PROTOCOL NG KLASE
May dalawa akong panuto sa talakayan.
1. Itaas ang kanang kamay kung may
nais kayong sabihin, idagdag o
itanong.
2. Huwag mahihiyang sumagot, kung
mali ang inyong kasagutan, atin itong
itatama.
Maliwanag ba?
ANG MGA TIYAK NA LAYUNIN AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
Naihahambing ang tekstong
binasa sa iba pang teksto batay
sa : paksa, layon, at paraan ng
pagkakasulat (F8PB-IIIa-c-29);
Nakikilala ang mga katuturan ng
mga kontemporaryong panitikan;
ANG MGA TIYAK NA LAYUNIN AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
Nagagamit ang iba’t ibang
estratehiya sa pangangalap ng mga
ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo at iba pa (F8PU–IIIa-c-
30);
Naiiulat nang maayos at mabisa
ang nalikom na datos sa
pananaliksik (F8PS-IIIa-c-30)
Alam niyo bang ang Del superior
govierno ang kauna-unahang
pahayagan na lumabas sa Pilipinas
noong agosto 8, 1811 sa
pamamatnugot ni Gobernador
Heneral Manuel Fernandez de
Folgueras. Ngunit di rin ito nagtagal
at pinalitan kaagad nang La
Espereranza, La Estrella, Diario de
Manila at iba pa hanggang sa
Ngunit mapapansin din natin na
kahit nagbabago na ang panahon
dahil sa teknolohiya at
modernisasyon ay hindi parin
nabubura sa sistema ng bawat
Pilipino ang tradisyon sa Panitikan.
Ang estilo, pamamaraan,
kaalamang teknikal nito ay
nabigyan lamang ng bagong mukha
sa kontemporaryong panitikan.
Ang Panitikan ay bungang isip na
isinatitik. Ito rin ay sumasaklaw sa
uri ng katha na tumutulong sa
wastong ikauunawa ng noon,
ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito
rin ay pagpapahayag ng damdamin
at mga karanasan ng sangkatauhan
na nasusulat sa masining at
makahulugang mga pahayag.
(Ruffino Alejandro at Julian Pineda).
ANO ANG KONTEMPORARYONG PANITIKAN?
Ito ay tumutukoy sa uri ng
panitikang moderno o makabago.
Ilan sa mga kilalang kontemporaryo
ay yaong mga nakikita, nababasa,
at naririnig sa popular na kultura o
panitikang popular, na siyang
pinapalawig ng makabagong
teknolohiya, tulad ng internet at
telebisyon.
ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN
1. Tabloid
ay isa sa mga uri ng
kontemporaryong
panitikan na nasa anyong
print media na
naglalaman ng balita,
impormasyon, at
patalastas.
Ito ay naging mahalagang
bahagi na ng ating kultura na
kailanman ay hindi
mamamatay.
Subalit, dito ay masyadong
binibigyang diin ang tungkol sa
sex at karahasan kaya’t
tinagurian itong
sensationalized journalism.
MGA BAHAGI NG TABLOID
1. Headline- tumutukoy ito sa
mismong titulo ng pangunahing
balita sa diyaryo.
2. Front page- nagsisilbing pabalat sa
diyaryo.
3. Sports page- naglalaman ng mga
kasalukuyang balita tungkol sa
palakasan.
MGA BAHAGI NG TABLOID
4. Editorial page- napapalooban ng
mga opinion ng mga manunulat.
5. Showbiz- binubuo ng mga balita
tungkol sa mga artista.
6. News section- ang pangunahing
parte ng diyaryo kung saan
naglalaman lahat ng balita na
nagaganap sa kasalukuyan.
Ang Broadsheet ay ang
pinakamalaking pormat ng
pahayagan. Ito ay may
mahabang patayong mga
pahina na karaniwang 22
pulgada o 560 milimeters. Ang
target na mambabasa nito ay
mga class A at B.
ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN
2.Komiks
ay isang grapikong
midyum na ang salita at
larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
Maaring naglalaman ang
komiks ng diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang
mga larawan, na maaring
maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang
higit na makaapekto nang may
lalim.
Ito ay inilalarawan bilang isang
makulay at popular na
babasahin na nagbibigay-aliw sa
mambabasa, nagtuturo ng iba’t
ibang kaalaman, at nagsusulong
ng kulturang Pilipino.
ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN
3. Magasin
Isang uri ng babasahing
kinahuhumalingan ng mga
Pilipino dahil sa aliw na
hatid nito at mga
impormasyong makukuha
rito.
URI NG MAGASIN
FHM (For Him
Magazine)ang magasing ito
ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno
ng impormasyon na nagiging
instrument upang mapag-
usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng
buhay, pag-ibig, at iba pa na
walang pag-aalinlangan.
Isang uri o paraan ng pagsulat ng isang akda
na mas maikli sa isang maikling kwento. Kaya
naman ito ay kilala rin sa tawag na maikling-
kwento. Karaniwan, ang dagli ay may “sipa sa
huli”. Matagal nang nakikita at nababasa ang
ganitong anyo sa ating local na panitikan, at sa
kasalukuyan, ilan lamang sa mga kilalang
kuwentista n gating panahon sina Eros Atalia,
Juan Bautista atpb.
Kadalasan, ang isang dagli
ay binubuo lamang ng
isandaan hanggang
tatlongdaang salita. Upang
maging epektibo ang isang
dagli, ito ay ilan lamang sa
mga kinakailangang isaalang-
alang:
1. Mensahe- maari kang
magparating ng isang
mensahe sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang dagli. Kahit
na kathang-isip lang ang
isang dagli ay maaari mo
itong gamitin bilang salamin
ng reyalismo.
2. Tagpo at Dayalogo-
importatnte ang pagbuo ng
isang makabuluhang tagpo sa
umpisa ng iyong dagli, upang
maiksi man ang iyong akda
ay mayroon pa ring mabuong
imahen ang mambabasa.
3. Damdamin- lahat ng uri ng pasulat,
awit, kuwento, nobela, o tula ay
nangangailang ng damdamin. Kaya
naman kinakailangang epektibo ang
‘pagtatahi” ng mga salita sa
pagbubuo ng isang dagli. Nang sa
gayo’y sumibat pa rin sa damdamin
ng ating mga mambabasa ang
bawat dagli na iyong isusulat sa
hinaharap.
ANG PAGHIHINTAY
ni Hernan B. Estaloza
Labing tatlong taon pa lamang ako nang
umusbong sa mura kong puso ang pagmamahal
sa kanya.
“Hintayin mo ang pagbabalik ko, Bela.”
Natatandaan ko pa ang wika ni Kenneth nang
lisanin ng pamilya nila ang lugar namin
labinglimang taon na ang nakalilipas. Papunta
sila ng Amerika noon. Matapos makapag-asawa
ng Amerikano si Auntie Mona, ang Mama ni
Kenneth, ay niyaya na raw sila ng bagong asawa
nito na doon manirahan.
Walang tigil sa pag-agos ng
luha ko habang yakap-yakap niya
ako. “Ooo…”Iyon lang ang nasambit
ko dahil sa lubos na kalungkutang
nadarama. Ewan ko kung bakit
ganoon na lamang ang sakit na
nadarama ko sa paglisan niya. Kung
tutuusin, magkaibigan lang naman
kami. Pero sa mga murang puso
namin, alam ko… pareho lang ang
isinisigaw…
“Masaya ako para sa iyo anak”…
Para akong nagising mula sa isang
panaginip. Si Papa, habang
magkahawak kami ng aming mga
kamay habang naglalakad
patungong altar.
‘Asan ako? Bulong ko sa aking
isipan. Nilibot ng aking mga mata
ang paligid. Nasa simbahan kami.
Puno ng tao. Puno ng mga bulaklak.
Bigla akong napangiti. Oo
nga pala, kasal ko pala
ngayon. Sa altar ay
naghihintay ang lalaking aking
mapapangasawa, walang iba
kundi si Kenneth na abot
hanggang langit ang ngiti. Iba
pala ang pag-ibig, marunong
maghintay.
PANUTO: TUKUYIN MO ANG MGA KAGAMITAN O
KAGANAPAN TUWING KALINGA DAY.
1.
2
3.
4.
5.
Panuto: Batay sa mga
sinulat niyong kasagutan
sa naunang gawain, ano
ang mga nabasa niyong
balita o artikulo sa internet
ukol sa mga ito.
Gawain
2
PANUTO: SAGUTIN ANG
MGA SUMUSUSNOD NA
KATAUNGAN KAUGNAY SA
ARALIN.
1. Ito ay ang Pabalat ng
Magasin o pahayagan.
2. Ito ay Tumutukoy sa titulo ng
balita sa diyaryo.
7. Isang anyong pampanitikan na
maituturing na maikling-maikling
kwento.
8. Mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento.
9. Nasa anyong print media na ma sabot
kaya ng masa kaysa sa broad sheet.
10. Ito ay peryodikong publikasyon na
naglalaman ng maraming artikulo,
kuwento, larawan, anunsyo, at iba pa.
TAKDANG ARALIN
Gawain 1: Panuto: Upang lalo mong
mapagyaman ang iyong mga
natutuhan tungkol sa ating aralin,
magtanong sa tatlong matatanda na
nakaranas bumasa ng liwayway at
itala ang kanilang opinion at
masayang karanasan tungkol sa
nasabing magasin. Sundin ang mga
sumusunod na pamantayan.
Matanda 1 Matanda 2 Matanda 3
Mga Pamantayan:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mahusay na naitala ang mga
opinion ng mga matatandang
kinapanayam
20
Pagkamalikhain Malinaw na naipakita ang paggamit
mabisang estratehiya sa
pakikipanayam
15
Kabuuang
presentasyon
Malinis at maayos ang pagkakatala
ng mga ideyang nakalap.
15
Gawain 2: Panuto: Sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
1. Bilang mamayang Pilipino, paano
natin pahahalagahan o mabigyang
halaga ang ating kultura at
panitikan?
2. Ang pagtangkilik ba sa mga likhang
Pinoy ay maituturing pagmamahal
sa bansa?