SlideShare a Scribd company logo
1 of 68
Download to read offline
• nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan
• isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa
kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat,
gayundin ito’y tinatawag na
• layunin nito na mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang
tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa
mga makakakita o makababasa
Isang maikling buod ng artikulo, ulat at
pag aaral na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon
ng mismong papel.
Sa artikulong ito tinalakay ang mga negatibong epekto ng internet at social
media na kung saan ang konseptong ito ay itinampok ni Joselito Artalejos sa
kaniyang Indie Film na pinamagatang “Unfriend” sa 64th Berlinale International Film
Festival sa Germany.
Sa panahon kasi ngayon laganap ang teknolohiya at mga kabataan ang
kadalasang naiimpluwensiyahan nito na kahit sa pagtulog o sa pagkain man ay
hawak-hawak nila ang kanilang cellphone.
Maaaring makapagbigay ng satispaksyon ang social media sa isang tao ngunit
darating din sa puntong hindi na ganoon kaganda ang pakikitungo nila sa iba. Sa
isang panayam na ginawa sa isang dalagita, sinabi niya na natuto na siyang
makipag-away at magbigay ng banta sa mga nakakaaway niya. Sa loob ng walong
taon simula grade 5, inuubos na niya ang oras sa social media kung saan makailang
ulit na siyang nirereport dahil sa pang-aaway sa social media. Nakapaloob din sa
artikulo ang pahayag ni Prof. Gerald Abersos, sinabi niya na maaaring magdulot ang
palagiang paggamit ng social media ng pagbaba ng self-esteem, pagkadepress, at
pagkawala ng privacy. Sinabi rin niyang aakalain mong lumalaki ang mundo mo yun
pala mas lumiliit at nagiging “toxic” ito sa buhay mo. Maaaring matago ang tunay na
pagkatao mo pero kahit kailan hindi magkakatulad ang tunay na mundo sa
mundong nakapagpapalit-anyo.
Isang maikling impormatibong sulatin na
naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang
indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal.
Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga
tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.
Si Rolando A. Bernales ay nagtapos bilang cum laude sa
Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal University, BSE-Filipino at
nakakuha ng graduate certificate na katumbas ng Master of Arts in
Teaching. Isa siyang Ed. D. sa Educational Management ng University of
Makati. Limang taon siyang naging Puno ng Departmento ng Lenggwahe
at Literatura sa University of Makati. Kasalukuyan siyang isang Professor II.
Isa siyang awtor, ko-awtor, editor at/o consultant na hindi kukulangin sa 70
na mga aklat sa wika, pagbasa, at panitikan sa antas preschool,
elementarya, sekundarya, at tersyarya. Isa rin siyang akademik konsultant
ng Mutya Publishing House, Inc. Isa rin siyang Executive Director ng Center
for Innovative Education and Sciences. Isang malikhaing manunulat ng
tula, kwento, at sanaysay si Bernales. Napabilang siya sa Ten Outstanding
Students of the Philippines (1989), isang Palanca Awardee, at nagtamo ng
parangal na “Award for Exemplary Performance as Public Servant (2000)”
mula sa Pamahalaang lungsod ng Makati. Panghabambuhay na kasapi
ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino at
miyembro ng KAGURO, SANGFIL, at APNIEVE.
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado
para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
“Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang matamis na tagumpay
at kaginhawaan sa buhay.” Hindi nga ba?
Subukan mong magbalik-tanaw sa mga ginawa mo sa araw-araw.
Nasubukan mo na bang hindi ubusin yung pagkain na inihain sayo ng nanay
mo? Yung pakiramdam na ayaw mo na kasi busog ka na, kasi di mo na
kayang ubusin dahil naparami ang kuha mo at ibibigay mo nalang sa alaga
niyong aso o manok yung natira, yung mga tira-tira. Sigurado akong marami
sa inyo ang ganito.
Pero kahit isang beses man lang, nasubukan niyo bang isipin na sa bawat
butil ng palay na inyong sinasayang, may isang tao ring nagugutom sa isang
sulok, di pala isa, marami sila, na gagawin na ang lahat kahit mamalimos at
magnanakaw pa matugunan lang ang kalam ng kanilang mga sikmura.
Kung edukasyon na naman ang pag-uusapan, may kataga tayong
“Education is the Key to Success”, paano sila magtatagumpay kung hindi
naman nila naranasang mag-aral, paano sila mag-aaral kung sa
mapagkukunan nga ng pagkain ay hirap sila.
Ayon sa Commission on Population, posibleng lumobo ng dalawang
milyon ang populasyon ng bansa kada taon at nagbabanta itong
magpalala ng kahirapang nararanasan ng mga mamamayan.
Kaya sabi ng ahensiya, dapat tutukan ngayon ang kaalaman ng mga
Pinoy sa pagpaplano ng pamilya. Pero ito na ba talaga ang solusyon sa
kahirapan? Hindi. Kasi kahit na marami kayo sa pamilya, kung may maayos
na trabaho at sapat na kita ang bawat isa sa inyo hindi kayo maghihirap.
Kung binigyang-pansin lang o kung mas pinagtuunan ng pansin ng
pamahalaan ang kalidad ng trabaho, may pagkakataong bumaba ang
bilang ng mga nagsasabing mahirap sila. Tataas ang porsyento ng mga
nag-aaral, mas giginhawa sila.
Nagkaroon ang administrasyong Duterte ng isang estratehiya upang
mapababa ang bilang ng mga naghihirap. Ngayong taong 2019,
nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Magna Carta of the Poor at ang
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Hindi hadlang ang kahirapan upang ang isang tao'y magtagumpay.
Nasa tao lang yan kung patuloy siyang mamumuhay sa ilalim ng mahigpit
na gapos ng kahirapan. Palagi nating sinasabing "dapat kumilos na tayo,
puksain ang kahirapan, dapat ganito, dapat ganiyan”, “kasalanan to ng
gobyerno, wala na silang nagawang tama”, pero ni minsan ba tinanong
natin sa sarili natin kung may pagkukulang ba tayo? Tinanong ba natin na
kung kailan tayo kikilos? Hindi di ba?
Kaya simulan mo na ngayon, magmuni-muni ka na at isipin kung ano ang
pwede niyong gawin bilang estudyante, bilang guro, bilang mamamayan
ng bansang Pilipinas. Huwag mong hintaying darating na ang araw na
mamimilipit ka na sa gutom. Kasi alam kong di niyo yun kakayanin.
Hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, ngunit gumawa ka ng
paraan upang maabot mo ang iyong mga pangarap. Kailan ka ba kikilos?
Ngayon na.
Ang isang posisyong papel ay isang salaysay
na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang
paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o
ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang
partido pulitikal. Nilalathala ang mga
posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa
batas at iba pang dominyo.
Pagsasabatas ng
Divorce Bill sa
Pilipinas
Kasal, isang sakramento na panghabang-buhay na pinag-uugnay ang
dalawang tao. Pinag-uugnay ng pagmamahalan at pag-uunawaan. Pero walang
perpektong samahan, lahat nakararanas ng hindi pagkakaintindihan na kung
hindi nireresolba ay humahantong na sa sakitan, kataksilan, at walang humpay na
bangayan at kung lalala pa, sa patayan. Kung masyado ng nakakasakal ang
buhay mag-asawa ng tao dapat pa bang ipagpatuloy niya ito?
Diborsyo ang tawag sa pagwawalang-bisa ng sibil na pagpapakasal ng
mag-asawa. Sa pamamagitan ng pagsasabatas ng diborsyo, nagbibigay pag-
asa ang kongreso sa libo-libong mag-asawang nakakulong sa isang ugnayang
nagiging pasanin na. Maraming pangarap at buhay na ang nawasak at
mawawasak dahil sa pagpapakasal sa maling tao. Naapektuhan ang emosyonal
at paglaki ng isang bata kung palaging nag-aaway at nakakasakitan ang
kanilang mga magulang.
Nagiging mahina na ang kapit ng samahan at ang tanging paraan upang
maisalba ang kinabukasan ng mga bata ay ang hiwalayan. Ang diborsyo ay
magbibigay ng panibagong lunas sa bigong pagpapakasal. Maraming Pilipino
ang matutulungan at makikinabang dito saan man silang dako ng bansa.
Pabor ako sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas sa tatlong kadahilanan.
Una, napoprotektahan nito ang mga kababaihang minamaltrato ng kanilang
mga asawa. Pinapababa nito ang tyansang maulit pang muli ang pambubogbog
ng lalaki. Mas malakas at mas agresibo ang mga kalalakihan kung kaya't madali
lang nilang masasaktan ang mga kababaihan na posibleng maging dahilan
upang dumanas ng depresyon at emosyonal na dinaramdam ito na hindi
nakabubuti sa isang babae. Hindi sinasaktan ang babae kung hindi minamahal
pero paano kung sa simula lang ganito ang lalaki at sa huli ay magbabago at
sasaktan ka pa rin niya, patuloy mo bang iindahin ang sakit at ipaglaban ang
relasyon niyo o susuko ka nalang dahil sawa ka na sa lahat ng pasakit na
natatanggap mo. May mga pagkakataong dapat ipaglaban mo ang relasyong
iningat-ingatan niyo noon pero dapat ding matutong bumitaw kung alam mong
hindi ka na masaya katulad 'nong dati.
Pangalawa, kailangan ng mga anak ng mag-asawa ng “good parenting”
o maayos na pagpapalaki. Ang palagiang pag-aaway ng mag-asawa ay hindi
nakabubuti sa kanilang mga anak dahil nakakaapekto ito sa pag-uugali nito at
nadadala nila ito sa kanilang paglaki na maaaring magresulta sa pakikipag-
away din at hindi pagkakaintindihan sa mga kaedad niya. Maaapektuhan din
ang kaniyang emosyon, maaari siyang umiyak na lang ng walang dahilan,
matakot, o di kaya'y magalit nalang basta.
Kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang ang kanilang magulang para
sa ikabubuti ng lahat. May oras namang mapupunta siya sa tatay o di kaya'y sa
nanay niya. Mahalaga ang pagpapalaki ng mga bata dahil dito nahuhubog
ang kanilang personalidad at pakikitungo sa tao sa paglaki nila. Pangatlo,
pinahihintulutan ang mga tao ng humanap ng higit na kaligayahan at katuparan
sa mas magkatugmang tao. Nangangahulugang ang diborsyo ay nagtataguyod
at nagbibigay-daan sa lunas para sa mga biktima ng mga nasirang pamilya sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon upang makabuo ng bago
at mas maayos na relasyon. Mas maayos na estado kumpara sa pagiging
bugbog-sarado.
Hindi makatarungan ang pagsasabatas sa diborsyo dahil nawawala
ang halaga ng kultura at paniniwala ng bansa na ang kasal ay sagrado at
mabubuwag lamang ito kung si kamatayan na ang makakaharap mo. Labag
ito sa paniniwala ng simbahan dahil immoral daw ang pagkakaroon nito.
Pero hindi ko ito sinasang-ayunan dahil tayo ay nabibilang sa isang sekular na
estado kung saan walang relihiyosong grupo ang may karapatan na tukuyin
ang batas o patakaran para sa buong populasyon. Hindi lahat ng kasal na
nagaganap sa simbahan ay si Hesus mismo ang nag-ugnay. Ito ay maaaring
tila tulad ng isang rasyonalismo, ngunit ang pahayag ni Hesus sa Mateo 19:6
ay hindi naaangkop sa lahat ng mag-asawa. Kahit ang bansang unang
nagpakilala sa atin ng Kristyanismo ay ginawang legal at isang batas ang
diborsyo sa kanilang bansa.
Ang pagpasok sa kontrata ng kasal na kinikilala ng estado ay isang
karapatan. Karapatang may karampatang obligasyong kailangang tuparin
ng dalawang panig. Dapat naroroon ang pagmamahalan, paggalang,
suporta, at iba pang aspeto ng pag-aasawa na magbibigay kaligayahan at
kalusugan sa kanilang relasyon. Kapag may paglabag sa obligasyong ito,
na kung minsang umaabot pa sa puntong nakataya na ang buhay at
katinuan sa pagitan ng mag-asawa, marapat lamang na kilalanin din ng
estado ang karapatan na wakasan ang kontrata at karapatang umalis sa
relasyon. Hindi magiging madali ang pagsasabatas nito pero hindi rin ibig
sabihin na imposibleng maging batas.
Pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa
o higit pang mga akda o sulatin .
Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo
ng isang akda nakapag-ugnay.
EXPLANATORY
Pamagat: Implasyon
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory
Pamamaraan: paghahalimbawa, komparison at kontrast, konsesyon
Layunin: Layunin ng sintesis na ito na mapatunayang nakakasama sa pamumuhay ng tao
ang implasyon
Thesis statement: Ang implasyon ay magdudulot ng malaking epekto sa mga mamamayan
Ang implasyon ay itinuturing na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa
kung saan tumataas ang presyo ng bilihin at mas nagpapahirap sa estado ng mga
mamamayang dati ng mahirap.
Ayon sa artikulo ni JC Punongbayan ang implasyon na dinaranas ng bansa
ay pangunahing epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo.
Tumataas ang demand kung ikukumpara sa supply katulad na lamang ng mga
produkto ng agrikultura tulad ng bigas. Tumataas ang presyo mas naghihirap ang
Pilipino dahil isa ito sa pangunahing pangangailangan nila. Inambag rin ng
ekspektasyon ng mga tao ang isang negatibong pananaw na maaaring
makapagpapabago at mas makapagpapalala sa implasyon.
Ayon kay Presedential Spokesperson Harry Roque, malapit ng
maramdaman ang positibong epekto ng mga hakbang ng gobyerno kontra
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong
Setyembre 21 ang Administrative Order 13 na layong pabilisin ang pag-
angkat ng mga produktong agrikultural, na siya umanong manghihila
pababa sa presyo ng mga bilihin ngunit sa isang survey ng Pulse Asia, tumaas
ng 51% ang public disapproval o pagiging hindi kontento ng publiko sa mga
hakbang ng gobyerno para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Hindi raw
nararamdaman ng mga mamamayan ang aksyon ng gobyerno at mas lalo
lang silang naghihirap sa kanilang sitwasyon.
Ang utang ng gobyerno sa ibang bansa ay tataas, alinsunod na rin ito
sa paghina ng piso kontra dolyar, bababa ang ipon ng mga mamayan
sapagkat nadadagdag na ito sa pagbili ng produkto, at hindi nakakayanan
ng mga mamimili ang paggasts kapag hindi nasasabayan ng pagtaas ng
kanilang mga sweldo. Tiniyak ng NEDA na hindi dapat mag-alala sa tumataas
na presyo ng bilihin at serbisyo dahil gumaganda naman ang takbo ng
ekonomiya na ibig sabihin ay mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
https://news.abs-cbn.com/news/09/27/18/mga-hakbang-ng-gobyerno-
kontra-inflation-malapit-nang-maramdaman
https://rappler.com/nation/212937-filipinos-lowest-scores-duterte-government-
efforts-vs-inflation-poverty-pulse-asia-survey-september-2018
https://brainly.ph/question/544653
ARGUMENTATIVE
Pamagat: Implasyon
Uri: Thesis-Driven Synthesis
Anyo: Argumentative
Pamamaraan: paghahalimbawa, komparison at kontrast, konsesyon
Layunin: Layunin nito na mapatunayang nakakasama ang pagtaas ng presyo ng mga
pangangailan sa mga namamasahero
Thesis statement: Ang implasyon ay nagiging pabigat sa pamumuhay ng mga
namamasahero
Ang implasyon ay itinuturing na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa
kung saan tumataas ang presyo ng bilihin at mas nagpapahirap sa estado ng mga
mamamayang Pilipino.
Ayon sa pahayag ni Prof. Dennis Maya sa pag-aaral nina Elampalo at
Oliveros (2018) ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at pagtaas ng iba pang
batayang bilihin higit na dagok ito sa mga isang kahig, isang tuka sa ating lipunan.
Kung ihahalimbawa ang kabuhayan ng mga jeepney driver makikita natin ang
mabigat na pasanin nila sa epekto ng implasyon.
Sa isang panayam ipinaliwanag ni Communications Secretary
Martin Andanar na ang malilikom ng gobyerno sa buwis ay mapupunta
sa investments at mga proyekto ng gobyerno. Aniya, ang Tax Reform for
Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ay makakatulong na gumawa ng
mga karagdagang trabaho. Ayon naman sa Department of Finance ang
pagkakaroon ng TRAIN ay hindi lamang mabigat sa bulsa ng mga
manggagawang Pilipino kung hindi nakakasira rin ito o ito ang dahilan ng
pagkasira ng kabuuang ekonomiya ng bansang Pilipinas. Nahihirapan na
nga ang mga Pilipino, pinapahirapan pa.
Ayon kay Gialogo (2018), maraming pagbabagong naidulot ang
pagpapatupad ng TRAIN Law o Republic Act No. 10963 na hindi
ibinabalita sa ating bansa, kumbaga lahat ng pokus ng mga balita ay
ang masamang dulot lamang kaysa sa mga magaganda. Binanggit niya
na nakatulong ang pagpapatupad ng batas na ito dahil napababa nito
ang buwis para sa income, estate, at donation tax ay bumaba rin. Nais
ng batas na ito na pasimplehin para sa mga mamamayan ang
pagsunod sa buwis. Sa pagpapatupad ng TRAIN Law, inaasahang
makakatulong ito na makalikom ng pondo upang masustentuhan ang
proyekto ng “Build build build” ng gobyerno.
Ito ay isang sanaysay na hindi tungkol
lamang sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin
ay puwedeng tungkol sa kung ano ang
madidiskubre ng manunulat tungkol sa
pamumuhay ng mga naninirahan sa lugar
na iyon.
Lakbay Tungo sa Timog
“Travelling. It leaves you speechless, then turns you into a storyteller.”
Sa lahat ng mga pwede mong gawin sa mundo hindi mawawala sa bucket list mo ang
mapagdesisyunang tumungo sa isang lugar at maglakbay. Maaaring isinama ka lang, kusa kang
sumama o di kaya'y napilitan ka lang sumama o responsibilidad mo na ang sumama dahil
nakasalalay dyan ang posibleng marka mo sa isang asignatura.
Nitong Hulyo 20, 2019 napagdesisyunan naming tumungo kasama ang tatlo ko pang kaklase sa
Zoo-Paradise World, Salngan, Zamboanguita, Negros Oriental upang gumawa ng isang “travel vlog”
para sa isang gawain namin. Bagama't nakapunta na ako roon noong maliit pa lamang ako,
nananabik pa rin akong mapuntahan yung lugar kasi gusto kong makita kung ano na ang hitsura
nito makalipas ang ilang taon, may nagbago ba o wala, yun ang gusto kong malaman.
Ang Zoo-Paradise World ay itinatag ng namayapang Katolikong pari na si Father Eleuterio Tropa.
Layunin nito na palaganapin ang kaalaman ng mga tao sa pagpepreserba ng buhay ng mga
hayop at pagpapanatili sa buhay na ibinibigay ng kalikasan. Hindi ko sana nais na pumunta roon
dahil nakakatakot ang daan dahil paliko-liko ito at marami ng aksidente ang nangyari rito, pero
naniniwala naman akong walang mangyayaring masama sa amin dahil ginagabayan naman kami
ng Poong Maykapal.
Sumakay kami ng jeep sa pagpunta namin doon. Noong una sobrang siksikan at muntik na
akong matumba pagpasok pero sa kalaunan naging maluwag naman ang mga upuan doon. Sa
wakas narating na rin namin ang aming destinasyon.
Papasok pa lang kami sa lugar ay ramdam na namin ang pagsalubong ng sariwang hangin na
nanggaling sa payapang paligid at luntiang tanawin na tunay na nakakawala ng mga pag-alala sa
mga bagay-bagay sa buhay. Kami'y lubos na natutuwa sapagkat ang mga tao na naroroon ay
madali lang na nalalapitan at mapagtatanungan sa mga bagay-bagay sa buhay naming mga
mag-aaral. Mayroong mga bata roon na palagi lang nakangiti, masayahin sila at masasabi mo
talagang sumasaya na sila sa simpleng bagay.
Noong una ang entrance fee ay 10-30 pesos pa lang kung kaya't nagulat kami dahil umabot na
ito sa 50 pesos sa kadahilanang tumataas na rin ang mga bilihin pero sulit naman ang aming bayad
dahil naging masaya naman ang aming paglilibot at pananatili roon. Bago namin libutin ang lugar
tinungo muna namin ang museo nila kung saan makikita ang iba't ibang uri ng hayop na
nanggaling pa sa ibang bansa, pero hindi na humihinga ang mga ito dahil nakapreserba na
lamang sila. Nakapanayam namin ang isang tagapangalaga roon na si Sister Gregoria Miguel
Veronilla, kinuwento niya sa amin ang kasaysayan ng lugar at iba pang mahahalagang kaalaman
at impormasyon na hindi namin nalaman noon at magagamit namin sa aming gawain. Ibinahagi
niya sa amin ang naging buhay niya bilang isa sa mga lamplighter at sinabihan at pinaalalahanan
niya kami na huwag muna kaming mag-asawa dahil napakabata pa raw namin (17) para sa
ganitong bagay.
Pagkatapos ay tinungo namin ang kanilang swing na may iba't ibang klase. Para kaming mga
batang pinagkaitan noon ng ganitong aliwan, sinubukan namin lahat at napakalaki ng aming mga
ngiti. Dahil tanghali na kaming nakarating ay agad naman kaming nagutom. Nagtungo kami sa
isang munting bahay-kubo na pinalilibutan ng mga halaman at doon kami nananghalian.
Pagkatapos mananghalian ay sinimulan na nga namin ang paglilibot sa zoo. Napakaraming hayop
ang aming nakita kagaya na lamang ng uwak, python, guinea pigs, Visayan warty pigs, cattle
egret, at mga buwaya, yung iba nga ay hindi pamilyar sa amin, isa na rito ang baraw-gabi.
Napakaganda ng tanawin na tila ba pinipigilan kang umalis at hinahayaan kang mamangha sa
kapaligiran na malayong-malayo sa siyudad na iyong kinagisnan. Mapapaisip ka na napakasuwerte
mo dahil nabuhay ka bilang tao at hindi bilang hayop na maaaring ikulong, katayin, o hindi kaya'y
patayin basta-basta. Habang naglalakad kami sa gilid ng mga puno parang nakakalimutan namin
na andami naming problema.
Parang pinapagaan ng lugar ang pakiramdam mo at nakakahinga ka ng maayos. Pibrado ang
lugar na ito kung kaya't ang mga nakatira at ang nangangalaga rito ay hindi nasusuportahan ng
gobyerno. Ang tanging hiling at layunin lang naman nila ay ang maalala ng mga tao ang kanilang
responsibilidad sa kalikasan at sa mga nakatira rito.
Bilang isang “environmentalist” ayaw kong makita ang ating Inang Kalikasan na unti-
unti ng nanghihina dahil sa kapabayaan ng mga tao. Kaya bilang isang simpleng
mamamayan ay ginagawa ko naman ang aking tungkulin na unti-unting tulungan ang
naghihingalong kalikasan kahit sa simpleng pagtapon lang ng mga basura sa basurahan
ay may malaki ng naidudulot ito, ano pa kaya kung lahat ng tao ang gagawa nito,
babalik sa dating anyo ang kapaligiran. Hindi masama ang inobasyon, lahat naman ng
problema ay may solusyon, kaya huwag na nating hintaying magunaw ang mundo dahil
kasali tayo sa pagunaw nito. Mawawala ang mundo. Mawawala rin tayo. Hindi ka ba
natatakot?
Kasing halaga ng ibang uri ng sanaysay.
Ang kaibahan lamang nito sa ibang
sanaysay ay ang katangian nitong
magbigay ng sariling ideya at saloobin ukol
sa paksa.
Kasawian sa Pag-aaral: Line of 7 sa Matematika
Ang Matematika ay isang asignatura na kung saan hinding-hindi ako magiging
eksperto kailanman. Napakahirap nito para sa akin lalo na’t kung hindi koi to masyadong
naintindihan at papalapit na ang pagsusulit. Hindi ako katulad ng iba na “mathematically-
inclined” na nakakaintindi at nakakasagot sa anumang problema ng Matematika kahit
gaano pa ito kakumplikado. Nalulungkot nga ako minsan dahil palagi nalang mababa ang
mga iskor ko pero hindi naman ako dumating sa punto na umiiyak na dahil sa kalungkutan,
nasanay na ako.
Sa unang klase pa lamang ng Pre-calculus, sa taong 2018, nakikita ko na ang
kinabukasan ko sa asignaturang ito na hindi ko talaga ito kakayanin. Napakakumplikado
ng pormula at hindi masyadong klaro ang pagtuturo ng aming guro sa proseso. Iba-iba kasi
ang mga ito. Kung nagpapasulit na ay naiiba naman ang mga halimbawang tanong na
ibinibigay sa diskusyon at sa mismong tanong na lumalabas sa exam. Kaya napakagulo na
ng isipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sapagkat hindi ko naman alam ang
pormula na gagamitin.
Sa pagtatapos ng unang markahan, nakakuha ng line of 7 sa asignaturang
Matematika ang halos lahat sa amin. Syempre, nalungkot kami dahil hindi naman
kami nasanay na makakuha ng ganitong klaseng marka. Ito ang unang
pagkakataon na nagkaroon ako ng line of 7, bagama’t nakakalungkot ay inaasahan
ko nang mangyari ito dahil ang baba ng mga iskor ko at marka ko sa unang
markahang pagsusulit. Nakakadismaya dahil hindi na ako kasali sa honor roll pero
ayos lang dahil alam ko naman na ganito ang magiging kahihinatnan nito.
Marami sa amin ang umiyak na lang nang umiyak, yung iba nag-aalala na sa
kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang nila, yung iba nadedepress na
dahil pakiramdam nila isa silang palpak na mag-aaral, at yung iba naman ay wala
lang, masaya pa nga eh dahil hindi lang sila ang nakakuha ng line of 7 na marka.
Hindi man ito ang gusto naming maabot bilang mga mag-aaral ay wala na kaming
magagawa, nandyan na yan at ang kailangan na lang naming gawin ay ang
tanggapin ito.
Mahirap ang buhay estudyante, talagang mahirap. Sobrang daming sakripisyo at
kabiguan pero dapat kayanin dahil dito nakasalalay ang kinabukasan namin at pati
na rin ng pamilya namin.
May iba’t ibang katalinuhan at kakayahan sa iba’t ibang larangan ang mga
mag-aaral. Hindi sa lahat ng bagay ay nag-i-“excel” ang isang tao. May kahinaan at
kalakasan ang bawat isa sa atin. Hindi natin mapipilit ang ayaw talaga. Kung hindi
talaga kaya ang Matematika ay dapat hindi natin pilitin dahil tayo lang ang
mahihirapan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi natin susubukan. Walang masama
kung iyong susubukan, ang masama ay yung wala kang ginawa para maiangat ang
sarili mo.
Iba-iba man tayo ng kasanayan sa buhay ang mahalaga ay nagamit natin
ito at naibahagi sa iba. Magtagumpay man o mabigo, mananatili tayong tayo,
nakatayo at handa pa ring lumaban kahit anong hamon pa ang darating.
Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay
sa isang partikular na pagkakasunod-sunod
upang ipahayag ang mga pangyayari, mga
damdamin, at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.
Sa mundong kay bilis
magbago at mag-ibang anyo
hanggang saan kaya
makakarating ang tao.
Kaniya-kaniyang daanan, sari-saring
kwento, saan ba talaga ang patutunguhan
ng mga mortal na ito. Gaya ng mga actor sa
pelikula, di mo malalaman kung sino ang
huwad, sino ang totoo.
“Pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo,”
pinalitan na ng makabagong elektroniko na
kahit ikaw lang mag-isa makakahanap ka pa
rin ng kalaro. Kabataan ko’y ibang iba sa aking
mga nakikita. Pawang kawiliha’y nakatuon na
lamang sa kahong sa buhay nila’y isang banta.
Sa pasugalan itinataya ang lahat maging
ang naipong pondo. Dahil sa kawalan ng
trabaho at pag-asang manalo. Ginagasta
ang libo-libo hanggang sa ang matitira
nalang ay piso-piso at sentimo.
Sa kasiyahan, sa kalungkutan, sa
kasawian, alak ang nandyan. Iba-iba
man ang dahilan kung bakit mo ito
pinuntahan, hindi lang ikaw ang
nahihirapan at nasasaktan. At kung
minsan di na mahalaga kung uuwi ka
ng talunan basta uminom ka ngayon at
bukas, iinom ka na naman.
Nagkahelerang tindahan,
pagpapatayo ng negosyo na
parang hindi pa sapat ang
mga bilihing nagtataasan na
ang presyo.
Sa dinarami dami ng gawain ng
tao, nakakaligtaan na nito ang
kalikasan at mundo. Sunog
doon, sunog dito tila ba madali
lang ang pagpapalaki ng mga
halaman. Inuuna pa ang
sariling kaligayahan at
kapakanan kaysa sa kabutihan
ng sangkatauhan.
Oo, hindi masama ang hangarin na
umunlad, ang pag-usbong na walang
katulad. Industrialisasyong pilit na
inilulunsad kahit pa nasisira na ang
kapaligirang dati’y naging pugad.
Sa paglalakbay ng tao sa mundong
kay bilis magbago, napapalitan na ng
gusali, istraktura’t, mga pugad
libangan ang dati’y malaparaisong
mundo.
Para bang hinihintay nalang ng tao
na makakita ng isang puno sa loob
ng museo. Ito na nga talaga ang
patutunguhan ng tao.
Talaan ng mga bagay na dapat
maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito ay
mga plano o layunin na maaaring gumabay
sa isang tao para makamit ang ninanais na
kahahantungan.
Ito ay isang mahalagang dokumento sa
isang pagpupulong. Isinusulat dito ang
tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng
adyenda.
Isa itong kasulatan (note), dokumento o iba
pang uri ng pakikipag-ugnayan na
tumutulong para ipaalala ang ilang bagay,
tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa
negosyo o trabaho sa opisina at marami
pang iba.
Talaan ng mga personal na detalye ng isang
tao at ng kanyang mga ginawa, naging
trabaho, at mga tagumpay. Ito ay kadalasan
ng ipinapasa sa tuwing mag-aaplay sa
isang paaralan o trabaho.
Isa sa mga uri ng pormal na liham.
Isinusulat ito upang ilahad ang
kagustuhan ng isang tao sa isang
trabaho o posisyon sa isang kompanya
Nais magbigay ng kredito ang may-akda sa
mga kahulugan ng mga akademikong
sulatin na ginamit at nakapaloob dito
sapagkat hindi niya ito pagmamay-ari.
Maraming salamat!

More Related Content

What's hot

Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEdna Azarcon
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
Values ed (report)- katotohanan
Values ed (report)- katotohananValues ed (report)- katotohanan
Values ed (report)- katotohananJoyce Goolsby
 
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated BY JUAN R. VENTENILL...
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated  BY JUAN R. VENTENILL...Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated  BY JUAN R. VENTENILL...
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated BY JUAN R. VENTENILL...Juan III Ventenilla
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at KagustuhanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at KagustuhanSophia Marie Verdeflor
 
Karapatang pambata
Karapatang pambataKarapatang pambata
Karapatang pambatakielomak
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4Faith De Leon
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesR Borres
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleNico Granada
 
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng Pilipino
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng PilipinoKahinaan at Kalakasan ng Karakter ng Pilipino
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng PilipinoMark Rabanillo
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Manuel Dinlayan
 
Ang aking pangangailangan
Ang aking pangangailanganAng aking pangangailangan
Ang aking pangangailanganlodie_93
 

What's hot (18)

Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Values ed (report)- katotohanan
Values ed (report)- katotohananValues ed (report)- katotohanan
Values ed (report)- katotohanan
 
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated BY JUAN R. VENTENILL...
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated  BY JUAN R. VENTENILL...Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated  BY JUAN R. VENTENILL...
Yamang Tao at Pag Unlad COT-RPMS Aligned and Integrated BY JUAN R. VENTENILL...
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at KagustuhanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.3 - Pangangailangan at Kagustuhan
 
Karapatang pambata
Karapatang pambataKarapatang pambata
Karapatang pambata
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng Pilipino
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng PilipinoKahinaan at Kalakasan ng Karakter ng Pilipino
Kahinaan at Kalakasan ng Karakter ng Pilipino
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
Karahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralanKarahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
Ang aking pangangailangan
Ang aking pangangailanganAng aking pangangailangan
Ang aking pangangailangan
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
 

Similar to (Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang

(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng PamilyaEdukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng PamilyaMadeeAzucena1
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxJOYCONCEPCION6
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfFyuTexNathanDaGreat
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptxJaiVilla2
 
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptx
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptxANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptx
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptxjaysonpeji12
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanowshii
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxhva403512
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxSahleeGabiaBaja
 
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPED
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPEDKatapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPED
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPEDSandraMaeSubaan1
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfMaryGraceSepida1
 
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiyazynica mhorien marcoso
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

Similar to (Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang (20)

(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Grade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 lasGrade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 las
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng PamilyaEdukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
 
ANG LIPUNAN
ANG LIPUNANANG LIPUNAN
ANG LIPUNAN
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
 
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptx
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptxANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptx
ANG KAHALAGAHANG NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA.pptx
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
 
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPED
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPEDKatapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPED
Katapatan sa Salita at sa Gawa- ESP8 DEPED
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
 
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
 
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptxESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
 
akdang bikol.docx
akdang bikol.docxakdang bikol.docx
akdang bikol.docx
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

More from Beth Aunab

(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatinBeth Aunab
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

More from Beth Aunab (18)

(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Recently uploaded

Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 

Recently uploaded (20)

Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 

(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang

  • 1.
  • 2.
  • 3. • nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan • isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ito’y tinatawag na • layunin nito na mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa
  • 4.
  • 5.
  • 6. Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
  • 7. Sa artikulong ito tinalakay ang mga negatibong epekto ng internet at social media na kung saan ang konseptong ito ay itinampok ni Joselito Artalejos sa kaniyang Indie Film na pinamagatang “Unfriend” sa 64th Berlinale International Film Festival sa Germany. Sa panahon kasi ngayon laganap ang teknolohiya at mga kabataan ang kadalasang naiimpluwensiyahan nito na kahit sa pagtulog o sa pagkain man ay hawak-hawak nila ang kanilang cellphone. Maaaring makapagbigay ng satispaksyon ang social media sa isang tao ngunit darating din sa puntong hindi na ganoon kaganda ang pakikitungo nila sa iba. Sa isang panayam na ginawa sa isang dalagita, sinabi niya na natuto na siyang makipag-away at magbigay ng banta sa mga nakakaaway niya. Sa loob ng walong taon simula grade 5, inuubos na niya ang oras sa social media kung saan makailang ulit na siyang nirereport dahil sa pang-aaway sa social media. Nakapaloob din sa artikulo ang pahayag ni Prof. Gerald Abersos, sinabi niya na maaaring magdulot ang palagiang paggamit ng social media ng pagbaba ng self-esteem, pagkadepress, at pagkawala ng privacy. Sinabi rin niyang aakalain mong lumalaki ang mundo mo yun pala mas lumiliit at nagiging “toxic” ito sa buhay mo. Maaaring matago ang tunay na pagkatao mo pero kahit kailan hindi magkakatulad ang tunay na mundo sa mundong nakapagpapalit-anyo.
  • 8.
  • 9. Isang maikling impormatibong sulatin na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.
  • 10. Si Rolando A. Bernales ay nagtapos bilang cum laude sa Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal University, BSE-Filipino at nakakuha ng graduate certificate na katumbas ng Master of Arts in Teaching. Isa siyang Ed. D. sa Educational Management ng University of Makati. Limang taon siyang naging Puno ng Departmento ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati. Kasalukuyan siyang isang Professor II. Isa siyang awtor, ko-awtor, editor at/o consultant na hindi kukulangin sa 70 na mga aklat sa wika, pagbasa, at panitikan sa antas preschool, elementarya, sekundarya, at tersyarya. Isa rin siyang akademik konsultant ng Mutya Publishing House, Inc. Isa rin siyang Executive Director ng Center for Innovative Education and Sciences. Isang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay si Bernales. Napabilang siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines (1989), isang Palanca Awardee, at nagtamo ng parangal na “Award for Exemplary Performance as Public Servant (2000)” mula sa Pamahalaang lungsod ng Makati. Panghabambuhay na kasapi ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino at miyembro ng KAGURO, SANGFIL, at APNIEVE.
  • 11.
  • 12. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
  • 13. “Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang matamis na tagumpay at kaginhawaan sa buhay.” Hindi nga ba? Subukan mong magbalik-tanaw sa mga ginawa mo sa araw-araw. Nasubukan mo na bang hindi ubusin yung pagkain na inihain sayo ng nanay mo? Yung pakiramdam na ayaw mo na kasi busog ka na, kasi di mo na kayang ubusin dahil naparami ang kuha mo at ibibigay mo nalang sa alaga niyong aso o manok yung natira, yung mga tira-tira. Sigurado akong marami sa inyo ang ganito. Pero kahit isang beses man lang, nasubukan niyo bang isipin na sa bawat butil ng palay na inyong sinasayang, may isang tao ring nagugutom sa isang sulok, di pala isa, marami sila, na gagawin na ang lahat kahit mamalimos at magnanakaw pa matugunan lang ang kalam ng kanilang mga sikmura. Kung edukasyon na naman ang pag-uusapan, may kataga tayong “Education is the Key to Success”, paano sila magtatagumpay kung hindi naman nila naranasang mag-aral, paano sila mag-aaral kung sa mapagkukunan nga ng pagkain ay hirap sila.
  • 14. Ayon sa Commission on Population, posibleng lumobo ng dalawang milyon ang populasyon ng bansa kada taon at nagbabanta itong magpalala ng kahirapang nararanasan ng mga mamamayan. Kaya sabi ng ahensiya, dapat tutukan ngayon ang kaalaman ng mga Pinoy sa pagpaplano ng pamilya. Pero ito na ba talaga ang solusyon sa kahirapan? Hindi. Kasi kahit na marami kayo sa pamilya, kung may maayos na trabaho at sapat na kita ang bawat isa sa inyo hindi kayo maghihirap. Kung binigyang-pansin lang o kung mas pinagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang kalidad ng trabaho, may pagkakataong bumaba ang bilang ng mga nagsasabing mahirap sila. Tataas ang porsyento ng mga nag-aaral, mas giginhawa sila. Nagkaroon ang administrasyong Duterte ng isang estratehiya upang mapababa ang bilang ng mga naghihirap. Ngayong taong 2019, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Magna Carta of the Poor at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
  • 15. Hindi hadlang ang kahirapan upang ang isang tao'y magtagumpay. Nasa tao lang yan kung patuloy siyang mamumuhay sa ilalim ng mahigpit na gapos ng kahirapan. Palagi nating sinasabing "dapat kumilos na tayo, puksain ang kahirapan, dapat ganito, dapat ganiyan”, “kasalanan to ng gobyerno, wala na silang nagawang tama”, pero ni minsan ba tinanong natin sa sarili natin kung may pagkukulang ba tayo? Tinanong ba natin na kung kailan tayo kikilos? Hindi di ba? Kaya simulan mo na ngayon, magmuni-muni ka na at isipin kung ano ang pwede niyong gawin bilang estudyante, bilang guro, bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Huwag mong hintaying darating na ang araw na mamimilipit ka na sa gutom. Kasi alam kong di niyo yun kakayanin. Hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, ngunit gumawa ka ng paraan upang maabot mo ang iyong mga pangarap. Kailan ka ba kikilos? Ngayon na.
  • 16.
  • 17. Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
  • 18. Pagsasabatas ng Divorce Bill sa Pilipinas Kasal, isang sakramento na panghabang-buhay na pinag-uugnay ang dalawang tao. Pinag-uugnay ng pagmamahalan at pag-uunawaan. Pero walang perpektong samahan, lahat nakararanas ng hindi pagkakaintindihan na kung hindi nireresolba ay humahantong na sa sakitan, kataksilan, at walang humpay na bangayan at kung lalala pa, sa patayan. Kung masyado ng nakakasakal ang buhay mag-asawa ng tao dapat pa bang ipagpatuloy niya ito? Diborsyo ang tawag sa pagwawalang-bisa ng sibil na pagpapakasal ng mag-asawa. Sa pamamagitan ng pagsasabatas ng diborsyo, nagbibigay pag- asa ang kongreso sa libo-libong mag-asawang nakakulong sa isang ugnayang nagiging pasanin na. Maraming pangarap at buhay na ang nawasak at mawawasak dahil sa pagpapakasal sa maling tao. Naapektuhan ang emosyonal at paglaki ng isang bata kung palaging nag-aaway at nakakasakitan ang kanilang mga magulang.
  • 19. Nagiging mahina na ang kapit ng samahan at ang tanging paraan upang maisalba ang kinabukasan ng mga bata ay ang hiwalayan. Ang diborsyo ay magbibigay ng panibagong lunas sa bigong pagpapakasal. Maraming Pilipino ang matutulungan at makikinabang dito saan man silang dako ng bansa. Pabor ako sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas sa tatlong kadahilanan. Una, napoprotektahan nito ang mga kababaihang minamaltrato ng kanilang mga asawa. Pinapababa nito ang tyansang maulit pang muli ang pambubogbog ng lalaki. Mas malakas at mas agresibo ang mga kalalakihan kung kaya't madali lang nilang masasaktan ang mga kababaihan na posibleng maging dahilan upang dumanas ng depresyon at emosyonal na dinaramdam ito na hindi nakabubuti sa isang babae. Hindi sinasaktan ang babae kung hindi minamahal pero paano kung sa simula lang ganito ang lalaki at sa huli ay magbabago at sasaktan ka pa rin niya, patuloy mo bang iindahin ang sakit at ipaglaban ang relasyon niyo o susuko ka nalang dahil sawa ka na sa lahat ng pasakit na natatanggap mo. May mga pagkakataong dapat ipaglaban mo ang relasyong iningat-ingatan niyo noon pero dapat ding matutong bumitaw kung alam mong hindi ka na masaya katulad 'nong dati.
  • 20. Pangalawa, kailangan ng mga anak ng mag-asawa ng “good parenting” o maayos na pagpapalaki. Ang palagiang pag-aaway ng mag-asawa ay hindi nakabubuti sa kanilang mga anak dahil nakakaapekto ito sa pag-uugali nito at nadadala nila ito sa kanilang paglaki na maaaring magresulta sa pakikipag- away din at hindi pagkakaintindihan sa mga kaedad niya. Maaapektuhan din ang kaniyang emosyon, maaari siyang umiyak na lang ng walang dahilan, matakot, o di kaya'y magalit nalang basta. Kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang ang kanilang magulang para sa ikabubuti ng lahat. May oras namang mapupunta siya sa tatay o di kaya'y sa nanay niya. Mahalaga ang pagpapalaki ng mga bata dahil dito nahuhubog ang kanilang personalidad at pakikitungo sa tao sa paglaki nila. Pangatlo, pinahihintulutan ang mga tao ng humanap ng higit na kaligayahan at katuparan sa mas magkatugmang tao. Nangangahulugang ang diborsyo ay nagtataguyod at nagbibigay-daan sa lunas para sa mga biktima ng mga nasirang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon upang makabuo ng bago at mas maayos na relasyon. Mas maayos na estado kumpara sa pagiging bugbog-sarado.
  • 21. Hindi makatarungan ang pagsasabatas sa diborsyo dahil nawawala ang halaga ng kultura at paniniwala ng bansa na ang kasal ay sagrado at mabubuwag lamang ito kung si kamatayan na ang makakaharap mo. Labag ito sa paniniwala ng simbahan dahil immoral daw ang pagkakaroon nito. Pero hindi ko ito sinasang-ayunan dahil tayo ay nabibilang sa isang sekular na estado kung saan walang relihiyosong grupo ang may karapatan na tukuyin ang batas o patakaran para sa buong populasyon. Hindi lahat ng kasal na nagaganap sa simbahan ay si Hesus mismo ang nag-ugnay. Ito ay maaaring tila tulad ng isang rasyonalismo, ngunit ang pahayag ni Hesus sa Mateo 19:6 ay hindi naaangkop sa lahat ng mag-asawa. Kahit ang bansang unang nagpakilala sa atin ng Kristyanismo ay ginawang legal at isang batas ang diborsyo sa kanilang bansa.
  • 22. Ang pagpasok sa kontrata ng kasal na kinikilala ng estado ay isang karapatan. Karapatang may karampatang obligasyong kailangang tuparin ng dalawang panig. Dapat naroroon ang pagmamahalan, paggalang, suporta, at iba pang aspeto ng pag-aasawa na magbibigay kaligayahan at kalusugan sa kanilang relasyon. Kapag may paglabag sa obligasyong ito, na kung minsang umaabot pa sa puntong nakataya na ang buhay at katinuan sa pagitan ng mag-asawa, marapat lamang na kilalanin din ng estado ang karapatan na wakasan ang kontrata at karapatang umalis sa relasyon. Hindi magiging madali ang pagsasabatas nito pero hindi rin ibig sabihin na imposibleng maging batas.
  • 23.
  • 24. Pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin . Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-ugnay.
  • 25. EXPLANATORY Pamagat: Implasyon Uri: Background Synthesis Anyo: Explanatory Pamamaraan: paghahalimbawa, komparison at kontrast, konsesyon Layunin: Layunin ng sintesis na ito na mapatunayang nakakasama sa pamumuhay ng tao ang implasyon Thesis statement: Ang implasyon ay magdudulot ng malaking epekto sa mga mamamayan Ang implasyon ay itinuturing na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa kung saan tumataas ang presyo ng bilihin at mas nagpapahirap sa estado ng mga mamamayang dati ng mahirap. Ayon sa artikulo ni JC Punongbayan ang implasyon na dinaranas ng bansa ay pangunahing epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo. Tumataas ang demand kung ikukumpara sa supply katulad na lamang ng mga produkto ng agrikultura tulad ng bigas. Tumataas ang presyo mas naghihirap ang Pilipino dahil isa ito sa pangunahing pangangailangan nila. Inambag rin ng ekspektasyon ng mga tao ang isang negatibong pananaw na maaaring makapagpapabago at mas makapagpapalala sa implasyon.
  • 26. Ayon kay Presedential Spokesperson Harry Roque, malapit ng maramdaman ang positibong epekto ng mga hakbang ng gobyerno kontra pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong Setyembre 21 ang Administrative Order 13 na layong pabilisin ang pag- angkat ng mga produktong agrikultural, na siya umanong manghihila pababa sa presyo ng mga bilihin ngunit sa isang survey ng Pulse Asia, tumaas ng 51% ang public disapproval o pagiging hindi kontento ng publiko sa mga hakbang ng gobyerno para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Hindi raw nararamdaman ng mga mamamayan ang aksyon ng gobyerno at mas lalo lang silang naghihirap sa kanilang sitwasyon. Ang utang ng gobyerno sa ibang bansa ay tataas, alinsunod na rin ito sa paghina ng piso kontra dolyar, bababa ang ipon ng mga mamayan sapagkat nadadagdag na ito sa pagbili ng produkto, at hindi nakakayanan ng mga mamimili ang paggasts kapag hindi nasasabayan ng pagtaas ng kanilang mga sweldo. Tiniyak ng NEDA na hindi dapat mag-alala sa tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo dahil gumaganda naman ang takbo ng ekonomiya na ibig sabihin ay mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
  • 28. ARGUMENTATIVE Pamagat: Implasyon Uri: Thesis-Driven Synthesis Anyo: Argumentative Pamamaraan: paghahalimbawa, komparison at kontrast, konsesyon Layunin: Layunin nito na mapatunayang nakakasama ang pagtaas ng presyo ng mga pangangailan sa mga namamasahero Thesis statement: Ang implasyon ay nagiging pabigat sa pamumuhay ng mga namamasahero Ang implasyon ay itinuturing na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa kung saan tumataas ang presyo ng bilihin at mas nagpapahirap sa estado ng mga mamamayang Pilipino. Ayon sa pahayag ni Prof. Dennis Maya sa pag-aaral nina Elampalo at Oliveros (2018) ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at pagtaas ng iba pang batayang bilihin higit na dagok ito sa mga isang kahig, isang tuka sa ating lipunan. Kung ihahalimbawa ang kabuhayan ng mga jeepney driver makikita natin ang mabigat na pasanin nila sa epekto ng implasyon.
  • 29. Sa isang panayam ipinaliwanag ni Communications Secretary Martin Andanar na ang malilikom ng gobyerno sa buwis ay mapupunta sa investments at mga proyekto ng gobyerno. Aniya, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ay makakatulong na gumawa ng mga karagdagang trabaho. Ayon naman sa Department of Finance ang pagkakaroon ng TRAIN ay hindi lamang mabigat sa bulsa ng mga manggagawang Pilipino kung hindi nakakasira rin ito o ito ang dahilan ng pagkasira ng kabuuang ekonomiya ng bansang Pilipinas. Nahihirapan na nga ang mga Pilipino, pinapahirapan pa. Ayon kay Gialogo (2018), maraming pagbabagong naidulot ang pagpapatupad ng TRAIN Law o Republic Act No. 10963 na hindi ibinabalita sa ating bansa, kumbaga lahat ng pokus ng mga balita ay ang masamang dulot lamang kaysa sa mga magaganda. Binanggit niya na nakatulong ang pagpapatupad ng batas na ito dahil napababa nito ang buwis para sa income, estate, at donation tax ay bumaba rin. Nais ng batas na ito na pasimplehin para sa mga mamamayan ang pagsunod sa buwis. Sa pagpapatupad ng TRAIN Law, inaasahang makakatulong ito na makalikom ng pondo upang masustentuhan ang proyekto ng “Build build build” ng gobyerno.
  • 30.
  • 31. Ito ay isang sanaysay na hindi tungkol lamang sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin ay puwedeng tungkol sa kung ano ang madidiskubre ng manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga naninirahan sa lugar na iyon.
  • 32.
  • 33. Lakbay Tungo sa Timog “Travelling. It leaves you speechless, then turns you into a storyteller.” Sa lahat ng mga pwede mong gawin sa mundo hindi mawawala sa bucket list mo ang mapagdesisyunang tumungo sa isang lugar at maglakbay. Maaaring isinama ka lang, kusa kang sumama o di kaya'y napilitan ka lang sumama o responsibilidad mo na ang sumama dahil nakasalalay dyan ang posibleng marka mo sa isang asignatura. Nitong Hulyo 20, 2019 napagdesisyunan naming tumungo kasama ang tatlo ko pang kaklase sa Zoo-Paradise World, Salngan, Zamboanguita, Negros Oriental upang gumawa ng isang “travel vlog” para sa isang gawain namin. Bagama't nakapunta na ako roon noong maliit pa lamang ako, nananabik pa rin akong mapuntahan yung lugar kasi gusto kong makita kung ano na ang hitsura nito makalipas ang ilang taon, may nagbago ba o wala, yun ang gusto kong malaman. Ang Zoo-Paradise World ay itinatag ng namayapang Katolikong pari na si Father Eleuterio Tropa. Layunin nito na palaganapin ang kaalaman ng mga tao sa pagpepreserba ng buhay ng mga hayop at pagpapanatili sa buhay na ibinibigay ng kalikasan. Hindi ko sana nais na pumunta roon dahil nakakatakot ang daan dahil paliko-liko ito at marami ng aksidente ang nangyari rito, pero naniniwala naman akong walang mangyayaring masama sa amin dahil ginagabayan naman kami ng Poong Maykapal.
  • 34. Sumakay kami ng jeep sa pagpunta namin doon. Noong una sobrang siksikan at muntik na akong matumba pagpasok pero sa kalaunan naging maluwag naman ang mga upuan doon. Sa wakas narating na rin namin ang aming destinasyon. Papasok pa lang kami sa lugar ay ramdam na namin ang pagsalubong ng sariwang hangin na nanggaling sa payapang paligid at luntiang tanawin na tunay na nakakawala ng mga pag-alala sa mga bagay-bagay sa buhay. Kami'y lubos na natutuwa sapagkat ang mga tao na naroroon ay madali lang na nalalapitan at mapagtatanungan sa mga bagay-bagay sa buhay naming mga mag-aaral. Mayroong mga bata roon na palagi lang nakangiti, masayahin sila at masasabi mo talagang sumasaya na sila sa simpleng bagay. Noong una ang entrance fee ay 10-30 pesos pa lang kung kaya't nagulat kami dahil umabot na ito sa 50 pesos sa kadahilanang tumataas na rin ang mga bilihin pero sulit naman ang aming bayad dahil naging masaya naman ang aming paglilibot at pananatili roon. Bago namin libutin ang lugar tinungo muna namin ang museo nila kung saan makikita ang iba't ibang uri ng hayop na nanggaling pa sa ibang bansa, pero hindi na humihinga ang mga ito dahil nakapreserba na lamang sila. Nakapanayam namin ang isang tagapangalaga roon na si Sister Gregoria Miguel Veronilla, kinuwento niya sa amin ang kasaysayan ng lugar at iba pang mahahalagang kaalaman at impormasyon na hindi namin nalaman noon at magagamit namin sa aming gawain. Ibinahagi niya sa amin ang naging buhay niya bilang isa sa mga lamplighter at sinabihan at pinaalalahanan niya kami na huwag muna kaming mag-asawa dahil napakabata pa raw namin (17) para sa ganitong bagay.
  • 35. Pagkatapos ay tinungo namin ang kanilang swing na may iba't ibang klase. Para kaming mga batang pinagkaitan noon ng ganitong aliwan, sinubukan namin lahat at napakalaki ng aming mga ngiti. Dahil tanghali na kaming nakarating ay agad naman kaming nagutom. Nagtungo kami sa isang munting bahay-kubo na pinalilibutan ng mga halaman at doon kami nananghalian. Pagkatapos mananghalian ay sinimulan na nga namin ang paglilibot sa zoo. Napakaraming hayop ang aming nakita kagaya na lamang ng uwak, python, guinea pigs, Visayan warty pigs, cattle egret, at mga buwaya, yung iba nga ay hindi pamilyar sa amin, isa na rito ang baraw-gabi. Napakaganda ng tanawin na tila ba pinipigilan kang umalis at hinahayaan kang mamangha sa kapaligiran na malayong-malayo sa siyudad na iyong kinagisnan. Mapapaisip ka na napakasuwerte mo dahil nabuhay ka bilang tao at hindi bilang hayop na maaaring ikulong, katayin, o hindi kaya'y patayin basta-basta. Habang naglalakad kami sa gilid ng mga puno parang nakakalimutan namin na andami naming problema. Parang pinapagaan ng lugar ang pakiramdam mo at nakakahinga ka ng maayos. Pibrado ang lugar na ito kung kaya't ang mga nakatira at ang nangangalaga rito ay hindi nasusuportahan ng gobyerno. Ang tanging hiling at layunin lang naman nila ay ang maalala ng mga tao ang kanilang responsibilidad sa kalikasan at sa mga nakatira rito.
  • 36. Bilang isang “environmentalist” ayaw kong makita ang ating Inang Kalikasan na unti- unti ng nanghihina dahil sa kapabayaan ng mga tao. Kaya bilang isang simpleng mamamayan ay ginagawa ko naman ang aking tungkulin na unti-unting tulungan ang naghihingalong kalikasan kahit sa simpleng pagtapon lang ng mga basura sa basurahan ay may malaki ng naidudulot ito, ano pa kaya kung lahat ng tao ang gagawa nito, babalik sa dating anyo ang kapaligiran. Hindi masama ang inobasyon, lahat naman ng problema ay may solusyon, kaya huwag na nating hintaying magunaw ang mundo dahil kasali tayo sa pagunaw nito. Mawawala ang mundo. Mawawala rin tayo. Hindi ka ba natatakot?
  • 37.
  • 38. Kasing halaga ng ibang uri ng sanaysay. Ang kaibahan lamang nito sa ibang sanaysay ay ang katangian nitong magbigay ng sariling ideya at saloobin ukol sa paksa.
  • 39. Kasawian sa Pag-aaral: Line of 7 sa Matematika Ang Matematika ay isang asignatura na kung saan hinding-hindi ako magiging eksperto kailanman. Napakahirap nito para sa akin lalo na’t kung hindi koi to masyadong naintindihan at papalapit na ang pagsusulit. Hindi ako katulad ng iba na “mathematically- inclined” na nakakaintindi at nakakasagot sa anumang problema ng Matematika kahit gaano pa ito kakumplikado. Nalulungkot nga ako minsan dahil palagi nalang mababa ang mga iskor ko pero hindi naman ako dumating sa punto na umiiyak na dahil sa kalungkutan, nasanay na ako. Sa unang klase pa lamang ng Pre-calculus, sa taong 2018, nakikita ko na ang kinabukasan ko sa asignaturang ito na hindi ko talaga ito kakayanin. Napakakumplikado ng pormula at hindi masyadong klaro ang pagtuturo ng aming guro sa proseso. Iba-iba kasi ang mga ito. Kung nagpapasulit na ay naiiba naman ang mga halimbawang tanong na ibinibigay sa diskusyon at sa mismong tanong na lumalabas sa exam. Kaya napakagulo na ng isipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sapagkat hindi ko naman alam ang pormula na gagamitin.
  • 40. Sa pagtatapos ng unang markahan, nakakuha ng line of 7 sa asignaturang Matematika ang halos lahat sa amin. Syempre, nalungkot kami dahil hindi naman kami nasanay na makakuha ng ganitong klaseng marka. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng line of 7, bagama’t nakakalungkot ay inaasahan ko nang mangyari ito dahil ang baba ng mga iskor ko at marka ko sa unang markahang pagsusulit. Nakakadismaya dahil hindi na ako kasali sa honor roll pero ayos lang dahil alam ko naman na ganito ang magiging kahihinatnan nito. Marami sa amin ang umiyak na lang nang umiyak, yung iba nag-aalala na sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang nila, yung iba nadedepress na dahil pakiramdam nila isa silang palpak na mag-aaral, at yung iba naman ay wala lang, masaya pa nga eh dahil hindi lang sila ang nakakuha ng line of 7 na marka. Hindi man ito ang gusto naming maabot bilang mga mag-aaral ay wala na kaming magagawa, nandyan na yan at ang kailangan na lang naming gawin ay ang tanggapin ito. Mahirap ang buhay estudyante, talagang mahirap. Sobrang daming sakripisyo at kabiguan pero dapat kayanin dahil dito nakasalalay ang kinabukasan namin at pati na rin ng pamilya namin.
  • 41. May iba’t ibang katalinuhan at kakayahan sa iba’t ibang larangan ang mga mag-aaral. Hindi sa lahat ng bagay ay nag-i-“excel” ang isang tao. May kahinaan at kalakasan ang bawat isa sa atin. Hindi natin mapipilit ang ayaw talaga. Kung hindi talaga kaya ang Matematika ay dapat hindi natin pilitin dahil tayo lang ang mahihirapan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi natin susubukan. Walang masama kung iyong susubukan, ang masama ay yung wala kang ginawa para maiangat ang sarili mo. Iba-iba man tayo ng kasanayan sa buhay ang mahalaga ay nagamit natin ito at naibahagi sa iba. Magtagumpay man o mabigo, mananatili tayong tayo, nakatayo at handa pa ring lumaban kahit anong hamon pa ang darating.
  • 42.
  • 43. Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
  • 44. Sa mundong kay bilis magbago at mag-ibang anyo hanggang saan kaya makakarating ang tao. Kaniya-kaniyang daanan, sari-saring kwento, saan ba talaga ang patutunguhan ng mga mortal na ito. Gaya ng mga actor sa pelikula, di mo malalaman kung sino ang huwad, sino ang totoo.
  • 45. “Pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo,” pinalitan na ng makabagong elektroniko na kahit ikaw lang mag-isa makakahanap ka pa rin ng kalaro. Kabataan ko’y ibang iba sa aking mga nakikita. Pawang kawiliha’y nakatuon na lamang sa kahong sa buhay nila’y isang banta. Sa pasugalan itinataya ang lahat maging ang naipong pondo. Dahil sa kawalan ng trabaho at pag-asang manalo. Ginagasta ang libo-libo hanggang sa ang matitira nalang ay piso-piso at sentimo.
  • 46. Sa kasiyahan, sa kalungkutan, sa kasawian, alak ang nandyan. Iba-iba man ang dahilan kung bakit mo ito pinuntahan, hindi lang ikaw ang nahihirapan at nasasaktan. At kung minsan di na mahalaga kung uuwi ka ng talunan basta uminom ka ngayon at bukas, iinom ka na naman. Nagkahelerang tindahan, pagpapatayo ng negosyo na parang hindi pa sapat ang mga bilihing nagtataasan na ang presyo. Sa dinarami dami ng gawain ng tao, nakakaligtaan na nito ang kalikasan at mundo. Sunog doon, sunog dito tila ba madali lang ang pagpapalaki ng mga halaman. Inuuna pa ang sariling kaligayahan at kapakanan kaysa sa kabutihan ng sangkatauhan.
  • 47. Oo, hindi masama ang hangarin na umunlad, ang pag-usbong na walang katulad. Industrialisasyong pilit na inilulunsad kahit pa nasisira na ang kapaligirang dati’y naging pugad. Sa paglalakbay ng tao sa mundong kay bilis magbago, napapalitan na ng gusali, istraktura’t, mga pugad libangan ang dati’y malaparaisong mundo. Para bang hinihintay nalang ng tao na makakita ng isang puno sa loob ng museo. Ito na nga talaga ang patutunguhan ng tao.
  • 48.
  • 49. Talaan ng mga bagay na dapat maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito ay mga plano o layunin na maaaring gumabay sa isang tao para makamit ang ninanais na kahahantungan.
  • 50.
  • 51.
  • 52.
  • 53.
  • 54. Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda.
  • 55.
  • 56.
  • 57.
  • 58.
  • 59.
  • 60. Isa itong kasulatan (note), dokumento o iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na tumutulong para ipaalala ang ilang bagay, tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa negosyo o trabaho sa opisina at marami pang iba.
  • 61.
  • 62.
  • 63. Talaan ng mga personal na detalye ng isang tao at ng kanyang mga ginawa, naging trabaho, at mga tagumpay. Ito ay kadalasan ng ipinapasa sa tuwing mag-aaplay sa isang paaralan o trabaho.
  • 64.
  • 65.
  • 66. Isa sa mga uri ng pormal na liham. Isinusulat ito upang ilahad ang kagustuhan ng isang tao sa isang trabaho o posisyon sa isang kompanya
  • 67.
  • 68. Nais magbigay ng kredito ang may-akda sa mga kahulugan ng mga akademikong sulatin na ginamit at nakapaloob dito sapagkat hindi niya ito pagmamay-ari. Maraming salamat!