•Paanong nakatutulong ang
paggamit ng mga makabagong
teknolohiya sa inyong buhay?
•Mayroon din kayang masamang
epektong naidudulot ang
paggamit ng makabagong
teknolohiya sa buhay ng mga
tao?
•Buksan ang aklat sa
pahina 331 at suriing
mabuti ang mga datos na
makikita sa nasabing
bahagi.
Mga Dapat Ipabatid Sa Mga Social
Media User
• Huwag garantisado na porket sikat sa socmed ay
malaki na rin ang tsansa na manalo sa eleksyon.
• Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na may
sariling smartphone. Ayon sa GFK, isang research
firm, nakapagtala ang Pilipinas ng 146% increase
sa sales ng smartphones mula April 2012 hanggang
March 2013.
• Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya
para sa Better Internet sa bansa unti-unti rin
namang bumababa ang halaga ang access sa
Internet.
• May dalawang level ng pagtuturo ng pagkamulat sa
wastong paggamit ng social media: para sa mga
indibidwal at pagtuturo sa institusyon.
• Ang mga tanong na ito ay kailangang isaalang-
alang :
1. Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook at ng
Instagram sa Vine?
2. Paano mag-sign-up ?
3. Paano mag-log-in?
4. Sa ano-anong device ito maaaring ma-access?
5. Paano i-download ang app?
6. Paano mag-post, mag-reply, at magcomment?
• Mahalagang tutukan ang content ng mga post.
• Mahalaga na tama pa rin ang Filipino at English
grammar. Hindi dapat jejemon para madaling
basahin.
• Ang post ay hindi dapat NAKA-CAPSLOCK dahil ang
pag-all caps sa Internet etiquette ay pagsigaw.
• Iwasan ding magkomento nang wala nang may
kinalaman sa mismong post.
• Huwag i-post nang i-post kung nasaan ka ngayon.
Halimbawa: Me atm @ SM Manila
• Huwag i-post ultimo maging ang iyong breakfast.
• Kailangang unawain na ang mga social media sites ay
may kanya-kanyang papel.
• Huwag masyadong post nang post ng inyong mga
selfies. Gaano mo kamahal ang sarili mo?
• Huwag din i-post ang mga pictures mo kasama ng mga
kaibigan sa timeline mo nang walang pahintulot mula
sa kanila.
• Gamitin ang espasyo ng socmed sa pagpapahayag at
pagmumulat ukol sa mga isyung panlipunan na
namamayani sa kasalukuyan. Nagiging espasyo ang
socmed hindi lang sa pagpapasingaw ng sariling danas
kundi maging sa mga nararamdamang pagkadismaya,
pagkatuwa at pagkalungkot sa mga nangyayari sa
lipunan.
•Ang socmed ay maaaring magamit
para sa pambansang layunin.
Nariyan ang mga #epalwatch,
#sumbongko ng Comelec, ang
#FOInow ng mgva nagsusulong ng
transparency sa gobyerno. Ang
#rescueph kapag may sakuna sa
ating bansa.
•Maging responsable sa pag-popost ng
impormasyon.
•Iwasang gumamit ng mga akda na
walang pahintulot sa mga sumulat nito.
Iwasan na maging fan ng cut-copy-
paste and edit technique.
•Maging mapanuri sa mga nababasang
post.
•Iwasang magpadala ng mensahe nang
paulit-ulit.
Talumpati
•Kilala bilang speech sa Ingles, ang
talumpati ay isang buod o kaisipan o
opinyon ng isang tao na ibinabahagi
sa pamamagitan ng pagsasalita sa
isang entablado o sa harap ng
maraming tao.
Ito ay may tatlong uri:
•Talumpating walang paghahanda
•Talumpating pabasa
•Talumpating pasaulo
Samantala, ang mga katangian naman nito ay
mahalagang pag-aralan upang mas lalong maintindihan
ang sining na ito. Heto ang mga halimbawa ng
katangian nito:
• Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang
layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig
• Ito rin ay nagpapahayag ng isang kaisipan sa paraang
maanyo.
• Ang talumpati ay isang uri ng akda na tumatalakay sa
napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin
sa harap ng madla na handang makinig .
• Ang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa.
Bukod rito, ang mga talumpati rin ay may iba’t-
ibang mga layunin depende sa kagustuhan ng
tagasalita. Ang isang talumpati ay maaaring
maging:
• Talumpati ng Pagpapakilala
• Talumpati na Nanghihikayat
•Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala
• Talumpati ng Pagsalubong
• Talumpati ng Pamamaalam