Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Aralin 8: ANG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 81 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Aralin 8: ANG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE (20)

Anzeige

Weitere von SMAP Honesty (12)

Aktuellste (20)

Anzeige

Aralin 8: ANG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE

  1. 1. Ipinasa nina: Mary Joviel Monteron Bhian Cyrus Orpilla Fian Kintana Aurille Francis Barbosa
  2. 2. Aralin 8
  3. 3. •Tatlong siglo pagkaraan ng Gitnang Panahon,ang lipunan,politika at kaisipan sa Europa ay nagkaroon ng maraming pagbabago. •Ang paraan ng pamumuhay sa panahong ito ay ibang-iba sa kinagawian ng Gitnang Panahon. •Isang hakbang tungo sa pagbabago ang naganap sa Europa sa Panahon ng Renaissance.
  4. 4. • Ibinaling ng mga tao ang kanilang pananaw sa kahanga-hangang bagay. •Ang Diwa ng Renaissance ay nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay sa iba't ibang bahagi ng daigdig. •Ang kanilang panggagalugad at pagtatayo ng kolonya ay naging dahilan ng paglawak ng imperyo ng mga bansang nanguna sa pananakop.
  5. 5. •Ang kolonisasyon ay ang pagtatatag ng permamenteng teritoryo(kolonya) sa mga dayuhang lupain na may malaking taglay na likas na yaman.Ang mga paggagalugad at pananakop ay sanhi ng sumusunod na mga salik.
  6. 6. √ Lumalaking Populasyon √ Lumalakas na kapangyarihan ng hari √ Mga pangangailangan sa mga produkto mula sa Silangan √ Mga tuklas/bagong teknolohiya sa paglalakbay √ Ang paghahanap ng bagong ruta √ Ang pagnanais na ikalat ang Kristiyanismo
  7. 7. Pinangunahan ng Portugal ang Paglalakbay *Portugal ang unang bansang pumalaot sa kolonisasyon. *Ang Portugal ay isang maliit na bansa na may mahabang baybayin. *Ang Portugal ay laging umaasa sa dagat para sa kanyang kabuhayan. *Habang ang kalakalan sa mundo ay pangunahing pinagmumulan ng kapangyarihan at kayamanan ng bansa sa Europa,nais namang pakinabangan ng Portugal ang kanilang dagat. *Layunin nilang makipag ugnayan sa mga kahariang mayaman sa ginto sa Aprika at mahanap ang daan tungo Indies.
  8. 8. Mula noong 1415,nagsagawa ng iba't ibang paglalakbay si Prince Henry, "The Navigator."Ang mga barkong Portuges ay naglayag patungo sa kipot ng Gibraltar,papasok ng Dagat Mediterranean. Sa sumunod na apatnapung taon, sunod-sunod na haring Portuges ang nagbigay ng tulong sa mga manlalakbay na sinimulan ni Prinsipe Henry.
  9. 9. Noong 1488, ang nabigador na si Bartolomeu Dias ay lumibot sa dulo ng Aprika.Dahil sa malakas na bagyo, siya ay napadpad sa pook na ito na tinawag niyang "Cape of Storms" ay pinalitan ng "Cape of Good Hope."Ang paglalakbay ni Diaa ay biyaya sa Portugal.
  10. 10. Sa sumunod na sampung taon,nakabuo ang Portugal ng mahalagang kalakalan sa Aprika.At ang pinakamahalagang tagumpay na natamo nila ay nang marating ni Vasco da Gama ang kanlurang baybayin ng India noong 1498.Bagama't,mahigpit ang kontrol ng mga Muslim sa kalakalan,nagawa ni Vasco da Gama na makuha ang kalakalan ng cinnamon at paminta.Tumakas si Vasco da Gama upang mailigtas ang sarili mula sa kamay ng mga galit na muslim.Itinuring na isang bayani si Vasco da Gama sa kanyang pagbabalik sa Portugal noong 1499.
  11. 11. Christopher Columbus -isang kapitan na Italyano na abalang- abala sa paghahanap ng ebidensiya na isang ruta patungong India ay maaaring marating sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran. -dala dala ang mapa habang siya ay naglakbay patungong Espanya at Portugal upang kumbensihin ang mga hari ng Portugal na gastusan ang kanyang paglalakbay.
  12. 12. Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa tinaguriang "New World,"gamit ang tatlo niyang barko,ang Nina,Pinta,at Santa Maria. Nagtagumpay si Columbus nang maabot niya ang mga lugar na ngayon ay Dominica,Antigua,Venezuela,at Panama.
  13. 13. Ang eksplorer na si Amerigo Vespucci,isang Italyano na nabuhay sa panahon ni Columbus,ang nagsagawa ng ekspedisyon sa Timog Amerika noong 1499 hanggang 1502.Si Amerigo Vespucci ay isa sa mga taong nakaalam na ang lupaing nadiskubre ni Columbus ay hindi ang Silangan.
  14. 14. Noong 1500,naglakbay sa silangang baybayin ng Timog Amerika si Pedro Cabral.Inangkin niya para sa Portugal ang mga lupain sa silangan ng linya ng demarkasyon.Ayon sa isinasaad ng Kasunduang Tordesillas,ang rehiyong ito ay tinawag na Brazil.
  15. 15. Naging matagumpay si Vasco de Balboa na magtayo ng permamenteng tirahan sa may silangang baybayin ng Isthmus ng Panama noong 1510.
  16. 16. Ang pagkatuklas ni Balboa sa Karagatang Pasipiko ay nagbigay ng panibagong sigla sa mga Kastila na muling hanapin ang ruta patungong Silangan na pinagarap ni Columbus.
  17. 17. Ibinigay kay Ferdinand Magellan, isang Portuges na naglingkod sa Espanya, ang paggamit ng kanlurang ruta at pagtawid sa Dagat Pasipiko.Tinawag niya itong "Pasipiko" na nangangahulugang "mapayapa."
  18. 18. Si Francisco Pizarro,ang ahente ng bagong gobernador sa mga kolonya ng Espanya sa Amerika.Nasakop niya ang mayamang kaharian ng Inca sa Peru,at Amerika para sa Espanya.
  19. 19. Sa unang bahagi ng 1500,ginalugad nii Juan Ponce de Leon ang Bahamas sa paghahanap ng "Fountain of Youth," isang bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbalik sa kabataan ng sinumang maligo rito
  20. 20. Isa pang eksplorer,si Hernando de Soto,ang nagpatuloy sa paggagalugad sa timog- silangang hangganan ng Hilagang Amerika. Sa pagitan ng 1539 at 1542,pinangunahan ni de Soto ang halos 600 tao mula sa mga estado na tinawag ngayon na Florida hanggang Oklahoma.
  21. 21. Ang timog-kanlurang rehiyon ng Hilagang Amerika ay ginalugad ng isa ring Kastila sa katauhan ni Francisco de Coronado. Noong 1540,ipinadala si Coronado para sa isang misyon ng mga pinunong kolonyal ng Mehiko.
  22. 22. Ang Inca ay nakasentro sa lupain na ngayon ay tinawag na Peru.
  23. 23.  Sa pagyaman ng Portugal at Espanya dulot ng kolonisasyon,nahikayat ang iba pang bansa sa Europa na maghanap din ng masasakop na lupain.Naniniwala ang mga Europeo na may rutang pandagat sa Hilagang Amerika na mag-uugnay sa Europa.Nagpadala ng mga ekspedisyon ang mga kaharian para makahanap ng ruta patungong Asya.Sa kanilang paghahanap,nagtatag sila ng mga kolonya sa Hilagang Amerika.
  24. 24. Noong 1534,ginalugad ni Jacques Cartier ang silangang bahagi bahagi ng Canada at binagtas ang isang malawak na ilog na pinangalanang St.Lawrence.Inangkin ni Cartier ang kanyang mga natuklasang lugar para sa kaharian ng Pransiya.
  25. 25. Sinundan ng pangkat ni Samuel de Champlain ang iniwan ni Cartier na Paggagalugad na nasabing ilog.Noong 1608,inangkin ni Champlain ang rehiyon at tinawag niya itong Quebec.Ito ang naging base ng kolonyang pinangalanan niyang Bagong Pransiya.Kinilala si Champlain na "Ama ng Bagong Pransiya" dahil sa mga itinayo niyang pamayanan sa Montreal at Nova Scotia.
  26. 26. Hangad lamang ng mga Ingles na makahanap ng ruta patungong Silangan sa pamamagitan ng Hilagang Amerika.Pinondohan nila ang tatlong ekspedisyon ng Italyanong si John Cabot mula 1496 hanggang 1498.Ang tanging narating ng pangkat ni Cabot ay isla ng Newfoundland na bahagi ng Canada.
  27. 27. Sa paglaya ng Netherlands sa pananakop ng Espanya noong 1581,naging masigasig ang mga Olandes na makapasok sa kalakalan ng Asya at Europa.Nabuo noong 1621 ang Dutch West India Company na naglalayong pumasok sa kalakalan sa Amerika at kalabanin ang mga mangangalakal mula sa Portugal at Espanya.
  28. 28. •Binigyang-daan ang malawakang pagkatuklas ng mga lupain na hindi pa nararating at nagagalugad ng paglalakbay ng mga Kastila at Portuges. •Lumakas din ang ugnayan ng Silangan at Kanluran. •Lumaganap ang Kristiyanismo dahil sa kolonisasyon. •Sumulpot ang mga suliranin sa mga bansang kolonya tulad ng pagkawala ng kasarinlan, ang paninikil ng mga mananakop, at ang pagsasamantala sa mga likas na yaman ng mga bansang sumakop. •Lumaganap anb Rebolusyonv Komersiyal sa pagitan ng 1450 hanggang 1700.
  29. 29. - Pagkaraan ng mga unang tuklas, nagsimulang kontrolin ng europa ang maraming lupain na kanilang inangkin.Ang kanilang mga superyor na armas tulad ng kanyon at mga baril at ang bilis ng kanilang mga barko at mga kabayo ay nakatulong upang masakop ang malaking bilang ng katutubong populasyon ng India , Tsina,Pilipinas at iba pa.
  30. 30. Ang bansang Portugal ay nanakop ng mga lupain sa Amerika at Asya at nagtayo ng imperyo.Ngunit masasabing ang imperyo na itinayo ay isang imperyong pangkalakalan lamang.Sa kalakalan,ginamit ng mga Portuges ang sistema ng merkantilismo.Sa buong panahon ng pananakop ng mga Portuges, hindi nila gaanong naging suliranin ang pagkakaroon ng isang malaking sandatahang-lakas sapagkat maliliit lamang ang pangkat na kailangan upang mapanatili ang kapayapaaan sa mga nasasakupan.
  31. 31. Pagkaraan ng unang tuklas nagsimula nang kontrolin ng Europa ang maraming lupain na kanilang inangkin.Pagkatapos kontrolin ang lupain,inangkin na ito bilang isang kolonya.Hindi nagtagal ,ang mga kolonyang ito ay naging mahalaga sa kanilang kapangyarihan at kabantugan.
  32. 32. Dahil hindi malaki ang populasyon ng Portugal,ang kanyang imperyo ay naging tanging pangkalakalan lamang.  Don Alfonso de Albuquerque ay isang heneral na Portuges , dakilang mananakop at tagapagtatag ng imperyo.
  33. 33. Itinayo ng Inglatera ang unang permamenteng panahanan sa Jamestown,Virginia noong 1607.Pinasikat ni Thomas Paine na Common Sense na kumikilala sa kahalagahan ng kalayaan ng isang tao.Sa aklat na ito kanyang argumento tungkol sa kalayaan ng Amerika.
  34. 34. Dahil sa mga paglalakbay sa St. Lawrence ni Jacques Cartier sa Pransiya,nahikayat niya ang mga Pranses na magtayo ng imperyo sa bagong daigdig . Noong 1608, ang eksplorer na si Samuel de Champalain ay nagtatag ng unang permamenteng tirahan.
  35. 35. Katulad ng Portugal,ang Netherlands ay isang maliit na bansa na umaasa sa dagat sa kanyang kabuhayan.Naitatag ng Netherlands ang isa sa pinakamalaks na kalakalan sa buong Europa. Bagama’t mas marami ng kolonya ang Espanya noong ika-12 na siglo at sa unang bahagi ng ika-17 na siglo, napalawak ng mga Olandes ang kanilang imperyong komersyal.Katulad ng Portugal, ang populasyon ng Netherlands ay lubhang maliit upang payagan ang kanyang mga mamamayan na manirahan sa kanyang mga kolonya.
  36. 36. Natutuhan nila ang bagong mga produkto,kaugalian,at tunay na heograpiya ng mundo.Ang ugnayan sa iba’t ibang tao ay nagdulot ng malaking pagbabago.Mabilis na lumaki ang kalakalan,kasabay ang mabilis ding paglawak ng kalakalan ng mga alipin.
  37. 37. Ang pagkakatuklas ng bagong ruta ng kalakalan ay nagbigay-wakas sa monopolyo na matagal nang ikinasiya ng mga Italyano.
  38. 38. Mula sa Asya at Gitnang Silangan nanggaling ang malaking kargamento ng mga rekado mamahaling bato, papel at iba pa.Nagluluwas ng ginto at pilak ang Sentral at Timog Amerika .Mula sa mga produktong ito ,lalo pang sumigla ang kalakal at industriya sa buong Europa.
  39. 39. Ang kalakalan ng mga alipin ay naging mahalagang bahagi ng komersiyo sa Europa.Bagama’t ang pang-aalipin ay bahagi na ng kasaysayan sa mahabang panahon.Dahil sa kolonisasyon sa Bagong Daigdig, nabago ang anyo ng pang-aalipin.
  40. 40. Ang paglakas ng kalakalan ay nagbigay-daan sa mga pagbabago sa sistemang ekonomiko sa Europa. *Ang Rebolusyong Komersiyal ay nagdulot ng mas maraming salapi sa pamilihan na nagbigay-daan sa paraam ng paggawa ng mga produkto.
  41. 41. Noong 1700, lubhang namangha ang mga pilosopong Europeo sa mga nagaganap na pagtuklas sa larangan ng agham.At habang papaunlad ang rebolusyong siyentipiko,mas dumami ang naniwala na ang rason ay mas mabuting gabay kaysa tradisyon o pananampalataya.Para sa mga pilosopo,ang rason ay ilaw na tatanglaw sa wastong daan.Dahilan sa mga kaisipang ito,nagsimula ang Panahon ng Enlightenment.Sa panahong ito ginamit ng mga politiko ang rason at siyentipikong kaalaman sa pamamahala.
  42. 42. Bagong Ideya sa Politika Sumulat si Thomas Hobbes ng patungkol sa pamahalaan at lipunan ng IngalteraSa kanyang kapanahunan,ang bansa ay nasira dahil sa digmaang sibil. Noong 1651 isinulat ni Hobbes ang aklat na "Leviathan."sa aklat na ito ay ipinakita niyang ang likas na batas ang lumikhasa absolutong monarkiya napinakamagandang anyo ng gobyerno.
  43. 43. May ibang pananaw naman ang pilosopong si John Locke.Ginamit niya ang likas na batas upang patotohanan na ang mamamayan ay may karapatam at ang pamahalaan ang tugon sa mga taong- bayan.Noong 1690,ipinaliwanag ni John Locke ang ideya ng Maluwalhating Rebolusyon sa kanyang aklat na "Treatises of Governmen."Naniniwala si Locle na ang layunin ng gobyerno ay proteksiyonan ang karapatan ng taong-bayan.
  44. 44. Noong 1748,si Baron de Montesquieu,isang pilosopong Pranses ay naglabas ng isang aklat na tinawag na "The Spirit of Laws."
  45. 45. Ang paghahati-hati ng kapangyarihan ay nangangahulugan na ang kapangyarihan ay pantay na nahahati sa tatlong sangay ng gobyerno: *ehekutibo *lehislatibo *hudikatura Ang Lehislatibo ang tagagawa ng batas samantlang ang ehekutibo ang magsasakatuparan sa mga batas.Ang hudikatura ang magiging hukom kung sakaling may paglabag sa batas.
  46. 46. Naging sentronng Enlightenment ang Pransiya noong 1700.Sa paglawak ng Enlightenment, ang mga pilosopo na Pranses ay tinawag na "philosophe."Ginamit nila ang kanilang kakayahan sa pagsusulat upang maikalat ang kanilang ideya sa buong Europa.
  47. 47. Isang dakilang pilosopo ay si Francois-Marie Arouet na lalong kilala na Voltaire.Sumulat siya ng maraming nobela,dula,at essay na nagbigay sakanya ng pagkilala.Nakilala si Voltaire sa hindi niya pagkagusto sa Simbahang Katoliko Romano.
  48. 48. Si Denis Diderot ay isang pilosopo na Pranses na nakatulong upang kumalat ang ideya ng Enlightenment.Kanyang inilathala ang 28 volume ng Encyclopedia. Ang aklat na ito tumatalakay sa iba't ibang paksa sa agham,relihiyon,gobyerno,at maging sa sining.Naging sandata ang aklat na ito sa paglaban sa tradisyonal na pamamaraan.
  49. 49. Isa sa mga dakilang intelektuwal na tao ay si Jean Jacques Rousseau (1712-1778) Matindi ang pagtanggi niya sa mga pilosopo sa maraming bagay.Karamihan sa mga pilosopiya niya ay ang paniniwalang ang kanluran sa sining at agham ay magbibigay ng pagbabago sa buhay ng tao. Naniwala siya na winasak ng sining at agham ang likas na kabutihan ng tao.
  50. 50. Ang islogan sa Panahon ng Enlightenment na "kalayaan at pagkapantay-pantay ay hindi angkop sa kababaihan.Hinamon nila ang paniniwalang ang kababaihan ay likas na mas mahaba sa kalalakihan,at ang pagpapasailalim nila sa kalalakihan ay bahagi ng "likas na plano."
  51. 51. Pinasigla ng mga teorya ang mga palasyo sa Europa.Sinikap ng mga pilosopo na hikayatin ang mga pinuno na yakapin nila ang kanilang mga ideya.May ilang hari ang sumunod sa mga bagong ideya,tinawag silang mga enlightened despots.
  52. 52. Bilang hari ng Prusya,mula 1740 hanggang 1786, si Frederick II ay naging mahigpit sa kanyang mga nasasakupan.Gayunpaman,an g tingin niya sa kanyang sarili ay "Unang alipin ng Estado," na ang tungkulin ay magtrabaho para sa kapakanan ng lahat.
  53. 53. Binabasa ni Catherine The Great ng Rusya ang mga likha ng mga pilosopo kaya't nakipagtalastasan siya kina Voltaire at Diderot. Si Catherine na naging emperatris noong 1762 ay nag- eksperimento sa mga ideya ng enlightenment.
  54. 54. Si Joseph II, anak at tagapagmana ni Maria Theresa.Isang masugid na estuyante ng Enlightenment,naglakbay siyang incognito.Ang kanyang pagsisikap na mapabuti ang kanilang buhay ay nagbansag sa kanya bilang "ang magsasakang emperador."
  55. 55. Ang lungsod ng Paris ay naging sentro mg mga dakilang kaisipan ng panahon,ang mga kritiko sa panahong ito sa Pransiya ay tinawag na pilosopo.Binigyang-rason ng mga pilosopo ang lahat ng aspketo ng buhay.Partikular na tinutulan ng mga pilosopo ang tradisyon ng ganap na monarkiya at banal na karapatan.
  56. 56. Si Adam Smith ay isang ekonomistang Briton na hinangaan ng mga physiocrat.Sa kanyang naimpluwensiyahang aklat,"The Wealth of Nations,"isinulat niya na ang malayang kalakalan,ang mga likas na puwersa ng suplay at pangangailangan,ang dapat manaig at magdetermina sa negosyo.
  57. 57. Bago pumasok ang Rebolusyong Siyentipiko ang kaisipan at paniniwala ng mga tao ay nakatuon sa simbahan.Ngunit ng pumasok na ang Rebolusyong Siyentipiko unti-unting nabawasan ang impluwensiya ng simbahan.
  58. 58. Ang hamon na iwasto ang mga sinaunang kaisipan ay nagsimula sa larangan ng astronomiya.
  59. 59. Noong 1632, inilabas sa palimbagan ang isinulat ng Italyanong siyentista at matematiko na si Galileo Galilei.Ito ay pinamagatang "Dialogue Concerning the Two Chief World Systems."
  60. 60. Sa simula ng ika-15 siglo,isinulat ni Leonardo da Vinci na,"Ang agham ay walang kabuluhan at punong-puno ng kamalian kapag hindi nagdaan sa eksperimento,ang ina ng katiyakan. Ang Pamamaraang Siyentipiko ay Pinaunlad
  61. 61. Dalawang Siyentipiko ang nagbigay-sigla sa bagong agham ang isang Ingles,Si Francin Bacon (1561- 16260) at si Rene Descartes,isang Pranses (1596-1650)
  62. 62. Sa gitnang bahagi ng ika-17 siglo,lumawak ang interes ng mga siyentista.Ang interes at sogla ay nagdulot ng suporta para sa maraming pananaliksik.
  63. 63. Naimbento ng isang physicist na Aleman na si Otto von Guericke ang unang air pump.Ang tuklas na ito ay nagbigay- daan sa pag-unlad ng steam engine na nagpabago sa transportasyon at paggawa.
  64. 64. Isa ring Aleman na physicist ang nakaimbento ng thermometer na may mercury.Siya ay si Gabriel Fahrenheit.
  65. 65. Ang kaalaman sa anatomiya ng tao ay nagmula kay Galen.
  66. 66. Ang unang hakbang tungo sa makabagong medisina ay isinagawa ng isang Swisong doctor,si Paracelsus(1493- 1541).
  67. 67. Ang mga kaalaman sa medisina ay nakatulong din sa pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay.Sa tulong ng mga siyentista,nasugpo ang mga karamdaman at napagbuti ang kaalaman sa anatomiya at kalusugan ng mga tao.
  68. 68. Ang Rebolusyong Industriyal ay ay isinilang na naging daan sa pagkakaroon ng sistemang pabrika,pag-unlad ng komunikasyon, at transportasyon.
  69. 69. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsimula sa Britanya noong 1760 dahil sa sumusunod na mga kaalaman. *Likas na Yaman *Yamang Tao *Bagong Teknolohiya *Pamilihan *Pamahalaan *Kinalalagyan *Ang Panahon ng Bakal at Uling
  70. 70. Ang Rebolusyong Industriyal sa Britanya ay hindi maaaring maganap kung hindi nagkaroon ng kasabay na rebolusyon sa agrikultura.
  71. 71. Si Jethro Tull ay nakaimbento ng seed drill noong 1701.Ang makinang ito ay mas mainam na nakapagpapakalat ng mga binhi sa lupang sinasaka.
  72. 72. Si Charles Townshend ay natuto ng four- field crop rotation mula sa Flanders,Pransiya at ipinakilala noya ang sistema sa Britanya noong 1731
  73. 73. Isa pang Tanyag na Briton, Si Robert Bakewell (1725-1795) ay nakilala sa kontribusyon niya sa animal breeding.
  74. 74. Mahalagang pagbabago ang naganap sa pinakamalaking industriya sa Britanya--ang industriya ng tela.Noong 1600,naging popular ang telang bulak na binibili sa India.
  75. 75. Isa sa mga imbensiyon ang flying shuttle ni John Kay.Sa paggamit ng instrumento ni Kay, mabilis na nakapagtrstrabaho ang mga manghahabi at napag-iiwanan nila ang mga manlalala.
  76. 76. Naimbento ni Richard Arkwright ang spinning frame noong 1769, at ito naman ay nakilala sa tawag na water frame matapos ktong gamitan ng tubig upang lalo pang pabilisin ang pagggawa ng tela.
  77. 77. Ang mga bagong makina ay naging daan upang mawala ang lumang sistema ng produksiyon. Araw- araw ang mga manggagawa at mga tagahabi ay dumarating sa mga pook na kinalalagyan ng makina na tinawag na pabrika.
  78. 78. Noong 1700, nakagawa ang mga tao ng mas mabisang sistemang lokal ng transportasyon.Ang turnpikes ay isang pribadong daan na naniningil sa mga taong gumagamit sa nasabing daan.Ang mga inhinyerong Scottish na sina John McAdam and Thomas TelfordT ay nakilala sa kanilang kontribusyon sa larangan ng transportasyon at impraestruktura.
  79. 79. Nakatulong sa urbanisasyon ng mga pamayanan at pag-unlad ng kanilang mga bansa anglumalaking populasyon dahil sa pagdagsa ng mga tao sa lungsod.Maraming pagbabago ang hatid ng ikalawang yugto ng Rebolusyong Industriyal.
  80. 80. *Mga Kanal *Steam Engine *Steamboat *Eroplano
  81. 81. *Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malaking yaman sa maraming mga entrepreneur. *Dala-dala ngindustriyalisasyon ang urbanisasyon o ang paglipat ng mga tao sa kalunsuran. *Sa lahat halos ng lungsod,may malaking pagitan ang mga taong naninirahan. *Ang sistema ng pabrika ay iba sa mga gawain sa bukid. *Mahaba ang oras ng paggawa. *Ang kababaihan ay bagong puwersa sa larangan ng paggawa. *Ang mga gawain sa pabrika ay nagdulot ng panibagong problema sa kababaihan. *Marami sa mga pabrika at mga minahan ay tumatanggap ng mga batang babae at lalake. *Ang mga pabrika ay nagbukas ng maraming trabaho.

×