Anzeige

Rebolusyong amerikano

Information Communication Technology Teacher at Department of Education um Department of Education
10. Jul 2018
Anzeige

Más contenido relacionado

Anzeige
Anzeige

Rebolusyong amerikano

  1. Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon
  2. Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon  Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano.  Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na nagging migrante sa Timog Amerikano ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing.  Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776.  Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British.  Ang digmaan para sa kalayaan ang nagging dahilan ng pagbubuo ng United States of Amerika.
  3. Pagsusuring Panteksto  Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog Amerika at Great Britain.  Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan.  Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789.  Itinuturing na mas Malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay- pantay, at ang kapatiran.
  4.  Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahaon ng Enlightenment.  Sa huling bahagi ng ika-18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko.  Ang ganitong kaisipan ay nagging daan upang patalsikin ang tradisyonal na rehimen sa Amerika at France.
  5. Ang Labintatlong Kolonya  Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimualang lumapit at manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo.  Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe  Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia.  Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya.
  6. Walang Pagbubuwis Kng Walang Representation  Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila.  Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon.  Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles.  Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng boston Harbor sa Massachusetts.
  7.  Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya.  Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party.  Ang stamp act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya.Naisagawa Ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
  8. Ang Unang Kongresong Kontinental  Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa Amerika ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts.  Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kintawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia.  Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennysylvannia, New York, at New England.
  9.  Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito.  Sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya.  Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito”y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.
  10. Ang Pagsisimula ng Digmaan  Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahin ang isang tindahan ng pulbura sa bayan Concord.  Isang Amerikanong panday na nangngalang Paul Reverse ang nagging kasangkapan upang malamanng mga tao na may paparating na sundalon British.  Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay.  Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundaLong British sa boston.
  11. Ang Ikalawang Kongresong Kontinental  Ang Ikalawang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775 at idenaklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Coloniest of Amerika (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika).  Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental Army at ang naatasan sa commander-in-chief ay si George Washington.  Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. 
  12.  Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin dila dito.  Pinatuloy nila ang pagkubkub sa Boston noong Marso 1776.
  13. Ang Deklarasyon ng Kalayaan  Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano.  Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4.  Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang mananggol.
  14.  Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Great Britain at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York.  Napilitan ang puwersa ni George Washington na umatras sa labanan.  Hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30000 mga sundalo  Sa Washington ay nasa 3000 sundalo lamang.
  15. Paglusob mula sa Canada  Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano.  Ang Continental Army ay lumalaki at umaabot na sa halos 20000 sundalo.  Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagkawawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada.  Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates.
  16. Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan  Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French ay nagging lihin na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan.  Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang France ang United States of America bilang isang malayang bansa.
  17. Ang Labanan sa Yorktown  Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina  Ngunit sa pamamagiatn ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan ng mga unang bahagi ng 1781.
  18. Paghahangad ng Kapayapaan  Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo.  Ang Great Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban
Anzeige