2. Layunin
1. Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggan
Kuwento/Usapan/Talata
2. Pagbabahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan
3. Paggamit ng pang-uri na naglalarawan
sa kilalang tao sa isang pamayanan
3. Pagbabaybay
1. ilustrador 4. sining
2. kumbensiyon 5. idyoma
3. modernistang
Balik-aral:
Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng
isang salaysay?
4. A. B.
Ano ang nakikita ninyo sa larawan A? larawan B?
Sino ang nasa larawang B? Maaari mo bang
ilarawan ang katangian meron siya?
5. (FOUR PICS, GUESS THE NAME)
L C R O A S B G T O N O R F A N S I O C S
6. “Talambuhay ni Carlos “Botong” Francisco”
Isinilang si Carlos "Botong" Francisco sa Angono, Rizal noong
4 Nobyembre 1912 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho
bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila
Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa
bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si
Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang
kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang
imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.
Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta
siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila;
Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State
Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto
at Vicente Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing
pintor ng mural sa Filipinas.
7. Noong 1952, nagwagi ng komisyon at humamig
ng pambihirang paghanga sa iba't ibang bansa ang
kaniyang higanteng mural para sa First International
Fair na ginanap sa Maynila, at may paksang na
pinamagatang 500 Taon sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga natamong gawad ni Botong
ang una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa Botica
Boei-Kalibapi Painting Contest. Nagwagi rin ng unang
gantimpala si Botong noong 1948 sa timpalak ng Art
Association of the Philippines, dahil sa kaniyang
obrang Kaingin. Ginawaran siya ng Republic Cultural
Heritage Award noong 1964, at itinanghal sa Orden ng
mga Pambansang Alagad ng Sining noong 1973.
8. SAGUTIN NATIN
1. Ano ang paksa ng napakinggan sa kwento?
2. Sinong pintor na kilala sa buong Pilipinas na nagmula sa
bayan ng Angono, Rizal?
3. Saan nagsimula magtrabaho si Carlos “Botong” Francisco?
4. Sino ang kasama niyang pintor sa pagpinta ng saring-sari
mural sa Bulwagan ng Lungsod Maynila, Capitol Theater,
The Golden Gate Exposition, San Francisco, State Theater?
5. Paano nakilala si Carlos “Botong” Francisco bilang isang
pangunahing pintor ng Mural ng Filipinas?
6. Anong klaseng obra mayroon si Carlos “Botong” Francisco,
ilarawan gamit ang pang-uri mo.
7. Sa napakaraming ambag na sining ni Carlos “Botong”
Francisco sa ating bansa. Ano kayang aral ang mapupulot
natin sa bawat imahe o larawan ng kanyang naipinta?
9. Gawin Mo:( Pumili ng Gawain na naaangkop sa kakayahan ng mga
mag-aaral )
Pangkat I: Paglalarawan gamit ang Pang-
uri
Ilarawan ang obra nasa ibaba na naipinta
ni Carlos
“Botong” Francisco gamit ang pang-uri
Pangkat II: I – Famas Mo!
Gumawa ng maikling dulaan sa
napakinggan kuwento/usapan/talata
tungkol sa kilalang tao sa ating
pamayanan.
Pangkat III: Itula mo
Gumawa ng isang tula na naglalarawan
sa mga pangyayari nasasaksihan sa isang
pamayanan
10. Tandaan Mo
1. Sa anong paraan mo maaaring
maibahagi o matutukoy ang isang
paksang napakinggan?
2. Paano mo mailalarawan ang mga
taong kilala sa isang pamayanan
gamit ang pang-uri?
3. Ano ba ang pang-uri?
11. Karagdagang Gawain
Panuto : Magbahagi ng isang
nasaksihan na pangyayari sa
inyong pamayanan na nakapagbigay
ng malaking
tulong sa ating bilang isang
mamamayan.
12. Isulat Mo
Gumawa ng isang talata ayon sa iyong
napakinggan
na kuwento/usapan/talata tungkol sa mga
kilalang tao sa ating
pamayanan at ilarawan ang kanilang mga
katangian gamit ang
pang-uri.
13. Gawaing Pantahanan
Gumawa ng isang maikling salaysay
tungkol sa mga kilalang tao sa ating
bayan / probinsya at ilarawan ang
kanyang katangian. Isulat sa
kuwaderno sa Filipino.
15. LAYUNIN
1. Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
2. Pagbibigay ng mga Mahahalagang Pangyayari
sa Nabasang Talaarawan/Talambuhay
3. Pagbibigay Kahulugan ng Bar Graph
16. TUKLASIN MO
Basahin ang pangungusap at ibigay ang
kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Dinala ng mga bata sa junkshop ang mga
napulot
2. nilang bote upang irecycle ang mga ito.
3. Gamit ang mga dyaryo ay nakagawa sila ng
papermache na plorera.
4. Ang kanyang karanasan araw-araw ay
isinusulat niya sa kanyang talaarawan.
17. Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang may kaugnay ng
salitang nasa loob ng bilog.
RECYCLE
Boteng plastic lumang diyaryo at magasin
karton sapatos cups
Straw bag lapis
18. May babasahin tayong isang talaarawan ngunit bago natin ito basahin, atin
munang sulyapan ang pagganyak na tanong.
“Bakit mahalaga ang pagrerecycle?”
Talaarawan
Enero 19, 2016
Ngayong araw ay itinanghal ang aming baitang na
“Pinakamapagmahal sa Kapaligiran”. Pangalawang taon na naming
hawak ang titulo, kaya naman ng tinanong nila ang maing sikreto ay
agad naman naming ibinahagi ito. Ipinapatupad ng aming gurong
tagapayo ang “Basura mo, Ibulsa mo”.Lahat ng aming mga kaklase ay
sumusunod dito.Ngayong taon ay magkakaroon naman ng malaking
proyekto ang aming paaralan.Ito ay ang “Basura mo, Gawing
kapakipakinabang”. Kailangang makagawa ang bawat baitang ng
isang bagay mula sa mga recycled materials kaya naman kami ay
nagsimula na sa pangongolekta ng mga pwede naming magamit. Ang
aming baitang ay nakakolekta ngayong araw ng 50 cups, 30 piraso ng
lumang diyaryo, 60 na straw, 10 na karton at 45 na boteng plastik. Ano
kaya ang kalalabasan ng aming proyekto?Sana ay manalo ang aming
baitang.
19. 0 20 40 60 80
Lumang Diyaryo
Cups
Straw
Karton
Boteng plastik
Recycled Materials
Series 1
Suriin ang bar graph at sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang mga hugis na ginamit sa graph?
2. Ano ang pinakamaraming narecycle ng pangkat 3?
3. Alin ang pinakakaunti?
4. Tungkol saan kaya ang bar graph?
5. Ano kaya ang maaring maging pamagat ng bar graph?
*Ano ang magandang dulot ng pagrerecycle?
20. Pangkat I:
Ipakita ang mga sumusunod na detalye gamit ang bar
graph. “Konsumo ng Kuryente ng Pamilya Cortez.
Setyembre - 1500
Oktubre - 1000
Nobyembre - 1500
Disyembre – 3000
GAWIN MO
Pangkat II:
Gumuhit ng isang bagay ng
maaaring magawa
sa recyclable materials.
Pangkat III:
Magbigay ng mga salitang kaugnay ng
salitang
“BAGONG TAON”.
21. Isapuso Mo
Ano ang mga salitang magkakaugnay?
Ano ang talaarawan?
Ano ang bar graph?
22. Panuto : Suriin ang graph at sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tawag sa talaan sa itaas?
a. bar grap b. drowing c. tsart
2. Aling grupo ang may pinakamalaking hagdan?
a. magulang b. mag-aaral c. guro
23. 3. Aling grupo ng manoood ang may pinakamaliit na
bahagdan?
a. panauhin b. guro c. magulang
4. Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging
sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na
petsa o araw at madalas na naglalaman ng karanasan
ng isang tao.
a. talaarawan b. talambuhay c. graph
5. Ano ang salitang kaugnay ng “tambol”
a. sinungkit b. pinalo c. sinipa
24. Isulat mo
Gumawa ng bar graph na
nagpapakita ng pagkonsumo
ng tubig ng inyong pamilya mula
Enero-Abril.
27. Papangkatinkayo ng guro sa lima. Bawat pangkat ay
magtatala ng mga bantas at malaking letra na
ginamit ayon sa mga salitang may salungguhit.
Ang pangalan ko ay Elisa
Isinilang ako sa Lungsod ng Antipolo
Sino – sino ang sasabitan ng medalya?
Ngayon ay Lunes, Hunyo 13.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon
Ang alamat ng Pinya
Mahal kongInay
Nagmamahal,
29. Gawain Mo
Isa sa karapatan ng bata ay makapag – aral
upang matuto at umunlad ang sarili. Ito ay
karapatang walang sinumang dapat humadlang. May
mga libreng pampublikong paaralan kaya kahit
mahirap ang isang pamilya ay maipadadala nila ang
mga anak sa paaralan upang matuto. May mga
pagkakataong napuputol ang pag – aaral ng isang
estudyante dahil sa matinding kahirapan. Hindi nila
kayang labanan ang kahirapan. Hindi na nila kayang
labanan ang kahirapan kaya hindi na sila makapasok
sa paaralan. Pinahihinto ng ilang magulang ang mga
anak sa pag aaral upang maging katuwang nila ang
mga ito sa paghahanapbuhay.
30. Ayon sa tala ng Department of Education
(DepEd) noong SY 2008 – 2009, sa mga mag – aaral
ng elementarya na pumasok ng taong iyon ay may
6.02% ang hindi na natuloy at di natapos ang pag –
aaral. Mas mataas pa rin ang bahagdan ng mga
nakatatapos ng pag – aaral. Wala sa tala ang dahilan
ng mga dropped out suablit ating mahihinuha base sa
napapanood sa telebisyon at nababasa natin sa
pahayagan – may mga mag – aaral na walang
pamasahe, walang baon o pagkain, may sakit walang
maayos na maisusuot sa pagpasok, o walang sapat
na gamit tulad ng papel, lapis at iba pa.
31. SURIIN MO
• Nagagamit ba nang wasto ang mga bantas sa
talata?
• Nagamit ba nang wasto ang malaking titik?
• Nagamit ba nang wasto ang palugit – pasok?
• Anu – ano ang dapat isaalang – alang sa
pagsulat ng talata?
• Paano mo maisusulat nang wasto ang
idinidiktang talata?
• Anu – ano ang mga bantasna ginamit sa talata
32. Pagsasanay
Panuto: Isulat ang ididikta ng guro. Hayaan ang mga mag – aaral ang
magwasto sa pamamagitan ng Rubric
Pamantayan 5 4 3 2 1 0
1 Malinis at wasto ang pagkasulat
2 Nagamit ng wasto ang mga bantas
3 Nagamit nang wasto ang malaking
titik
4 Wasto ang palugit – pasok
5 May wastong baybay ang mga salita
Kabuuan
33. Tandaan Mo
• Paano isinusulat ang idinidiktang
talata?
• Anu – ano ang mga dapat sundin at
tandaan kung susulat nang padikta?
34. Isulat Mo
Azkals ang tawag ngayon sa koponan ng Philippine
National Football Team na pambato ng bansa sa mundo sa
larangan ng football. Ito ay mula sa salitang “asong kalye” na
ang ibig sabihin ay walang nag –aalaga at kumakalinga subalit
nabubuhay pa rin sa sarili niyang paraan at diskarte sa buhay.
Ang magkapatid na James at Philip Younghusband at
Neil Etheridge ay mga British – Filipino na kasapi ng football
tea ng bansa. Pinakasikat sila sa kababaihan sa pangkat ng
Azkals dahil sa galing sa paglalaro at sa kakisigan. Sila ay ilan
lamang sa mga may dugong – dayuhan sa pangkat. Ang mga
Pilipinong kasapi rito ay mga batikang manlalaro ng bansang
kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilpinas. Ang disiplina
teamwork, at husay ay kanilang pinagsasama-sama upang
maging higit na mahusay laban sa mga kakalabaning pangkat
sa mundo.
37. Tuklasin Mo
Luwal –( paggamit sa pangungusap)
Ang aking nanay ay nagluwal ng isang
malusog na bata.
Raha – (paggamit ng larawan)
nakabibighan – ( paggamit ng tunay na bagay)
38. Kilalanin Mo
Ang mga larawang ito ay matatagpuan sa ating
bansa. Nakita na ba ninyo ang mga ito?
Bulkang Pinatubo Mayon
Taal Bulusan Kanlaon
Anu- ano angtawag natin sa mga ito?
39. Panoorin Mo
May papanoorin tayong isang video clips ngunit bago
natin ito panoorin, ano-ano ang mga alam na ninyo tungkol
sa Bulkang Mayon?
“ Ang Alamat ng Bulkang Mayon”
Alam Gustong Malaman Nalaman
Matapos ninyong maibigay ang inyong mga
nalalaman, ano-ano naman ang mga nais pa ninyong
malaman tungkol sa Bulkang Mayon?
40. Sagutan Natin
Ngayon naman tingnan natin kung masasagutan na natin
ang mga nais ninyong malaman.
Alam Gustong Malaman Nalaman
41. Pagyamanin Natin (Pangkatang Gawain)
Pangkat I– I Arte Mo! Isadula ang pangyayari
Ano ang unang pangyayari s kuwento ayon sa pakita
ngpangkat isa?
Paano naisadula ang inyong napanood?
Pangkat II – Story Map
Basahin natin ang ulat ng pangkat dalawa.
Pangkat III – Pagsunod- sunorin ang mga pangyayari
upang
makabuo ng isang buod.