PANANAW.pptx

MGA EKSPRESIYON SA
PAGPAPAHAYAG SA KONSEPTO NG
PANANAW
at
MGA TUNGKULING
GINAGAMPANAN NG PANANDANG
PANDISKURSO
• Sa kanila, ang sabi ko,
ang katotohanan ay
walang kahulugan kundi
ang anino ng mga imahe.
 Naipahayag ng may-akda
ang kaniyang pananaw
batay sa kaniyang iniisip o
sinabi.
• At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa
mga taong nakadaan mula sa banal na
pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang
kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-
asal. Samantala, habang ang kaniyang mga
mata ay kumukurap bago siya mahirati sa
kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte
o sa ibang lugar, tungkol sa anino na imahe ng
katarungan at magpupunyaging maunawaan
nang ganap ang katarungan.
 Ginamit ang ekspresiyong
samantala na nagkaroon ng
pagbabago sa unang bahagi
sa ikalawang bahagi na
ginamit ang ekspresiyon.
Alam mo ba ….
may mga ekspresiyong
ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw at nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa
at/o pananaw?
 ang tawag sa uri
ng pahayag na
mula sa ideya ng
tao at kanyang
ipinahayag bilang
reaksyon sa isang
paksa o isyu.
Pananaw
May mga ekspresiyong
ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw at nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw.
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng
pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para,
sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang
iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
A. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
• Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013
Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
• Batay sa Konstitusyon 1987 : Artikulo XIV, Seksyon 6 na
nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Halimbawa:
• Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang- edukasyon.”
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling
wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
Halimbawa:
B. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay
• Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
• Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan.
• Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay
hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus dapat
nakaagapay din ang mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta.
Halimbawa:
C. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip
• Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng
pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng
ating kalikasan.
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng
kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag
sa batas pangkalikasan.
Halimbawa:
D. Sa ganang akin / Sa tingin / akala /palagay ko
• Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga
pamahalaang lokal ang pagbabantay sa mga kabataang
nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang
krimen.
• Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng
para sa mga batang nasa lansangan na karaniwang sangkot
sa maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw,
tulad ng sumusunod na halimbawa.
Gayunman, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung
sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Halimbawa:
A.Sa isang banda/Sa kabilang dako
• Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng
mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang
lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-
dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
• Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung
pampulitika, hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano
ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong
pinagkatiwalaang mamuno dito.
Halimbawa:
B. Samantala
• Samantala, mamamayan mismo ang
makapagpapasya kung paano nila nais makita
ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino
ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang
boto.
Mahalagang bahagi ng
ating pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan
at ang pagpapahayag
ng sariling pananaw o
opinyon.
DAPAT MONG
TANDAAN!
Mga pahayag na nagpapahayag ng
iyong opinyon o pananaw:
• Sa aking palagay….
• Sa tingin ko ay……
• Para sa akin……
• Ang paniniwala ko ay……
• Ayon sa nabasa kong datos……
• Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo
dahil…..
Pagbibigay ng matatag na opinyon o
pananaw:
• Buong igting kong sinusuportahan ang ….
• Kumbinsido akong ……
• Labis akong naninindigan na …..
• Lubos kong pinaniniwalaan…..
Pagbibigay ng neutral na opinyon o
pananaw :
• Kung ako ang tatanungin …
• Kung hindi ako nagkakamali ….
• Sa aking pagsusuri ….
• Sa aking pananaw …..
• Sa tingin ko ….
• Sa totoo lang ….
Ilang paalalang dapat isaalang-alang sa
pagbibigay ng sariling opinyon o
pananaw:
➢ Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang
iyong pananaw sa pananaw ng iba.
➢ Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi
man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag
mo rin ang iyong pinaniniwalaan.
➢ Mas matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o
paninindigang iyong ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan ng
datos.
➢ Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan
ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw.
1 von 22

Recomendados

Konsepto ng pananaw komentaryong panradyo von
Konsepto ng pananaw komentaryong panradyoKonsepto ng pananaw komentaryong panradyo
Konsepto ng pananaw komentaryong panradyomaricar francia
66.1K views6 Folien
konseptong pananaw komentaryong panradyo-2023.pptx von
konseptong pananaw komentaryong panradyo-2023.pptxkonseptong pananaw komentaryong panradyo-2023.pptx
konseptong pananaw komentaryong panradyo-2023.pptxRenanteNuas1
31 views7 Folien
Katotohanan-o-Opinyon.pptx von
Katotohanan-o-Opinyon.pptxKatotohanan-o-Opinyon.pptx
Katotohanan-o-Opinyon.pptxElyzaGemGamboa1
64 views15 Folien
Katotohanan-o-opinyon.pptx von
Katotohanan-o-opinyon.pptxKatotohanan-o-opinyon.pptx
Katotohanan-o-opinyon.pptxAngelle Pantig
201 views8 Folien
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx von
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxKlarisReyes1
3.8K views30 Folien
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY... von
9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...NymphaMalaboDumdum
498 views11 Folien

Más contenido relacionado

Similar a PANANAW.pptx

Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G... von
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
238.1K views10 Folien
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw von
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMartinGeraldine
27.3K views4 Folien
filipino-10q1-learning-material-20.docx von
filipino-10q1-learning-material-20.docxfilipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docxJenyRicaAganio2
79 views17 Folien
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx von
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptxjoselynpontiveros
95 views28 Folien
SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a .pdf von
SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a  .pdfSLM_ESP5_Q2_MODULE 3a  .pdf
SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a .pdfVanessaMaeModelo
480 views13 Folien
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino von
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipinoMga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipinoJoseph Cemena
314.3K views49 Folien

Similar a PANANAW.pptx(20)

Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G... von Juan Miguel Palero
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Juan Miguel Palero238.1K views
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw von MartinGeraldine
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
MartinGeraldine27.3K views
filipino-10q1-learning-material-20.docx von JenyRicaAganio2
filipino-10q1-learning-material-20.docxfilipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
JenyRicaAganio279 views
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino von Joseph Cemena
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipinoMga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino
Mga gawaing pangkomunikasyon ng mga pilipino
Joseph Cemena314.3K views
Mgagawaingpangkomunikasyonngmgapilipino 190117095014 von RheaSioco
Mgagawaingpangkomunikasyonngmgapilipino 190117095014Mgagawaingpangkomunikasyonngmgapilipino 190117095014
Mgagawaingpangkomunikasyonngmgapilipino 190117095014
RheaSioco293 views
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx von gabs reyes
ISIP AT KILOS-LOOB.pptxISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
gabs reyes584 views
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf von kenjisaijo
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdfgamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
gamitngwikasalipunan-161213061315 (1).pdf
kenjisaijo33 views
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx von DanilynSukkie
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptxMASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
DanilynSukkie279 views
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo? von Al Andrade
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Historiography at Social media, tinadhana at pinagtagpo?
Al Andrade127 views

PANANAW.pptx

  • 1. MGA EKSPRESIYON SA PAGPAPAHAYAG SA KONSEPTO NG PANANAW at MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANANDANG PANDISKURSO
  • 2. • Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe.
  • 3.  Naipahayag ng may-akda ang kaniyang pananaw batay sa kaniyang iniisip o sinabi.
  • 4. • At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang- asal. Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino na imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.
  • 5.  Ginamit ang ekspresiyong samantala na nagkaroon ng pagbabago sa unang bahagi sa ikalawang bahagi na ginamit ang ekspresiyon.
  • 6. Alam mo ba …. may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
  • 7.  ang tawag sa uri ng pahayag na mula sa ideya ng tao at kanyang ipinahayag bilang reaksyon sa isang paksa o isyu. Pananaw
  • 8. May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw.
  • 9. 1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
  • 10. Halimbawa: A. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa • Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 Commision On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016. • Batay sa Konstitusyon 1987 : Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
  • 11. Halimbawa: • Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.” • Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
  • 12. Halimbawa: B. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay • Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. • Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. • Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus dapat nakaagapay din ang mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta.
  • 13. Halimbawa: C. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip • Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan. • Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
  • 14. Halimbawa: D. Sa ganang akin / Sa tingin / akala /palagay ko • Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen. • Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng para sa mga batang nasa lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
  • 15. 2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
  • 16. Halimbawa: A.Sa isang banda/Sa kabilang dako • Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat- dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod. • Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampulitika, hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
  • 17. Halimbawa: B. Samantala • Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
  • 18. Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at ang pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon. DAPAT MONG TANDAAN!
  • 19. Mga pahayag na nagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw: • Sa aking palagay…. • Sa tingin ko ay…… • Para sa akin…… • Ang paniniwala ko ay…… • Ayon sa nabasa kong datos…… • Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…..
  • 20. Pagbibigay ng matatag na opinyon o pananaw: • Buong igting kong sinusuportahan ang …. • Kumbinsido akong …… • Labis akong naninindigan na ….. • Lubos kong pinaniniwalaan…..
  • 21. Pagbibigay ng neutral na opinyon o pananaw : • Kung ako ang tatanungin … • Kung hindi ako nagkakamali …. • Sa aking pagsusuri …. • Sa aking pananaw ….. • Sa tingin ko …. • Sa totoo lang ….
  • 22. Ilang paalalang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw: ➢ Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong pananaw sa pananaw ng iba. ➢ Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan. ➢ Mas matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o paninindigang iyong ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan ng datos. ➢ Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw.