Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Holy roman empire
Holy roman empire
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 24 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Anzeige

MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA

  1. 1. Mga Pangyayari Bago ang Gitnang Panahon •Sa pagbagsak ng Imperyong Romano ay lumaganap ang kaguluhan sa Europa bunsod ng magkakaibang sistema at batas na ipinatutupad ng mga makapangyarihang kaharian,tribo, o pamayanan. •Naging malaki ang pakikilahok ng militar sa mga kampanya laban sa Dinastiyang Sasanid ng Persya noong ika-3 siglo. Dahil sa laki ng gastos para sa pagpapatakbo ng militar para sa pagkain,kagamitan, at pagsasanay. •Nagkaroon ng maraming tax collector o mambubuwis na nagpataw ng malaking buwis sa mga mamamayang romano bago ang ika-3 na siglo
  2. 2. •Pagkatapos ng paghahati ng kanluran at silangan Imperyo, Nagkaroon ng mabuting reporma para sa pamahalaan, ekonomiya, at militar sa loob ng kanlurang imperyo. •Isa ring mahalagang pangyayari sa panahong ito ang paglaganap ng Kristyanismo sa Europa mula ika-2 na Siglo hanggang sa ika-5 na Siglo. •Habang patuloy ang pagbabahagi ng mga turo ni Kristo sa Europa, lalo sa imperyong Romano, ang iba pang imperyo sa rehiyon ng Eurasia ay nagsimulang lumakas.
  3. 3. •Nakilala ang mga Hun bilang nomadikong pangkat na umusbong mula sa rehiyon ng Bulubunduking Caucasus at Gitnang asya. •Nakapagpatayo ng Kaharian malapit sa Dagat Caspian noong ika-1 na Siglo CE •Barbaro ang tawag sa ganitong uri ng pangkat, kung saan ang kanilang mga ritwal at tradisyon ay taliwas sa karaniwang kultura ng mga nasa Europa.
  4. 4. •Pagdating ng ika-4 na Siglo, nakipagdigmaan ang mga Romanong Byzantine laban sa iba pang tribong Visigoth na mula sa rehiyon ng Germany sa isang pook na malapit sa Dagat Baltic. •Sumali ang mga Hun sa digmaang nagsimula nong 376 CE hanggang 382 CE, ngunit natalo ang parehong Visigoth at Hun. Naghudyat ito sa mga susunod pang suliraning magpapabagsak sa Kanlurang Imperyong Romano. •Mula 376 CE hanggang 800 CE, nag simula ang malawakang pandarayuhan ng mga tribong barbaro mula sa loob na bahagi ng Europa hanggang sa Aprika sa loob ng mga maunlad na teritoryo ng mga imperyo
  5. 5. Ilan sa mga grupong ito ay •Mga Angle, Saxon, At Frank mula sa hilagang bahagi •Mga Goth tulad ng Visigoth at Ostragoth mula sa gitnang bahagi •Mga Vandal na galing sa Aprika •Mga Hun na galing sa silangan. •Ang panahon na ito ay tinawag na Panahon ng Pandarayuhan •Nagkaroon Ng malaking impluwensya sa pagbagsak ng Imperyong Romano.
  6. 6. Sinugod ng mga sumusunod na tribong barbaro at mga pinuno nito ang imperyo at nagpabagsak nito: •Visigoth sa ilalim ni Alaric I (395 CE hanggang 410 CE) na unang lumusob sa Roma ngunit nabawi ng mga Romano •Hun sa ilalim ng Attila the Hun (434 CE hanggang 453 CE), ang pinakakinatatakutan at pinakamakapangyarihang kalaban ng Imperyo Romano na sumakop sa Constantinople. •Vandal sa ilalim ng Gaiseric noong 455 CE.
  7. 7. •Romanus Augustus, ang kahuli-hulihang emperador na namuno mula 475 CE hanggang 476 CE. •Nagwakas na ang kanlurang imperyong Romano sa taong ito dahil ang pumalit kay Emperador Romulus ay isang Aleman na si Odoacer na nagtayo ng kaharian sa teritoryo ng Italya.
  8. 8. (476 CE hanggang 1000 CE)
  9. 9. Pagsisimula ng Gitnang Panahon (476 CE hanggang 1000 CE) •Pagkatapos bumagsak ng Kanlurang Imperyong Romano, nagkagulo sa lahat ng mga dati nitong nasasakupan dahil sa pananakot at pagmamalupit ng mga tribong mula sa iba’t ibang bahagi ng Europa dulot ng patuloy na pandarayuhan sa Europa sa Panahon ng Parandarayuhan. •Kasabay ng pagbagsak na ito ang pagbuo ng maraming mga pamamayanang may kaugnayan sa mga grupong ito na nandayuhan sa mga dating nasakop ng kanlurang Imperyo. •Samantalang sa silangang bahagi ng Europa ay nanatiling matibay dahil sa katiwasayan ng Imperyong Byzantine •Kasabay ng pamumuno ng mga Byzantine sa Europa ang pag-usbong ng iba’t ibang kaharian sa Europa tulad ng Kaharian ng Lombard ng Italya at ng Kahariang Frankish ng Pransya
  10. 10. Imperyong Byzantine (330 CE hanggang 1453 CE) •Nang maipaalis si Emperador Romanus sa kanyang puwesto, si Zeno the Isaurian ang umako ng pamumuno ng buong Imperyong Romano, at pinatanggal ang kanlurang Imperyo sa kanyang pamumuno nang ito ay masakop ni Odoacer. Siya ang umako sa pamumuno ng imperyong Byzantine mula 474 CE hanggang 475 CE, at mula 476 CE hanggang 491 CE. •Dumating ang kasukdulan ng kapangyarihan ng Imperyo sa panahon ng pamumuno ni Emperador Justinian I.
  11. 11. •Si Emperador Justinian I ay namuno sa pagbalik ng mga dating bahagi ng Kanlurang Imperyo sa pamumuno ng Byzantine. •Ilan sa kanyang mga pangunahing ambag sa imperyo ay ang pagpapalayas sa mga Vandal na namuno sa ilang bahagi ng kanlurang Europa, kasama ang Italya; ang pagsulat muli sa mga batas na Romano na nasa aklat na Corpus Juris Civilis; at ang paggawa ng mga malalaking proyekto na imprastraktura tulad ng Hagia Sophia, na naging simbahan ng Eastern Orthodox. •Naipatayo sa ilalim niya ang mga distrito sa Imperyo na tinatawag na duchy na pinamumunuan ng isang duke kung lalaki o duchess kung babae. •Sumunod sa kanyang pamumuno ang kanyang pamangkin na si Justin II nang mamatay siya noong 565 CE, pagkatapos ng 38 na taon.
  12. 12. •Dumating din ang panahon na ang mga Arabo mula sa rehiyon ng mesopotamia at Levant at sinakop ang Constantinople mula 674 CE hanggang 678 CE. •Si Constantine XI ang kahuli-huliang emperador ng Byzantine •Binansagan siyang “Marmol na Emperador” dahil sinasabing naging marmol siya pagkatapos niyang mamuno.
  13. 13. Kahariang Frankish (481 CE hanggang 843 CE) •Noong 481 ay nagkaroon ng pagkakataon si Clovis I, at nagawa niyang kunin ang mga tribong may kontrol sa Gaul, isang dating teritoryo ng Imperyong Romano. •Noong 687 CE ay napag-isa muli ni Pepin II ang sakop ng kahariang Frankish matapos itong hatian ng kanilang ama. •Noong 717 CE ay naipasa niya sa kanyang anak na si Charles Martel ang pamumuno at siya ay nanungkulan hanggang 741 CE. •Isa sa kanyang kontribusyon ay ang pagpapalawak ng sakop hanggang sa kanlurang Europa matapos magapi ang mga Arabong Muslim na nanirahan sa Espanya.
  14. 14. •Pinamunuan ng dinastiyang Merovingian ang Kahariang Frankish sa loob ng 270 na taon. •Si Clovis I ang kauna-unahang hari mula dito, at si Childeric III ang kahuli-hulihang hari nito na namuno mula 743 CE hanggang 751 CE. •Ang salitang “Frank” ay isang terminong ginamit ng mga taga silangang Europa Clovis I
  15. 15. •Nagsimula kay Haring Pepin ang panibagong dinastiya ng mga Carolingian. • Naibigay kay Haring Pepin ang pamagat na “emperador ng Imperyong Romano” dahil ito ay naibigay sa kanya ng Simbahang Katoliko sa Roma. • Pagkatapos ng kanyang pamumuno ay naisalin ang kanyang kapangyarihan bilang hari sa kanyang anak na si Charlemagne.
  16. 16. •Naging hari si Charlemagne noong 768 CE, at naging hari din sya ng teritoryo ng Italya noong 774 CE •“Ama ng Europa” at ang pinakaunang hari na nagpalawak ng impluwensyang Kanluranin sa Europa. •Namatay si Charlemagne noong 814 CE, at dahil dito ay nagsimulang humina ang monarkiya ng kahariang Frankish.
  17. 17. Kaharian ng Lombard (568 CE hanggang 774 CE) •Nabuo ang Kahariang Lombard sa Italya pagkatapos ng pamumuno ng Kanlurang Imperyo. •Si Alboin ang namuno sa kampanya na sakupin ang Italya at naging unang hari nito noong 568 CE. •Bumagsak sila sa kamay ni Charlemagne noong 774, ngunit naiwan nila ang mahalagang ambag sa Italya
  18. 18. Aspekto ng Ekonomiya sa Gitnang Panahon Pagsikat ng Piyudalismo •Isang sistemang politikal na may kinalaman sa pag-aari ng lupa. •Isa itong sistema kung saan nagbabahagi ng lupa ang may-ari nito sa snumang maglilingkod sa kanya. •Ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupa o panginoong may-lupa (landlord) ay kumuha ng kanilang sariling hukbo na inatawag na basalyo (vassal) na taong tatanggap ng lupa kapalit ang kanilang paglilingkod sa nagmamay-ari ng lupa.
  19. 19. Pamumuhay sa Manor •Ang pamumuhay ng mga tao sa panahong ito ay nakatuon sa Piyudalismo. •Ang mga panginoong may-lupa ay mayroong mga manor o pamayanan sa loob ng malaking lupa ng mga ito. •Ang mga magsasaka at manggagawa dito ay tinatawag na serf na kadalasan ay walang kalayaang lumipat ng manor
  20. 20. Ang Kastilyo •Naitayo sa maraming lugar sa Europa ang mga kastilyo na pinanirahan nila at ng kanilang pamilya Ito ay isang malawak na tahanan na parang isang palasyo na may matitibay na pader •Matataas at maraming palapag ang mga kastilyong ito.
  21. 21. Fair, Bangko at Salapi •Pag dating ng panahon ika-11 hanggang ika-12 na siglo, natutuhan ng mga makabagong paraan ng kalakalan ang mga mamamayan sa kanlurang Europa. •Naunang gumamit ng isang sistema ang pananalapi ang mga Lydian at Romano. •Tuwing sumosobra ang salaping mayroon ang mga mangangalakal at magsasaka ng mga pamayanan, idinadaan nila sa pag-iimbak nito o pagpapautang na may kalakip na interes para kumita pa ng mas malaki.
  22. 22. Ang Guild Aspektong Panlipunan sa Gitnang Panahon •Dumating na ang panahong umunlad nang labis ang agrikultura ng mga mamayanan sa mga manor, kaya ang ilan sa kanila ay hindi naging magsasaka. •Dahil sa mga fair, nabebenta ang kanilang mga produkto. •Ang bawat produkto na ginagawa ng mga tao ay mula sa isang guild.
  23. 23. Pagbuo ng Gitnang Uri o Bourgeoisie •Dahil sa napaka unlad na pamumuhay ng mga tao sa manor dulot ng fair, umusbong ang isang uri ng pangkat sa lipunan na nakinabang mula dito. •“Bourgeoisie” salitang Pranses na para sa mga “gitnang uri” •Nais ng mga bourgeoisie na maging malaya mula sa kontrol ng mga makapangyarihang panginoon na sakim pagdating sa pagbabayad ng renta ng kanilang lupa. Hari Panginoong may-lupa Basalyo(Hukbo) Mga malayang tao Serf at alipin

×