C. Kolehiyo
FILIPINO SA MATAAS NA
EDUKASYON
Bahagi ng patuloy na paglinang ng Filipino
ang mga gawaing isinasakatuparan sa mga
paaralan na maituturing na bahagi ng kumokontrol
o makapangyarihang larang/domeyn.
Para kay Almario (2008), punong
komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting
magsimula sa itaas-pababa. Ang mga aksyon ay
nararapat na magmula sa kolehiyo/unibersidad.
Sinabi pa niya na mabilis ang paglaganap ng
anumang wika mula sa sentro ng karunungan
tungo sa mababang antas.
Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang
pangwika ang kolehiyo/unibersidad o ang mataas na antas ng
edukasyon. Inilahad parin ni Almario (2008) na may suliranin
sa nabanggit na domeyn. Ang mga suliraning ito ay
pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang
karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan ang Filipino sa
kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na Edukasyon / Higher
Education Institution (HEI).
Tersarya
(Kolehiyo at Unibersidad)
Sekondarya
(Junior at Senior Highschool)
Elementarya
Ganito ang hinaharap na hamon ng Filipino sa
Kolehiyo. Dumating ang taong 2013 nang ilabas ang CMO No.
3 na tungkol sa bagong General Education Curriculum, walang
tiyak na kurso sa Filipino. Sa halip, nagpasabi na maaaring
ituro sa Filipino at Ingles bilang mga medyum ng pagtuturo
ang mga inilahad na kurso. Inilipat umano ang mga asignatura
tungong Senior High School.
Asignaturang Filipino
sa Senior High School
Mga Kurso sa General
Education sa Kolehiyo
na Maaaring Ituro sa
Filipino at Ingles
(Magkahiwalay/
Magkaiba)
*Komunikasyon at
pananaliksik sa wika at
Kulturang Filipino
* Understanding the Self
/Pag-unawa sa Sarili
*Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t-ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
*Readings in Philipine
History/ Mga Babasahin
Hinggil sa Kasaysayan ng
Pilipinas
…
*Pagsulat sa Iba’t – ibang
Larangan
*The Contemporary World/
Kasalukuyang Daigdig
*Mathematics in the Modern
World / Matematika sa
Makabagong Daigdig
*Purposive Communication/
Malayuning Komunikasyon
*Art Appreciation/ Pagpapahalaga
sa Sining
*Science, Technology and
Society/ Agham, Teknolohiya at
Lipunan
*Ethics/ Etika
*The Life and Works of Rizal/ Ang
Buhay at mga Akda ni Rizal
Magkaiba ang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang
medyum ng pagtuturo kaysa sa isinusulong na magkaroon ng
kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon.
Sa pananaliksik ni San Juan (2015) sa mga prospectus sa
mga unibersidad sa maraming bansang Europeo sa Estados
Unidos, at sa Timog- Silangang Asya at iba pa, bahagi ng General
Education Curriculum (GEC) o ng katumbas nito, ang pag-aaral ng
wikang pambansa bilang isang disiplina at salamin ng
pambansang kaakuhan. Binanggit pa ni Guillermo sa nasabing
saliksik na ang Bahasa Indonesia at Bahasa Melayu ay
kakailanganing kurso sa mga Unibersidad sa Indonesia at
Malaysia.
FILIPINO
Medyum sa
Pagtuturo
Isang
Disiplina
PAGTATANGKANG BURAHIN ANG FILIPINO SA MATAAS
NA EDUKASYON
Lumulutang ang isyu ng pagtatangkang burahin ang
Filipino sa Mataas na Edukasyon nang tukuyin na ito ay binababa
sa Senior High School.
Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay
nagbigay-daan sa pagkatatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol
ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA sa isang konsultatibong
forum noong Hunyo 21, 2014. Ito ay dinaluhan ng limandaang
delegado mula sa iba- ibang kolehiyo, unibersidad at paaralan,
mga samahang pangwika at kultural.
Patuloy na nakipaglaban ang nasabing alyansa sa
pamamagitan ng aktibong paglulunsad ng mga programa sa
desiminasyon ng sama-samang pagkilos tungo sa pagkamit ng
mabuting layon. Sa papel na inilahad ni San Juan (2017) na
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL
WIKA.
MAY FILIPINO SA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD
Nagbunga ang makabuluhang adbokasi. Dumating ang
Abril, 2018., ipinalabas ang CMO No. 4 na may paksang Policy on
the Offering of Filipino and Panitikan Subjects in All Higher
Education Programs as Part of the New General Education
Curriculum. Simula sa Akademikong Taon ng 2018- 2019,
magpapatuloy na maituro ang mga kursong Filipino at Panitikan sa
lahat ng programa sa Mataas na Edukasyon.
Ang minimum na yunit na kakailanganin na inilahad ng
CMO No. 59 noong 1996 at CMO No. 4 nang 1997 ay mananatili.
• * Para sa mga larang na kaugnay ng Humanidades, Agham-
Panlipunan at Komunikasyon, may 9 na yunit sa Filipino at 6 na
yunit sa Panitikan.
• * Sa iba pang larang , 6 na yunit sa Filipino at isang kurso sa
Panitikan.
Malaya ang mga Institusyon sa paglalagay sa angkop na
semestre ng mga nabanggit na mga kurso. Dagdag pa, iniutos
din na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga Kagawaran ng
Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad nang ipagpatuloy ang
pagkakaroon ng mga nasabing kurso.
Mahihinuha sa memo na hinihiling ang mas mataas ng
antas ng kurso sa Filipino, kumpara sa dati na inilagay na sa
antas ng Senior High School. Wala man tiyak na deskripsyong
inilahad, ang Tanggol- Wika ay nagmungkahi ng mga kursong
Filipino at Panitikan. Ang iba’t-ibang Kolehiyo at Unibersidad
ay sumunod dito, samantala ang iba ay bumuo ng mga kursong
tumutugon sa kakailanganin ng mga pag-aaral at thrust ng kani-
kanilang Institusyon.
.
Dating Kurso sa
Filipino
Mga Bagong Kursong
Filipino (mula sa
mungkahuii ng
Tanggol- Wika)
* Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
* Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino
(KOMFIL)
* Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik
* Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(FILDIS)
* Masining na Pagpapahayag * Dalumat ng/sa Filipino
(DALUMAT- FIL)- iba ito sa
dating kurso
* Philippine Literature of the
Region
* Sosyedad at Literatura/
Panitikang Panlipunan (SOSLIT)
–iba ito sa dating kurso
* Master Works of the World *Sinesosyedad / Pelikulang
Panlipunan (SINESOS)-iba ito
sa dating kurso
Samantala sa pinakahuling
pangyayari, ibinaba nitong Oktubre 9,
2018 ang pasya (G.R. 216930, 217451,
217752, 218045, 218098 , 218123) ng Korte
Suprema hinggil sa pag-alis ng TRO sa
mga Kursong Filipino at Panitikan sa
antas-Tersarya. Isusumite ng Tanggol
Wika ang motion for reconsideration dito.
Hindi naman maitatanggi na inaaral din
bilang kurso ang Filipino sa mga banyagang
bansa. Sa pananaliksik ni San Juan (2015), itinala
niya ang mga Institusyong akademiko sa labas
ng bansa na nagtuturo ng Wikang Pambansa.
Nagmula ang tala sa pagsusuri sa mga website
ng mga kolehiyo at Unibersidad. Sa bilang, may
dalawampung (20) institusyon ang nagtuturo ng
Filipino bilang required sa core courses,
sampung (10) paaralan sa high school at humigit-
kumulang na limampung (50) iba pang
institusyon na nagtuturo rin ng Philippine
Studies.