1. Pagsusuri sa
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
ni
ANDRES BONIFACIO
Panimula
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na
sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para
himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si
Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang
manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang
minamahal na bayan.
May-Akda
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang
mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang
paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay
namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang
kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na
tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa
lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng
Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang
mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay
hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa
kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging
determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at
sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni
Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les
Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at
Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang
pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng
Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng
2. mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang
kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay
mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na
niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa;
ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya
sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay
natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang
mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng
malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para
ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros,
Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa
halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo
at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan
bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio
ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at
puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia
ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na
pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang
gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa
kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin,
subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang
gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na
Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon,
Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na
inilarawan sa mga katagang ito:
" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
3. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
4. sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Kayong mga dukhang walang tanging
(lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.
Kayong antayan na sa kapapasakit
Pagsusuri
Sinulat ang “Pagibig sa Tinubuang Lupa” noong 1896 bago pumutok ang Rebolusyong
1896, at sa mga natitirang araw na mga iyon, kasarinlan para kay Bonifacio ang hindi
maghimagsik. Hindi mo lubos akalain na si Andres Bonifacio na mas kilala natin sa himagsikan
ay makagagawa ng tulang kagaya nito. Sa titulo pa lamang ng tulang ito ay makikita mo na ang
nais ipabatid ng may-akda ang kanyang lubos na pagmamahal sa kanyang kinamulatang lupa,
ginamit niya ang salitang “lupa” na tumutukoy sa ating bansang Pilipinas. Kitang-kita rin ang
pagka-Tagalog ni Bonifacio sa tulang ito. Marahil rehiyonalismo pa ang kaugalian ng mga
Pilipino dahil hindi pa tayo nakakatikim ng kalayaan sa panahong iyon. Bagamat alam ng
karamihan ngayon na ang rehiyonalismo ay sinaunang konsepto dahil isang bansa na tayo,
sikolohiya ng Pilipino gawin pa rin itong tradisyon lalo na sa pagkikiling ng mga kababayan
kumpara sa iba.
Tinukoy sa tula ang salitang “Castilang hamak” na pumapatungkol sa mga sumakop na
Kastila. Ginamit ang tulang ito para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Lubos na
nakaapekto ang paligid na ginagalawan ni Bonifacio upang isulat ang tulag ito. Gumamit siya ng
mga salitang pagka-busabos, kapaitan, kasuklam-suklam at iba pa na tumuko sa kawalang-hiya
5. ng mga sumakop sa atin. Tila ba naghihingalo ang bansang Pilipinas sa mga ginamit ni Bonifacio
na kataga sa kanyang tula.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Makikita na ang may-akda ay nagsasaad ng mga hinaing sa panahong iyon. Ang
paghihirap ng mga Pilipino ay mariing naiphayag sa tulang ito. Gumamit ng mga salitang
ngaglalarawan sa mga pighating nagyari sa mga Pilipino.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Inilarawan ni Bonifacio ang mga Kastila na kasuklam-suklam. Dahil na rin sa mga
nangyari kay Andres Bonifacio kaya nailarawan niya ang mga Kastila sa mga ganoong kataga.
Ang tulang ito ay naaangkop sa teoryang historikal sapagkat tinatalakay sa tulang ito ang mga
tunay na pangyayari sa panahon ni Bonifacio.
Maraming mga akdang pampanitikan ang maaaring suriin sa teoryang historical subalit
ang tulang ito ay isa sa mga pinaka-angkop sa yeoryang ito. Maaari din itong suriin sa teoryang
sosyolohikal dahil marami mga kataga o salita na pumatungkol sa paghihirap ng mga Pilipino.
Hindi matatawaran ang mga akdang pampantikan ng ating mga bayani. Ang mga ito ay
nagsisilbing gabay natin upang lubos na malaman ang ating tunay na kasaysayan.