Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
APG10modyul1aralin1Suliraning Pangkapaligiran
1. ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran
Paksa: Ang mga Suliranin at HamongPangkapaligiran
Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo sa pagaaral ng Ekonomiks
na isa ang likas na yaman sa tinatawag na salik ng produksiyon. Mahalaga ito dahil
dito kumukuha ng mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan
din ito ng iba’t ibang hanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulang sa 65 milyong
Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing
hanapbuhay nila ay ang pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross
Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa
yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay
isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Makikita sa mga nabanggit na situwasiyon ang kahalagahan ng likas na yaman at
kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi nabibigyang-halaga
ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at
hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng
pagkakaroon ng malalaakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa
huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para mabuhay ang siya ring
nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay. Ilan sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod:
2. 1. Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-
aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng
basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura
araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste
Management,2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula
sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng
tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid
Waste Management Status Report,2015).
3. Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid
Waste Management Status Report, 2015).
Residential
Commercial
Industrial
Institutional
Other
Commercial
Market
18.3%
Biodegradables
Recyclables
Special
Residual
Paper and
cardboard
8.70%
Textile 1.61%
Plastics
%10.55
Metals 4.22%
Glass 2.34%
Leather and rubber 0.37%
4. Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid
waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang
1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng
lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga
insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na
nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste
collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang
mga nakolektang basura sa dumpsite, problemang maaari sanang maiwasan kung
mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar ang waste
segregation.
5. 2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Tinatayang 15%
ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman,
halimbawa nito ay ang pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap
sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod,
halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na
yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa kasalukuyan,
patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit
nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad.
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang
mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito
dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa
kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest
Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira
ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion.
6. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa nito ang mga
dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
• Illegal logging
Gawain - Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa
pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa Pilipinas
Epekto - Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin
tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan noong
2008 ay mayroong 221species ng fauna at 526 species ng flora ang naitala sa suliraning ito ang
nagpapalubha sa threatened list (National Economic Development Authority, 2011) .
• Migration
Gawain - paglipat ng Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn pook panirahan
farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo
ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain dito.
Epekto - Mabilis na pagtaas ng Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas
ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang
mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura.
7. • Ilegal na Pagmimina
Gawain - Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang
mga puno upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina.
Epekto - Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa
kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa
DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre,
Palawan, at Mindoro.
Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na
yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay
nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.
8. 3. Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015),
naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change.
Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural
na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa
climate change.
Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change
(2001), “Climate change is a statistically significant variation in either the mean state of the climate
or in its, variability, persisting for an extended period (typically decades or longer). It may be due to
natural internal processes or external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the
composition of atmosphere or in land use.” Sinasabi na kahulugan na ang climate change ay
maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin
ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa
mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito
mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.
9. Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa
mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba
sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din
na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level
bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang
panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng
agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega,
mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay ng
mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad
ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. Mayroon ring ilang mga
mamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay
natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na
kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.