Globalisasyon
Globalisasyon (globalization) - Tumatalakay sa iba’t ibang aspeto ng
lipunan at panig ng daigdig tulad ng pulitika, ekonomiya, kultura, at
kapaligiran.
Globalisasyon Pampulitikal - Ito ay ang pagkakaroon ng higit na
madali at sistematikong ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
Non-Governmental Organization o NGO - Tumutulong sa gobyerno
na tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Globalisasyon Kultura - Dahil sa ugnayan ng mga bansa mabilis na
lumaganap sa iba’t ibang panig ng daigdig ang kosmopolitan at
konsumerismong kaisipan ng mga kanluranin.
Globalisasyong Ekonomikal – Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng
malayang pagdaloy ng puhunan, kalakal, at palitan ng pananalapi.
Naging resulta ng globalisasyon ang pagtangkilik sa mga produkto
ng kanlurinanin katulad ng Starbucks, Lacoste, Hershey, at marami
pang iba.
Mga Institusyon sa Globalisasyon
WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) – isa sa mga
institusyon na naglalayon ng globalisasyon, layunin nito na
bumuo ng mga patakaran sa kalakalan ng mga bansa.
GENERAL AGREEMENT ON TRAFFIS and TRADE (GATT)
– itinatag sa Switzerland noong 1947 na naglalayon sa malayang
kalakalan.
1986-1994 – pinasimulan ang Uruguay Round na nagresulta sa
pagtatatag ng WTO noong 1995. Sa ngayon may 153 bansa ang
kasapi ng WTO.
Layunin ng World Trade Organization
Magpatupad ng mga kasunduang pangkalakalan;
Magsilbing lugar upang pag-usapan ang mga negpsyomh
pangkalakalan;
Mag-ayos ng mga alitang pangkalakalan;
Magbigay tulong sa teknikal at pagsasanay ng mga bansa;
Magbigay payo ukol sa mga pambansang pangkalakalan.
Pandaigdigang Banko (World Bank)
Naglalayon ang World Bank o Pandaigdigang Banko na tulungan
ang mga Third World Countries na itaas ang kanilang pamumuhay at
tulungan ang mga ito na umunlad. Ang institusyong ito ay
nagpapautang upang makagawa ang mga bansa ng proyektong
pangkaunlaran. Dahil dito maraming mga bansa ang nanghihiram ng
salapi kabilang na ang Pilipinas.
International Monetary Fund (IMF)
Isa rin ang IMF o Imternational Monetary Fund sa mga
institusyong nagpapahiram ng salapi sa mga bansa upang mapanatili
ang ekonomiya ng mga ito at mapanatili ang halaga ng salapi sa
kanilang bansa. Naglayon din itong tulungan ang mga bansa na bayaran
ang utang panlabas nito.
EPEKTO NG GLOBALISASYON
Dahil sa globalisasyon naging malaya at buaks sa kalakalan ang mga
bansa. Ito ay nagbukas ng maraming trabaho at oportunidad. Nagkaroon din
ng mga mura at magandang klase ng produkto dahil sa kompetisyon. Ngunit
marami rin an gang negatibong epekto ng globalisasyon. May nagsasabing
lalong lumayo ang agawat ng hindi maunlad na bansa sa maunlad na bansa.
Lalong naghirap ang maralita dahil hindi nawala ang hondi pagkapantay-
pantay ng mga uri.