15. Pangkatin ang klase sa tatlo.
Bawat pangkat ay magpapakita ng
palabas na nagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos. Magsagawa
ng pagpaplano sa loob ng 15
minuto at ipakita ang palabas sa
loon ng 3 minuto.
16. Unang Pangkat - pagtulong sa
kapwa (awit)
Pangalawang Pangkat -
mapagkalinga at matulungin
(debate)
Pangatlong Pangkat -
matulunging bata (munting iskit)
18. Gumupit ng puso sa bond paper.
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga taong
nakasalamuha mo na iyong nabigyan na ng
tulong. Isulat ito sa isang bahagi ng puso na
iyong ginupit. Sa kabilang bahagi naman ay
isulat kung ano ang ginawa mo upang
matulungan ang taong ito.
20. Ang pagtulong ay di masama
Kung sa palagay mong ito’y tama
Huwag tumulong sa tamad
Hayaang sila’y magsumikap.
Isabuhay natin
21. Ang ating buhay ay hindi natin sarili.
Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa
ating kapwa sa simpleng pagtulong at
pagkalinga sa ating kapwa.
22. Maraming paraan ng pagtulong sa
ating kapwa. Karaniwan sa mga ito ay
ang pagtugon sa kanilang
pangangailang sa panahon ng
kahirapan. Huwag nating kaligtaan ang
mga pagkakataong kailangan nila ng
ating tulong o kalinga.
23. Ngunit may mga pagkakataon naman
na dapat alam natin kung sino yung
mga dapat nating tulungan sapagkat
may ilang tao na umaabuso sa tulong
na ibinibigay sa kanila ng kanilang
kapwa.
24. Basahin at tapusin ang mga pangungusap.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Ako ay dapat tumulong sapagkat
__________________________________
_______________.
Di ako dapat maghintay ng kapalit sa
aking mga itinulong
sapagkat_____________________.