Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya?
Mahigit sa kalahati ng kabuuang populasyon ng daigdig, na umabot na
ngayon sa mahigit anim na bilyon, ay matatagpuan sa Asya.
Sa Asya umusbong ang pinakamatandang lungsod neolitiko sa daigdig,
ang Jericho sa Palestine at Catal Huyuk sa Turkey.
Sa Asya rin matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan gaya ng
Sumer sa Mesopotamia (ngayon ay Iraq); Harappa at Mohenjo-Daro sa
Indus (Pakistan ngayon); at Shang sa China.
Sa Asya rin umusbong ang mga dakilang relihiyon at pilosopiya
gaya ng Judaism, Kristiyanismo, Islam, Buddhism, Hinduism,
Confucianism, Taoism, Shinto at iba pa.
Matatagpuan sa Asya ang ilang mga industriyalisadong bansa at
maipagmamalaking arkitektura gaya ng Great Wall of China,Taj
Mahal sa India, Angkor Wat sa Cambodia,templo ng Borobudur
sa Indonesia, at Banaue Rice Terraces sa Pilipinas.
Hindi rin matatawaran ang kasaganaan ng rehiyon sa koleksyon
ng halaman,puno,hayop,kulisap,gayundin sa mineral,langis, at iba
pang likas na yaman.
Ayon sa mga ilang iskolar, maging ang konsepto ng mga
kontinente ay bukas sa mga interpretasyon. Ito ang dahilan
kung bakit maging ang larangan ng heograpiya ay
sinasabing hindi rin tahasang objective science o sangay ng
Agham na may 100% na katiyakang siyentipiko.
Ang paghahati sa mga teritoryo tungo sa mga kontinente at
ng mga kontinente tungo sa mga rehiyon ay depende sa
sariling pananaw ng geographer o sinumang may
kapangyarihan sa pagtatakda ng mga hangganan o
paghahating heograpikal.
•Latitude- distansyang angular na natutukoy sa hilaga at
timog ng ekwador.
•Longitude- distansyang angular na natutukoy sa silangan
at kanluran ng prime meridian.
•Ekwador-humahati sa globo sa hilaga at timog na
hemispero.
•Humigit kumulang 10⁰ timog
hanggang 90⁰ hilagang latitude at mula
11⁰ hanggang 175⁰ silangang longitude.
• batay sa tradisyon, ang hangganan ng
Asya sa hilaga ay mula sa paanan.
Activity:
1. Bakit mahalaga na pag-aralan ang Asya?
2. Bakit mahalaga na hatiin ang kontenenting
Asya batay sa rehiyon?
3. Anu- ano ang mga batayan sa paghahati
hati ng rehiyon sa Asya?