1.
AFL 606d: Teorya at Kritika
Randy T. Nobleza 11481161/ PHARFIL 2nd term 2014-15
2. Chipaparu at Pukitakte: tulansangang sekswal,
pangmadlang midya at ang industriya ng kulturang
popular ni Michael Francis Andrada
3. Tulansangan (tula at tugmang nilikha o ginagamit ng
mga bata sa kanilang paglalaro o paghuhuntahan sa
lansangan)
4. Monopoloyo kapitalismo (o imperyalismong
Estados Unidos) at ng lokal na naghaharing uri tulad
ng burgesya komprador.
5. batayang katangian
ng monopolyo kapitalismo
ang pag-unlad ng konsentrasyon ng produksyon at
kapital ay lumikha ng mga monopolyo ng iilan na
naging mapagpasya sa buhay pang-ekonomiya
ang kapital sa bangko na tradisyunal na
pangkalakalan ay sumanib sa kapital sa industriya,
at ang kapital sa pinansiyang ito ay lumikha ng
oligarkiyang pinansyal.
Ang mas mataas na pagpapahalaga sa pag-eksport
ng kapital kaysa sa pang-eksport ng komoditi.
6. Amado Guerrero, Armando Liwanag
Ang pagkumpleto sa
teritoryal na dibisyon ng
buong mundo sa mga
dambuhalang kapitalistang
kapangyarihan (Guerrero
2006, Sison 1998)
7. Media forms eg. Television
“Ang mga pamamaraan ng komunikasyon ay mga
pamamaraan ng produksyon. Totoo na ang pamamaraan
ng komunikasyon, mula sa pinakapayak na pisikal na
porma ng wika hanggang sa pinakaabanteng porma ng
komunikasyong pang teknolohiya, ang lagi’t lagging
nililikha at muling-nililikha ng lipunan at ng materyal na
kondisyon. Ngunit hindi lamang ito mga porma kundi
mismong pamamaraan ng produksyon, laluna’t ang
komunikasyon at ang mga materyal na kaparaanan ito ay
esensyal na lahat ng porma ng organsiasyong paggawa
at panlipunan. (Raymond Williams 2005)
8. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
kontrolado ng burgesya at komprador at
monopolyong kapitalista ang panlipunang
produksyon ng seks at sekswalidad sa bansa, lalo na
sa syudad. Ngunit doblekara rin ang produksyon ng
seks at sekswalidad sa pangmadlang midya.
9. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
Mula rito, maaaring nang gayatin at kolektahin kung
papaanong ang mga “tulansangang sekswal ay
nagiging monopolyo kapital. Taglay rin ng maraming
sekwal na tulansangan ang pag-iisa ng bulgarismo
at konserbatismo. Sa tulansangang “may asawa na
ako” halimabawang pinapayagang hayag na pag-usapan
ang pagtatalik (bulgar) dahil na sa konteksto
ito ng kasal (konserbatismo).
10. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
May asawa na ako
Sino?
Hindi ko sasabihin
Bakit?
Sinasayaw niya ako
Paano?
Ganito: chipaparu, chipaparu
(jarabeo, etal)
11. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
maari ring basahin ng huling linya ng tulansangang
bulang patungkol sa oral sex (chipaparu) – katunog
ng salitang balbal na “chupa” o “tsupa” o di kaya ay
pahaging sa “cheap na paruparo o mababang klase
ng babae.
12. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
Bulgar ito para konserbatibo. Ayaw ito ng simbahan,
pero gusto ito ng burgesyang komprador. Ang seks
at sekswalidad dahil sa anyong ito ng bulgar-konserbatibo,
ang pangunahing porma ng
komplikasyon nito.
13. chipaparu: doblekarang produksyon ng
seks sa pangmadlang midya
Kung kaya, masisilo sa tulansangang ito na bagaman
bulgar naman talaga ay mensahe ay maaari nang
tanggapin dahil sa kontekstong kasal. Isa itong
mahusay na halimbawa ng pag-iisang bulgarismo-konserbatismo.
14. Bubuka ang bulaklak ni Pamela:
pagsasa-novelty ng tulansangan
Dalawang tulansangan ng mga bata ang kinuha ng
mga kapitalista upang gawing novelty song:
ang tulansangang Pamela One (jarabeo etal) na
ginawang song-dance hit na Pamela na kinanta at
sinasayaw ng komedyanteng si Vhong Navarro.
Ang tulansangang “sasara ang bulaklak” (rosales) na
ginawang senswal na novelty song na “bulaklak” ni
lito camo para sa sexy group ng kababaihan ang viva
hotbabes.
15. Bubuka ang bulaklak ni Pamela:
pagsasa-novelty ng tulansangan
ani Allison Peuse, ang pornograpiya ay sekswal na
panitikang isinulat para sa hita at may ispesipikong
layunin ng pagtukoy at pagbuo ng pisikal na
suhetibismo at konsumpsyong pangkatawanan
(2000).
Sa katunayan, sa yugtong ito ng monopolyong
kapitalismo, mas intensibo ang pagpopornograpiya
na maging ang mga bagay na malinaw na walang
reperensya sa seks o sekswalidad ay ipapakete nito
bilang pornograpiyang puspusang ibebenta.
16. Bubuka ang bulaklak ni Pamela:
pagsasa-novelty ng tulansangan
Pamela one, Pamelamela one
Pamela two, pamelamela two
Pamela three, pamelamela tjree
Pamela four, pamelamela four
(jarabeo etal)
17. Bubuka ang bulaklak ni Pamela:
pagsasa-novelty ng tulansangan
sasara ang bulaklak
bubuka ang bulaklak
dadaan ang reyna
sasayaw ng cha-cha
boom tiyaya, boom
tiyaya
boom, yeah, yeah!
(rosales)
18. O, ang babae, ‘pagkinakati:
feminisasyon ng tulansangan
Ang heterosexistang pornograpiya ang isa sa pinaka
malaking proyekto ng kulturang popular bilang
bahagi ng feminisasyon ng monopolyong
kapitalismo. Sa feminisasyon ng monopolyong
kapitalismo ang lahat ng bagay ay maaaring ituring
bilang sekswal na kapital.
19. O, ang babae, ‘pagkinakati:
feminisasyon ng tulansangan
Tulad ito ng matutunghayan sa feminisasyon ng
kulay ng mga Metro Manila Development Authority
(MMDA) footbridge, urinal at iba pa. Sa istiryotipikal
na asosasyon ng pagkababae sa kulay rosas o pink,
inihahayag ng MMDA ang pagwawasiwas nito ang
pagkalalaki at makalalaking kapangyarihan. Ang
ginagawang feminisado ang kulay ang partikular na
pagpapaigting ng historikal na tagakontrol sa
katawan at imahen ng kababaihan.
20. Pukitakte at hospitite: sexismo
sa yugto ng monopolyong kapitalismo
Kung susuriing mabuti, ang prostitusyon ay isang
ilehitimong kalakan na ginagawang lehitimo ng
monopolyong kapitalismo. Ito ang antagonismo ng
moralistikong prostitusyon at kapitalistang
prostitusyon na kung tutuusin ay kapwang nagsisilbi
para sa interes ng naghaharing uri.
21. Nagpunta ako sa Luneta
Kinagat ako ng pukitakte, pukitakte
Dinala ako sa hospitite
Binigyan ako ng bulbolgum
Pampasarap ng pukiramdam (pyerio)
22. Pukitakte at hospitite: sexismo
sa yugto ng monopolyong kapitalismo
Sa tulansangan, sinasabi ng persona na nang siya’y
kinagat ng pukitakte ay kinailangan niyang dalihin sa
“hospitite.” Malinaw ang subersyon sa tulansangang
ito ng mga bata, lalo na sa itinago nila sa mga di-bastos
na salita ang mag salitang “bastos” tulad ng
puke, titi at bulbol.
23. Pukitakte at hospitite: sexismo
sa yugto ng monopolyong kapitalismo
Ikinakabit nila ang mga salitang ito sa mga salitang
tulad ng putakte, hospital, bubblegum at
pakiramdam kung kaya napalulusot sa pandinig ng
matatawa. Gayunpaman, masisilo sa tulansangang
ito kung saan makikita ang talamak na pangkalakal
ng katawan.
24. Titi sa garapon: pagbaklas
sa patriyarka-metropolis-estado
Sinilang ka sa sementeryo
Laking gulat ng mga multo
Pati si satanas, napatakbo
Titi ng Hapon nasa garapon
Patalon-talon (ocbena)
25. Titi sa garapon: pagbaklas
sa patriyarka-metropolis-estado
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ni kamatayan
Pati si kamatayan tinatakot mo
Titi ng Hapon nasa garapon
Palangoy-langoy (perez etal)