2. ◦Ang proseso ng pananaliksik ay hindi ganap na
kompleto kung wala ang sulating tumatalakay sa
kinasapitan at pagsusuri. Samakatuwid, ang lahat na
dinaanang proseso sa pananaliksik ay maituturing na
preliminaryong hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng
saliksik sa pamamagitan ng pagsulat nito.
◦Sa pamamagitan ng pagsulat ng saliksik, naibabahagi
ng mananaliksik ang mga impormasyong nalikom mula
sa ginawang pag-aaral. Maari itong magbunsod ng
interes sa paksa na magdulot ng patuloy na
pananaliksik ng iba pang mag-aaral at iskolar.
3. MGA HAKBANG AT PRINSIPYO SA PAGSULAT
NG SALIKSIK
◦Ang pagsulat ay isang proseso at ang mabisang paraan upang
matutong sumulat ay ang pagsisimula nito.
◦Mahalagang maging matiyaga at masigasig ang sinomang nais
sumulat ng pananaliksik.
◦Ayon kay Neuman (2012), wala mang perpekto at iisang
paraan ng pagsulat, may mga hakbang na matutukoy sa
mabisang paggawa nito.
4. 1. PRE-WRITING
◦Ang yugtong ito ay tumutukoy sa lahat ng
pahahanda bago ang aktuwal na pagsulat.
◦Kinapapalooban ito ng paglalatag ng mga tala mula
sa nakuhang datos, paghahain ng ideya,
pagbabalangkas, pagtitiyak sa mga sanggunian, at
sa pagsasaayos ng mga nabuong komento at punto
5. 2. COMPOSING
◦Ito ang yugto ng aktuwal na pagsulat ng
pananaliksik. Kadikit nito ang pagsasaayos ng
bibliyograpiya, paghahanda para sa presentasyon,
pagbubuo ng introduksiyon at kongklusyon.
◦Mabisang teknik sa yugtong ito ang free writing. Sa
free writing, tuloy-tuloy na isinusulat ng
mananaliksik ang lahat na ideya na pumasok sa
kanyang isipan. Sa nasabing paraan, ang
mananaliksik ay hindi tumitigil para basahin
lamang ang kaniyang naisulat at isaayos ang
kaniyang gramatika, gamit ng salita, o bantas.
6. 3. REWRITING
• Ito ang yugto na tinatasa at nirerepaso ng
mananaliksik ang sulatin sa pamamagitan ng
pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at pahayag,
pagwawasto sa maling gramatika, pagtitiyak na
kinikilala angmga sangguni, at pagrerebyu sa
aktuwal na pagsulat.
• Mahalagang balikan muli ang nabuong saliksik
upang pakinisin pa ang mga pahayag.
Nakatutulong sa yugtong ito sa mabisa at malinaw
na daloy ng saliksik.
7. • Naturang sa mga saliksik, partikular ang nasa anyong
draft o borador pa lamang, na sumasailim sa rewriting.
• Sa katunayan, maging si Ernest Hemingway ay sinasabing
nagrerepaso nang 39 na ulit ng katapusan ng nobelang
Farewell to Arms.
• Para sa isang pananaliksik, karaniwang dumadaan sa
tatlo hanggang apat na rebisyon ang sulatin.
• Makatutulong din bago simulat ang rebisyon ay palipasin
muna ang ilang araw na hindi binibisita ang sulatin. Sa
ganitong paraan, nababakante ang isip sa anomang
pagkiling na maaaring nabuo sa panahon ng pasulat ng
borador ng pananaliksik.
8. IBA’T IBANG BAHAGI NG SALIKSIK
1. INTRODUKSIYON
•Sikaping maging maikli sa binubuong introduksiyon,
proporsiyonal sa haba na kabuuang papel.
•Kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil sa: (a)
kaligiran o background ng paksa, kaugnay ng
mahahalagang isyu, sulitanin,o ideya; (b) layunin ng
pananaliksik; (c) depinsyon ng mga konseptong
gagamitin; (d) sa mahabang sulatin, maaring isama ang
lagom o overview ng saliksik.
9. 2. KATAWAN
Makatutulong ang paggamit ng titulo at subtitulo sa
kabuuan ng talakay upang ihudyat ang daloy o
pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin.
Ang mga ito ang nagsisilbing signpost na gabay sa
mambabasa.
Gayunpaman, marapat tandaan na tulad ng
signpost, nakaliligaw sa mambabasa ang kulang na
paggamit nito samantalang nakalilito naman ang
sobra. Tiyaking sapat lamang ang paggamit ng titulo
at subtitulo sang-ayon sa nabuong pinal na
balangkas.
10. • Gumamit ng salitang transisyonal na siyang
umaaktong tagapag-ugnay ng mga ideya sa papel.
• Iangkop ang tono at estilo ng pagsulat batay sa
kalikasan ng ginagawang pananaliksik.
11. 3. KONGKLUSYON
• Kinakapapalooban ng isa o kombinasyon ng
sumusunod: (a) buod ng pangunahing ideyang
nabuo sa katawan ng saliksik; (b) sipi o pahayag ng
naglalagom sa papel na maaaring maging lunsaran
ng pagtatalakay sa halaga ng papel; (c) pagbalik sa
ideyang binuksan sa introduksiyon; at (d)
pagbubukas ng ilang usapin kaugnay ng nilinang na
paksa para sa susunod na pananaliksik.
12. • Tiyaking natamo ang full circle effect. Ibig sa bihin,
malinaw ang: (a) koordinasyon ng estruktura, na
natamo sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga
pangunahing ideyang pinanday sa loob ng saliksik;
at (b) koordinasyon ng estilo, na natamo sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa bahagi ng
kongklusyon ng mga sitwasyon, imahen,
talinghaga, o tayutay na maaring nabuksan na
introduksyon.
13. PAGKILALA SA SANGGUNIAN
◦Mahalagang kasanayanng nararapat matutuhan ang pagkilala
sa sanggunian. Ang hindi pagtukoy sa mga sangguniang libro,
artikulo, at iba pa ay malinaw na anyo ng plagiarism na
lumabag sa pagiging matapat ng isang mananaliksik.
◦Kapag napatunayan, may kaukulan itong parusang legal- mula
sa pagbagsak na marka hanggang pagbawi sa pinagtapusang
digri o kurso- bukod pa sa pagiging hindi katanggap-tanggap ng
binuong pananaliksik.
14. A. Estilong MLA (Modern Language Association)
•Ang estilong MLA ang pinakapopular na estilo ng
dokumentasyon sa larangan na malayang sining at
humanidades gaya ng wika, literatura, kasaysayan,
at pilosopiya.
• Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o
parentesis ang pagkilala sa may-akda at inilalagay
sa loob mismo ng teksto matapos ang salita o
ideyang hinalaw.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia (Constantino 127).
15. •Maaring din namang nakapaloob na sa pangungusap
ang pangalan ng may-akda at ang pahina na lang ng
libro ang nasa panaklong.
Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika
ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado
kung ikukumpara sa mga nabuong palisi ng
Malaysia at Indonesia (127).
•Ito ay nararapat tumugma sa sangguniang nasa likod
ng saliksik.
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong
Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karansan ng
Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon:
Sentro ng Wikang Filipino, 1991. Print.
16. B. Estilong APA (American Psychological Association)
• Ang estilong APA ang pinakaginagamit na paraan ng
dokumentasyong sa larangan ng agham panlipunan
(social science) gaya ng sikolohiya, sosyolohiya,
antropolohiya, kasaysayan, agham pampolitika,
heograpiya, aralin sa komunikasyon (communication
studies), at ekonomiks.
• Gumagamit ang estilong ito ng Harvard Citation o
pagkilala sa sangguni sa pamamagitan ng parentesis sa
halip na talababa o footnote.
• Dito, ipinapaloob sa panaklong ang apelyido ng may-
akda at taon ng pagkalathala; ipinaghihiwalay ang
impormasyon ng isang kuwit.
17. • Dito, ipinapaloob sa panaklong ang apelyido ng may-
akda at taon ng pagkalathala; ipinaghihiwalay ang
impormasyon ng isang kuwit.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikukumpara
sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia
(Constantino, 1991).
• Maari ding isama ang pangalan ng may-akda sa daloy
ng pahayag at ipaloob na lamang sa panaklong ang
taon ng pagkalathala ng libro o artikulo.
Ayon kay Constatino, ang patakaran sa wika
ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado
kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia (1991).
18. •Samantala, kung ang binabanggit na pangungusap ay
direktang sipi (direct citation), nararapat itong ipaloob sa
panipi at maisama rin ang numero ng pahina sa panaklong.
“Kagaya ng pagpili sa wikang pambansa, ang
Palisi sa Wika ng Edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikokompara sa palisi ng
Malaysia at Indonesia.” (Constantino, 1991, p. 127).
•Nararapat na tumugma ang pangsangguniang ito sa talaan
ng mga sinangguni sa dulo ng sulating pananaliksik.
Constantino, P.C. (1991). Pagplanong pangwika
tungo sa modernisasyon: Karanasan ng Malaysia,
Indonesia at Pilipinas. Lungsod ng Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino.