3. Nursery – lugar kung
saan maayos at maingat
na inaalagaan ang mga
punla ng mga halamang
ornamental, gulay,
punongkahoy, at mga
bungangkahoy.
4. Mga dapat isaalang alang sa
pagpaplano:
• Lugar
• Tubig
• Lupa
• Sikat ng Araw
5. Lugar – Pumili ng patag na lugar
na pagtatayuan ng nursery.
Magiging maayos ang paglalagay
ng mga gagamitin kung patag ang
lugar. Hindi rin mahihirapang
ayusin dito ang mga halamang
nasa plastik na punlaan.
6. Piliin din ang lugar na hindi
binabaha upang hindi
masalanta ang mga halaman
kung panahon ng tag-ulan.
Makabubuti rin kung ito ay
malapit sa daan. Magiging
madali ang pagdadala ng mga
gamit dito.
7. Tubig – isa sa pinakamahalagang
kailangan ng halaman, kaya itayo
ang nursery malapit sa
mapagkukunan ng tubig
8. Lupa – mainam kung ang pipiliing
lupa para sa isasagawang nursery
ay mataba at mayaman sa natural
na abono. Ang lupang buhaghag ay
mainam na gamiting pag-ugatan.
9. Sikat ng Araw – mahalaga ang
sikat ng araw dahil kailangan ito
ng halaman upang mabuhay at
lumusog. Kung maaari, dapat na
nakaharap sa dakong sinisikatan
ng araw ang nursery.