4. Ang pelikula ay umikot sa buhay ng isang inang naging domest helper si
Josie Agbisit.Iniwan niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas sa hangaring
mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya tatlong anak.Matagal
na panahon siyang nagtrabaho at hindi nakauwi mula sa Hong Kong kahit
nang mamatay ang kanyang asawang si Rudy.Kinulong siya ng kanyang mga
amo at hindi pinayagang makabalik sa Maynila.Pagkalipas ng ilan pang taon
ay bumalik siya sa bansa at nagdesisyong magnegosyo na lamang at hindi na
muling umalis.
Ngunit hindi naging madali ang kanyang pagbabalik.Hinarap niya ang galit,
hinanakit, at pagkukulang niya sa kanyang mga anak .Gayunpaman ay
sinikap niyang bumawi sa mga ito sa pamamamgitan ng pag-aasikaso at
pagbibigay ng oras na makasama ang mga ito.
5. Tinanggap siya ng kanyang pangalawa at bunsong anak na si Michael at
Daday subalit hindi ni Carla na naging madamot sa pag-unawa sa mga
naging pagkukulang ng kanilang ina.Lalo pa siyang nagrebelde sa buhay
nang bumalik ang ina sa kanilang tahanan.Lumayas siya sa kanila at
sinadyang gumamit ng droga, uminom ng alak, at magpapalit-palit ng
nobyo.Dalawang ulit na nabuntis si Carla kung saan niya ipinalaglag ang
unang sanggol sa kanyang sinapupunan at nalaglag naman nang kusa ang
ikalawa. Nadagdagan pa ang mga problema ni Josie nang matanggalan ng
iskolarsyip ang anak na si Michael at umurong sa negosyo ang kanyang
mga kaibigang sina Mercy at Lyn na katulad din niya OFW sa Hong Kong.
Mabilis na naubos ang kanyang naipong pera kaya
6. napagpasyahan na lamang niyang bumalik sa Hong Kong na siya rin
namang gusto ng kanyang anak na si Carla. Subalit bago siya
tuluyang bumalik sa Hon Kong ay nagkaroon ng matinding
komprontasyon sa pagitan nila Carla.Sa unang pagkakataon ay
nasaktan niya nang todo ang anak at doon niya sinabi ang lahat ng
hirap na kanyang tiniis para lamang mabigyan ng magandang buhay
ang mga anak.Dito naunawaan ni Carla ang ina at ang kanyang mga
pagkakamali kaya’t humingi siya ng tawad sa ina.
Sa pagbabalik ni Josie sa Hong Kong ay mas naging maayos ang
relasyon niya sa kanyang mga anak. Sa mga naging karanasan ni
Josie at ng kanyang mga anak,higit na mauunawaan nang marami
ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipinong nagtrabaho sa
abroad para sa kapakanan ng pamilya.
7. PAGSULAT NG ISANG SURING-PELIKULA
-Ang pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng
pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang
manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya
sa katangian nito.Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi
lamang sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa
mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa
pagpapaganda ng pelikula.
8. 1. KUWENTO
- Tumutukoy ito sa istorya o mga pangyayari kung saan
umikot ang pelikula.Sa pagsusuri ng pelikula, pagtuunan
ng pansin ang sumusunod na tanong:
*Bago o luma ba ang istorya?
*Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit na rin sa
ibang pelikula?
*Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
Nakapupukaw na ito ng interes?
9. 2. TEMA/PAKSANG DIWA:
- Ito ang paksa ng pelikula.Ito ang diwa,kaisipan,at
pinakapuso ng pelikula.
*Napapanahon ba ang paksa?
*Malakas ba ang dating o impact sa manonood na ito
ay nakatitimo sa isip?
*Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito
nagawa o akma sa lahat ng panahon
10. 3. PAMAGAT NG PELIKULA:
- Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng
pinakamensahe nito.Ito ay nagsisilbi
ring panghatak ng pelikula.
*Ito ba ay angkop sa pelikula?
*Nakatatawag ba ito ng pansin?
*Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?
11. 4. PAGGANAP NG MGA TAUHAN:
- Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay
buhay sa kuwento ng pelikula.
* Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga
tauhan?
* Makatotohanan ba ang mga ito?
* Angkop ba ang pagganap ng artista sa
12. 5. DIYALOGO: - Ito ang mga linyang sinabi ng mga
tauhan sa kuwento.
*Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit
ng mga tauhan sa kuwento?
* Matino ba , bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na
salita sa kabuuan ng pelikula?
*Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula
ang diyalogong ginamit.
13. 6. CINEMATOGRAPHY:
- Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng
pelikula.
* Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?
* Naipakita ba ng camera shot ang mga bagay o
kaisipang nais palutangin?
* Ang lente ba ng camera ay na- adjust para
sumunod sa galaw
14. 7. IBA PANG ASPEKTONG TEKNIKAL:
- Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula,pagpapalit-palit ng
eksena, special effect, at editing.
* Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa
pelikula?
*Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula?Wala bang bahaging parang
putol?
* Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
* Akma o makatotohanan ba ang special
effects,blastings;pagkawala,pagliit o paglaki ng bagay; animasyon, make-up
ng mga artista; paggamit ng computer graphics;at iba p
16. A.GAWAIN 1
Panuto:Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig.Piliin
ang sagot sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Nagkaroon ng matinding komprontasyon ang mag-ina dahil sa mabigat na
suliraning nararanasan ng pamilya.
2. Maraming kabataan ngayon ang uhaw sa kalinga ng kanilang magulang.
3. Ang kakulangan ng pagbibigay ng sapat na atensiyon ng magulang para sa mga
anak ang pangunahing suliranin ngayon ng maraming pamilya.
4. Ilang kabataan na ang napariwara dahil sa kakulangan ng wastong paggabay ng
magulang sa kanilang mga anak.
5. Maraming magulang ngayon ang nakatuon ang atensiyon sa paghanapbuhay
upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
17. B.GAWAIN 2
Panuto:Sagutin ang sumusunod na tanong sa loob ng dalawang pangungusap
lamang.
1. Bakit naging paboritong libangan ng mga Pilipi ang pelikula?
2. 2. Sa iyong palagay, ano kaya ang kasalukuyang kalagayan ng industriya ng
pelikula sa.
3. Kung ikaw ang pipili ng pelikulang panonoorin, ano-anong bagay ang isasaalang-
alang mo ?Bakit?
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang pinakamagandang pelikulang Pilipinong
napanood mo na?Bakit mo nasabing maganda ang pelikulang ito?
5. Sa iyong palagay, maayos o epektibo ba ang ginagawang pagsusuri o
pagsesensor ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa
pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan at telebisyon sa bansa? Bakit?