Anzeige

Rebolusyong pranses

Information Communication Technology Teacher at Department of Education um Department of Education
10. Jul 2018
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige
Anzeige

Rebolusyong pranses

  1. INIHANDA NI: SHYNNE R. CONCHA INIULAT NI: AYLAH JOY E. CATIGBE
  2. Ito ay kawalan ng katarungan ng rehimen. Opisiyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan Walang hangganang kapangyarihan ng hari Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring XVI bilang mga pinuno At krisis sa pananalapi na kinakaharap ng pamahalaan ►Mga salik na nagbigay ng daan sa Rebulosyong Pranses
  3. Sa taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVL, Isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang Absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamumnuan ang bansa.
  4. King Louis XV King Louis XVI
  5. Ang lipunan ng France ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na Estate. 1. Unang estate- Binubuo ng Obispo, Pari at ilang may katungkulan sa simbahan 2. Ikalawang estate- Binubuo ng mga mahaharlikang Pranses 3. Ikatatlong estate- Binubuo ng mga nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, mga utusan guro at iba pa.
  6.  1780, kinaliangan ng Pamhalaang Franse ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan.  Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautussan ng hari ay di ibi-nibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatatlong estate lamang ang nagbabayad.  Ang magarbong at maluhong na pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang pag hihirap ng mga bumubuo sa ikatatlong estate.  Maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na dig-maan para sa kalayaan.  Ang mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailanganng mga pangkaraniwang Pranses
  7.  Upang mabigyan ng lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France ng panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinakatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles.  Hindi nagkaintindihan ang mga delegado sa pagbuto kaya hindi nabigyan ng lunas ang suliranin ukol sa pananalapi. Dati nag pupulong ang tatlong estado ng magkahiwalay. Bawat estate ay may isang boto.  Magkatulad ang boto ng una at iaklawang estate kaya lagging talo ang ikatatlong estae laban sa dalawang estates.
  8. • Humiling ang ikatatlong estate na may malalaking bilang, kasama ng mga bourgeoisie • Bawat delegado ng asemblea ay magkakaroon ng tig-iisang boto. • Humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatatlong estate. • Malaking pagkakataon na ito upang maisakatuparan ang nais na mga reporma.
  9. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes, isang pari, idineklara ng ikatatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17,1789. Iniimbitahan nila rito ang Una at Ikalawang estate. Sa panunuyo ng ikalawang estate, itinoluy pa rin ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Dahil dito ipinasara ni Haring Louis XVI ang lugar kung saan magpupulong ang tatlong estate.  Kaya nagtungo na lamang sila sa Tennis Court ng Palasyo  (Tennis Court in Versailles, France) Maraming mga pari at ilang mga noble ang sumama sa kanila at hiniling sa hari na bumuo ng isang kontitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi naisasakatuparan ang kanilang layunin.
  10. Matapos ang isang lingo’y ibinigay na ng hari ang hiling ng ikatatlong estate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at iaklawang estate sa pambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagawawagi ng ikatatlong estate.
  11. • Malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembleya. •Hunyo, sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Vesailles ang hari upang payapain ang lumaganap na kaguluhan.
  12.  Hunyo 14,1789-sinugod ng mga galit na mamayan ang Bastille. Isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamahalaan.  Napakawalan ang mga nakakulong rito. Ang pagbagsak ng Bastille ay isang palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ngpagbabago sa pamahalaan.  Ang kagulohan ay lumaganap sa iba-ibang parte ng France at tinawag na mga rebolusyonaryo, sila ay sumasama sa pakikibaglaban  Binubuo ito ng mga sundalo na sinanay at handing ipagtanggol ang Assemblea.  Ang mga sundalong ito ay karaniwang nakasuot ng Badges na may kulay na Pula, Puti, at Bughaw na nagging kulay ng rebolusyon, at hanggang ngyon ito ay makikita sa watawat ng France.
  13.  Taong 1789 nang ang Constitute Assembly, ay bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapaglabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pamungad na pananalita ng saligang-baltas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang-diin nito ang lipunang Pranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay- pantay at kapatiran.  Makalipas ang dalawang taon, Setyambre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos.
  14.  Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Decleration of the Right of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat na kahon. Every man is presumed innocent until proven guilty… Men are born and remain free and equal in rights… The aim of the government is the preservation of the... Rights of man… Law is the expression of the general will (of the people).
  15. Maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhansa pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang ganoong uri ang rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin.
  16. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at Malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Daton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng Guillotine.
  17. Guillotine
  18.  Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ang haring si Louis XVI, sa kaparehong taon ay sinunod nila si Reyna Marie Antoinnete. Dahil sa mga sunod-sunod na pangyayaring ito ay idenklara na isang Republika ng Pransiya.
  19. Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sa digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang puwersang sumama sa hukbong ng sandatahan upang idensa ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si Maimilien Robespierre, Isang republikano.
  20. Isa sa naging pangunahin niyang Gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito pawing pinatay sa pamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign of Terror. Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan.
  21. Maximilien Robespierre
  22.  Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain.Taong 1795 nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layunin ay magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taun-taon ay ihahalal.  Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba’t ibang pangkating pampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya.
  23.  Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.  Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampoltika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang Pamahalaan.
Anzeige