2. 1. Ang pagtataya ay dapat na ibase sa
malinaw na panturong layunin.
• Ang pagtataya ng pagkatao ng mag-aaral,
kakayahan at iba pang aspeto ng mga
sitwasyon sa pagtuturo at pag-aaral ay dapat
nakatuon sa layunin ng edukasyon.
• Ito ay dapat sang-ayon sa mga layunin ng
paaralan at bansa.
• Ang makabuluhang aspeto ng edukasyon ay
dapat nakaayos at ang pag-unlad ng mag-aaral
at ang proseso ay siyang dapat unahin.
4. Semi-Detailed Lesson Plan in Filipino: Pang-abay
Banghay Aralin sa Filipino IV
I – LAYUNIN
· Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo
· Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap
· Nauuri ang pang-abay
II – PAKSANG ARALIN
Paksa : pang-abay
Sanggunian : aklat sa Filipino 4
Kagamitan : mga larawan
Pagpapahalaga : pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino
III – PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik aral
- May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng
may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.
b. Pagganyak
- Itanong sa klase kung may alam silang bugtong.
- Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?
- Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino?
Magbigay ng bugtong:
1. Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong.
2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.
c. Bago ang pagbasa
Ibigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng dayalogo.
d. Pagbabasa
Basahin ang dayalogo na ilalagay sa pisara
e. Pagkatapos ng pagbasa
Magtanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.
5. f. Paghlalahad
i. Magtanong sa mga estudyante kung ano ang kanilang mga napapansin sa mga salitang
may salungguhit mula sa dayalogong binasa.
ii. Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap
1. Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.
2. Malinaw siyang magkwento.
3. Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay.
iii. Magbigay halimbawa ng pangungusap na may pang-abay ang mga estudyante.
g. Paglalagom/paglalahat
i. Ano ang pang-abay?
ii. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?
IV- PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na
pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2. Babalik sila sa isang lingo.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5. Maagang pumasok si Noel.
6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.
V – TAKDANG ARALIN
Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa
pasalaysay.
6. 2. Ang mga pamamaraan sa pagtataya
ay dapat piliin ayon sa kanilang
layunin.
• Nararapat na pumili ng pamamaraan ng
pagsusuri base sa kanilang layunin.
• Nararapat na tignan sa pagtataya ang
pagganap ng mag-aaral ayon sa nakalatag sa
mga layunin. Ito ang basehan ng pagpili ng
pagsusuri ayon sa mga layunin.
7. 3. Ang pagtataya ay dapat
komprehensibo.
• Dapat nitong sakupin ang malawak na pag-
unlad ng mag-aaral. Dapat nitong suriin ang
progreso ng mag-aaral sa mga kanais-nais na
kalabasan sa edukasyon. Ang pagtataya ay
hindi lamang dapat ibase sa nagbibigay-malay
na pag-unlad katulad ng kaalaman, pag-intindi
o di kaya kasanayan sa pag-iisip. Dapat din ito
maging epektibo sa tinatawag na psychomotor
development katulad ng pagbabago sa
saloobin, pag-uugali at tunay na pagganap.
9. 4. Ang pagtataya ay dapat tuloy-tuloy.
• Ang layunin nito ay upang mabantayan at
masuri ng tama ang progreso ng mag-aaral.
Ang pagtataya ay dapat kaparis sa progreso ng
edukasyon na kung saan ang mag-aaral at
nakatuon sa patuloy na progreso ng
pagbabago at pag-unlad.
11. 5. Ang pagtataya ay dapat mapagsuri
at gumana.
• Kailangan nitong hanapin ng mabuti ang kalagayan sa
pagtuturo at pag-aaral kasama na ang mga suliranin na
pumipigil sa proseso ng pag-aaral at pag-unlad ng isang
mag-aaral sa paaralan. Dapat din nitong matuklasan
ang mahalagang impormasyon na magagamit sa
pagpapabuti ng pagtuturo at pag-aaral at iba pang
bahagi ng tamang alituntunin sa klase. Gayunman, ang
kaalaman na naipon sa pagsusuri ay hindi lamang para
sa pagtatala. Ito ay dapat din gamitin upang pagbutihin
ang estilo sa pag-aaral, pamamaraan sa pagtuturo at
iba pang kondisyon na makakaapekto sa pagtuturo at
pag-aaral sa klase.
12. 6. Ang pagtataya ay dapat isang
pakikipagtulungan
• Ito ay dapat gawain hindi lamang ng isa kung
hindi maraming mag-aaral. Ito ay isang
pakikipagtulungan ng mga kabilang sa
programa ng pagtuturo at pag-aaral. Ang
pagtataya ay magiging epiktibo at
matagumpay kung magsasama ang mga
administrador, guro, magulang, at mag-aaral
at kung maari, ang mga tao sa komunidad.
Lahat sila ay dapat magtulungan para sa
kabutihan ng mga mag-aaral.
14. 7. Ang pagtataya ay dapat gamitin ng
maayos
• Mahirap makakuha ng kumpleto at
perpektong resulta mula sa pagtataya. Hindi
laging nagbibigay ng tumpak na impormasyon
ang mga gamit sa pagsusuri. Kaya, dapat
gumamit ng tamang paghatol sa pagsusuri.