2. Panitikan Kahulugan
Nanggaling sa salitang "pang-titik-an"
na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang
"titik" naman ay nangunguhulugang
literatura (literature), na ang literatura
ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
3. Ang panitikan ay “bungang isip na isinatitik”.
Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng
katha na tumutulong sa wastong ikauunawa
ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito
rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga
karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa
masinining at makahulugang mga pahayag.
(Rufino Alejandro at Julian Pineda)
4. Para kay Arrogante, isang talaan ng
buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga
bagay na kaugnay ng napupuna niyang
kulay ng buhay at buhay sa kanyang
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito
ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan.
5. Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang
anumang anyo nasusulat sa anyo mang
patula/tuluyan sa isang particular na panahon.
Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at
Rubin ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa
paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at
damdamin ng manunulat.
6. Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag
ang lahat ng uri ng mga tala na kinasasalaminan ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang
kaniyang ginagalawan
Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay
pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t
ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa
pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang
kaluluwa sa Poong Lumikha.
7. Kahalagahan ng Panitikan
1. Upang makilala natin ang ating sarili
bilang Pilipino, at matalos natin ang ating
pinagyaman ng isip at ang angking talino ng
ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating
mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyonng siya nating ginawang sandigan
ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating
sa ating bansa.
8. 3.Upang matanto natin ang ating mga
kakulangan sa pagsulat ng panitikan
at makapagsanay na ito'y matuwid at
maayos.
4.Upang makilala at magamit natin
ang ating mga kakayahan sa pagsulat
at magsikap na ito'y malinang at
mapaunlad.
9. 5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong
nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang
pamamalasakit sa ating sariling
panitikan
10. Mga Nakakaimpluwensiya sa
Panitikan
1. Klima – may kinalaman sa pag-iisip
at pag-uugali ng tao.
2. Gawaing Pang-araw-araw – ang
hanapbuhay at mga tungkulin ng
karaniwang tao ay nagpapasok ng mga
salita at kakanyahan ng pagkukuro sa
wika at panitikan ng isang lahi o bansa.
11. 4. Kinatitirhan – ang kinatitirhang pook ng
isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng
panitikan.
5. Lipunan at Pulitika – mga ugaling pan-
lipunan at mga simulaing pampulitika at
pamahalaang nagdadala ng kahilingan at
kabihasnang napapasama sa panitikan ng
isang bansa.
12. 5. Relihiyon at Edukasyon – ang
tayog, lalim, at lawak ng isang
panitikan ay nakukuha rin sa
pananampalatayang dala ng
relihiyon at sa kabihasnan at
kalinangang naituturo ng pilosopiya
ngedukasyon ng bansa.
13. Mga Uri ng Panitikan
Para sa kathang-isip ay ginagamit ng mga manunulat ang kanilang
imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,
sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga
prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.
Para sa pangalawang uri ng panitikan o hindi kathang-isip,
bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang
kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit
dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga
pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakainganyang kuwento.
Kabilang sa mga hindi-bungang- isip na mga sulatin at babasahin ang
mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga
akdang pang-kasaysayan.
14. Anyo Ng Panitikan
Ang panitikan ay maaaring nakasulat at di–nakasulat. Ito ay
ipinapahayag sa anyo ng patula at tuluyan.
Patula – nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng
mga piling salita na maaaring mayroong sukat, tugma,
talinhaga o maaari din naming wala. Ang mga halimbawa ay
kasabihan, salawikain, bugtong, awiting-bayan at bulong.
Tuluyan – ito ay nasusulat nang malaya sa anyo ng mga talata
na karaniwang binubuo ng mga pangungusap.
15. Maikling Kwento
isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintilan o ekspresyon
lamang.
masining na anyo ng panitikan
isa rin itong panggagad ng realidad,
16. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
kinikilala ng mga dalubhasa na "ama
ng makabagong maikling kwento", ito
ang kanyang dipinisyon ng maikling
kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guni-guni na
salig sa buhay na aktuwal na naganap
o maaaring maganap".
17. Ayon naman kay Dinglasan (2005),
ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang nasa anyong tuluyan
at ito'y nabubuo sa pamamagitan ng
mga pangungusap at talata.
Nailalahad din dito ang isang
maselang suliranin ng pangunahing
tauhan.
18. Deogracias A. Rosario – Ama ng
maikling kwento sa Pilipinas.
Magasing Amarant at Forget me not
– sinasabing unang sumibol ang
isang sangay ng salaysay.
19. Kasaysayan ng Maikling Kwento
Panahon ng Katutubo
•Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon
bago pa man dumating ang mga kastila sa ating
kapuluan.
•Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga
kwentong bayan.
•Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.
•Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong
patuluyan.