PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMAN
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang
Katoliko at ng Kapapahan.
Tinukoy ni Silvian,isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga nga
kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa
Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng
imperyo.
Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng
pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig, ang pinakamaliit na
bahagi ng lipunan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
• Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-
habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa
katayuan ng Imperyong Roman.
• Noong 476 CE, tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati
ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo.
• Sa kabutihang palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong
hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao.
• Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa
pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
• Sa kabilang dako, nahikayat naman ng mga barbaro sa kapangyarihan ng
Simbahan. Pumuyag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging
matapat na mga kaanib ng pari.
Noong mga unang taon ng Kristiyanismo , karaniwang tao lamang ang
mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng
mga mamamayan.
Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga
hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod
na pinamumunuan ng obispo. Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari
sa iba-ibang parokya ng lungsod. Sa ilalim ng pamumuno at
pamamahala ng obispi,hindi lamang mga gawaing espirituwal ang
pinangalagaan ng mga pari,kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing
pangkabuhayan,pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Ang
obispo rin ang namamahala sa pagpanatili ng kaayusan at katarungan sa
lungsod at sa iba pang nasasakupan.
Tinatawag na arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking
lungsod na naging unang sentro ng Kritiyanismo. May
kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig
na maliit na lungsod.
Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang
katas-taasang pinuni ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng
Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan
lamang,depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal.
Sa Konseho ng Lateran noong 1719,pinagpasyahan ng mayorya ang
paghalal ng Papa.
◇ Ang kapapahan(Papa) ay tumutukoy sa tungkulin,
panahon ng panunungkulan, at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang pinuno
estado ng Vatican.
◇ Ang salitang Pope ay nangangahulugang AMA na
nagmula sa salitang Latin na “Papa”.
CONSTANTINE THE GREAT
• Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga
Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang
Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
• Pinalakas ang kapapahan sa pamamagitan ng
Konseho ng Constantinople.
PAPA LEO THE GREAT
(440-461)
Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang
doktrinang nagsasabing ang obispo ng
Rome,bilang tagapagmanani San Pedro, ang
tunay na pinuno ng Kristiyanismo.
Ang emperador sa kanlurang Europe ang
nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng
obispo ng Rome bilang pinakamataas na
pinuno ng Simbahan.
PAPA GREGORY 1
Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa
paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan
sa buong Kanlurang Europe.
Natamo ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang
sumampalataya ang iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap
ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa Europe.
Nagpadala siya ng mga misyonero sa iba-ibang bansa na hindi pa
sumasampalataya sa Simbahang Katoliko at buong tagumpay
nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga ito.
◇ Ang investiture ay isang sereminya kung
saan ang isang pinunong sekular katulad
hari ay pinagkalooban ng mga simbolo sa
pamumuno katulad ng singsing sa
obispong kaniyang hinihirang bilang pinuni
ng simbahan.
Binubuo ang monghe ng isang pangkat ng mga pari
na tumalikod sa makamundong pamumuhay at
naninirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa
panalangin at sariling disipilina.
Sila ang mga regular na kasapu ng mga pari at
itinuturing na higit oa na matapat kaysa mga paring
sekular.
Nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng
Abbot at Papa ang mga monghe.
MGA GAWAIN NG MGA MONGHE
Nagtiyaga sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga
sinaunang Griyego at Roman.
Dahil sa pagsisikap, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at
panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan.
Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa
maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang
mga kaaway.
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang
dako ng Kanlurang Europe.