2. PANIMULA:
Ang talakayan na ito any nakatuon sa mga
katanungan ng bawat pamilya ukol sa MATERNAL
AND CHILD HEALTH. Tatalakayin din dito kung ano
ang maaring mong gawin upang makatulong sa
ating nasasakupan.
3. LAYUNIN:
Matapos ang talakayan na ito dapat ay:
1. Makakitaan ng mga kasanayan sa PAGTALA NG
BAGONG BUNTIS at HOME VISIT.
2. Tukuyin ang mga pamamaraan ng pag monitor
sa iba’t ibang katanungan tungkol sa MCH.
3. Sundin ang tamang referral system ayon sa
Department of Health (karamdaman na dapat
mabigyan ng mabilisang aksyon).
5. Pahalagahan ang prenatal check-up
Para masuri, malaman at malunasan ang mga kundisyon na
posibleng magdulot ng panganib sa iyo o kay baby, gagawin ng
midwife, nars o doktor ang mga sumusunod:
Kukunin ang iyong health history at
susuriin ang iyong katawan
Kukunin ang iyong blood pressure (BP) at
timbang
Gagawan ka ng mga laboratory tests tulad
ng pagsusuri ng dugo o ihi
6. Mga serbisyong dapat maibigay:
• Bibigyan ng iron na may folic acid ( 1st
trimester), pang purga at calcium
carbonate (2nd trimester)
• Babakunahan ka laban sa tetano (1st
trimester
• Papayuhan ka tungkol sa
malusog na pamumuhay,
paggawa ng birth plan,
pagpapasuso at pagpaplano
ng pamilya pagkapanganak
7. STRATEHIYA:
ZONE KO OBLIGASYON KO!
1. Maging makatao sa pagtrato sa mga nasasakupan.
2. Maging pribado sa maseselang usapan.
3. Maging MARITES sa tamang impormasyon.
4. Magkaron ng tamang kaalaman sa serbisyong ibibigay.
5. Always available na pregnancy kit.
8. Hikayatin na manganak lang sa health center,
ospital o lying–inc
Mas ligtas doon dahil mayroong:
Mga dalubhasang midwife, nars o doktor na
tutulong sa iyong panganganak
Kumpleto at malinis (sterile) na mga gamit at
supplies
Wasto at agarang lunas, at referral sakaling
magkaroon ng emergency
Bakuna laban sa Hepatitis B at BCG para kay baby,
na ibinibigay sa loob ng 24 oras pagkapanganak
9. Hikayatin na magpacheck-up pagkatapos manganak
Magpacheck-up kung sa loob ng 48
oras ay makaranas ka ng emergency
signs gaya ng matinding pagdurugo,
lagnat, o iba pa
Magkaroon ng check-up sa loob ng
isang linggo pagkatapos manganak
kahit walang kakaibang
nararamdaman
10. Susuriin ang katawan mo at ni baby, lalo
na ang kanyang pusod
Babakunahan si baby, kung kailangan
Bibigyan ka ng iron na may folic acid sa
loob ng tatlong buwan at bitamina A para
sa mabilisang panunumbalik ng lakas
Papayuhan ka tungkol sa:
emergency signs
pag-alaga ng sanggol
pagpapasuso
malusog na pamumuhay, at
family planning
Ito ang mga
gagawin ng
midwife, nars o
doktor: