2. Ang opinyon ng isang tinedyer sa usapin tungkol sa sekswalidad sa
panahon ngayon ay mas kadalasang naihahayag niya sa kaniyang mga
kabarkada kaysa sa kaniyang pamilya. Ito ay maaring sa kadahilanang iniisip
niya na mas maiintindihan siya ng mga ito dahil halos magkapareho sila ng
pinagdadaanan. Dito siya nagkakamali sapagkat tanging mga nakatatanda
lamang, lalo na ang kaniyang sariling mga magulang at pamilya, ang
makapagbibigay sa kaniya ng tamang gabay at patnubay ukol sa mga usaping
may kinalaman sa sekswalidad ng tao.
Ang sekswalidad au hindi isang bagay na taglay ng tao. Bagkus, ito ay
tumutukoy sa kabuuan ng mga aspektong sikolohikal, pangdamdamin, pisikal,
at espiritwal ng kaniyang pagkatao. Sa ganitong pag-unawa lamang sa
sekswalidad maaari siyang makaiwas sa mapanirang gamit dito. Hindi
imposibleng magkaroon ng maayos na relasyong sekswal kung may
negatibong damdamin at pag-iisp hinggil sa mga nasabing apekto na
bumubuo sa pagkatao. Mahalagang tandaan na ang sekswalidad ay hindi
tumutukoy sa katawan kundi sa katauhan.
3. Suriin ang larawan. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito.
1. Anong una mong naisip kapag nakakita ka
ng ganitong sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, paano mapapatibay ang
ganitong relasyon?
3. Ano ang palagay mo ang pamantayan ng
pakikipagrelasyon?
4. Kung ikaw ay tinutukso at hinihikayat ng
iyong karelasyon na patunayan ang iyong
pagmamahal sa pamamagitan ng
pagkaloob ng iyong sarili sa kaniya, ano
ang gagawin mo?
5. Sa iyong edad, sa tingin mo ba ay handa
ka nang pumasok sa isang relasyon? Bakit
o bakit hindi?
4. Basahin ang kuwento sa ibaba.
1. Paano nabuo ang pag-
ibig ni Liz kay Bert?
2. Sa palagay mo, tama ba
ang ginawang pagtatapat
ni Liza?
3. Ano kaya ang
kahihinatnan ngpag-ibig
ni Liza para kay Bart kung
inilihim niya lamang ito?
4. Kung ikaw si Liza,
gagawin mo rin ba ang
ginawa niya?
5. Kung ikaw si Bart, ano
ang magiging reaksiyon
mo?
5. Kasabay ng iyong pagdadalaga o pagbibinata ang mga pagbabago hindi lamang sa
iyong pisikal na kaanyuan at kakanyahan bilang babae o lalaki, kundi maging ang mga
pagbabago sa iyong mga interes at kinahihiligan. Marahil ay napapansin mo na
kaakibat din nito ang pagkapukaw ng iyong sekswal na interes. Ito ay isang natural na
bahagi ng prosesong iyong pinagdadaanan tungo sa iyong kaganapan bilang babae o
lalaki. Kung kaya’t hindi mo ito nararapat na ikababahala o ikahiya.
Bagama’t mahaba at hindi madali ang prosesong ito ng iyong paglago bilang isang
babae o lalaki, makatutulong ito upang mapaghandaan mo ang tamang panahon sa
paghanap ng iyong magiging kabiyak o kapares sa katapat na kasarian (kung iyong
mapagtatanto sa hinaharap na ang iyong bokasyon ay pag-aasawa). Kapag dumating
na ang panahong ito kung kalian handa ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos
at wagas, saka mo lamang matatagpuan ang tamang lalaki o babae para sa iyo. Kaya
naman hindi mo kailangang madaliin ang pakikipagrelasyon dahil nararapat mo
munang pagtuunan ng pansin at pag-aralang mabuti ang pagkakaroon ng tamang
pananaw sa sekswalidad at ang paglinang sa birtud ng pagmamahal.
6. Ang sekswalidad ay isang behikulo na nagbibigay-daan sa pagiging ganap na tao,
bilang babae o lalaki. Higit pa ito sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng bawat isa
dahil ang pagpapakababae at pagpapakalalaki ay isang tungkulin na personal at
Malaya mogn piniling gampanan sa iyong buhay. Kung kaya’t nagsisilbing isang moral
na hamon sa ating lahat ang pagbubuo o pag-iisa ng ating sekswalidad at ng sarili
nating pagkatao tungo sa ating pagiging ganap na babae o lalaki. Sa pamamagitan ng
pag-iisang ito, maiiwasan ng sino man ang pagkakaroon ng kakulangan sa sariling
pagkatao na maari pang magdulot ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga
karamdamang sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning sekswal. Sa
yugtong ito ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, nakasalalay sa iyong masusing
pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat sa pagpapasiya, at angkop na pagpili ang
matagumpay na pagtugon sa hamon ng pag-iisa ng iyong sekswalidad at sariling
pagkatao.
7. Dahil ang pagmamahal ay ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao, at tao lang
din lamang ang may kakayahang magmahal ayon kay San Juan Pablo II,higit na
maging katangi-tangi, buo, at ganap ito kung mailalakip dito ang bawat element ng
tunay na pagmamahal ayon sa kung alin ang dapat mauna o mangibabaw. Kanilang sa
mga ito ang sex drive o sekswal na pagnanasa, ang will o kilos-loob, mga pandama at
emosyon, pakikipagkaibigan, at kalinisang puri.
9. Ngayong ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging sanhi ng pagpukaw ng iyong interes
sa katapat na kasarian. Ilan sa mga halimbawa nito ay:
• pamumula ng iyong mga pisngi tuwing kinakausap ka ng taong iyong
hinahangaan
• ang pagiging conscious mo sa iyong hitsura at pananamit kapaga magkasama
kayo ng iyong mga kasing-edad, at
• maging ang kakaibang pakiramdam na iyong nadarama kapag may nakita kang
lalaking matipuno o babaeng balingkinitan.
Ang iyong pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na mga damdaming ito at ang iyong
pagkaakit sa katapat na kasarian ay hindi nararapat na maging sanhi ng iyong
pagkalito, pagtataka o pagkahiya. Ang mga ito ay natural lamang na kaakibat ng iba
pang mga pagbabagong iyong pinagdadaanan, bagama’t hindi mo pa lubos na
mauunawaan ang mga ito. Makatutulong din ang mga ito sa iyong paghahanda
tungo sa iyong kaganapan bilang babae o lalaki kung mapamamahalaan mo ang
mga ito nang wasto.
10. Ang pagpukaw ng interes sa katapat na kasarian ay maaring iugnay sa sex drive o
simbuyong sekswal ng tao na higit ang pagkakaiba s asimbuyong sekswal ng hayop. Ang
simbuyong sekswal ng mga hayop ay naayon sa kanilang instinct, isang refelex mode o
awtomatikong kilos na hindi na nangangailangan ng kamalayan. Ito ang dahilan kung
bakit ginagawa nila kahit saan kung ano ang likas sa kanila gaya ng sekswal na pagsasama
upang panatilihin ang kanilang uri. Samantala, ang simbuyong sekswal o sekswal na
pagnanasa ng tao, na mas angkop tawagin bilang udyok o simbuyo ng damdamin, ay
bunga ng pagpili at nag-uugat sa pagmamahal.Ang tao ay may kamalayan, kalayaan, at
tuon sa pagsisikilos nito. Ito ay maaari niyang supilin, pamahalaan, at bigyan ng tamang
tugon. Sa ganitong paraan, maaari itong makatulong sa kaniyang paglago bilang tao at
magbigay ng kaganapan sa kaniya bilang babae o lalaki. Sa kabilang banda, ito ay maaari
din niyang hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao. Kung magkagayon man, maaari
naman itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o sa halip ay magiging sanhi
pa ng abnormalidad sa kaniyang sekswal na oryentasyon.
11. Kaya naman tunay ngang isang hamon ang wastong pamamahala at paggamit sa
udyok o sekswal na pagnanasa ng tao sa mabuting paraan gaya ng paglilingkod sa tunay
at tapat na pagmamahal o kaya naman ay pagtutuon nito sa isports, sa pagpapaunlad nf
sariling talent, hilig, o interes, at maging sa pag-aarala. Upang maisagawa ito, kailangan
nating kilalanin at tanggapin ang udyok o pagnanasang sekswal bilang bukal ng likas na
enerhiya, ayon kay Santo Juan Pablo II.
12. Puppy love o unang paghanga sa katapat na kasarian ay karaniwang bunga ng
senswalidad, na pinupukaw ng mga senses o pandama, at sentiment o damdamin,
na bunsod naman ng emosyon. Ito ay nadarama ng isang tao na naakit o napukaw
ang interes dulot ng kagandahan ng mukha, katawan, kilos, pananamit, o talent ng
isang tao. Ito ay maaaring mabuo, mawal, o lumalim at maging mas masidhi
paglipas ng panahon at pagkatapos ng lubusang pagkakakilala sa toang
hinahangaan.
Dahil ito ay lumilipas at maari pang mabago, hindi ito maituturing na tunay na
pagmamahal. Gayunpaman, maaari itong magsilbing pundasyon na maghahanda sa
isang tao para sa tunay na pagmamahal sa tamang panahon. Ang taong
hinahangaan ay maaari ding ituring bilang inspirasyon at motibasyon upang lalong
pagbutihin ng isang tao ang kaniyang Gawain at pag-aaral, at paunlarin ang
kaniyang sarili.
13. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng taong
minamahal. Ito ay kusang ibinabahagi at ipinagkaloob at hindi idinidikta o
ipinagpipilitan. Ito ay pagtanggap sa kniyang buong pagkatao hindi lamang sa mga
bagay o katangiang kaibig-ibig sa kaniya. Ito rin ay pagbibigay-halaga at pagturing sa
kaniya bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan lamang na maaaring gamiting
upang mapunan ang ano mang pansariling pangangailanga. Ito ay bunga ng
pagpapasiyang magmahal, at isinaalang-alang nito ang pagtingin sa taong minamahal
bilang kapares at kapantay, paggalang sa dignidad at kalayaan ng isa’t isa, at
pagpapahalaga sa kani-kaniyang kapakanan at kabutihan.
14. Ayon kay Santo Juan Pablo II, tanging ang taong may kalinisang puri ang may
kakayahang magmahal ng tunay. Ito ay dahi kaakibat ng tunay na pagmamahal ang
pagbibigay-halaga sa kalinisang puri ng taong minamahal. Ang kalinisang puri ay isang
birtud na kumikilala sa tao bilang tao at hindi isang bagay. Sa panliligaw ng isang
binata sa dalagang kaniyang iniibig, naipapahayag niya ang kaniyang paggalang sa
kalinisang puri nito sa pamamagitan ng pagsasabing, “Malinis po ang hangarin ko sa
inyong anak”, sa harap ng mga magulang nito. Ito ay nagpapatunay na ang panlilugaw
ng binate bunga ng kaniyang pagmamahal sa dalaga at sa buong pagkatao nito hindi
lamang dahil sa taglay nitong ganda at halina.
Sa pagitan naman ng mga mag-asawa, naipamamalas ang tunay na pagmamahal
at paggalang sa kalinisang puri ng isa’t isa kung Malaya at buong pagtitiwala nilang
ibinibigay ang kanilang sarili at buong pagkatao sa isa’t isa. Ang kanilang pagsasama
ay hindi lamang dulot ng sekswal na pagnananasa. Bagkus, pinahahalagahan nila nag
pagkatao ng isa’t isa.
15. Dahil mapagbuklod ang tunay na pagmamahal, ipinaglalapit nito ang mga puso ng
dalawang taong nagmamahalan. Sa ganitong paraan, pinagsasaluhan ng mga
nagmamahalan ang iisang pagmamahal. Katumbas ng pagmamahal ba ito ang
paghahandog ng buogn pagkatao sa isa’t isa na lubos na naipamamalas sa
pamamagitang ng pagpapakasal. Sa pagpapakasala, ipinagkaloob ng bawat isa ang
kani-kanilang sarili at kalayaan sa isa’t isa habambuhay. Kasabay nito ang pagbibitiw
ng pangako ng pagmamahalan sa hirap man o ginhawa, sa sakit man o kalusugan,
maging hanggang sa kamatayan. Sa sumpaang ito, ipinahahayag ang pagtanggap sa
buong pagkatao ng isa’t isa, kasama na ang mga katangiang kanais-nais at hindi
kanais-nais.
Ang tunay na pagmamahal ay maipamamalas lamang ng isang taong ganap ang
pagkatao bilang babae o lalaki at mayroong kakayahang pangalagaan ang kaniyang
sarili. Sa panahong siya ay handa na at nakatagpo na ng kaniyang magiging kabiyak,
malugod niyang tatanggapin at gagampanan ang responsibilidad niya rito dahil sa
pagmamahal na kanilang pinagsasaluhan.
16. Gaya ng isang birtud, ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng
paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito. Ito ay lagging nakatuon sa kabutihan ng
taong minamahal at maging ng dalawang taong pinag-isa ng pagmamahalang ito.
Lumipas mang ang paghanga bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon,
mananatiling nag-aalab ang tunay na pagmamamahal dahil ito ay nakabatay sa
pagtanggap sa buong pagkatao ng minamahal. Higit ding napabubuti nito ang mga
taong nagmamahalan.
Ang tunay na pagmamahal ay mapanlikha rin dahil ito ay nagbibigay-buhay sa
pamamagitan ng pisikal o sekswal na paraan (pagsisilang ng sanggol) at ispiritwal
na paraan (pamumuhay bilang biyaya sa kapwa). Alin man sa mga paraang ito ang
isabuhay ng tao, mabibigyang-katuparan pa rin ang kaniyang bokasyon sa
pagmamahal bilang tao dahil mabunga at makabuluhan ang kaniyang buhay sa
mundo.
Upang masumpungan naman ang tunay na pagmamahal, kailangang matuto ang
bawat isa sa mga naging karanasan ng mga taong dumanas nito. Dapat ding
paglabanan ang labis na materyalismo at pagiging makasarili. Higit sa lahat,
nararapat na pakatandaan na ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa
Diyos sa tulong ng kaniyang biyaya.