1. Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
San Pablo City Campus
Del Remedio, San Pablo City
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Code: SINESOS
Course: Sinesosyodad o Pelikulang Panlipunan
Instructor: Ms. Arramae Maestrocampo
Name: Royana Joy Fuentes
Course/Year/Section: BSED – 3A - ENGLISH
MODULE 1
Aktibidad/Gawain
1. Bukod sa mga nabanggit sa itaas, magtala ng iba pang mga kilala o tanyag na
tao sa paggawa ng pelikula at ang kanilang naiambag na mga pelikula. (kahit
ilan ang iyong itala ngunit mas marami, mas maganda)
• Jose Javier Reyes isang kilalang pilipinong manunulat, director at
actor sa larangan ng pelikula. Tumanggap siya ng mga parangal
kabilang na ang Gawad Urian, Metro Manila Film Festival at Filipino
Star Awards.
Mga Pelikula: Pahiram ng Isang Umaga, Batang PX and Kasal, Kasali,
Kasalo.
Goal: The Laguna State Polytechnic
University-San Pablo City Campus
College of Teacher Education commits
itself to produce highly academically
excellent and morally upright teachers
who will build a portfolio of disciplined
and responsible citizenry in accordance
with the regional and national
development goals.
Integrity, Professionalism
& Innovation
Center of Development
2. • Jun Robles Lana isang kilalang film maker hindi lamang dito sa
pilipinas gayundin sa ibang bansa. Nanalo siya ng 11 Palanca Awards
sa Literatura at isa sa pinaka batang miyembro ng Palanca Hall of Fame
2016.
Mga Pelikula: Die Beautiful (2016)
• Joel Lamangan isang pilipinong kilala bilang isa sa pinaka mahusay sa
larangan ng pag gawa ng pelikula at isa din siyang aktor. Tumanggap
siya ng parangal sa Gawad Urian Award bilang isa sa magaling na
direktor.
Mga Pelikula: Walang Kawala at Hubog.
• Marlon Rivera isang pilipinong director at actor. Pinanganak ito taong
1967 at nag tapos sa kursong Comunication sa Ateneo De Manila
University.
Mga Pelikula: Ang Babae sa Septic Tank at My Big Bossing.
• Edwin Villanes Deramas o mas kilala sa pangalan na Direk Wen V.
Demaras isang pilipinong manunulat at director.
Mga Pelikula: Mula Sa Puso (1997–1999)
• Ishmael Bernal ay dalubhasa sa paggawa ng mga pelikulang may
makabuluhang tema at paggamit ng makabagong technique pagdating
sa aesthetic aspect nito.
Mga Pelikula Nunal Sa Tubig (1976), Himala (1982), Broken
Marriage (1983), Working Girls (1984), at City After Dark (1980).
• Gerardo De Leon ay itinuturing na most-awarded film director dahil
sa pitong awards na natanggap niya mula sa Filipino Academy of Movie
and Arts (FAMAS).
Mga Pelikula Sawa sa Lumang Simboryo (1952), Hanggang sa Dulo
ng Daigdig (1958), Huwag Mo Akong Limutin (1960), Noli Me
Tangere (1961, adaptation of the novel Noli Me Tangere), El
Filibusterismo (1962), Daigdig ng mga Api (1965), Lilet (1971).
3. • Eddie Romero ay kilalang director, witer, at producer ng pelikula mula
1940s hanggang 1980s.
Mga Pelikula: Ganito Kami Noon, Paano Kaya Ngayon (1976) na
pinagbidahan nina Christopher De Leon at Gloria Diaz
• Daisy Avellana ay isang aktres, direktor, at manunulat sa teatro.
Mga Pelikula:Pinagbidahan niya ang stage play na Candida at film
adaptation ng Portrait of The Artist as Filipino na isinulat ni Nick
Joaquin.
• Lamberto Avellana ay kilalang director sa teatro at maging sa
pelikula.
Mga Pelikula:Kandelerong Pilak (1954) ang kauna-unahang Filipino
movie na ipinalabas sa Cannes Film Festival
2. Pumili ng dalawang sinaunang pelikula at dalawang bagong pelikula na hindi
mo malilimutan. Isulat ang buod ng pelikulang ito at ipaliwanag kung bakit ito
ang iyong napili.
Dahil mahal na mahal kita (1998)
Directed by: Wenn V. Demaras
Si Mela (Claudine Barretto) ay isang brat na batang babae. Sa paraan ng
kaniyang pananamit ay talaga namang nakakapukaw ng atensyon lalo na sa mga
kalalakihan kaya ganun na lang siya husgahan ng mga tao sa paligilid niya. Hanggang
sa hiniwalayan niya ang kaniyang kasintahan na si Ryan (Deither Ocampo) dahil
nahuli niya itong may kasamang iba. Sa kanilang paghihiwalay, inilipat ni Mela ang
kaniyang pansin sa isang campus geek na si Miguel (Rico Yan) na ayaw sa babaeng
katulad ni Mela. Hinamon ni Mela na gusto niyang maging kasintahan si Miguel.
Noong una isa lamang itong laro ngungit hindi nag tagal unti-unting binago ni Mela
ang kaniyang sarili para maging karapat dapat kay Miguel ngunit parang hindi ito
naging sapat. Maraming pag subok ang dumaan sa kanila ngunit sa huli nag katuluyan
sila at naging masaya. Hindi ko makakalimutan ang pelikulang ito sapagkat isa ito sa
tumatak sa akin noong akoy bata pa kaya naman malaki ang aking pang hihinayang
noong mabalitaan ko na ang actor na si Rico Yan ay pumanaw sa murang edad ganun
pa man nag iwan naman ito ng pelikulang maaaring balik balikan ng mga taga hanga
niya.
4. Anak (2000)
Directed by: Roy Quintos
Ang pelikulang ito ay ginampanan ni Vilma Santos bilang Josie isang ina na
nagtatrabaho sa Hong kong bilang isang domestic worker. Tiniis niya na mawalay sa
kaniyang pamilya upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak.
Tiniis niya ang lahat ng pagod at hirap sa pag aakalang nasa maayos ang lagay ng
kaniyang mga anak na nasa Pilipinas. Napag desisyonan niya na umuwi na lamang sa
Pilipinas upang magtayo ng isang pagkakakitaan upang makapiling na niya ang
kaniyang mga anak ngunit sa kaniyang pag uwi nadatnan niya ang sitwasyon ng
kaniyang mga anak. Malaki ang galit at tampo ng kaniyang mga anak lalo na si Carla
na nakakatanda sa mag kakapatid. Lumayo ang loob ng kaniyang mga anak sa kaniya
ngunit ginawa lahat ni Josie upang mag kaayos ulit sila ng kaniyang pamilya at sa huli
unti unti rin naman naunawaan ng mga anak na ang lahat ng iyon ay para sa kanila.
Nag pasiya si Josie na bumalik ng Hong kong upang makapagtrabaho ulit at itoy
natanggap na ito ng maluwag ng kaniyang mga anak. Ang pelikulang ito ay naging
dahilan kung bakit mas lalo ko pang pinagbutihan ang aking pag aaral at mas lalong
lumaki ang respeto ko sa aking ina na kasalukuyang nag tatrabaho parin sa ibang
bansa upang makapag aral at mabigyan ako ng magandang buhay. Para sa akin ang
mensaheng ipinapahiwatig sa pelikula ay dapat mahalin at pahalagahan ang lahat ng
sakripisyo ng magulang sapagakat ang lagi lang naman nilang iniisip ay kapakanan
nating lahat.
BAGONG PELIKULA
Kita Kita (2017)
Directed by: Sigrid Andrea Bernardo
Isang tourist guide si Lea (Alessandra de Rossi) sa Sapporo, Japan na
nakatakda na sanang magpakasal sa kaniyang Japanese fiancé kung hindi lang niya
ito nahuling may ibang babae na kapwa Pilipino rin. Dahil sa labis na lungkot unti
unting nawalan ng gana si Lea sa buhay at napabayaan na nga nito ang kaniyang sarili
hanggang sa nawalan siya ng paningin. Habang sinasanay ang sarili sa buhay ng
pagkakaroon ng panandaliang pagkabulag ay makikilala ni Lea ang kapit-bahay
nitong si Tonyo (Empoy), isang Pinoy na hindi man nabiyayaan ng angking gandang
lalaki ay mayroon naman itong mabait na kalooban at nakakatuwang ugali. Si Tonyo
ang mag-aalaga sa dalaga samantalang si Lea naman ang magbibigay kulay sa tahimik
na buhay ng binata. Hanggang sa sila'y maging magkaibigan at 'di naglaon ay
nagkakaroon sila ng ugnayan sa isat isa. Ang pelikulang ito ay isa sa tumatak sa akin
dahil pinapakita nito ang kahalagahan ng buhay at kung bakit may rason sa lahat ng
nang yayare. Hindi ibig sabihin na kapag naiwan o naloko ka ng taong mahal mo ay
mawawalan ka na ng gana mabuhay dapat hanapin natin ang ating halaga at kung
saan ba talaga tayo nababagay.
5. Diary ng Panget
Directed by: Andoy Ranay
Ang pelikula ay tungkol sa isang babaeng panget na nag ngangalang Eya
(Nadine Lustre). Siya ay isang ulila at nakikiupa lang siya sa isang maliit na bahay.
Nang dumating ang araw nang siya ay pinalayas ng kanyang tinitirhan, humanap
kaagad siya ng trabaho. Sa kasamaang palad, ang nakuha niyang trabaho ay ang
pagiging katulong sa isang mansyon. Sa kanyang pag tira sa mansion ay nakilala niya
ang anak ng kanyang amo na nag ngangalang Cross (James Reid). Si Cross ay isang
campusHeartrub ngunit napakamasungit, walang pakialam at pilosopo na binate dala
na rin ng mayaman at magandang lalake. Lagi silang nag away dahil na rin sa ugali ni
Cross ngunit habang tumatagal nag karoon sila ng pag tingin sa isat isa. Nagustuhan
ko ang pelikulang ito sapagkat isa ito sa naging inspirasyon ko upang maging magpag
pasensya at huwag maging mapang husga sa kapwa dahil hindi lahat ng maganda ay
may busilak na kalooban mas lamang parin ang ganda ng kalooban kaysa sa taong
mapang- lait.
6. Performance Tasks
Ilarawan ang sarili sa pamamagitan ng pagguhit…
Gumuhit ng larawan na nagpapakita kung anong uri ng manonood ka sa tuwing
ikaw ay nanonood. Sa ibaba ay lagyan ito ng paliwanag.
(Maging tapat sa pagsasagawa ng aktibidad na ito)
7. Base sa aking iginuhit mailalarawan ko ang aking sarili bilang isang Forward Watcher
sapagkat sa tuwing akoy nanonood ng isang pelikula o isang teleserye ay naka pokos
ako sa bawat detalye ng aking pinapanood mapa karakter man ito o lugar. Mas gusto
kong gawin ang panonood kapag mag isa sapagkat mas napag bibigyan ko ng
atensyon ang aking pinapanood. May pag kakataon na kapag hindi ko masyadong
naintindihan ang aking pinapanood pinapaulit-ulit ko ito hanggang sa malaman ko
kung ano ang puno’t dulo ng pelikula kung bakit naging resulta ito ng pag tatapos ng
masaya o malungkot. May mga pelikula na kapag pinanood mo sila ay parang pang
karaniwan lamang na palabas ngunit kung ito’y susuriin mong mabuti mas makikita
mo ang halaga at ganda ng isnag pelikula ktulad na lamang ng kung saan giannap ang
mismong pelikula o mga shots na talagang nakakamangha. May mga pelikula na
sobrang simple at akala mo wala itong magandang nilalaman o kaya naka buryo
panoorinngunit kung iintindihin mo ang bawat dyalogo at galawa ng karakter sa
pelikula ay tiyak magugustuhan mo ito. Mahalagang maging mapanuri at maging
bukas ka sa bawat pelikulang napapanood natin dahil ang bawat pelikula may taglay
na ganda.