Ang Magkakaibigan
Tagpuan: Sa loob ng mall…
Tina: Beshy, kailangan pa bang isuot ‘tong faceshield?
Lovie: Oo naman, mamaya huhulihin ka pa ng sekyu rito. Kahit andito
tayo sa loob ng mall kailangan pa ring isuot iyan dahil ‘yan ang
nararapat.
Jamie: Tama nga naman beshy. Bilisan n’yo na at ako’y tomguts na.
Kanina pa tayo hinihintay ni Jobee..ha ha ha!
Rene: Ako rin. Hindi ako nakapag-almusal dahil napagalitan ni mudra.
Jamie: Talaga?
Rene: Charot lang! Madali ka namang maniwala. Dihens lang masarap
ang ulam namin kanina…
Ang pakikipagtalastasan ay
bahagi ng buhay. Bata man o
matanda ay nakikipagkomunikasyon
upang maunawaan at magkauna-
waan.
Sa ating pakikipag-usap ay
gumagamit tayo ng iba’t ibang Antas
ng Wika, depende sa mga kausap
natin. Sa araling ito ay itutuon natin
ang usapan sa mga impormal na
antas ng wika.
Ginagamit ang impormal
na komunikasyon upang
madaling maihatid at
maunawaan ang mga
mensaheng nais nating
iparating
- ang mga salitang ito ay tinatawag sa
Ingles na slang.
- Ito ang pinakamababang antas ng
wika at tinatawag na salitang kanto o
salitang kalye.
- Madalas din itong ginagamit ng mga
bakla o tomboy (gayspeak) kung
kaya’t dapat ingatan ang paggamit
nito sapagkat bulgar.
- ang mga salitang ito ay tinatawag sa
Ingles na slang.
- Ito ang pinakamababang antas ng wika at
tinatawag na salitang kanto o salitang
kalye.
- Madalas din itong ginagamit ng mga bakla
o tomboy (gayspeak) kung kaya’t dapat
ingatan ang paggamit nito sapagkat
bulgar.
Halimbawa: ermat- nanay
parak/lespu- pulis
syota/dyowa-kasintasan
ito ang mga salitang ginagamit sa
pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Karaniwang pinaikling salita ang mga
ito.
Halimbawa: puwede- pwede
kamusta- musta
kailan – kelan
piyesta- pista
ito ay mga hiram na salita mula sa ibang
bansa.
Ang ating wika ay mayaman sa wikang
banyaga na madalas ay walang katumbas
na salin sa wika natin.
Halimbawa: super typhoon
relief goods
spaghetti
pizza
Carbon dioxide
Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng
usapan.
Gumamit ng mga impormal na salitang balbal,
kolokyal at banyaga at salungguhitan ang mga
ito.
A. Makabagong paraan ng pag-aaral sa new
normal
B. Sitwasyon sa panahon ng enhance community
quarantine
C. Pakikipag ugnayan sa mga kaibigan sa
pamamagitan ng video chat
1. Ano ang napili mong paksa
para igawa ng usapan?
2. Bakit ito ang iyong napili?
3. Nahirapan ka bang gumamit
ng mga impormal na salita sa
paggawa mo ng usapan? Bakit?
Paano nakatutulong ang di-
pormal na antas ng wika sa pag-
unawa sa panitikang popular?
Sagot:
Nakatutulong ang paggamit ng di
pormal na wika sa pag-unawa ng
panitikang popular sa paamagitan
ng paggamit ng mga salitang
napapanahon at mga salitang
walang katumbas sa wikang
Filipino
Panuto:
Ihayag ng iyong natutuhang kasanayan na
maaaring magamit sa pang-araw-araw na buhay
sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa
ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano tinanggap at tatanggapin ng mga Pilipino
ang mga salitang impormal sa patuloy na pag-
unlad ng panahon?
2. Bilang mag-aaral, gaano kahalaga sa iyo ang
pag-alam sa mga salitang ito na naging bahagi na
ng ating pakikipagkomunikasyon?