnang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaAr Jay Bolisay
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang FilipinoVeronica B
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaPersia
 

What's hot (20)

Mga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wika
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Mga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwikaMga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwika
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at Homogeneous
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
 
Wika todo
Wika todoWika todo
Wika todo
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salita
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Unang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaUnang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wika
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Pagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong MorpoponemikoPagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong Morpoponemiko
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng Wika
 

Similar to Teoryang wika

Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxAng mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxMaryGraceYgotParacha
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaPatriciaRocolan
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfRyanPaulCaalem1
 
Kalikasan-at-Teorya new.ppt
Kalikasan-at-Teorya new.pptKalikasan-at-Teorya new.ppt
Kalikasan-at-Teorya new.pptRheaCastillo7
 
Mga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfMga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfRachelBaldomar
 
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)SHS-Demo Teaching (HuMMS B)
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)asheyme
 
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdfYunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdfRichardMerk2
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfhyperpj80
 
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.ppt
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.pptTeorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.ppt
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.pptJuliannebeaNotarte1
 

Similar to Teoryang wika (20)

antas ng wika report.pptx
antas ng wika report.pptxantas ng wika report.pptx
antas ng wika report.pptx
 
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxAng mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Untitled-Presentation.pdf
Untitled-Presentation.pdfUntitled-Presentation.pdf
Untitled-Presentation.pdf
 
kasaysayan ng wika 1.pptx
kasaysayan ng wika 1.pptxkasaysayan ng wika 1.pptx
kasaysayan ng wika 1.pptx
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
 
Wika
WikaWika
Wika
 
Kalikasan-at-Teorya new.ppt
Kalikasan-at-Teorya new.pptKalikasan-at-Teorya new.ppt
Kalikasan-at-Teorya new.ppt
 
Mga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfMga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdf
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
 
Wika
WikaWika
Wika
 
Pinagmulan ng wika
Pinagmulan ng wikaPinagmulan ng wika
Pinagmulan ng wika
 
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)SHS-Demo Teaching (HuMMS B)
SHS-Demo Teaching (HuMMS B)
 
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdfYunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
Yunit-1-Panimulang-Linggwistika.pdf
 
W ikapptx
W ikapptxW ikapptx
W ikapptx
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdf
 
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.ppt
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.pptTeorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.ppt
Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Wika.ppt
 
pwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptxpwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptx
 
WIKA.pptx
WIKA.pptxWIKA.pptx
WIKA.pptx
 
Wika teorya
Wika teoryaWika teorya
Wika teorya
 

Recently uploaded

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 

Recently uploaded (20)

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 

Teoryang wika

  • 1. TEORYA PINAGMULAN NG WIKA Teoryang pinagmulan ng wika Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami- daming teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo. Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto.Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan. Tore ng Babel Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag- ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
  • 2. Bow-wow Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang? Ding-dong Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay- bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog Pooh-pooh Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
  • 3. Yo-he-ho Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003)na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksertng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak? Yum-yum Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyonng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponentng teoryang ito sa pinagmulan ng wika Ta-ta Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.