2. Panata sa mga Karapatang Pantao
Ng Komisyon sa Karapatang Pantao
Ako ay Pilipino.
Kikilalanin ko, igagalang, ipagtatanggol at
isasakatuparan
ang dignidad at karapatan ng bawat tao
nang walang pagtatangi sa kasarian, lipi,
pananampalataya
at katayuan sa buhay.
3. Igagalang ko ang iyong mga karapatan
maging sino ka man.
Maging magkasalungat man tayo
ay paninindigan ko ang mga karapatan mo.
4. Diringgin ko ang tinig ng kabataan,
kababaihan, nakatatanda, katutubo
at mga may kapansanan
nang may paggalang at pagkilala sa
kanilang kakayahan.
5. Titiyakin ko na ang bawat bata
ay hindi salat sa pagkalinga,
at may matiwasay na lipunang
ginagalawan.
6. Tututulan ko ang anumang pagmamalabis
sa kapangyarihan,
katiwalian, at pagyurak sa karapatan
ng mga manggagawa, mga mahihirap,
at mga sektor na higit na nangangailangan.
7. Babantayan ko
na gagampanan ng pamahalaan ang
kaniyang tungkulin
na igalang, ipagtanggol at isakatuparan
ang mga karapatang pantao ng lahat.
8. Paninindigan ko ang aking pananagutan sa
aking kapwa.
Kung mayroon mang Karapatang Pantao
na ipinagkakait o ‘di-binibigyang halaga,
ako ay MANININDIGAN.
9. Sisigaw ako. Kikilos ako.
Gagamitin ko ang aking mga karapatan
para MANINDIGAN
sa mga Karapatan ng aking kapwa tao.
11. • Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat
matugunan upang siya ay mabuhay.
• Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang
mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay nang may dignidad bilang tao.
12. • Kung wala tayong karapatang pantao, hindi natin lubusang
magagamit at mapauunlad ang ating mga katangian, ang
ating talino, talento at espiritwalidad.
• Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na
tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang
pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng
pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang
pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya
ang kanyang karapatan
14. • Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay
nakabatay sa mga ginagawang batas sa
Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan.
Bagamat ang tao mula sa kanyang pagsilang ay
may karapatang dapat na matamasa na,
nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating
batas upang magsilbing sandigan kung sakaling
hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan.
15. 1. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang
Pantao (Universal Declaration of Human Rights o
UDHR)
• Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, kinikilala ng
pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing
lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae,
at mula sa anumang lahi at relihiyon, ay tatratuhin
nang pantay. Kabilang sa mga ito ang karapatang:
16. • Sibil-ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na
malaya at mapayapa.
• Politikal-ang mga karapatan ng tao na makisali sa
mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.
17. • Ekonomiko (pangkabuhayan)-ang mga karapatan
ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng
pamumuhay.
• Sosyal (panlipunan)-ang mga karapatan upang
mabuhay ang tao sa isang lipunan at isulong ang
kanyang kapakanan.
18. • Kultural-ang mga karapatan ng taong lumahok sa
buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng
siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
19. Ang mga probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:
1. malaya at pantay-pantay (free and equal);
2. kalayaan mula sa diskriminasyon (freedom from
discrimination);
3. karapatan sa buhay (right to life);
4. kalayaan mula sa pang-aalipin (freedom from
slavery);
5. kalayaan mula sa pagpapahirap (freedom from
torture);
20. 6. karapatang kilalanin sa harap ng batas (right to
recognition before the law);
7. karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng
batas (right to equality before the law);
8. karapatan sa mabisang lunas ng karampatang
mga hukumang pambansa (access to justice);
21. 9. kalayaan mula sa ‘di-makatwirang pagdakip
(freedom from arbitrary detention);
10. karapatan sa isang makatarungan at hayag na
paglilitis (right to a fair trial);
11.karapatang ituring na walang-sala hanggang ‘di
napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas
(presumption of innocence);
22. 12.karapatan sa ‘di-makatwirang panghihimasok
(right to privacy)
13.kalayaan sa pagkilos at paninirahan (freedom of
movement)
14.karapatang humanap at magtamasa sa ibang
bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig (right
to asylum)
23. 15.karapatan sa isang pagkamamamayan (right to
nationality);
16.karapatang mag-asawa at magpamilya (right to
marriage and to found a family);
17.karapatang mag-angkin ng ari-arian (right to own
property)
18.kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of
religion or belief)
24. 19.kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom
of expression);
20.kalayaan sa mapayapang pagpupulong at
pagsasamahan (freedom of assembly);
21.karapatang makilahok sa pamahalaan (right to
partake in public affairs);
22.karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to
social security);
25. 23.karapatan sa paggawa (right to work);
24.karapatan sa pamamahinga at paglilibang (right to
leisure and rest);
25.karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na
sapat (right to adequate standard of living);
26.karapatan sa edukasyon (right to education);
26. 27.karapatang makilahok nang malaya sa buhay
pangkalinangan, sining at siyensiya (right to cultural,
artistic and scientific life);
28.karapatan sa kaayusang panlipunan at
pandaigdig (right to a free and fair world);
29.tungkulin sa pamayanan (duty to your
community); at
30. hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa
pahayag na ito (rights are inalienable)
27. Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang
nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng
tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga
karapatang ito, magiging higit na kasiya-siya ang
manirahan sa daigdig na maituturing na isang lugar
na may paggalang sa bawat tao at tunay na
kapayapaan para sa lahat.