SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 2
YUMAYAPOS ANG TAKIPSILIM
Genoveva Edroza-Matute
Kay Lydia niya unang narinig ang balita.
"La," ang sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang batok "aalis ka na nga ba rito, ha, La?"
"Aalis ako? Abá, saan akó pupunta?" ang tanong niyang may kahalong tawa. "Di na nga 'ko makakilos e-diyantreng rayuma 'to! Aalis
pa ko?
"Ayan! Ayan!" Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa batok ng Lola at pumalakpak. "Sabi na nga ba, di ka
pupunta kina Odet!
Ang tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala nang ngipin ay unti-unting natikom, kasabay nang panliliit ng mga mata-mga matang
umaaninag sa mukha ng apo. "Batang ire, kung saan-saan kinukuha ang pinagsasabi. Saan mo ba
nahagilap iyan? Pa'no ko pupunta kina Odet-ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang beses kong nakikita sa kukung
gano na katagal na panahon!"
Ngunit hindi na nakikinig sa kanya si Lydia. Ito'y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa unang ingit ng pinto na
nagpasungaw sa magandang ina nito
"Lydia," ang tawag ng magandang si Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng Lola ay hindi marahas, hindi galit Malamig.
Malamig, Ang magandang si Carmen ay aral sa koleluyo. Kailanma'y hindi niya narinig ang tinig nitong naging marahas, ni galit.
Malamig lamang Malamig. Si Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina Sumunod ang ina nito. Mula sa
upuang may-pagulong ay tinanaw ng matanda ang mag-ina. Sinasabong mabuti ng magandang si Carmen ang mga bisig at kamay ni
Lydia
Sa kanyang panganay niya narinig na muli ang balita. "Inay," ang marahang sabi ni Ramon, "gustong-gusto kayong makuha ni Rey-
sabik na sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Kung isipin nga naman, halos hindi kayo nakikilala ng mga apo ninyo sa anak
niyong bunso. May marahang tawang walang-taginting ang kasabay ng sinabing iyon ni Ramon "Sabi ko nga'y hindi kami papayag ni
Carmen na makuha kayo ng kapatid kong iyon, pero Ba ayoko ron. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakakilala ng mga apó ko-
maski manugang ko-kay Rey
"Pero," ang patuloy ni Ramon, "baka naman magdamdam si Rey Sabi ko na la'ng, payag kami ni Carmen na magbakasyon kayo roon."
Mailap ang mga paningin ni Ramon. Umiwas sa kulu-kulubot, na mukhang nakataas sa kanya, sa mga nanlalabong matang
umaaninag sakanya
"Magbabakasyon akó sa bahay ng aking bunso?" Buong kupad na gumapang sa kanyang isipan ang narinig na iyon sa kanyang
panganay Hinaplos haplos ng butuhan niyang kamay ang buhok niyang simputi ng pilak Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking
panganay? Kina Rey? Saan nga ba nakatira ang aking bunso? Ano nga ba ang pangalan ng napangasawa niya? Si Odet ay apó ko yata
sa aking bunsong anak. Hindi ko maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking panganay Maganda ang
kanyang ina Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia. Bakit kaya? Talaga bang dadalawa ang aking mga anak? Matagal nang
namamatay ang kanilang ama.
"Inay, nakikinig ba kayo?" Nangibabaw ang tinig ni Ramon sa sali- salimuot na isipang buong kupad na gumagapang sa kanyang utak.
Bakit ba padalas nang padalas na nagsasali-salimuot nang gayon ang iba't ibang isipan sa kanyang ulo? Noong bata-bala pa siya: Kung
mauna ako sa iyo'y huwag mong gaanong damdamin-may dalawa ka namang anak
Mabigat ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. "Napag-usapan na namin ni Carmen ang bagay na ito, Inay Nagkasundo kami-na
pagbigyan ang gusto ni Rey"
Ngayon ay humiliwanag nang bahagya ang kanyang isipan. Magbabakasyon ba 'ka mo ako kina Rey? Hinagilap ng nanlalabo niyang
paningin ang mukhang kangina'y nakatunghay sa kanya, ngunit nag-usa na siya Luminga linga siya. Talagang nag-isa na siya.
l'inagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa may pinto. Pinihit niya ang hawakan Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa
pagkakapinid
Sa kabila ng nakapinid na pinto 'y naulinigan niya ang tinig ni Ramon Malakas. Ngunit hindi malinaw ang mga salitang hinahadlangan
ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang bahagya ang tinig ni Carmen. Marahan Hindi galit Malamig Naglagos sa pinud na
pinto ang kalamigan ng tinig niyon.
Inantok siya sa pakikinig sa mga tinig na iyon. Bakit ba padalas nang padalas ang pag-aantok niya kahit na araw? Sindalas ng
pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan sa kanyang utak na pabagal nang pabagal sa pag- unawa sa anumang sabihin sa kanya ni
Ramon. Ni Lydia. Ng mga kapatid nito. Ng mga utusan. Matagal na siyang hindi kinakausap ng magandang si Carmen.
Kaalinsabay ng pag-aantok niya ang pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan. Isipan nga ba o alaala? Alaala nga ba o guniguni?
Dadalawa naman ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa kanya sa buong kabaitan niyon. Sa
buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin silang dalawa ng karera. Makapagsisimula na sila sa tulong ng kanilang sariling
pagsisikap. Tayo naman ay maglibot-libot-hanggang Mindanaw man lamang hanggang llokos. Makita man lamang natin ang sariling
bayan bago tayo mamatay. Taong ito, pasasaan ba't hindi natin magagatoa iyan alam mong gustong gusto ko iyan. Ngunit kailangan
pa nila tayo.
Aba, masama naman yatang ibigay na natin sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan-ubusin nang lahat sa kanila ang natitira pa sa
kaunti nating natipon. Abi, baki naman maging masyadong makasarili ang mga iyan. Ang tinig na iyon. sa buong kabaitan niyon, sa
buong pagmamahal niyon, ay ginapangan ng manipis na ulap ng pag-aalinlangan. Ngunit ito'y mabilis na pinawi ng nakasisilaw na
liwanag ng kanyang pananalig..
Taong ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala silá nakikilala-gaya ng pagkakilala ko!
Una muna si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpatayo ng isang bupete para rito Kagaraang umakit ng magagarang
kliyente, ng mga usapin ng maseselang damdamin ng maseselang tao na naghatid ng tagumpay, ng kolehiyala't magandang si Carmen
Sumunod si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang kinatagpuan sa isang tagapagmanang taga-
Timog
Kinabukasan ng kasalan, ang tinig na iyo'y nagbalik sa katahimikang pinagmulan Isang sakuna ang sumakmal at kumitil nang
panghabang- panahon, sa tinig na iyon at sa marupok na pangarap ng dapithapon ng buhay.
"Huwag na kayong umiyak, Inay Iyon ay tinig ni Ramon "Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen, at malapit na kayong magkaapo."
Apó? Mga apó? Mararahang yabag, mga yabag na di-nakatitiyak sa pangangabay, mabibilis na paa sa pagtakbo, matitinis na tinig
"Ang bola ko! -----it!" Saglit na katahimikang sumabog sa matinis na sigaw ng maraming tinig. Ano iyon? Tuminag ang lola sa
upuang may-pagulong, sa saglit ng
kanyang pagkakalimot. O pagkakatulog? O pangangarap? Lumalapit sa kanya si Tinay, ang utusan. May tangang kutsarita ng gamot at
isang basong tubig. "Lula, mag-inum na ikaw sa gamut-para d'yan sa imu na balat. U. mag-inum ikaw agad sa tubig-masyadu nang
mapait n'yan, anu?" Sinipat ni Tinay ang namamalikaskas na balát sa mga bisig ng matanda. "Pur bida, baka magi na matanda sa akon,
gan'yan din sang balat ku? Tumawa si Tinay. Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya. "Lula, magdating na naman sang
Mistir at Misis Valli." "Sino?"
"Sang Misis, yung kumadri sang Niyura Carmin- 'yung magsabi, pag magkita sa imu, parang magkita rin sang nanay n'yang mamatay.
Magsabi pa nga magsuwirti sang Lydia, mi lula-sang anak n'ya, ala..”
“A, iyon ba?"
Lumabas si Tinay, dala ang kutsarita at ang basong wala nang laman.. Ipininid na muli ang pinto. Buhat sa kabilang silid ay wala na
ang taginting ng malakas na tinig ni Ramon. Wala na ang malamig na tinig ni Carmen UMAAMBUN-AMBON NANG HAPONG
pumasok sa malaki't lumalangitngit na pinto sa harap ang awto ni Rey. Si Tinay, ang utusan, ang nagsabi sa kanya kung sino ang
dumating
"Sang lula naman ang natawang sabi ni Tinay "Sinu gid bisita ang
magtanung sa imu? Sang Mistir Riy 'yun a! Imu na anak, di mu man kilala? Pur bida!" Muling tumawa si Tinay
May kung anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw Nagningning Inaninag ng kanyang mga nanlalabong paningin
ang matangkad at matipunong katawang tuloy-tuloy sa salas Banaag ng araw na nagdaan sa kanyang pangmalas ang mukhang yaong
kapilas ng sa amang nag-alala nang gayon na lamang sa kanya-kung sakali't mauna iyong angkinin ng kamatayan.
Simbilis ng alaala ang pagpapagulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang bunso. Alaala ng tinig na iyong mabait at
mapagmahal: Hu, the ba naman, mas mahal mo ang bunso mong iyan kaysa panganay. At ang tinig niya sa pagsagot: Taong ito-gaya
mo ba may paborito? Kung hindi pa halatang halata ang pagkiling mo sa panganay mong yan!
Ang tinig niya ngayo'y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan, at ngayo'y sinasabi niya sa ama ng magkapatid: Nakita mo
na-wala kang dapat ipangamba, mauna ka man sa akin. Kukunin na ako ngayon ng ating bunso. Isasama ako sa bahay nila sa Timog.
Taong ito-nag-aalala nang walang dahilan.
Talagang itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa pinasukan ng kanyang bunso. Sabik na sabik ang butuhan niyang
mga kamay na makasalat sa mukhang iyong kapilas ng sa kanyang kabiyak ang nanlalabo niyang paningin na umaninag sa kabuoan
niyong kinalong kalong sa bata niyang dibdib noong araw,
Sa may-pinto'y ipinatda siya ng malalakas na tinig ng kanyang panganay at ng kanyang bunso. Nahinto ang paggulong ng kanyang
upuan, kasabay ng pagtigil ng pag-inog ng kanyang daigdig "Habang panahon yatang kami ang nagpasan diyan Ngayon namang
ikaw ang dapat, marami ka riyang idinadahilan."
"A, ngayong hindi na ni yo pinakikinabangan, ano? Saká sinabi ko na sa iyo, magra-round-the-world kami, paano?"
Sumunod ang tinig ng magandang si Carmen Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang sinasabi. Malamig na tinig na nanuot
nang malalim sa kanyang mga buto.
Sinlamig ng patak ng ambong kumupkop sa kanya sa marahang paggulong ng kanyang upuan sa terraza Sinlamig ng takipsilim na
yumapos sa butuhan niyang katawan
Si Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza. "Naku, sang matanda na ari-bakit magbasa ikaw sang ulan? Halika
sang luub. Anu nang ibulung sa imu-Misis Valli, Misis Valli, Misis Valli. Naku, siguru mag-ulian nang talaga sang Lula, Halika sang
luub"
Ga-daigdig ang kaamuan, ang kahabagan sa tinig ni Tinay- ang utusan.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Fil 9 isang libo at isang gabi
Fil 9 isang libo at isang gabiFil 9 isang libo at isang gabi
Fil 9 isang libo at isang gabiKathlyn Malolot
 
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxdulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxreychelgamboa2
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxRenanteNuas1
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULALovely Jan
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaCherry An Gale
 
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideyaFishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideyaRodel Moreno
 
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptx
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptxpagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptx
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptxRioGDavid
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMerland Mabait
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxAwiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxFlorenceVillaruelMan
 
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin DulaMala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin Dulaguest9f5e16cbd
 
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptx
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptxMga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptx
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptxMark James Viñegas
 

Was ist angesagt? (20)

Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Fil 9 isang libo at isang gabi
Fil 9 isang libo at isang gabiFil 9 isang libo at isang gabi
Fil 9 isang libo at isang gabi
 
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxdulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
 
Dula Ppt(Lesson Plan)
Dula  Ppt(Lesson Plan)Dula  Ppt(Lesson Plan)
Dula Ppt(Lesson Plan)
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULA
 
Dahil sa anak
Dahil sa anakDahil sa anak
Dahil sa anak
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
 
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideyaFishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
 
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptx
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptxpagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptx
pagpapasidhingdamdamin-180302075025.pptx
 
ELEMENTO NG ALAMAT
ELEMENTO NG ALAMATELEMENTO NG ALAMAT
ELEMENTO NG ALAMAT
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa Pilipinas
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxAwiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
 
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin DulaMala Masusing Banghay Aralin Dula
Mala Masusing Banghay Aralin Dula
 
Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptx
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptxMga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptx
Mga Elemento sa Pagbuo ng Movie Trailer.pptx
 

Ähnlich wie YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx

bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxgracegarcia988411
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoIrene Yutuc
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Finalczareaquino
 
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwentoModyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwentoJelian Doria
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxCleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxMichaelDaveMacaraeg
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxNoemz1
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxEDNACONEJOS
 

Ähnlich wie YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx (20)

bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Ang Huling Gabi
Ang Huling GabiAng Huling Gabi
Ang Huling Gabi
 
Lupang tinubuan
Lupang tinubuanLupang tinubuan
Lupang tinubuan
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!
 
Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!
 
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwentoModyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
 
Pariwara
PariwaraPariwara
Pariwara
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Ang mangingisda
Ang mangingisdaAng mangingisda
Ang mangingisda
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
 

Kürzlich hochgeladen

Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxMelanieDionisio3
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 

YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx

  • 1. YUMAYAPOS ANG TAKIPSILIM Genoveva Edroza-Matute Kay Lydia niya unang narinig ang balita. "La," ang sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang batok "aalis ka na nga ba rito, ha, La?" "Aalis ako? Abá, saan akó pupunta?" ang tanong niyang may kahalong tawa. "Di na nga 'ko makakilos e-diyantreng rayuma 'to! Aalis pa ko? "Ayan! Ayan!" Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa batok ng Lola at pumalakpak. "Sabi na nga ba, di ka pupunta kina Odet! Ang tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala nang ngipin ay unti-unting natikom, kasabay nang panliliit ng mga mata-mga matang umaaninag sa mukha ng apo. "Batang ire, kung saan-saan kinukuha ang pinagsasabi. Saan mo ba nahagilap iyan? Pa'no ko pupunta kina Odet-ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang beses kong nakikita sa kukung gano na katagal na panahon!" Ngunit hindi na nakikinig sa kanya si Lydia. Ito'y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa unang ingit ng pinto na nagpasungaw sa magandang ina nito "Lydia," ang tawag ng magandang si Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng Lola ay hindi marahas, hindi galit Malamig. Malamig, Ang magandang si Carmen ay aral sa koleluyo. Kailanma'y hindi niya narinig ang tinig nitong naging marahas, ni galit. Malamig lamang Malamig. Si Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina Sumunod ang ina nito. Mula sa upuang may-pagulong ay tinanaw ng matanda ang mag-ina. Sinasabong mabuti ng magandang si Carmen ang mga bisig at kamay ni Lydia Sa kanyang panganay niya narinig na muli ang balita. "Inay," ang marahang sabi ni Ramon, "gustong-gusto kayong makuha ni Rey- sabik na sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Kung isipin nga naman, halos hindi kayo nakikilala ng mga apo ninyo sa anak niyong bunso. May marahang tawang walang-taginting ang kasabay ng sinabing iyon ni Ramon "Sabi ko nga'y hindi kami papayag ni Carmen na makuha kayo ng kapatid kong iyon, pero Ba ayoko ron. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakakilala ng mga apó ko- maski manugang ko-kay Rey "Pero," ang patuloy ni Ramon, "baka naman magdamdam si Rey Sabi ko na la'ng, payag kami ni Carmen na magbakasyon kayo roon." Mailap ang mga paningin ni Ramon. Umiwas sa kulu-kulubot, na mukhang nakataas sa kanya, sa mga nanlalabong matang umaaninag sakanya "Magbabakasyon akó sa bahay ng aking bunso?" Buong kupad na gumapang sa kanyang isipan ang narinig na iyon sa kanyang panganay Hinaplos haplos ng butuhan niyang kamay ang buhok niyang simputi ng pilak Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking panganay? Kina Rey? Saan nga ba nakatira ang aking bunso? Ano nga ba ang pangalan ng napangasawa niya? Si Odet ay apó ko yata sa aking bunsong anak. Hindi ko maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking panganay Maganda ang kanyang ina Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia. Bakit kaya? Talaga bang dadalawa ang aking mga anak? Matagal nang namamatay ang kanilang ama. "Inay, nakikinig ba kayo?" Nangibabaw ang tinig ni Ramon sa sali- salimuot na isipang buong kupad na gumagapang sa kanyang utak. Bakit ba padalas nang padalas na nagsasali-salimuot nang gayon ang iba't ibang isipan sa kanyang ulo? Noong bata-bala pa siya: Kung mauna ako sa iyo'y huwag mong gaanong damdamin-may dalawa ka namang anak Mabigat ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. "Napag-usapan na namin ni Carmen ang bagay na ito, Inay Nagkasundo kami-na pagbigyan ang gusto ni Rey" Ngayon ay humiliwanag nang bahagya ang kanyang isipan. Magbabakasyon ba 'ka mo ako kina Rey? Hinagilap ng nanlalabo niyang paningin ang mukhang kangina'y nakatunghay sa kanya, ngunit nag-usa na siya Luminga linga siya. Talagang nag-isa na siya. l'inagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa may pinto. Pinihit niya ang hawakan Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa pagkakapinid Sa kabila ng nakapinid na pinto 'y naulinigan niya ang tinig ni Ramon Malakas. Ngunit hindi malinaw ang mga salitang hinahadlangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang bahagya ang tinig ni Carmen. Marahan Hindi galit Malamig Naglagos sa pinud na pinto ang kalamigan ng tinig niyon. Inantok siya sa pakikinig sa mga tinig na iyon. Bakit ba padalas nang padalas ang pag-aantok niya kahit na araw? Sindalas ng pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan sa kanyang utak na pabagal nang pabagal sa pag- unawa sa anumang sabihin sa kanya ni Ramon. Ni Lydia. Ng mga kapatid nito. Ng mga utusan. Matagal na siyang hindi kinakausap ng magandang si Carmen. Kaalinsabay ng pag-aantok niya ang pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan. Isipan nga ba o alaala? Alaala nga ba o guniguni? Dadalawa naman ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa kanya sa buong kabaitan niyon. Sa buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin silang dalawa ng karera. Makapagsisimula na sila sa tulong ng kanilang sariling pagsisikap. Tayo naman ay maglibot-libot-hanggang Mindanaw man lamang hanggang llokos. Makita man lamang natin ang sariling bayan bago tayo mamatay. Taong ito, pasasaan ba't hindi natin magagatoa iyan alam mong gustong gusto ko iyan. Ngunit kailangan pa nila tayo.
  • 2. Aba, masama naman yatang ibigay na natin sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan-ubusin nang lahat sa kanila ang natitira pa sa kaunti nating natipon. Abi, baki naman maging masyadong makasarili ang mga iyan. Ang tinig na iyon. sa buong kabaitan niyon, sa buong pagmamahal niyon, ay ginapangan ng manipis na ulap ng pag-aalinlangan. Ngunit ito'y mabilis na pinawi ng nakasisilaw na liwanag ng kanyang pananalig.. Taong ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala silá nakikilala-gaya ng pagkakilala ko! Una muna si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpatayo ng isang bupete para rito Kagaraang umakit ng magagarang kliyente, ng mga usapin ng maseselang damdamin ng maseselang tao na naghatid ng tagumpay, ng kolehiyala't magandang si Carmen Sumunod si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang kinatagpuan sa isang tagapagmanang taga- Timog Kinabukasan ng kasalan, ang tinig na iyo'y nagbalik sa katahimikang pinagmulan Isang sakuna ang sumakmal at kumitil nang panghabang- panahon, sa tinig na iyon at sa marupok na pangarap ng dapithapon ng buhay. "Huwag na kayong umiyak, Inay Iyon ay tinig ni Ramon "Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen, at malapit na kayong magkaapo." Apó? Mga apó? Mararahang yabag, mga yabag na di-nakatitiyak sa pangangabay, mabibilis na paa sa pagtakbo, matitinis na tinig "Ang bola ko! -----it!" Saglit na katahimikang sumabog sa matinis na sigaw ng maraming tinig. Ano iyon? Tuminag ang lola sa upuang may-pagulong, sa saglit ng kanyang pagkakalimot. O pagkakatulog? O pangangarap? Lumalapit sa kanya si Tinay, ang utusan. May tangang kutsarita ng gamot at isang basong tubig. "Lula, mag-inum na ikaw sa gamut-para d'yan sa imu na balat. U. mag-inum ikaw agad sa tubig-masyadu nang mapait n'yan, anu?" Sinipat ni Tinay ang namamalikaskas na balát sa mga bisig ng matanda. "Pur bida, baka magi na matanda sa akon, gan'yan din sang balat ku? Tumawa si Tinay. Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya. "Lula, magdating na naman sang Mistir at Misis Valli." "Sino?" "Sang Misis, yung kumadri sang Niyura Carmin- 'yung magsabi, pag magkita sa imu, parang magkita rin sang nanay n'yang mamatay. Magsabi pa nga magsuwirti sang Lydia, mi lula-sang anak n'ya, ala..” “A, iyon ba?" Lumabas si Tinay, dala ang kutsarita at ang basong wala nang laman.. Ipininid na muli ang pinto. Buhat sa kabilang silid ay wala na ang taginting ng malakas na tinig ni Ramon. Wala na ang malamig na tinig ni Carmen UMAAMBUN-AMBON NANG HAPONG pumasok sa malaki't lumalangitngit na pinto sa harap ang awto ni Rey. Si Tinay, ang utusan, ang nagsabi sa kanya kung sino ang dumating "Sang lula naman ang natawang sabi ni Tinay "Sinu gid bisita ang magtanung sa imu? Sang Mistir Riy 'yun a! Imu na anak, di mu man kilala? Pur bida!" Muling tumawa si Tinay May kung anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw Nagningning Inaninag ng kanyang mga nanlalabong paningin ang matangkad at matipunong katawang tuloy-tuloy sa salas Banaag ng araw na nagdaan sa kanyang pangmalas ang mukhang yaong kapilas ng sa amang nag-alala nang gayon na lamang sa kanya-kung sakali't mauna iyong angkinin ng kamatayan. Simbilis ng alaala ang pagpapagulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang bunso. Alaala ng tinig na iyong mabait at mapagmahal: Hu, the ba naman, mas mahal mo ang bunso mong iyan kaysa panganay. At ang tinig niya sa pagsagot: Taong ito-gaya mo ba may paborito? Kung hindi pa halatang halata ang pagkiling mo sa panganay mong yan! Ang tinig niya ngayo'y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan, at ngayo'y sinasabi niya sa ama ng magkapatid: Nakita mo na-wala kang dapat ipangamba, mauna ka man sa akin. Kukunin na ako ngayon ng ating bunso. Isasama ako sa bahay nila sa Timog. Taong ito-nag-aalala nang walang dahilan. Talagang itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa pinasukan ng kanyang bunso. Sabik na sabik ang butuhan niyang mga kamay na makasalat sa mukhang iyong kapilas ng sa kanyang kabiyak ang nanlalabo niyang paningin na umaninag sa kabuoan niyong kinalong kalong sa bata niyang dibdib noong araw, Sa may-pinto'y ipinatda siya ng malalakas na tinig ng kanyang panganay at ng kanyang bunso. Nahinto ang paggulong ng kanyang upuan, kasabay ng pagtigil ng pag-inog ng kanyang daigdig "Habang panahon yatang kami ang nagpasan diyan Ngayon namang ikaw ang dapat, marami ka riyang idinadahilan." "A, ngayong hindi na ni yo pinakikinabangan, ano? Saká sinabi ko na sa iyo, magra-round-the-world kami, paano?" Sumunod ang tinig ng magandang si Carmen Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang sinasabi. Malamig na tinig na nanuot nang malalim sa kanyang mga buto. Sinlamig ng patak ng ambong kumupkop sa kanya sa marahang paggulong ng kanyang upuan sa terraza Sinlamig ng takipsilim na yumapos sa butuhan niyang katawan Si Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza. "Naku, sang matanda na ari-bakit magbasa ikaw sang ulan? Halika sang luub. Anu nang ibulung sa imu-Misis Valli, Misis Valli, Misis Valli. Naku, siguru mag-ulian nang talaga sang Lula, Halika sang luub" Ga-daigdig ang kaamuan, ang kahabagan sa tinig ni Tinay- ang utusan.