1. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa
paghahating Heograpiko: Silangang Asya, Timog
Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at
Hilaga/Gitnang Asya. AP7HAS-la-1.1
2. 1. Naiisa-isa ang mga kontinente at lokasyon nito
sa mapa ng daigdig.
2. Natutukoy ang mga batayan sa paghahating
heograpiko ng mga rehiyon sa Asya.
3. Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng
hangganan ng mga rehiyon sa Asya.
4. Naipahahayag ang kahalagahan ng pagtukoy
sa hangganan ng isang rehiyon bansa.
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
4. Balita mo Ibida Mo!
Isulat sa papel ang nakalap na balita mula sa
napanood sa TV o napakinggan sa radyo.
5. PAUNANG PAGTATAYA
Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Sagutin
kung TAMA o MALI ang pahayag.
1. Ang Asya ay isa sa limang kontinente ng daigdig.
2. Matatagpuan ang Asya sa silangang bahagi ng
daigdig.
6. 3. Itinuturing na pinakamalaking kontinente ang Asya
na binubuo ng 20% ng kabuuang lupain ng daigdig.
4. Kabilang sa mga batayang tinitingnan sa
paghahating rehiyonal sa Asya ang kultural at
historikal na aspeto ng isang bansa o lupain.
5. Nahahati ang Asya sa walong rehiyon.
7. 1. Asya 4. Africa
2. Australia 5. Europe
3. Antartica 6. North America
7. South America
Mapa - Suri:
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Iguhit sa malinis na
papel ang iyong bersyon ng mapa ng daigdig. Lagyan ng
panandang bilang ang mga kontinente gamit ang mga
sumusunod:
9. 1. Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya?
2. Sa iyong palagay, ano ang naging batayan ng
mga eksperto sa paghahating ito ng kalupaan
sa ibabaw ng daigdig?
10. Hatiin Mo
Suriin ang talahanayan. Sa tulong ng mga datos na
nasa talahanayan, gumawa ng Pie Graph sa malinis na
papel. Kulayan ang bahaging sakop ng bawat kontinente
batay sa katumbas na kulay nito.
12. Asya Dilaw
Arica Pula
North America Orange
South America Kayumanggi
Antartica Puti
Europe Asul
Australia Berde
13. 1. Ano ang masasabi mo sa sukat ng mga
kontinente?
2. Kung pagsasamahin ang sukat ng bawat
kontinente, ano ang kabuoang sukat ng lupain
sa daigdig?
3. Alin ang kontinente na may pinakamalaking
sakop?
14. Teksto Suri
Basahin at unawain ang tekstong ‘‘Paghahating
Heograpikal sa Asya’’ sa batayang aklat sa ikalawang
taon, pahina lima hanggang siyam. (PIVOT SLM)
15. Ang Katangiang Pisikal ng Asya
Sa araling ito, pagtutuunan mo ng pansin ang
pag-aaral tungkol sa Asya na kinabibilangan ng
Pilipinas. Ang mga konsepto ng pagiging kontinente ng
Asya at ang katangiang pisikal nito ay mahalagang
bahagi ng pagtalakay sa araling ito. Simulan mo ang
paglalakbay sa kontinente ng Asya at sagutin ang mga
tanong na: Ano ang katangiang pisikal ng Asya bilang
isang kontinente? Ano ang batayan ng paghahati nito
sa limang rehiyon?
16. At paano nakaaapekto ang katangiang pisikal ng
Asya sa pamumuhay ng mga taong naninirahan
dito? Lahat ng ito ay masasagot sa pagbukas
mo ng mga pahina ng Aralin 1 na pinamagatang
“Katangiang Pisikal ng Asya”. Sa mga araling
ito, inaasahang matututuhan mo at
maipapaliwanag ang konsepto ng Asya
tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog- Asya,
Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya
.
18. Paksa: Ang Paghahating-Heograpikal ng Asya
Sa heograpiya, mahalagang maunawaan na ang
konsepto ng paghahating panrehiyon ay binuo lamang
ng tao batay sa pagkakapareho sa katangiang, pisikal,
historikal, at kultural. Gayunpaman, malaki ang
papel na ginagampanan ng pisikal na heograpiya sa
mga rehiyon na may pagkakaiba sa uri ng tirahan,
pananamit, pagkain, at sistema ng transportasyon. Ang mga
rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural
na mga sona.
19. Ibig sabihin, isinasaalang-alang sa paghahati ang
sumusunod na aspekto: pisikal, historikal, at kultural.
Batay sa mga salik na ito, nahahati sa limang rehiyon
ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at
Silangang Asya.
20. Ang sumusunod na mga talahanayan ay
nagpapakita ng rehiyunal na pagkakahati ng Asya, mga
bansang kabilang sa bawat rehiyon at mga kabisera nito.
23. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang
dating Soviet Central Asia (Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,
Uzbekistan, Georgia, Armenia), at Siberia.
Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia
o Inner Asia. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang
hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at
Europe. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo
(Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait),
Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar,
at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
24. Bahagi naman ng Timog Asya ang India,
mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at
Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at
Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka
at Maldives. Ang Timog- Silangang Asya ay
nakilala bilang Farther India at Little China dahil
sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa
kultura nito.
25. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-
regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar,
Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular
Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,
Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay
binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at
Taiwan.
26. Dagdag Kaalaman: Ang salitang heograpiya ay hango sa wikang Greek na geographia.
Ang geo ay nangangahulugang lupa sa- mantalang ang graphien ay sumulat.
Samakatwid, ang heograpi- ya ay nangangahulugang “sumulat ukol sa
lupa” o “paglalarawan ng mundo”
Ang Asya ay may tiyak na hangganan at ito ay
binubuo ng limang rehiyong heograpikal sa
kasalukuyan: Hilagang Asya, Timog Asya, Silangang
Asya, Kanlurang Asya, at Timog-Silangang Asya.
Isinasaalang-alang sa paghahati ng rehiyon ang
mga sumusunod na aspekto: pisikal, historikal, at kultural.
27. 1. Ano ang mga rehiyong bumubuo sa Asya? Sa
kabuuan, ilan ang rehiyon ng Asya?
2. Ano ang mga batayang ginamit at tinitingnan ng mga
iskolar sa paghahating ito sa Asya?
3. Bukod sa pisikal na aspeto, bakit nabibilang ang
historikal at kultural na aspeto bilang batayan ng
paghahati na ito sa Asya?
Pamprosesong Tanong:
28. Gamit ang checklist sa ibaba, Ilagay ang A kung ang
pangungusap ay angkop na paglalarawan sa Asya batay sa
mapa. Kung hindi ito angkop, IIagay ang D. Magkaroon ng
diskusyon kasama ang iyong katuwang. Gawin ito sa isang
malinis na papel.
Asya Ba?
30. 1. Naging mahalaga ba ang papel na ginampanan ng
mga heograpo sa paghahati na mga teritoryong
pangrehiyon? Patunayan.
2. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng mga
tao ang hangganan ng isang nasasakupan o teritoryo?
Bakit?
Pamprosesong Tanong:
31. Basahing mabuti ang talata. Suriing mabuti ang
mga salita may salungguhit pagkatapos ng mga
bilang. Palitan ng tamang sagot ang mga bilang na
may maling sagot.
PANAPOS NA PAGTATAYA
32. Ang Asya isa sa 1.) limang kontinente ng Daigdig. Ito ay
matatagpuan sa 2.) silangang bahagi ng Daigdig. Nasa 3.)
20% ng kabuuang lupain ng Daigdig ang nasasakop ng Asya
kaya itinuturing ito na pinakamalaki sa lahat. Dahil dito,
nagkaroon ng paghahating rehiyonal batay sa katagiang
pisikal, kultural, at 4.) historikal. Batay sa mga salik na ito, ang
Asya ay kasalukuyang nahahati sa 5.) walong rehiyon; ito ay
ang Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog, Asya, Silangang
Asya at ang Timog Silangang Asya.
33. Ang Asya ay _______________. Ito ay nahahati sa
______________ rehiyon ang ______________,
______________, ______________, ______________,
______________, _____________ at ang _____________.
Pagninilay