Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Lessno Plan sa Filipino

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 10 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Andere mochten auch (20)

Anzeige

Ähnlich wie Lessno Plan sa Filipino (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Lessno Plan sa Filipino

  1. 1. ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGBASA SA IKALAWANG TAON I. LAYUNIN Mailahad ang kwentongn “Impeng Negro” ,ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ay inaasahang: 1. Naiaantas ang magkasingkahulugan salita mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim; 2. Nakabubuo ng story grammar ng kuwento matapos itong basahin; 3. Nasasagot ng may buong pag-unawa ang mga tanong hinggil sa kwentong binasa; 4. Naisasaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng kwentong binasa: 5. Nakapagmamalas ng sariling saloobin sa mga pangyayari sa kwento. II. PAKSANG ARALIN A. Kasanayan: Pagbubuod sa Kwentong Binasa B. Kwento/Lunsaran: “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat C. Sanggunian: Pluma II D. Mga Kagamitan: larawan, tsart E. Mga Estratehiya: Story Grammar, Pangkatang Gawain, Paglalarawan III. Pamamaran Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Bago Bumasa 1. Pagganyak Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po! (Magpapaskil ng larawan ng isang maitim at maputing lalaki sa pisara) Ano ang mapapansin ninyo sa katangian ng dalawang nasa larawan? (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay at sasagot) Ito po ay larawan ng isang maitim at maputing lalake! Tama! Ano pa? Ang maitim po ay kulot ang buhok, sarat ang ilong samantalang ang maitim ay malaki ang katawan, gwapo at matangos ang ilong.
  2. 2. Magaling! Mayroon bang diskriminasyon sa mga maiitim sa ating lipunan? Mayroon po! Oo, sa ating lipunan ay talagang nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga maiitim lalo na ditto sa atin. Ang larwang ito ay may kinalaman sa ating tatalakayin na kwento. 2. Pag-alis ng Sagabal Bago natin basahin ang kwento ay pagtuunan muan natin ang nasa pisara na mga salita. Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit at muling gamitin sa pangungusap. (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay at sasagot) 1. SINIPAT !. INASINTA Sinipat siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa nabitiwang baldeng tubig. 2. ISINAWAK Isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. 3. BATALAN Naghugas ng kamay sa batlan si Impen 4. NAKABULAGTA Si Ogor ay bulagta matapos ang away nila ni Impen 5. NABUWAL Siya ay nabuwal dahil sa paa ni Ogor na nakahrang 6. MARURUSI Ilan sa mga damit ni Impen ay marurusi na. (Pipili ang mga estudyante ng salita at gagamitin nila ito sa pangungusap) 2. ILINUBLOB 3. LABABO 4. NAKAHANDUSAY 5. NAHULOG 6. MADUDUMI (Gagamitin nila ito sa mga pangungusap) 3. Pagbibigay ng Pagganyak na Tanong Ngayon wala nang balakid sa inyong pagbabasa at handa na kayong maglakbay sa mundo ni Impen. Pagtuunan natin ng pansin ang mga sumusunod na nasa pisara.
  3. 3. 1. 2. 3. 4. Tagpuan Mga Tauhan Mahahalagang Pangyayari Mensahe ng kwento Basahin ito ng may pag-unawa at tahimik ang kwento. B. Habang Bumabasa Ngayon ay pagtuunan natin ng pansin ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sikat. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minute upang basahin at unawain ang kwento. Upang mlaman ko kung gaano kalalim ang inyong pag-unawa sa teksto ay papangkatin ko kayo sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ko ng tig-iisang tsart Sikaping punan ang hinihingi ng tsart na kasagutan. UNANG PANGKAT PAMAGAT . T A U H A N T A G P U A N S U L I R A N I N K A S U K D U L A N W A K A S
  4. 4. IKALAWANG PANGKAT PAMAGAT TAUHAN TAGPUAN SULIRANIN WAKAS IKATLONG PANGKAT PAMAGAT TAUHAN TAGPUAN SULIRANIN WAKAS
  5. 5. IKAAPAT NA PANGKAT TAGPUAN TAUHAN PAMAGAT SULIRANIN WAKAS C. Pagkatapos Bumasa 1. Pagpapahalaga sa Pangkatang Gawain Bago natin talakayin ang ingyong binasa, maaari lamang na ipaskil na ninyo ang inyong mga ginawa. Bawat grupo ay magkakaroon ng isang kinatawan upang ilahad at ipaliwanag ang inyong mga ginawa ng mabilisan. (Isa-isang ipapaliwanag ang Story Grammar) PAMAGAT Impeng Negro TAUHAN Impen, Ogor, Boyet, Kano, Diding, Ina ni Impen at mga Agwador SULIRANIN Ang panunukso kay Impen ng kapwa Agwador at ni Ogor. TAGPUAN Sa bahay nina Impen at sa gripo. WAKAS Humanga ang ibang agwador ka Impen at naramdaman niya ang kapangyarihan.
  6. 6. Magaling kayong lahat. Bigyan natin sila ng tatlong bagsak. Mapapansin niyo ba na iba-iba ang inyong mga tsart ngunit pare-pareho lamang ang mga ito na story grammar. Ano ang story grammar? Ito po ay isang paraan ng pagtataya sa pagunawa sa binasa. Ano ang maitutulong nito? Sa pamamagitan nito ay nababalangkas natin ang bahagi ng kuwentong binasa. Mahusay kayong lahat!Naunawaan niyog talag ang inyong binasa. Bigyan niyo ulit ng tatlong bagsak ang inyong sarili. . 2. Pagtalakay sa Kwento Ngayon ay sabay sabay nating pasukin ang mundo ng batang si Impen Tungkol saan ang kwentong binasa? (Magtataas ng mga kamay ang mga mag-aaral) Tungkol po ito sa diskriminasyon ng isang negro. Sino-sino naman ang mga pangunahing tauhan sa kwento? Maari niyo bang ilarawan ang dalawa? Tama! Sino ang nangaral kay Impen na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha? Ang mga pangunahing tauhan po ay si Impen at Ogor. Si Impen po isang lalaking labing-anim na taong gulang at laging kinukutya ng mga tao dahil sa kanyang kaitiman. Si Ogor ay matipuno ang kanyang katawan at laging nangunguna sa pangungutya kay Impen Ang kanya pong Ina. Ano ang trabaho ni Impen? Isa po siyang agwador. Tama! Isa siyang agwador o taga igib ng tubig! Bakit nag-aagwador si Impen? Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba kaya patuloy siyang nag-aagwador.
  7. 7. Tama ka! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Impen, gagawin mo rin ba ang ginagawa niya? Para sa sakin po ay, oo, sapagkat ang pagtulong sa iyong ina ay isa sa mga maaari mong isukli sa kanya bilang anak. Napakabuti mo namang anak! Tama dapat nating tulungan ang ating mga Ina lalo na kung tayoy hindi naman biniyayaan ng maraming salapi. Bakit nag-away sina Impen at Ogor? Pinatid po ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila at nabuwal ito. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at doon ay po nagsuntukan sila. Magaling! Nagbasa ka ngang talaga! Kung ikaw si Impen susuntukin mo ba at aawayin si Ogor? Opo! Dahil tao lang po tayo at nasasaktan din. Ang ginawa ni Ogor ay sobrang abuso na bilang tao at hindi ko na yaon mapapalamapas pa! Magaling! Sino pa ang mayroong kasagutan? Ako po hindi, kung ako po ang nasa sitwasyon ni Impen ay tatakbo na lamng ako at ipapasaDiyos ko na lamng si Ogor. Tama kayong lahat! Ano ang masasabi ninyo sa katangian ng dalawang pangunahing tauhan? May pagkakaiba ba? Mayroon po, si Impen ay nagtataglay ng positibong pag-uugali at si Ogor ay nagtataglay ng negatibong ugali ng isang tao. Sino sa kanila ang gusto ninyong tularan? Si Impen po, dahil siya’y mabuting anak, mapagtimpi, at higit sa lahat ay matapang. Sino ang dapat nating iwasan? Si Ogor po dahil siya’y mapangalait ng kapwa niya at masama ang kanyang ugali.
  8. 8. 3. Pagtalakay sa Kasanayan sa Pagbasa Lahat tayo ay may kakayahang makapagbuod ng kwento. Ngayo bago natin talakayin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagbibigay ng buod ay ating bigyan muna ito ng kahulugan, Ano nga ba ang buod o pagbubuod? Tama ka riyan! Ano-anu kaya ang mga paraan sa pagbubuod ng binasang teksto o akda Ang pagbubuod po ay ang pagpapaikli ng isang kwento o istorya ngunit ito ay may kimpleto at naiintindihang ibig sabihin o saloobin. Dapat po ay basahin nang may pag-unawa ang teksto. Alamin ang diwang hatid nito. Habang bumabasa, isulat ang mahahalagang puntos. Pagkatapos, suriin ang mga itinalang puntos. Sino pa ang kapagbabahagi ng kaniyang nalalaman? Sa pagbubuod po dapat ay sariling pangungusap ang gamitin. Huwag magsama ng sariling kuro-kuro. Ang mga bahaging maaaring magpahaba o magpalabo sa nilalaman ay nararapat baguhin. Dapat tingnan kung naaayon sa orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Basahing muli at lalo pang paikliin. Dapat ding itanim sa isip na lalong maikli ay lalong mabuti, tiyakin lamang na naroon ang diwa. Tama ang lahat ng inyong mga sinabi mahusay kayo! Ngayon ay susubukan natina ng ksanayn ninyo sa pagbubuod ng bpagkasunod-sunod ng mga pangyayari na hango sa kwetong ating binasa.
  9. 9. 4. Pagsasanay Ngayon ay upang malaman ko kung gaano kayo kahusay sa paghihinuha sa bibigyan ko kayo ng isang pagsubok upang malaman ang inyong kasanayan sa pagbubuod. Maglabas kayo ng isang kalahating papel at sagutin ang pagsubok. Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng “Impeng Negro”. Bilang lamang ang isulat. 1. Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig. 2. Marami nang baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon nang dumating si Impen. 3. Nakaanim naman na siyang igib kayat ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban. 4. Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor. 5. Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang makikipag-away na muli kay Ogor. 6. Nang siya’y paalis na, pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. 7. Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig. 8. Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa nangyari. 9. Sumuko ang nanlulupaypay at duguang katawan ni Ogor. 10. Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya’t sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban. Sagot: 1. 3 2. 2 3. 5 4. 4 5. 1 6. 6 7. 7 8. 10 9. 8 10. 9
  10. 10. 5. Pagpapahalaga Sa inyong palagay, nararapat bang husgahan si Impen dahil sa kanyang kulay? Hindi po dapat husgahan ang isang tao sa kanyang panlabas na anyo, bagkus ay kilalanin muna natin ang kanyang panloob na kaanyuan kaysa sa panlabas, Dapat din bang husgahan ang kanyang Ina sa pagkakaroon ng maraming anak? Hindi po dapat husgahan ang Inang mraming anak sapagkat hindi tayo mga Diyos upang humusga ngating kapwa bagkus ay unawain at respetuhin nating ang bawat isa. Kung kayo ang si Impen, ano ang inyong gagawin kapag kayo ang kinutya ng inyong kapwa? Magagalit ba kayo? Para sa akin po hindi, ipagwawalang bahala ko po sila at ipapasaDiyos na lamang. Sabi nga sa Bibliya, huwag gantihan ang masama sa masama. Magagaling kayong lahat! Maganda ba ang kwento? Nais niyo bang tularan si Impen? Opo, maganda po ang kwento at sumasalamin ito sa tunay na buhay. 1V. Takdang Aralin Igawan ng Komik Istrip ang kwentong “Impeng Negro” ayon sa wastong pagkasunodsunod nito. Saliksikin rin ang tulang “Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus para sa susunod nating liksyon.

×