2. Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan,
paggalang, kaugalian, at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang
diyos.
Ito rin ang nagsilbing gabay na paniniwala at pagkilos ng mga Asyano sa loob ng
mahabang panahon.
Tulad ng sining, dito rin natatagpuan ng mga Asyano ang tunay na kahulugan at
kahalagahan ng buhay sa kabila ng paghihirap.
Ayon sa tuklas ng mga arkeologo, ang mga Asyano ay
nagsimulang manampalataya sa kani-kanilang
kinikilalang diyos at diyosa simula pa nang kanilang
ebolusyon…na ang mga Asyano ay nagtatag ng
sariling relihiyon kasabay ng paglinang ng sariling
sining kung saan naipahiwatig at naipadarama ang
pagkamangha sa napakaganda ngunit nakasisindak
na daigdig.
3. Ito ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic.
Pangunahing relihiyon sa India.
Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan; ito ay
isinasabuhay.
Ang sagradong aum ang nagsisilbing simbolo ng Hinduism.
Ang kabuuan naman ng salitang aum ay nangangahulugang “ang kapagyarihan ng
paglikha, pagpapaunlad, at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa
panginoon.”
- ang bawat letra sa aum ay may kahulugan mga; A ay simula, U ay pag-unlad, at ang
M naman ay hangganan.
Ang Hinduism ay nakabatay sa pananampalataya sa pangkapaligirang
puwersa tulad ng diyos ng ulan, diyos ng kidlat, at diyos ng kasaganaan na kilala
bilang ‘Pantheism’.
4. Naniniwala rin ang mga Hindu na iisa lamang ang diyos na nagpapakilala sa tao sa
iba’t ibang hugis.
Moksha
-sukdulang kalagayan ng isang nilalang sa pagkakaunawa sa lahat ng bagay sa buhay.
Naniniwala rin sila na ang mga bagay na ito ay nagaganap sa paraang samsara,
kung saan ang isang tao ay muling ipinapanganak hanggang sa makamit ang
moksha.
Sa mga Hindu nagmula ang konseptong karma.
- pinaniniwalaan rin ng mga Hindu na naaapektuhan ng konseptong ito ang
kabilang buhay ng isang tao, na ang ibubunga ng samsara ng isang tao ay epekto ng
gawain niyang masama o mabuti.
Brahman
- tagapaglikha
- kinikilala bilang ‘diyos ng mga diyos’ at walang kamatayang nilalang ng mga
Hindu.
- kinikilalang lumikha ng sangkatauhan at sanhi ng lahat ng bagay sa daigdig.
“Vishnu” ang pangalang ikinabit kay Brahman bilang diyos na tagapangalaga na
sumusuporta at tumutulong sa mga Hindu sa panahon ng pangangailangan.
5. Shiva
-”diyos na tagapuksa”
Vedas
- banal na aklat ng mga Hindu na naglalaman ng mga
panalangin, awit, at mga pelosopiya.
Ang Hinduism at lipunang India ay pinalakas ng paniniwalang karma at ang
samsara ay nagbunsod sa sistemang caste sa India.
CASTE
-sa ilalim ng sistemang ito, naniniwala ang mga Hindu na kung ang isang tao ay
ipinanganak sa isang Brahmin, siya ay pinagkalooban ng isang magandang
karma bunga ng nagawang kabutihan sa kanyang nakaraang buhay.
-nagtatakda ng sumusunod: ang kanilang pagkain at kung paano ito kinakain,
kanilang personal na kalinisan, paraan ng pananamit, at mga taong
makakasalamuha nila.
SHIVA
6. Ganges
-ipinapalagay ng mga Hindu bilang banal na pook ng relihiyong Hinduism.
-tradisyon ng mga Hindu ang dumayo dito kada taon upang maligo sa
paniniwalang ang gawaing ito ay maaaring makalinis sa kanilang katawan at
kaluluwa.
Tarpan
-isang ritwal para sa kapayapaan
ng kaluluwa ng nangamatay
Mga Selebrasyon ng Hindu
Holi
-ipinagdiriwang ng mga Hindu tuwing tagsibol.
-ito ay ginaganap bilang paggalang kay Shiva.
-ginaganap sa pamamagitan ng maingay at makulay na pagpaparada.
GANGES
7. Divali
-bagong taon ng mga Hindu.
-ito ay ginaganap upang ipagdiwang ang kasaysayan ng buhay ng kinikilala
nilang si Rama at ng kanyang asawa.
Divali at Holi
8. Ang Buddhism ay isa sa mga relihiyong nangingibabaw sa Asya.
Sa kasalukuyan, maraming Buddhist ay naninirahan sa Timog-
silangang Asya, Sri Lanka, at Japan.
Mayroong iba’t ibang sekta ang relihiyong ito, ngunit ang lahat ng sektang ito ay
nagkakaisa sa pananalig sa aral ni Budha – ang dharma.
Ang Buddhism ay sumilang sa India noong ika-16 na siglo.
Dharma
- simbolo ng Buddhism.
- sinasabing ang gulong na ito ay pinagalaw ni Buddha nang una niyang gawin
ang pangangaral na inilalarawan ng isang gulong.
Ayon sa alamat, nagsimulang maguluhan si Gautama nang mamalas niya ang
pagpapakasakit at ang tanging paraan upang matakasan o makaligtas sa pagpapakasakit
na ito ay sa pamamagitan ng pagtatamo ng karunungan. Si Gautama ay naglakbay
habang nagninilay-nilay at nanalangin hanggang sa minsan ay dagli niyang nadama ang
katotohanan ng buhay habang nakaupo sa lilim ng punong Bodhi. Dahil dito, siya ay
kinilala bilang “Ang Isang Naliwanagan” o “The Enlightened One.”
9. Four Noble Truths
-ang buhay ng tao ay puno ng pagpapakasakit at kalungkutan.
- ang pagpapakasakit at kalungkutan ay sanhi ng kasakiman
ng tao sa kasiyahan at mga materyal na bagay.
-matatapos lamang ang pagdadalamhati ng tao sa pamama-
gitan ng pagwawaksi sa labis na pagnanais sa kasiyahan at
materyal na bagay.
-ang nirvana ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa Eightfold
Path at Middle Way, ang buhay sa labis na pagnanais at pagpapakasakit sa
sarili.
Ritwal ng Buddhism
Monghe ang tawag sa mga taong nagtatalaga ng kanilang buhay sa mga aral ni
Buddha.
- ang mga monghe ay inaasahang mamuhay sa kahirapan, sa pagninilay-nilay,
at sa pag-aaral.
- kinakailangang mamalimos ang mga monghe ng kanilang makakain.
-bawal sa mga monghe ang makipag-usap sa sinumang taong magbibigay sa
kanila ng limos.
Gautama Buddha
10. Sa katunayan, hindi balak ni Gautama na magtatag ng relihiyon, ngunit sa
kanyang pagkamatay, ipinangaral at ipinalaganap ng kanyang mga disipulo ang
kanyang mga aral.
Ito ay lumaganap mula sa pinagmulan nito sa Hilagang India patungong Sri Lanka,
Burma, Thailand, Indochina, at iba pang bansa sa Timog-silangang Asya. At
lumaganap din ito pahilaga patungo sa kaharian ng Himalaya ( Sikkim, Bhutan,
Nepal), Tibet, Mongolia, at iba pang lupain sa Hilagang Asya at patungong China,
Korea, at Japan.
“TRIPITAKA”(THREE BASKETS)
Sutta
Vinaya
Abhidharma
Pag-aalay ng insenso, prutas, at bulaklak kay
Buddha bukod sa pag-awit ng sutras (sitting
meditation).
11. Idinaraos ng mga Buddhist ang selebrasyong wesak mula Mayo hanggang
Hunyo na nakatugma sa araw ng kapanganakan na naliwanaganan at ng
kamatayan ni Buddha na naganap lamang sa iisang petsa ngunit sa iba’t ibang
taon.
12. Ang crescent moon ang pamilyar na simbolo ng Islam.
Ito ay may kaugnayan sa bagong buwan na nagsisimula
sa bawat buwan ng kalendaryong lunar ng mga Muslim.
Pinagmulan at mga Aral
Nang simulang mangaral ni Muhammad sa Mecca, siya ay sinalungat ng
maraming tao. Dahil dito, si Muhammad ay lumikas mula sa Mecc patungong
Medina noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Hegira ng
mga Muslim at hindi naglaon ay kinilala bilang kauna-unahang bagong taon sa
kalendaryong Islam. Si Muhammad ay nagkaroon ng maraming tagasunod sa
Medina.
“Walang ibang diyos kundi si Allah; si Muhammmad ang Propeta ng Diyos,” ito ang pahayag
ng pananalig ng mga Muslim. Pagpapakumbaba at pagpapasakop ang kahulugan ng mga
Islam. Ang Islam ay itinatag ni Muhammad sa Medina. Si Allah lamang ang kinikilalang diyos
at tagapaglikha ng mga Muslim. Ang Qur’an Koran ang banal na aklat ng mga Muslim. Ito ang
nasasaad ng lahat ng mga salita ni Allah na ipinahayag ni Muhammad. Ito rin ang
nagsisilbing gabay ng mga Muslim sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
13. Shahada o Pananalig – Ang bawat nilalang na nagnanais maging Muslim ay
kinakailangang magpahayag ng kanyang pananalig na “walang ibang diyos
kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta.”
Salah o Panalangin – Ang isang Muslim ay kinakailangang manalangin ng
limang ulit sa loob ng isang araw. Muezzin ang taguri sa tagapahayag ng mga
Muslim sa oras ng pananalangin.
Zakat o Pagbibigay ng Limos/Pagtulong sa Kapwa - Ang bawat Muslim ay
inaasahang magkaloob ng bahagi ng kanyang kita o kayamanan sa mahihirap.
Saum o Pag-aayuno – Ang bawat Muslim ay kinakailangang mag-ayuno sa
buong buwan ng Ramadan.
Hajj o Paglalakbay Patungong Mecca – Inaasahang makagagawa ng isang banal
na paglalakbay ang isang Muslim sa Mecca kahit minsan man lang sa kanyang
buong buhay. Sa paglalakbay na ito, ang bawat Muslim ay kinakailangang
umikot ng pitong ulit sa paligid ng Ka’aba, ang itinuturing nilang bahay
panalanginan ng mga Muslim. Ito ay nagtatapos sa pagtayo ng mga Muslim sa
Arafat, ang lugar kung saan pinaniniwalaang nagbigay ng kanyang huling
pangaral si Muhammad. Sa pook na ito humihiling ng kapatawaran sa kanilang
pagkakasala ang mga Muslim.
14. Templo o Mosque – lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga Muslim upang
manalangin nang nakaharap sa Mecca limang ulit sa loob ng isang araw.
Noong taong 644 CE, ang Islam ay lumaganap na sa kanluran mula sa
Jerusalem sa pamamagitan ng mga jihad o holy war.
Bukod sa pagsunod sa Five Pillars, bawal sa kanila ang kumain ng karneng baboy
o uminom ng alak. Ang lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng hanggang
apat na asawa sa kondisyong mapakikisamahan at matutustusan niya silang lahat
nang pantay-pantay. Kapwa Muslim lamang ang maaari nilang mapangasawa.
MOSQUE
Five Pillars
15. Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno mula sa
pagsikat hanggang sa paglubog ng araw. Ito ay tradisyonal na nagtatapos sa
pagkain ng ilang dates, pag-inom ng gatas o tubig, at muling pagdarasal bago
lumubog ang araw.
Ang pinakamahalaga at huling gabi ng Ramadan ay tinatawag na Eid-
ul-Fitr o “Night of Power”. Ayong sa paniniwala ng mga Muslim, ito ay ang gabi
kung kailan kinausap ni Anghel Gabriel si Muhammad. Ang buong gabing ito ay
pinalilipas ng mga Muslim sa pamamagitan ng pananalangin sa mosque o sa
loob ng kani-kanilang bahay kasama ang kanilang mga pamilya at iba pang mga
kapalagayang-loob.
Ramadan
16. Krus
-simbolo ng pamamahal ni Hesukristo sa sangkatauhan.
-ang pagkakapako ni Hesukristo ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyanong tanda
ng pagsasakripisyo niya upang iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan.
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking relihiyon sa daigdig na binubuo ng may
1.9 bilyong tagasunod. Ang relihiyong ito ay nababatay sa buhay at pangaral ni
Hesukristo. Ang mga Kristiyano ay kabilang sa tatlong pangunahing pangkat ng
mga Romano Katoliko, Protestante, at Eastern Orthodox.
Pinagmulan ng Aral
Ang mga Kristiyanismo ay monotheist. Naniniwala sila na iisa lamang ang Diyos na may gawa
ng sandaigdigan at sangkatauhan at may kakaibang kaugnayan sa mga tao. Naniniwala rin ang mga
Kristiyano na si Hesus na anak ng Diyos ay namatay upang iligtas ang sangkatauhan sa kanilang mga
kasalanan. Higit sa lahat, nananalig ang mga Kristiyano na ang kanilang kaligtasan ay nakasalalay sa
pagsunod sa mga aral ni Hesus.
Ang Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano. Dito nakatala ang kabuuang buhay ni
Hesukristo, ang kinikilala ng mga Kristiyanong “The Anointed One”. Naniniwala ang mga Kristiyano na
si Hesukristo ay ipinako sa krus at namatay. Gayunpaman, bunga ng kapangyarihan ng Diyos Ama na
makapangyarihan, siya ay muling nabuhay matapos ang ikatlong araw at muling isinugo ng Diyos Ama
upang iligtas ang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. Ang Sampung Utos ng Diyos ang batayan ng
pananalig at pagpapahalagang mga Kristiyano
17. KRUS
Ang Paglaganap ng Kristiyanismo
Ang mga kinikilalang disipulo ni Hesukristo
ang nagpalaganap ng Kristiyanismo. Ang
Bibliya ay isinalin sa maraming wika at
nagsanga ng iba’t ibang simbahan. Ang
Romano Katoliko ang pinakamalaking
pangkat ng mga Kristiyano na
pinamumunuan ng Papa. Ang Papa ay
naninirahan sa lungsod ng Vatican sa Roma.
Ang Eastern Orthodox naman ay
pinamumunuan ng Patriarch, samantalang
ang mga Protestante ay nagsanga ng iba’t
ibang samahang pangkat at walang
kinikilalang pangunahing pinuno.
Pope Francis
Banal na Aklat ng
mga Kristiyano
18. Ang Palestine ang kinikilalang banal na lupain ng mga Kristiyano at ang
Jerusalem bilang sentro ng banal na paglalakbay kung saan pinaniniwalaang
ipinanganak si Hesukristo.
Ang seremonya sa mga simbahang Kristiyano ay idinaraos sa pamamagitan ng
pananalangin, pag-awit, pagbasa ng Banal na Aklat, at pangaral ng ministro o
pari. Ang mga kasapi ng simbahan ay karaniwan nang nakikiisa sa
seremonyang tulad ng misa, binyag, komunyon, kasal, at iba pa.
Ang Palm Sunday o Araw ng Palaspas ang hudyat ng pagsisimula ng Banal na
Linggo sa kalendaryo ng mga Kristiyano. Sa araw na ito, ang mga Kristiyano ay
nagwawagayway ng kanilang hawak na palaspas na gawa sa dahon ng palma
upang gunitain ang mga palaspas na inapakan ni Hesukristo nang siya ay
pumasok sa Jerusalem ilang araw bago siya namatay at muling nabuhay.
19. Star of David o Shield of David
-simbolo ng Judaism
-tanda ng pagpapahalaga kay David na namuno sa kahariang Israel noong 1000
hanggang 962 BCE.
Pinagmulan ng Aral
Ang relihiyong Judaism ang unang nagpangaral ng pagkakaroon ng iisang Diyos.
Sila ay naniniwala na ang Diyos ay gumawa ng pakikipagtipan kay Abraham. Si
Abraham ang itinuturing na Ama ng mga Jew. Nananalig ang mga Jew na si
Abraham ay nangakong susunod sa mga Salita at Batas ng Diyos na nangako
namang magkakaloob ng pagkalinga sa tao. Ayon sa kasaysayan, ang Lupang
Pangako o ang Canaan ay nakaranas ng kalamidad at tag-gutom noong 1280 BCE.
Nang sumunod na mga taon, ang mga Jew ay ginawang mga alipin ng mga
Egyptian. Bunga nito, sila ay lumikas mula sa Egypt patungong Sinai Peninsula sa
pamumuno ni Moses. Ang paglikas ng mga Jew mula sa Egypt patungong Sinai ay
tinaguriang Exodus. Sinasabing si Moses ay umakyat sa bundok at sa kanyang
pagbaba, siya ay may dalang tabletang gawa sa bato kung saan nakasulat ang
Sampung Utos ng Diyos. Matapos ang pangyayaring ito, si Moses ay tinaguriang
pinakadakilang lider sa kasaysayan ng mga Jew, at ang Sampung Utos bilang
batayan ng kanilang paniniwala.
20. Torah
- bibliya ng mga Jew
- binubuo ng limang aklat ng Lumang Tipan o Old Testament ng mga Katoliko at
naglalaman ng mga batas at gabay sa landas ng buhay ng tao.
Panangisang Pader o Wailing Wall
-matatagpuan sa kanlurang bahagi ng templo ng Jerusalem
-kinikilalang banal na lugar para sa pananalangin at sentro ng banal na
paglalakbay ng mga Jew.
-nilikha ng mga manlalakbay na Europeo na naging saksi sa malakas na
pananagis ng mga Jew nang sirain ng mga Romano ang templo ng Jerusalem.
Kippah o Yarmulka
-inilalagay na pantakip sa ulo ng mga konserbatibong Jew ay tanda ng kanilang
paggalang sa kanilang Panginoon.
Batas Kosher
-ang nagtatakda ng ipinagbabawal nitong pagkain ng hayop na inaakala nilang
marumi tulad ng baboy.
22. Purim
-ginaganap bilang pagdiriwang sa pagkakaligtas ng mga Jew sa mga Persian noong
ika-5 siglo.
Sabbath
-banal na araw para sa mga Jew.
Pesach o Passover
-may kaugnayan sa naganap na Exodus mula sa Egypt.
Rosh Hashanah
-bagong taon ng mga Jew
Hanukkah
-ipinagdiriwang bilang pag-alala sa muling pagkakabalik ng templo ng Jerusalem
mula sa mga Syrian.
- ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isa-isang pagsindi sa kandilang
nakalagay sa kandelabra sa loob ng walong araw.
PURIM
23. Ito ay nagmula sa Punjab, India noong ika-15 siglo.
Itinatag ni Guru Nanak.
Ang kahulugan ng “Sikh” ay “tagasunod” o “disipulo”.
Ang himno ng Sikhism ay napapaloob sa Guru Granth Sahib.
Ang mga Sikh ay kilala sa kanilang markang “5 Kakkars” na tumutugon sa
sumusunod: 1) Kesh, ang mga Sikh ay hindi nagpuputol ng buhok o balbas;
2) Kanga, ang buhok ng mga Sikh ay laging nakatali nang maayos o di kaya’y
nakapaloob sa turban; 3) Kara, gamit nila ang bangle na nakasukbit ang espada
o itak sa kanilang bakal bilang simbolo ng iisang diyos at baywang bilang
pagpapaalala na kailangan iisang katotohanan; 4) Kirpan, pirmihang nilang
labanan ang anumang walang katarungan sa kanilang kapaligiran; at 5)
Kachera, ang mga Sikh ay may suot na maigsing pantalon bilang tanda ng
kahandaan sa pakikipaglaban.
Ang mga Sikh ay naniniwala sa iisang diyos na kilalang walang kamatayan at
hugis. Ang mga aral ng Sikh ay nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay,
paglilingkod, at pagbibigay-proteksiyon sa mahihirap laban sa walang
katarungan.
24. Ang relihiyong ito ay kilalang kombinasyon ng mga elementong Islam at Hindu.
Ang isang Amrit Dhari o binyagang Sikh ay kinakailangang sumunod sa itinakdang
alituntunin ng relihiyon, kasama na ang pagiging vegetarian o pagkain lamang ng
pagkaing nagmumula sa halamang tanim.
Ritwal at Selebrasyon
Baisakhi o Khalsa Sirjana Diwas
-pagdiriwang sa pista ng pag-aani
-ipinagdiriwang tuwing ika-13 ng Abril
-ang araw na ito’y itinuturing na muling simula o pagpapatibay ng pananalig at enerhiya.
-ito rin ay upang lubos na magpasalamat sa masaganang ani.
Diwali o Deepavali (“Festival of Lights”)
-idinaraos ito bilang pagpapahiwatig ng pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan sa
katauhan ng isang indibidwal.
-ito ay isinasagawa sa ika-15 araw ng buwan ng Kartika o New Moon.
-ang kasiyahang ito ay sinisimulan sa pagdiriwang ng pagdating ng bagong taon at maligayang
pagdating ng mga diyosa sa tahanan at puso ng mga Punjabis, Sikh, at iba pang Indian.
5 Kakkars
25. -ito ay tinatampukan ng tradisyonal na pagsindi sa deepavali diyas o mga lamparang ilaw sa
pintuan ng bawat tahanan sa buong magdamag bilang pagsalubong sa mga diyosa.
Baisakhi
Diwali
Deepavali Diyas
26. Exorcism ng kasamaan at kaluluwa
-ito ay gawi ng mga Taoist at pananalig sa mga diwata.
Feng Shui
-ang paglikha ng tanawing naaayon sa Tao
Ang Taoism ay nagmula sa salitang “tao”, isang salitang Tsino na ang kahulugan ay “ang
daan”. Naniniwala ang mga tagasunod ng Taoism na ang buhay ay ginagabayan ng Tao
o Dao at ang pakikig-ugnayan sa kanya ay maghahatid ng kaligayahan at kapayapaan,
samantalang ang nanlalaban aymagtatamasa ng pagpapakasakit. Ang aral ng Taoism ay
napapaloob sa Tao Te Ching na nilikha ni Lao Tzu.
Taoist Temple
sa Lungsod ng
Cebu
27. Yuan Xiao Festival o Lantern Festival
-pangunahing kapistahang ipinagdiriwang ng mga Taoist.
-”Una” ang kahulugan ng Yuan, samantalang “gabi naman ang kahulugan ng Xiao.
-Unang paglabas ng full moon ng taon ang kahulugan ng Yuan Xiao.
-Para sa mga Taoist, ang araw na ito ay tradisyonal na panahon ng pagsasalo-salo o
pagsasama-sama ng isang pamilya.
-Ang pista ng Yuan Xiao ay karaniwang iniuugnay sa kaarawa ni Tianguan at ni
Taiyi.
-Ito’y karaniwang idinaraos sa pamamagitan ng pagsasabit ng iba’t ibang uri at
naggagandahang parol.
Tianguan
-diyos ng magandang kapalaran
Taiyi
-diyos ng kalangitan
28. Ang Shinto ang tradisyonal na relihiyon sa bansang Japan.
“Ang Gawi ng mga Diyos”
-kahulugan ng Shintoism
Kami
-diyos ng kalikasan
-itinuturing na diyos ng mga nananalig sa relihiyong Shinto.
-ito ang nag-uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran tulad ng yungib, batis,
bundok, puno, at iba pa.
Bundok ang higit na binibigyang-halaga ng Shintoism sa lahat ng mga natural na
kapaligiran dahil naniniwala silang ang bundok ang tirahan ng Kami at espiritu ng
mga patay.
Musuhi
-tawag sa kapangyarihan ng Kami na ayon sa kanila ay gamit nito sa paglikha ng
magandang ugnayan ng tao sa kalikasan.
-ito rin ang nagbibigay-sigla sa makoto o pagkakaroon ng mabuting kalooban ng
tao.
29. Ebisu
-ang itinuturing na diyos ng magandang kapalaran at diyos ng mga mangingisda,
magsasaka, at mangangalakal o “Businessman’s God” at mga paring Shinto habang
nagpuprusisyon.
Binibigyang-halaga ng mga Shintoismisters ang pagbubuklod ng pamilya,
kung kaya’t karaniwang nauugnay sa pamilya ang kanilang mga
selebrasyono pagdiriwang. Mahalagang selebrasyon para sa kanila hindi
lamang ang kaarawan at pag-aasawa kundi ang buong buhay ng isang
nilalang. Matsuri (festval) ang tawag sa pag-aalay ng pasasalamatng mga
Shintoismisters sa kanilang mga diyos at diyosa. Karaniwan na rin sa kanila
ang malaking pagdiriwang sa pagpapalit ng panahon na ginaganap sa
pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, musika, at sayawan.
31. ANG JAINISM AY NAGMULA SA SALITANG JINANA NA
NANGANGAHULUGANG “yaong nagtatagumpay”.
Ang mga Jain ay higit na kilalang Tirthankaraso o “bridge builders”.
Malalim ang paniniwala ng mga Jain sa reincarnation.
Ang kanilang pangaral ay nakasentro sa buhay na walang karahasan hindi lamang
sa kapwa tao kundi pati na rin sa mga halaman at hayop.
Naniniwala ang mga Jain na makakawala lamang ang tao sa bigkis ng karma sa
pamamagitan ng pagsunod sa tuntunin ng prinsipyo ng moralidad hindi lamang
sa pag-iisip, kundi pati na sa pagsasalita at paggawa.
Mahavrata o “Great Vows”
Ahimsa o walang karahasan
Satya o katapatan
Asteya o pag-iwas sa pagnanakaw
Brahmacharya o buhay-walang asawa
Aparigraha o kawalan ng ari-arian
Ang dalawang pangkat ng mga Jain ay ang
Svetambas at Digambaras.
32. Paryushana
-pangunahing pagdiriwang ng mga Jain.
-ito ay kanilang ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto at Setyembre.
-ito ay panahon ng kanilang pagtitika, pangungumpisal ng mga kasalanan, at pag-
aayuno. Ang Tirthankara ay higit na kinikilalang ARHATAS na nagsisilbing guro at
tagapayo ng mga aral ng pilosopiyang Jain.